Home/Makatagpo/Article

Dec 24, 2022 434 0 Leah Darrow
Makatagpo

MULA BILANG ISANG TAMPOK NA MODELA HANGGANG SA ISANG HUWARAN

Isang natatanging panayam tungkol kay Leah Darrow—isang datihang kalahok sa America’s Next Top Model—na nagkaroon ng matinding karanasan ng pagbabalik-loob na di-akalaing binago ang kanyang buhay.

Ilahad mo sa Amin ang Pagpapalaki sa iyo?

Ako’y lumaki nang pangkaraniwan, naghahanap-buhay kasama ang mag-anak sa isang magandang kabukiran.  Wala kaming kapit-bahay; ngunit hindi ako nalulungkot dahil ang aking mga kapatid ay ang mga matatalik kong kaibigan.  Ang aking mga magulang ay ipinamahagi  ang kanilang matibay na pananalig na Katolika at pamimitagan sa Banal na Ina, dinadala kami Lingguhang Misa at nagdarasal ng Rosaryo kasama ang mag-anak bawa’t gabi.  Ngunit hindi ko nais na magbigay ng sapantaha na tulad kami ng mga bata ng Fatima.  Laging sinisikap ng mga magulang ko na mabigyang diin ang pananalig sa loob ng tahanan.

Yaon ay tunay na magandang pagpapalaki.  Ang mabuti at tapat na mga magulang ko ay mahal si Jesus nang  buong puso at magkasamang nagdarasal bawa’t araw.  Ang kanilang halimbawa ay naglatag ng matatag na saligan na nakatulong   nang muli sa aking buhay.  Sa kasawiang-palad, ito’y hindi ako napigil na malihis mula sa pananalig ko.  Noong ako’y nasa mataas na paaralan, ako’y nakagawa ng talagang hindi magagandang pasya na nauwi sa aking pagkawala ng kalinisang-puso sa ika-15 na gulang. Hindi talaga yaon ang kung ano ang inaakala namin.  Pagsasapanahon ay may-kinalaman.  Kapag ang gawa sa paraan ng pagbabahagi ng katawan natin sa iba ay hindi ukol sa layunin, ito’y nag-iiwan sa atin ng pandama na nakagagaping kahihiyan.  Yaon ay nanghimasok sa aking tanaw sa sarili bilang babae at niyayamot ako nang labis na sukat kong isinasantabi ang bawat  nagpapaalala sa akin na ako’y isang makasalanan.  Sa halip na pagsisihan at hingin ang awa ng Diyos upang ako’y makapagsimulang muli, sa pagbibigay sa Kanya ng lahat ng yaong sawing-palad na mga bahagi ng aking mga pasya, nakinig ako sa tinig ng kahihiyan at hinayaan itong idikta kung papaano ugitin ang aking buhay.

Mula noon, lumayo ako sa pananalig ko at sa pagsasagawa nito, bagama’t naniniwala pa rin akong ito’y totoo. Hindi ko lamang maisip na mayroong dako para sa akin sa Simbahan na nalalabi dahil inakala kong nabigo ko na ang lahat, lalo na ang aking mga matatapat na magulang na nagdulot sa akin ng lahat ng kabutihan.

Pinahintulutan ko ang kahihiyan na lubusang alisin ang kumpas ng Diyos sa buhay ko, at lumingon sa mundo para sa patutunguhan.  Mga babae sa ating kultura ngayon ay may maraming pananawagan na nagsasabi sa atin kung ano ang dapat nating gagawin, sino dapat tayo na maging, pati ang kung papaano tayo dapat na humantad.  Pinakinggan ko at tinanggap ang pandiwang payo mula sa kultura, sa halip na mula kay Kristo at ito’y humantong sa mga pagpipili na tahasang malayo sa Diyos at sa pananalig.

Paano Nakaakit ang Pagmomodela sa iyo?

Tayo ay namumuhay sa kultura na nahuhumaling sa kariktan nang may pagkabaligho.  Ngunit ito ang kariktan na hindi pangmatagalan.  Ito ay nasala, napilit at huwad.  Ang Diyos ang may-likha ng kagandahan.  Ngunit tayo’y minsanan lamang na lumingon sa Kanya upang matagpuan ito.  Nagapi na tayo ng kathaing, walang-saysay na salin.  Noong ako’y bata pa, naaalala ko pa ang pangingilig sa paglalakdaw ng mga páhina ng mga babasahin na ipinakikita ang mga babae mula sa mga pelikula at programa sa TV na may kaakit-akit na pamumuhay.  Hindi lamang ganda ang kanilang pinaglalako.  Ipinaglalako nila ang isang pamumuhay—ideyolohiya o ang paraan ng buhay, lalo na para sa mga babae, na nagsasabi na ang pamilya, kasal at mga bata ay tahasang lipas na, mga sagabal sa iyong mga mithiin na kaligayahan.  Ipinipiit nila na ang ligaya mo ay bumabatay sa mga panlabasang katangian lamang—ang iyong hantad, pananamit, hanap-buhay, katayuan…  Ikinalulungkot ko na ako’y nagapi ng yaong pamimingwit.  Ako’y nagsimulang magmodela sa murang gulang na inakay ako upang mapili sa paglahok sa ikatlong kapanahunan ng programang, America’s Next Top Model.  Ako’y tuwang-tuwa na mapili, ngunit hindi ako handa para sa nakabibiglang karanasan na maging nasa reality TV bilang palatuntunan na gumagawa ng dula sa pamamaraan ng panunuso sa mga kalahok at inilalathala ang mga bahagi nito na wala sa tamang pag-uugnay.  Nang matapos akong naalis sa bandang huli ng palabas, ipinasya ko na marapating gamitin ang pinaghirapan kong mataas na panagilirang-anyo  sa pagtahan sa New York upang ipagpatuloy ang aking karera.

Sa tagpong ito, tinalikdan ko ang aking pananampalataya nang mahigit-kumulang na sampung taon—hindi sumisimba, hindi tumatanggap ng mga sakramento at ni-hindi nagdarasal.  Madalamhati akong nangulila sa malalim at banal na pag-uugnay.  Ang kaluluwa ko ay pinananabikan Ito nang labis, ngunit ang mga gunita na nagbibigay ng kahihiyan ay pumigil sa akin, “Ikaw ay nagkamali noong higit na bata ka pa, at patuloy kang nagkakamali, kaya walang pag-asa para sa iyo.  Sumandal ka lamang sa bagong buhay na ito at gawin mo na lamang ang pinakamabuti.”  Kaya, yaon ang ginawa ko, tinitiis ang sakit sa aking puso na maaaring mahilom ni Jesus at sinisikap na palamutian ang pagiging patay na aking nadama sa looban.

Ikaw ay may pamumuhay na ang pinakamarami ay pinapanagimpan—bilang kaakit-akit na modela, kumikita ng maraming salapi habang ang larawan mo ay naliliwanagan sa Times Square at  hindi ka pa ba masaya?

Sa kaloob-looban, lubha akong hindi masaya, ngunit ako’y kataka-takang bihasa sa pagkukunwari habang nagmomodela ako. Sa totoo, ang buhay ko sa New York ay dahasang lumalala habang ako’y nakasisid sa pamumuhay na nakapagpapalayo.  Bawa’t bagay tungkol dito ay huwad, sumasalalay sa pamamaraan ng mga bagay na sinadyang maging masaya ka,  ngunit ipinasasahintulad lamang kung ano ang tunay na ligaya.  Wala akong nadama ni-tunay na kasiyahan o katahimikan at nadama kong magapi ng masidhing lumbay at kaisipang magpakamatay.

Kinakailangan ng buong giting upang iiwan ang isang bagay na malinaw na pinagdulutan mo ng maraming taon ng pagod.  Ano talaga ang nakapagsang-ayon sa iyo na lumakad nang palayo sa iyong karera ng pagmomodela?

Ang unang sagot ay ang biyaya ng Diyos na nagpalakas sa akin na gumawa ng magiting na pagpapasya upang lumayo sa lahat ng ito.  Ito’y nangyari sa gitna ng isang pagkukuha ng retrato.  Malinaw na narinig ko ang mga salita sa aking puso, “Nilikha kita para sa higit pa…”  At hindi ko na ito maisawalang-pansin.  Biglaang may sumiklab sa kaloob-looban ng aking budhi—isang bagay na sukdulang nakaligtaan ko na sa kailaliman ng aking kaluluwa.  Alam kong ito’y tinig ng katotohanan. Ito ang pinakamasahol na pagsasa-oras sa planeta upang ang isang uri ng banal na tagpo ay maganap.  Ngunit hindi ko na ito maisawalang-kibo.  Lumingon ako sa retratista at tumugon lamang, “Kinakailangan kong umalis…”  Bawa’t isa sa paligid ko na nasa sesyon ay natuliro.  Alam ko ang  iniisip nila, “Wala ka sa isip mo, o ikaw ay nagdadanas lamang ng kakaibang saglit.” Hinimok nila akong uminom laman ng kaunting tubig at bumalik, ngunit tumanggi ako.  Hinakot ko ang aking mga gamit at nilisan ko ang pagkukuha ng retrato at lumakad nang palayo sa yaong pamumuhay at patungo hanggang pauwi.

Ang unang ginawa ko ay tawagan ang aking ama upang pumunta at kunin ako bago ko mawala ang aking kaluluwa.  Ito ay isang tunay na pandiwa na pangkaisipan at pangkatawang pagmumulat. Ang Diyos ay nag-alay ng biyaya upang makita ang pamamaraan ng aking buhay kung ano talaga ito noong nakalipas, at ito’y gumuguho.  Ako’y matagal nang nagsisinungaling sa sarili ko na ang lahat ay nasa-ayos at ang buhay ko ay mainam, ngunit ito’y hindi.  Kaya ang biyaya na nagmula sa Diyos ang nakatulong sa aking paggawa ng magiting na pasya.  Bawa’t kapurihan ay sumasa-Kanya!

Binitiwan ng aking ama ang lahat at nakarating kaagad.  Ang pinaka-unang bagay na nais niyang gawin ay idala ako sa Kumpisal.  Inaalala ko sa pag-iisip, “Ang Simbahan ay hindi nais ang babaeng tulad ko.  Ito ay para lamang sa mga banal na taong nanatiling matatapat.”  Ngunit ang aking ama ay lumingon sa akin na nagsasabi, “Leah, tinawagan mo ako at ninais mong umuwi.  Naririto ako upang dalhin ka pauwi.  Si Jesus at ang Simbahang Katolika ay tahanang uwian.”  Sa tagpong yaon, napagtanto ko na siya’y tama.  Totoo ito, nakauwi na ako at ang Ama ay naghihintay na tanggapin akong muli.  Bago ko nilisan ang New York, inialay ko sa Diyos ang lahat ng aking naranasan at hiningi ko na tanggapin akong muli.  Yaon ay hindi madali, at hindi ko ito maipagkukunwari, at yaon ang nais Niya na gawin natin.  Lahat ay nais Niya, kabilang ang lahat ng nakaraang gulo.  Ang pagpasok ko ng kumpisalan ay ang unang hakbang sa aking daan pauwi sa pananalig na Katolika.

Matapos yaong Kumpisal, nadama ko nang tunay na ako’y nakauwi na—pabalik sa Simbahang Katolika.  Ako’y kusang nakipagsundo na nagsasabi, “Mainam, o Diyos, tama Ka, ako’y mali.  Pakitulungan Mo ako.”  Ipanagbago nitong muli ang tiwala at pandama sa aking sarili na, “Nais ko itong gawin.” Hindi na ako natatakot na sabihin, “Ako ay Kristiyano… ako ay Katoliko.”  Ninais kong magmukhang tulad ng Kristiyano, kumilos na tulad ng Kristiyano at mangusap na tulad ng Kristiyano.  Kaya, nang ako’y bumalik, pinagdulutan ko ng pag-iisip na ipagpanibagong-buhay at patibayin ang mga kabutihan na tinutulan ko sa paraan ng aking nakaraang mga makasalanang gawain.  Kinailangan kong maipagpanibago ang kalinisan sa aking buhay—patapangin ang loob, sabihin ang tama, at maging tapat.  Kinailangan kong maging mahinahon sa pagpapasya at magpairal ng pagpigil sa sarili at pagdadahan-dahan upang ang aking mga pagnanasa ay hindi ako malinlang, at sa gayo’y ako ang nakapagpipigil.  Yaan ang kung saan tayo tinatawag upang gawin bilang mga Kristiyano.

Sa mga sumunod na taon, ang Diyos ay naghandog ng mga pagkakataon para sa akin na manalumpati tungkol sa maayos na moda, kabutihan at kalinisan.  Sa una ay hindi ako tiyak na dapat ko itong gawin, ngunit nakama ako ng malumanay na paniniko mula sa Ispirito Santo.  Sa panahong yaon, ako’y namamasukan nang  karaniwang haba sa isang hanap-buhay na ginagamit ang antas ko sa kolehiyo, at ako’y walang ginagawang apostoliko.  Ang aking mga talakdaan ng pananalumpati ay marahang naragdagan at nang higit pa hanggang ito’y naging malinaw na ang Diyos ay tinatawag ako sa isang punuang-panahon na gawain.  At tumugon ako sa Diyos, “Idinala Mo ako nang ganito kalayo at tuluyan Mo akong aakayin nang higit na malayo.”  At ito’y Kanyang ginawa, nakapaglakbay ako sa daigdig upang ipamahagi ang pag-ibig at habag ng Diyos, at kung papaano tayo makagagawa ng lubusang pagpili na mamuhay sa kalinisan at pananalig.

Mailalahad mo ba sa amin ang iyong podcast, Lux initiative at ang lahat ng mga panukala na kasalukuyan mong isinasaayos?

Ang lahat ng ito’y tungkol sa pagdadala kay Kristo sa mga kababaihan kung nasaan sila.  Simulan natin sa podcast na ang tawag ay “Gumawa ng isang bagay na maganda”.  Madadakma mo ito mula sa anumang plataporma ng podcast.  Nakapapanayam ako ng sari-saring uri ng mga tao na makahihimok ng mga babae na gumawa ng isang bagay na maganda sa kanilang buhay sa pamamaraan ng pagtatalakay ng kung ano ang ating magagawa sa mundo para kay Kristo at sa iba.  Ang Tunay na Ganda ay ang aninag ng Ganda ng Diyos na may dalawang katangian—kabuuhan at kabanalan—pagiging buo ayon sa pagkalikha sa atin ni Kristo at pagsaalang-alang sa atin na maging, at nagsisikap din para sa kabanalan sa paraan ng pagsasabuhay ng mga kabutihang-asal.

Ang bagong pagkukusa ay ang Lux Catholic app—isang app na walang bayad para sa mga babaeng Katoliko na sa bawa’t gabi ay nagdarasal kami ng Rosaryo sa kinagawiang paraan  kasama ang mga babae sa palibot ng mundo.  Libu-libo nang mga babae ang nakasali sa amin upang magdasal ng Rosaryo para sa mga panalangin ng isa’t-isa, gumagawa ng isang taimtim na ugnayan sa katawan ni Kristo.

Ako’y patas na sabik na magbahagi tungkol sa aming bagong programa na ang tawag ay, “POWER MADE PERFECT”—ang kauna-unahang Catholic Personal Development Program!  Sa paghahatid ng pinakamainam na mga panariling pag-unlad at pag-uugnay ng lahat sa Banal na Kasulatan, kami ay halos handa nang simulan itong bagong pakikipagsapalaran na sumasalalay sa Kapangyarihan ni Kristo upang nakatulong sa pagbago ng mga buhay.

Kung ikaw ay pasubaybay na binabasa ang aking patotoo, dapat mong mabatid na kami rin ay nagdarasal para sa iyo.  Hindi ka nag-iisa. Kapag nadarama mong ikaw ay walang pag-asa, nais kong sabihan ka na si Kristo ay naririyan para iyo.  Gagawin Niya na mapalapit sa iyo—mapalapit sa Kanyang Banal na Puso.

 

 

 

Share:

Leah Darrow

Leah Darrow is a Catholic speaker, author, and entrepreneur dedicated to creating a beautiful sisterhood of incredible women through her speaking engagements, books, the Lux app and Lux university. She lives with her husband and 6 wonderful kids in Missouri. This article is based on the special interview she gave on the Shalom World program “Found.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles