Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 24, 2022 891 0 Karen Eberts, USA
Makatawag ng Pansin

MGA BULONG

Nakikinig sa walang kibo, maliit na tinig na iyon…  

Ang mga bulong ay dumadating nang hindi inaasahan. Ang mga mahinang mga salitang iyon na matatagpuan sa isang aklat o nadinig mula sa isang kaibigan o mananalumpati na nagkrus sa ating landas sa tamang sandali—ang sandaling ang ating mga puso ay pinalad na madinig ang mga ito sa dalisay o natatanging paraan. Nangyayari ito tulad ng isang siklapb ng kidlat na dagliang tinatanglawan ang tanawin sa ibaba.

Kamakailan ay natawag ng aking pansin ang ganitong parirala, “Kapag hinalinhan mo ang paghuhusga ng pagkamausisa, ang lahat ay nagbabago.” Hmm…Napatigil ako upang isaalang-alang ang pangungusap. May katuturan! Sinanay kong palitan ang mga negatibong paniniwala ng mga positibong pagpapatibay at iba’t ibang Kasulatan sa paglipas ng mga taon, at nagbunga ito ng panibagong paraan ng pag-iisip. Tila may namana akong pagkahilig sa katumbalikan. Ang ugaling ito na nakita ko sa isa sa aking mga magulang habang lumalaki ay natanim sa aking isip, ngunit hindi ko ninais na maging ganuon. Ang nangyari, naakit ako sa mga kaibigang hindi madaling masiraan ng loob! Sila ay nagpakita ng isang mahalagang bagay na kakaiba sa aking karanasan, at naakit ako dito! Ang paghahanap ng ano mang mabuti sa kapwa ay ang pakay, ngunit ito ay lumawig pa sa paghahanap sa positibong bagay sa gitna ng mabigat na paghamon.

Ang buhay ay puno ng mga hadlang at hamon; alam iyon ng sinumang nabuhay nang gaano man katagsl sa mundong ito. Tinukoy ng Ebanghelyo ni San Juan si Jesus na nagsasalita ng katotohanang ito: “Nasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa mundong ito ikaw ay magkakaroon ng bagabag. Ngunit lakasan mo ang iyong loob! Napaglabanan ko ang mundo.” Nakikita natin ang Kanyang mga salita sa mga taong tulad ni Helen Keller, na sa kabila ng isang karamdamang nagdulot ng kanyang pagkabingi at pagkabulag, ay nagawa niyang ipahayag na “bagama’t ang mundo ay puno ng pagdurusa, ito ay puno din ng paggapi nito. Ang pag-asam ko sa mabuting hinaharap, kung gayon, ay hindi nakasalalay sa kawalan ng kasamaan, ngunit sa halip ay sa isang malugod na paniniwala sa kahigtan ng kabutihan at ng kusang pagsisikap na laging makipagtulungan sa mabuti, na ito ay manaig. Sinisikap kong dagdagan ang kapangyarihang ibinigay sa akin ng Diyos upang makita ang pinakamabuti sa lahat ng bagay at gawing bahagi ng aking buhay ang pinakamabuting iyon.”

Sa paglipas ng panahon, ang aking mga pagsisikap at ang biyaya ng Diyos ay naging daan na matugunan ang mga paghihirap sa pamamagitan ng dagliang pagtuon ng aking pansin sa ano mang maaari kong ipagpasalamat sa kabila ng hindi kanais-nais na mga pangyayari. Madaling mabitag sa “mabahong pag-iisip!” Kinakailangan ng pakay at lakas ng loob upang mapili nating mabago ang landas ng mga panloob at panlabas na pag-uusap palayo sa mga hinaing, pagpuna, at pagtuligsa! Madalas kong pagnilayan ang mga salitang ito na una kong nadinig noong bata pa ako: “Magpunla ng kaisipan, mag-ani ng kilos. Magpunla ng kilos, mag-ani ng gawi. Magpunla ng gawi, mag-ani ng pamumuhay. Magpunla ng pamumuhay, mag-ani ng kapalaran.”

Ang ating iniisip ang siyang pasimula ng ating ginagawa. Ang ginagawa natin nang paulit-ulit ay nagiging gawi. Ang ating mga gawi ang bumubuo ng ating pamumuhay. Ang ating pamumuhay, ang ating mga kagustuhan habang lumilipas ang panahon, ang syang humuhubog sa atin kung sino tayo. Hindi ako naniwala sa mga salitang ito nang dahil lamang sa may nagsabi nito. Kailangan lamang na dumalo sa mga libing at taimtin na makinig sa mga papuri para malaman ang katotohanang ito! Kung paanong namuhay ang Isang tao ay ang siyang nagpapasiya kung paano siya maaalala…o kung siya ay maaalala.

Dapat lang, ang maayos na pamumuhay ay nangangailangan ng madalas na pagmumuni-muni, gayundin ng pagsang-ayon na makibagay. Ngayon ay pinag-iisipan ko ang payo na ‘halinhan ang paghatol ng pagtatanong’. Madaming mga pagkakataon ang nakapaligid sa akin! Kung paanong sa nakaraan ay hindi ko ninais na mamuhay nang may negatibong pananaw, sa ngayon, ayaw ko ang mapanghusgang saloobin at gawin pang mas mahirap sundin ang utos ni Jesus na mahalin ang aking kapwa gaya ng aking sarili.

Natagpuan ko ang pagkakataon na halos kaagad na subukan ang bagong tugon na ito! Isang bagay na ibinahagi sa akin ng isang kaibigan nang sumunod na araw ang mabilis na naging isang paghuhusga tungkol sa ibang tao, at simbilis ng kidlat, natagpuan ko ang aking sarili na sumasang-ayon! Ngunit simbilis din na dumating ang bulong, “Kapag hinalinhan mo ang paghatol ng pag-usisa, lahat ay nagbabago.” Sa isang iglap, ang kagustuhan na maging mausisa kung bakit pinili ng taong iyon ang bagay na sa tingin naming dalawa ay napakadaling husgahan, isang makatwirang dahilan ang sumaisip sa akin! Totoo nga ito….ang pagiging matanong ay nakakapagbabago ng lahat. At kahit na hindi, mababago nito ako…hindi ba’t iyon ang layon sa simula pa?!

“Kung mababasa natin ang lihim na kasaysayan ng ating mga kaaway, ating matutunghayan sa buhay ng bawat tao ang lungkot at dusa sapat na upang maalis ang lahat ng poot.” – Henry Wadsworth Longfellow

 

 

 

Share:

Karen Eberts

Karen Eberts is a retired Physical Therapist. She is the mother to two young adults and lives with her husband Dan in Largo, Florida

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles