Home/Makatawag ng Pansin/Article
Nakagigiliwan kong manood ng mga lumang palabas. Sa maraming nakaraang buwan, ako’y nakapanood na (o naulit ko nang dalawin) ang dami ng mga nakakikilabot na katha ni Alfred Hitchcock, mga balighong komedya mula sa mga nakaraang taon ng 1930 at 1940, at dalawang klasikong pelikula na may lagay ng kabiguan. Noong isang linggo, sa loob ng tatlong gabi, nagawa kong alpasan ang tatlong oras at apat-na-pung minuto (oo, tumpak ang iyong nabasa) ng salin ni Charlton Heston ng Sampung Mga Utos mula noong 1956. Nang may lugod, binigyan ko ng pansin ang gayong nakagigilalas na makulay na sining, ang mga damit na nakapangingibabaw, ang kahanga-hangang karaniwan na salitaang waring napagbantog ni Shakespeare, at ang may-kalabisang pagganap ng dula na, maaring sabihing, napakasama na napakaganda. Ngunit ang talagang nakapagbigay-pansin sa akin ay ang lubos na haba ng eksena. Pagkat kinakailangan sa manonood na may kamalayang higit sa pangkaraniwang pansin, nakamamanghang gunitain na ito ay mailap na bumantog, madaliang pinakamatagumpay na pelikula ng panahon. Itinantiya na, matapos maisaayos ang namimintog na bayad, ito’y kumita ng takilyang humigit-kumulang na dalawang-bilyong dolyares. Maaari pa rin ba na ang mga manonood ngayong araw, ipinagtataka ko, ay mapagtipunan ng tiyaga na kinakailangan upang makagawa ng pelikula tulad ng Sampung Mga Utos na kasing-bantog ngayong panahon? Ang tanong ay kusang-sagot para sa akin.
Ang pagsasalubong ng katakut-takot na haba at kabantugan ay nailagay ako sa paggunita ng mga ibang halimbawa ng ganitong pagkakasama mula sa kasaysayan ng kultura. Noong ikalabing-siyam na siglo, ang mga nobela ni Charles Dickens ay pinaghahanap-hanap na kahit na karaniwang katutubo ng London ay naghintay sa mahahabang pila para sa mga kabanata na inilathala nang baha-bahagi. At harapin natin: hindi karamihan ang nangyari sa mga nobela ni Dickens, na ibig kong sabihin ay napakaunting mga bagay ang lumaganap; walang mga pagsalakay ng taga-ibang planeta; walang masiglang mga pangungusap na binitiwan ng mga bayani bago nila nilipol ang mga masasamang tao. Sa karamihan ng bahagi, ang mga ito ay naglalaman ng mga mahabang salitaan ng mga kaakit-akit at kakaibang kathang-tao. Halos magkatulad ang masasabi sa mga nobela at kuwento ni Dostoevsky. Bagama’t talagang mayroong pagpatay ng tao at pagsisiyasat ng pulisya sa gitna ng masamang balak ng Mga Magkakapatid na Karamazov, para sa malawak na kahigtan ng yaong tanyag na nobela, nagsaayos si Dostoevsky ng iba’t-ibang kathang-tao sa mga silid-guhitan para sa sangkatutak na mga páhina ng salitaan na naglalaman ng mga pampulitika, pangkultura, at relihiyosong bagay. Kasabay ng kapanahunan na ito, si Abraham Lincoln at si Stephen Douglas ay nagsagupa sa serye ng mga pagtatalo hinggil sa nakayayamot na suliranin ng pang-aalipin sa Amerika. Nagsalita sila ng maraming oras sa isang tagpo—at sa malayog na matalinong kaugalian. Kung may duda kayo, mahahanap ninyo ang mga paksa sa makabagong pananaliksik. Ang kanilang mga manonood ay hindi mga matataas sa kultura o mga nag-aaral ng taliksikang pampulitika, bagkus ay karaniwang mga magsasaka ng estado ng Illinois, na nakatindig sa putik, na nagbigay ng punong pamimitagan, at pilit na pinakinggan ang hindi mapalakas na mga tinig ng mga mananalumpati. Masisimulan ba ninyong harayain kahit ang umpukan ng ating bayan ngayong araw na handang tumayo para sa maitutulad na haba ng panahon at makinig sa mga masalimuot na paggawad sa patakarang pampubliko—at sa bagay na ito, mailalarawan ba ninyo sa isip kahit sinong politiko na handa o kayang magsalita nang may kahabaan at kalaliman tulad ni Lincoln? Isang ulit pa, ang mga tanong ay kusang mga sagot.
Bakit itong mga paraan at ayos ng pagbibigay-alam ay ginugunita mula sa ibang kapanahunan? Dahil sa pagkakaiba ang atin ay tila may kahinaan! Tiyak kong naiintindihan ang halaga ng panlipunang medya at talagang ginagamit ko ang mga ito sa aking gawaing ebangheliko, ngunit kasabay nito, ako’y may hustong kamalayan kung paano na nila nabawasan ang haba ng ating pansin at kakayahan para sa may-kataasang uri ng pagbibigay-alam at tunay na pag-unlad patungo sa katotohanan. Ang Facebook, Instagram, YouTube, at lalo na ang Twitter ay mapagbihasa sa maparangyang mga balita, mga balighong pamagat, mga mabababaw na paglalarawan ng tayô ng mga katunggali, kagat ng tunog na kapalit ng pakikipagtatalo, at masamang-hangarin na pamamakata. Magsiyasat lamang sa mga lalagyan ng pampunang mensahe sa anumang mga web na ito, at daglian ninyong makikita ang ibig kong sabihin.
Ang itinatanging paraan sa panlipunang medya ay ang pagkuha ng isang kataga o kahit isang salita sa pakikipagtatalo ng isang tao, pagpihit nito na may kakaibang kabuluhan, at pagbigay ng pinakamasamang pahulugan na maaaring magkatotoo, at pagsaboy ng poot ng tao saan man sa internet. Bawa’t bagay ay kinakailangang mabilis, madaling mapaniwalaan, payak na maiintindihan, matibay na nalimbag–pagka’t kailangan nating makapindot nang madali sa ating web, at ito’y mundo ng aso-kakain-ng- kapwa-aso. Ang aking pinag-aalala ay ang buong salinlahi ay nakarating na nitong panahon na umaasa sa ganitong uri ng pahatiran at kaya sa kalawakan ay hindi kayang magpatawag ng tiyaga at pansin na kinakailangan para sa pagsagupaan ng masasalimuot na mga paksa. Napansin ko ito, maiba ako, sa aking halos dalawampung taon ng pagtuturo sa seminaryo. Sa dalawang mga yaong dekado, lalong naging mahirap para sa akin na hikayatin ang aking mga mag-aaral na magbasá, tulad ng sandaang páhina ng Mga Pagtatapat ni San Agustin o ng Ang Republika ni Plato. Lalo na itong mga kadaraang taon, sasabihin nila, “Padre, hindi ako makapagtipon ng ganoong kahabang pag-iisip.” Buweno, ang mga tagasuri ng mga pagtatalo nila Lincoln at Douglas, at pati ng mga mambabasa ni Dickens, at kahit pati ng mga tumapos ng palabas na Ang Sampung Mga Utos noong nakaraang mga labing-anim-na-pung-taon, ay nakapagbuntong ng ganoong pag-iisip.
Kaya upang hindi magwakas sa maputlaing paksa, pahintulutan ninyo akong ituon ang inyong pansin sa itunuturing kong isang hudyat ng pag-asa. Sa loob lamang ng dalawang taon, nagkaroon na ng panibagong takbo sa dako ng mga mahabang ayos ng kung tawagin ay podcast na nakatatawag-pansin sa napakaraming mga manonood na kabataan. Si Joe Rogan, na nangungunang taga-anyaya ng isa sa pinakabantog na mga palabas sa bansa, ay nagsasalita sa kanyang mga panauhin nang mahigit na tatlong oras, at siya ay nakakukuha ng milyong-milyon na pananaw. Sa nakaraang taon, ako’y lumabas na sa dalawang podcast kasama si Jordan Peterson, ang bawa’t-isa ay mahigit na dalawang oras at nagtatampok ng may-kataasang uri ng talumpati at kapwa nakaabot ng halos sangmilyon na mga pananaw .
Marahil na tayo ay nakapagbubuti na. Marahil na ang mga kabataan ay napunuan na ng naka-aalipustang mga kagat ng tunog at mababaw na walang katunayang talino. Upang mapasigla itong takbo, inaanyayahan ko kayong lahat na bawasan ang paggamit ng panlipunang medya—at maaaring damputin ang babasahing Mga Magkakapatid na Karamazov.
Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.
T – Ako’y laging napupuspos ng pag-aalala--tungkol sa pamilya ko, kalusugan ko, pananalaping katayuan ko, hanap-buhay ko. Kahit pati ang tungkol sa kung ako’y ligtas sa wakas o hindi ay ikinababalisa ko. Papaano ako makatatagpo ng kapayapaan ng puso sa lahat ng mga takot na ito? S – Makabuluhan na ang kasabihang “Huwag kang matakot” ay isinasaad nang 365 na ulit sa Bibliya—isa para sa bawa’t araw ng taon. Batid ng Diyos na kakailanganin natin ang pangkaarawang mga paalala na Siya ang namumuno at maihahabilin natin ang ating mga takot sa Kanya! Maaaring mahirap na paniwalaan na ang bawa’t tagpo sa ating buhay ay napasasakamay na ng isang lubusang mapagmahal na Diyos. Ngunit kapag titignan natin ang katapatan ng Diyos at hindi ang ating mga suliranin, biglaan nating mauunawaan kung paano makapagdadala Siya ng kabutihan na manggagaling sa bawa’t bagay. Bilang halimbawa, basahin mo ang mga Kasulatan at masdan kung paanong naging tapat ang Diyos sa dakilang mga bayani ng Bibliya! Sa Lumang Tipan, si Jose ay ipinagbili sa pagkaalipin sa Ehipto at itinapon sa bilangguan. Ngunit ipinagbago ng Diyos ang kapahamakan na ito bilang pagkakataon sa ikauna upang si Jose ay umalsa sa pamahalaan ng Ehipto at kasunod ay upang mailigtas ang kanyang mag-anak sa pagkakagutom na puminsala sa bayan. O, sa Bagong Tipan, si Pablo ay nabilanggo, at ang kanyang buhay ay pinagbantaan nang ilang ulit, at sa bawa’t ulit, ang Diyos ay sinagip siya mula sa kanyang mga kaaway. Masdan mo ang mga buhay ng mga santo—pinabayaan ba sila ni- minsan ng Diyos? Isipin mo si San Juan Bosco—maraming mga tao ang tumutugis sa buhay nitong banal na pari, ngunit sa bawa’t panahon ay naghandog ang Diyos ng kahima-himalang patnubay—isang malaking aso na kulay-abo ang nagpapakita sa bawa’t tagpo upang siya’y bantayan! Isipin mo si San Francisco, siya’y nabihag sa digmaan at nabilanggo nang isang taon—at ang yaong taon ay naging karanasan ng kanyang pagbabagong-loob. Isipin mo si Biyato Carlo Acutis, ang binatang namatay ng lukemya sa gulang na labinlima at papaano nakinabang ang Diyos sa dakilang kabutihan ng yaong maagang pagpanaw pagka’t milyon-milyong mga tao ay napukaw ng kanyang salaysay at halimbawa. Maisasabi ko sa iyo na ang aking pinakamagulong tagpo—noong ako’y pinaalis ng eskuwela at pinayuhang talikdan ang aking pangarap na pagpapari—ay nagwakas bilang isa sa mga pinakabiniyayaan at pinagpalang karanasan ng aking buhay, nang binuksan nito ang pintuan sa pagpapari, sa ibang higit na mabuting diyosesis na magagamit ko ang mga handog at mga biyayang naibigay sa akin para sa Kanyang luwalhati. Ito’y nasa pagbabalik-tanaw lamang na nabatid ko ang pakikipaglahok ng Diyos sa buhay ko. Ngunit ang mga paraan na pag-iingat ng Diyos at pag-akay nang higit na malapit sa Kanya noong nakaraan ay nagdulot sa akin ng tiwala na Siya na matapat noon ay magiging matapat sa kinabukasan. At ngayon, lumingon ka sa sarili mong buhay. Paano mo na nakita ang Diyos na pumapasaloob sa iyo? Pagtampulan mo kung ano ang ipinangako ng Diyos sa Kasulatan. Siya’y hindi nangako sa atin ng maginhawang buhay—Siya’y nangako na kailanma’y hindi Niya tayo pababayaan. Ipinangako Niya na “walang mata ang makakakita, walang tenga ang makaririnig ng ano ang inihanda ng Diyos sa mga nagmahal sa Kanya.” Siya’y ni-kailanma’y nangako na ang buhay ay mananatiling makinis, ngunit nangako Siya na “lahat ng mga bagay ay magsisilbi nang pangmatagalan para sa mga umiibig sa Kanya” (Romano 8:28). Ito ang mga pangako na maisakakatiwala natin ang ating mga buhay. Bilang wakas, idasal mo ang Litanya ng Buhay. Ang mga Sisters of Life sa Nuweba Yorka ay isinulat itong magandang litanya na nag-aanyaya sa atin na ihabilin natin ang ating mga pag-aalala sa Diyos. Isinasaad nito nang bahagya: Mula sa pag-aalala, iadya mo ako, Hesus. Mula sa mabagabag na pansariling paghahanap, iadya mo ako, Hesus. Mula sa pagkawalang-tiwala sa Iyong pag-ibig at Iyong pag-iral, iadya mo ako, Hesus. Patuloy mong idasal ang maikling panalangin: Hesus, nananalig ako sa Iyo! At mapupuno Niya ang iyong puso ng kapayapaang nakahihigit pa sa lahat ng katalinuhan.
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreQ – Bakit mga lalaki lang ang pwedeng maging pari? Hindi ba iyan nagdidiskrimina sa mga babae? A – Ang katawan ay may maraming bahagi, bawat isa ay may natatanging papel na dapat gampanan. Ang isang tainga ay hindi maaaring maging isang paa, at ang isang mata ay hindi dapat magnanais na maging isang kamay. Para gumana nang maayos ang buong katawan, ang bawat bahagi ay may mahalagang papel na dapat gampanan. Katulad din sa Katawan ni Kristo (ang Simbahan), maraming iba't iba at magagandang komplementaryong tungkulin na dapat gampanan! Hindi lahat ng tao ay tinawag para maging pari, ngunit lahat ay tinawag para maging mga banal sa kanilang sariling partikular na bokasyon. Ang pagkasaserdote ay nakalaan sa kalalakihan sa ilang kadahilanan. Una, si Jesus Mismo ay pumili lamang ng mga tao upang maging Kanyang mga Apostol. Ito ay hindi lamang dahil sa kultura ng panahon, gaya ng sinasabi ng ilan. Madalas nilalabag ni Jesus ang mga pamantayan sa kultura sa Kanyang pakikipag-ugnayan sa mga babae—Nakipagkulitan Siya sa babaeng Samaritana, tinanggap Niya ang mga babae sa Kanyang piling kasamahan, pinili Niya silang maging unang saksi sa Pagkabuhay na Mag-uli. Ipinagkaloob ni Jesus ang kahanga-hangang dignidad at karangalan sa mga kababaihan, tinatrato sila bilang pantay-pantay—ngunit hindi Niya sila pinili para sa natatanging tungkulin bilang Apostol. Maging ang Kanyang sariling ina na si Maria, na mas banal at mas tapat kaysa sa lahat ng iba pang mga Apostol, ay hindi pinili bilang isang Apostol. Ang mga Apostol ay ang mga unang obispo, at lahat ng mga pari at obispo ay maaaring matunton ang kanilang espirituwal na angkan sa mga Apostol. Ang pangalawang dahilan ay dahil kapag ang isang pari ay nagdiriwang ng mga Sakramento, siya ay nakatayo “in persona Christi” (sa katauhan ni Kristo). Hindi sinasabi ng isang pari, “Ito ang Katawan ni Kristo”—hindi, sabi niya, “Ito ang AKING Katawan”. Hindi niya sinasabing “Pinapatawad ka ni Kristo” kundi, “Pinapatawad kita.” Nanginginig ako, bilang isang pari, na kunin ang mga salita ni Kristo bilang sarili ko! Ngunit habang ang pari ay nakatayo sa katauhan ni Kristo na Katipan, na nagbibigay ng kanyang sarili sa Kanyang Katipan (ang Simbahan), nararapat na ang isang pari ay lalaki. Ang huling dahilan ay dahil sa pagkakasunud-sunod ng paglikha. Una nating nakita ang Diyos na lumikha ng mga bato at bituin at iba pang mga bagay na walang buhay. Maliit na bagay. Pagkatapos ay nilikha ng Diyos ang mga halaman—mayroon tayong buhay! Pagkatapos, nilikha ng Diyos ang mga hayop—buhay na gumagalaw at may kamalayan! Pagkatapos ay nilikha ng Diyos ang tao—buhay na ayon sa Kanyang larawan at wangis! Ngunit hindi pa tapos ang Diyos. Ang pinakamataas na punto ng Kanyang nilikha ay babae—ang perpektong salamin ng kagandahan, lambing, at pagmamahal ng Diyos. Ang isang babae lamang ang makapagbibigay ng buhay gaya ng ginagawa ng Diyos; ang isang babae ay nilikha upang maging pamanggit, dahil mahal ng Diyos ang relasyon. Kaya, masasabi ng isang tao na ang babae ang pinakatuktok na nilikha ng Diyos. Ang bokasyon ng pagkasaserdote ay nakasentro sa paglilingkod at pag-aalay ng buhay para sa kawan. Samakatuwid, hindi nararapat na maglingkod ang mga babae sa mga lalaki, bagkus para sa mga lalaki ang maglingkod sa mga babae. Ang mga lalaki ay nilikha upang ipagtanggol, protektahan, at tustusan ang iba—ang pagkasaserdote ay isang paraan kung paano niya isinasabuhay ang tungkuling iyon, habang ipinagtatanggol at pinoprotektahan niya ang mga kaluluwa mula sa Diyablo, at nagbibigay para sa Simbahan sa pamamagitan ng mga Sakramento. Ang isang pari ay dapat na nag-aalay ng kanyang buhay para sa mga kaluluwang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga! Isang modernong pagkakamali ang isipin na ang pamumuno ay katumbas ng kapangyarihan at pang-aapi. Dahil sa orihinal na kasalanan, madalas nating nakikitang inaabuso ng mga tao ang mga tungkulin ng pamumuno, ngunit sa Kaharian ng Diyos, ang mamuno ay paglilingkod. Sa liwanag na ito, ang pagkasaserdote ay isang tawag sa pagsasakripisyo, upang tularan si Kristo hanggang sa Krus. Ito ay isang natatanging papel na panlalaki. Hindi ito nangangahulugan na ang mga kababaihan ay pangalawang uri ng mga mamamayan sa Simbahan! Bagkus, ang kanilang tungkulin ay pantay ngunit magkaiba. Maraming magiting na kababaihan ang nag-alay ng kanilang buhay para kay Kristo bilang mga martir, birhen, dedikadong relihiyoso, mga misyonero, mga pinuno—sa kakaibang paraan na pambabae, nagdadala ng espirituwal na buhay, nag-aalaga ng mga relasyon, pinagkakaisa ang kanilang sarili kay Kristo na Nobyo. Napakagandang bagay na magkaroon ng napakaraming uri ngunit iba't ibang komplementaryong bokasyon sa Simbahan!
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreIsang espesyal na panayam kay Dr. Thomas D. Jones na nagpunta sa apat na magkakahiwalay na misyon ng sasakyang pangalanggang kasama ang NASA. Sa isa sa mga misyon na iyon, talagang nagawa niyang dalhin ang Eukaristiya! Sabihin mo sa amin kung ano ang pakiramdam na nasa kalawakan na nakatingin sa mga bituin at pabalik sa Mundo. Paano ito nakaapekto sa iyong pananampalataya kay Hesus? Upang matupad ang aking propesyonal na pangarap na lumipad sa Kalawakan, na inaasahan ng bawat astronaut, kinailangan kong maghintay ng halos 30 taon. Kaya ang aking unang paglipad ay ang pagsasakatuparan ng isang pangarap sa pagkabata. Ang pagtingin sa napakalawak na tanawin na ito ng kosmos na nakapalibot sa ating planeta, ay nagbigay sa akin ng pagkakataong isipin kung bakit ako naroon. Napaka-emosyonal na karanasan na tunay na makita ang hindi kapani-paniwalang kagandahan ng uniberso, at ang ating planetang tahanan sa lahat ng magagandang pagkakaiba-iba nito—talagang nakamamanghang. Nadama ko lang ang labis na pasasalamat sa Diyos para sa pagkakataong naroroon nang pisikal—nalulula sa Kanyang biyaya at Presensya. Kilala ka bilang isa sa mga astronaut na nagawang dalhin ang Eukaristiya sa kalawakan. Para sa ating lahat na mananampalataya, iyan ay nakaka-inspire. Maaari mo bang ibahagi ang buong karanasan? Ito ay tiyak na kamangha-mangha sa aming lahat na lumahok. Ang isang tao ay hindi maaaring pumunta kahit saan kasing layo ng espasyo at kalimutan ang tungkol sa iyong espirituwal na buhay. Pananampalataya ang tumulong sa akin na magtagumpay sa Mundo at ito ang parehong pananampalataya na inaasahan kong tulungan akong magtagumpay sa kalawakan. Sa aking unang paglipad noong 1994, sakay ng sasakyang pangalangaang , Endeavour, may dalawa pang Katolikong astronaut. Nang kami ay nagsama-sama upang maghanda para sa 11 araw na misyon, napag-usapan namin kung gaano kasarap dalhin ang Eukaristiya sa kalawakan. Kaya, dahil si Kevin Chilton, ang aming piloto sa paglipad, ay isang pambihirang ministro ng Banal na Komunyon, kami ay nakatanggap ng pahintulot mula sa aming pastor na dalhin ang Banal na Sakramento. Ang bawat sandali ng labing-isang araw na paglipad ay mahigpit na naka-iskedyul, ngunit ang aming Katolikong kumander, si Sid Gutierrez, ay nakahanap ng puwesto mga pitong araw, nang kami ay komportable sa takbo ng misyon, para sa isang sampung minutong serbisyo ng Komunyon. . Kaya, sa Linggo na iyon - ang aming ikalawang Linggo sa kalawakan - huminto kami sa lahat ng gawain ng misyon upang gumugol ng sampung minutong mag-isa sa sabungan kasama ang Diyos na ginawang posible ang lahat ng ito, at ibahagi ang Banal na Komunyon sa Kanya. Sa katunayan, ito ay isang pagkilala na hindi natin mararating ang puntong iyon kung wala ang Kanyang presensya sa atin. Talagang kasiya-siya na dalhin ang ating buhay-pananampalataya sa kalawakan at malaman na Siya ay naroroon, pisikal, kasama natin. Nahirapan ka na bang pagsamahin ang Agham at Pananampalatya? Maaari mo bang ipaliwanag ang kaugnayan ng agham at pananampalataya? Sa kabuuan ng aking propesyonal na karera, marami akong nakilalang mga siyentipiko na espirituwal, at mayroon silang sariling mga kasanayan sa pananampalataya. Dito mismo sa hilagang Virginia, nakilala ko ang ilang Katolikong siyentipiko at inhinyero sa sarili kong simbahan na may matibay na pananampalataya. Naniniwala sila sa Paglikha ng Diyos, at sa inspirasyon ng Bibliya kung paano natin naiintindihan ang uniberso. Sa tingin ko karamihan sa mga tao ay may ilang mga espirituwal na elemento sa kanilang buhay. May kilala akong mga astronaut na hindi pormal na relihiyoso, ngunit lahat sila ay naantig ng espirituwal na karanasan ng paglalakbay sa kalawakan. Kaya nalaman ko na karamihan sa mga tao ay bukas sa kung ano ang ibinubunyag ng uniberso at ng natural na mundo sa ating paligid kung paano natin naiintindihan ang Nilikha. Ang mga siyentipiko ay napaka-mausisa, tulad ng lahat ng tao, tungkol sa kalikasan ng uniberso at kung ano ang maaari nating malaman tungkol dito. Para sa akin, ito ay isang senyales na ang agham at espiritwalidad ay magkasabay. Ang ating pagkamausisa at interes sa kalikasan at kung paano ito gumagana, kung paano pinagsama-sama ang uniberso at kung paano ito nilikha—ang pag-uusisa na iyon ay ibinigay sa atin dahil tayo ay ginawa ayon sa pagkakahawig ng Diyos. Iyan ay bahagi ng Kanyang personalidad na ibinigay sa atin. Kaya sa tingin ko ang paghahanap na ito ng katotohanan tungkol sa natural na mundo ay bahagi ng ating likas na kalikasan bilang tao. Naniniwala ako na ang paghahanap ng kaalaman ay isang bagay na nagbibigay ng labis na kasiyahan sa Diyos—ang makita ang mga nilalang na Kanyang ginawa na naghahanap ng mga lihim kung paano Niya pinagsama-sama ang uniberso. Bale, hindi Niya sinusubukang ilihim ito. Nais niya lamang itong maipakita sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap, talino at pagkamausisa. Kaya, para sa akin, walang masyadong salungatan sa pagitan ng Agham at Kalikasan at Espirituwalidad. Sa tingin ko ang mga taong nagsisikap na paghiwalayin sila ay sinusubukang hatiin ang kalikasan ng tao sa isang makatwirang kalahati at kalahating espirituwal. Siyempre, hindi iyon magagawa. Ang isang tao ay isang tao na ang kalikasan ay hindi maaaring paghiwalayin. Sa iyong mga misyon sa kalawakan, nagagawa mo, sa maraming paraan, ang ehemplo ng tagumpay ng tao. Gumagawa ng isang bagay na talagang mahusay, ngunit nakatagpo pa rin ng isang bagay na higit na mas malaki sa kadakilaan—ang kaluwalhatian at ang kadakilaan ng nilikha ng Diyos...Ano kaya ang pakiramdam na marami kang nagawa, habang kinikilala pa rin ang iyong sariling kaliitan kumpara sa Diyos? Para sa akin, naging kristal ang lahat sa huling misyon ko. Tumutulong ako sa pagtatayo ng istasyon ng kalawakan, gumagawa ng tatlong paglalakad sa kalawakan upang mag-install ng science lab na tinatawag na Destiny. Malapit sa dulo ng aking huling lakad pangkalawakan , nasa labas ako sa pinakaharap na dulo ng istasyon ng pangkalawakan. Dahil nauna ako sa aming iskedyul ng trabaho, hinayaan ako ng Mission Control ng NASA na tumambay nang mga limang minuto doon. Sa pamamagitan ng paghawak sa harapan ng istasyon ng pangkalawakan gamit ang aking mga daliri, nagawa kong umikot sa paligid upang makita ko ang kalawakan ng kalawakan na nakapalibot sa akin. Tumingin ako sa Mundo, 220 milya diretso pababa sa aking bota hanggang sa malalim na asul ng Karagatang Pasipiko. Nakalutang ako doon na nakatingin sa abot-tanaw—isang libong milya ang layo--at pagkatapos ay ang walang katapusang, itim na kalangitan sa itaas ng aking ulo. Humigit-kumulang 100 talampakan sa itaas ko, ang istasyon ng kalawakan ay kumikinang na parang ginto na may sinag ng araw mula sa mga solar panel nito, habang tahimik kaming nahulog sa buong mundo nang magkasama. Ang kahanga-hangang tanawin na ito ay napakaganda na nagpaluha sa aking mga mata. Na-overwhelm ako sa pakiramdam na ito, 'Narito ako, isang lubos na sinanay na astronaut sa istasyon ng kalawakan na ito, na naglilibot sa Mundo, ngunit isa lang akong mahinang tao kumpara sa napakalawak na kosmos na ito.' Medyo hinila ng Diyos ang kurtina para sa akin, hinahayaan akong makita ang kahanga-hangang kalawakan sa personal na paraan. Naramdaman ko, "Oo, napakaespesyal mo dahil nakikita mo ang pananaw na ito", ngunit naalala ko kung gaano tayo kawalang-halaga sa malawak na uniberso na nilikha ng Diyos. Ang pakiramdam na mahalaga at pagpapakumbaba sa parehong oras ay isang regalo mula sa Diyos. Ito ay literal na nagpaluha sa aking mga mata habang ako ay nagpasalamat sa Panginoon, na nasasabik na ibahagi ang pananaw na ito sa Kanya. Napakakaunting tao ang nagkaroon ng karanasan at pribilehiyong makita ang Earth mula sa pananaw na iyon, at lahat ito ay salamat sa Kanya. Maraming kaguluhan sa mundo ngayon...maraming kadiliman at pagdurusa; ngunit kapag tiningnan mo ang mundo alinman mula sa napaka-natatanging vantage point na mayroon ka sa Pangkalawakan o ngayon sa iyong kasalukuyang estado ng buhay, ano ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa? Sa tingin ko kung ano ang nagbibigay-inspirasyon sa akin ay na tayo ay binigyan ng napaka-mausisa na isip ng Diyos. Mayroon kaming likas na pagkamausisa at ginawa kaming mga tagapag ayos ng problema at tagapag siyasatin . Kaya, sa kabila ng lahat ng hamon na dinaranas natin ngayon, ito man ay pandemya, o banta ng digmaan, o pagpapakain ng pitong bilyong tao sa buong mundo, mayroon tayong mga kakayahan na ibinigay sa atin at tinawag tayo gamitin ang mga ito upang malutas ang mga problemang ito. Mayroong isang malawak na uniberso doon, puno ng mga mapagkukunan. Hinahamon tayo nito, ngunit kung titingnan natin ang sistema ng solar at ang uniberso sa kabila ng ating tahanan, maraming bagay ang magagamit natin. Ang malalaking materyal na mapagkukunan sa Buwan at mga kalapit na asteroid ay maaaring makadagdag sa mga nakikita natin sa mundo. Mayroong napakalaking supply ng solar energy na maaaring kunin mula sa kalawakan at maipakita sa mundo upang tumulong na maibigay sa lahat ang kapangyarihan at kuryente na kailangan nila upang magtagumpay. Mayroon tayong kakayahan na itakwil ang mga masasamang asteroyd na madalas tumama sa Mundo at ang pumunta sa paraan ng mga dinosauro kung gagamitin namin ang mga kasanayan na nakuha namin at ilagay ang aming sarili sa gawain. Nabubuhay tayo sa isang mundo na naghihikayat sa atin na gamitin ang ating pagkamausisa at katalinuhan upang malutas ang mga problemang ito. Kaya't lubos akong umaasa na sa pamamagitan ng paglalapat ng ating mga kasanayan at ng teknolohiyang ating binuo, maaari tayong manatiling nangunguna sa lahat ng mga hamong ito. Tingnan ang bakuna na ginawa natin ngayong taon para labanan ang lasong galing sa inpeksyon. Iyon ay isang marka ng kung ano ang maaari nating gawin kapag inilagay natin ang ating isip sa isang bagay, kung ito ay paglalagay ng isang lalaki sa Buwan o pagpapadala sa unang babae sa Mars. Sa tingin ko, nasa mabuting kalagayan din tayo para sa hinaharap.
By: Dr. Thomas D Jones
MoreQ - Nagsisimula na akong magtaka kung ako kaya ay mag-aasawa pa. Wala akong makitang isang mabuting katipan na tapat kay Kristo. Paano ko makikita ang isang mabuting asawa sa hinaharap—at paano ko malalaman na siya na nga? A - Sa gawain ko sa mga kabataan, ito at nakita kong isang pangkaraniwang pakikibaka: kung paano makakahanap ng isang mabait, puno ng sampalataya, na mapapakasalan sa mundo ngayon. Lagi akong natatawa dahil, sa aking grupo ng kabataan, ang lahat ng mga babae ay dumadaing sa akin, "Walang mga mahusay na lalaki na nais kong maka-date!" At dumadaing ang mga lalaki, "Walang mga mahusay na babae na nais kong mai-date!" Minsan, pakiramdam ko'y ako na lang kaya ang maging tagapamagitan at pagtambaltambalin sila! Ang pinakamahusay na payo sa pakikipagtipan na nadinig ko ay mula sa isang pari na nagsabi, "Magsimulang habulin si Hesus. Kapag matagaltagal mo nang kahabulán si Jesus, lumingon ka sa paligid at tingnan kung sino ang kasabay mong tumatakbo. Iyon ang mga taong dapat mong i-date." Sa madaling salita, habulin mo muna si Kristo—at hanapin ang magiging asawa na humahabol din kay Cristo. Ngunit saan mo matatagpuan ang gayong asawa? Kadalasan, hindi sa bar — ngunit madaming mga lungsod ang may kahanga-hangang Katolikong grupo na pang-adulto kung saan ka maaaring makatagpo ng ibang mga taong taos-puso kay Kristo at sa paghahanap ng magiging asawa. Makihalubilo ka dahil tinitiyak ko na makikita mo ang mga taong pinag-iisipan ang tungkol sa pag-aasawa at naghahanap din na katulad mo. Kung wala kang lokal na grupong Katoliko, maaari kang magsimula ng isa o kaya ay maghanap ng iba pang mga adultong kabataan sa pamamagitan ng pagboluntaryo sa iyong parokya o iba pang mga pook ng kawanggawa. Ang sinumang kabataan na nagboboluntaryo ng kanilang oras ay malamang na ang kanilang pagpapahalaga ay nasa tamang lugar! Maaari ding makahanap ng mapapangasawa sa mga pahinarya sa pagtitipan na pangKatoliko. Nakilala ng aking kapatid ang kanyang asawa sa Catholicmatch.com, at may iba pa akong alam na kabataan na naging matagumpay sa online. Kapag nasa online, kailangan na maging tapat ka tungkol sa iyong pagkatao, at tiyakin na ang ka-online mo ay may pagpapahalaga na kahlin-tulad ng sa iyo (hindi bawat isa na nasa Katolikong pahinarya para sa pagtitipan ay taos-pusong Katoliko — ang ilan ay maaaring mas Katoliko sa "kultura" lamang kaysa sa pagiging tunay na Katoliko at taos-puso sa Panginoon). Ang mahusay na ugnayan ay kinakailangan na ang magpares ay may magkahalintulad na paniniwala sa ilan sa mga pangunahing bagay sa buhay (sampalataya, pera, mga anak, mag-anak), na kinalulugdan nila ang pagiging magkasama at ang mga magkatulad na gawain, at sempre, na sila at naaakit sa isa't isa. Kung ang mga bagay na ito ay nanduon — at nadadama mo ang presensya ng Banal na Espirito sa inyong ugnayan — duon mo malalaman na "siya na nga"! Hindi ako naniniwala na lumikha ang Diyos ng isa lamang na "pangkaluluwang kapareha" para sa bawat isa sa atin; sa halip, malamang madaming nilalang ang magiging tugma at masayang makakasama ng isang tao. Kung Ikaw ay panatag sa inyong pag-uugnayan, kung ito ay nakatuon kay Kristo, kung masaya kayong magkasama at ang inyong mga pagkatao at pagkawili ay tugma, malamang na natagpuan mo na ang taong tinatawag ng Dios para sa iyo upang pakasalan mo! Hindi pangkaraniwan na ang Diyos ay naglalagay ng karatula na nagsasabi, "Ito ang taong dapat mong pakasalan!" Sa halip, ang mga palatandaan na ibinibigay ng Diyos ay ang pagkakatugma sa inyong ugnayan at ang pagnanais ninyong matulungan ang isa't isa na makadating sa Langit.
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreAng pangunahing dahilan kung bakit ang mga kilusang pang karapatang pambayan noong dekada ng 1950's at 1960's ay naging matagumpay kapwa sa moral at praktikal dahil sa ito ay pinamunuan ng mga taong may matibay na kaalaman sa pangrelihiyon. Ang pinaka- kilala sa mga pinuno na ito ay, siyempre, si Martin Luther King. Upang mapahalagahan ang banayad na ginagampanan sa pagitan ng pangrelihiyon at ng kanyang mga praktikal na gawain, ibabaling ko ang inyong pansin sa dalawang paksa- Ito ay ang, kanyang Sulat mula sa Birmingham Bilangguan ng Lungsod at ang kanyang “Ako ay may Pangarap” na pagsasalita, kapwa mula sa 1963. Habang nakabilanggo sa Birmingham dahil sa pamumuno ng isang hindi marahas na protesta, tumugon si King para tiyakin sa ilang mga kapwa kristiyanong ministro na pinuna sa kanya sa kanyang pagmamadali na inaasahang pagbabago sa lipunan na hindi ito mangyayari sa magdamag. Sinagot ng ministro ng Baptist ang kanyang mga puna marahil sa isang nakakagulat na paraan, na humihingi ng tulong sa isang teologo ng Katolikong medyebal. Ibinaling ni King ang kanilang pansin sa mga pagmumuni-muni ni San Thomas Aquinas tungkol sa batas, partikular ang teorya ni Thomas na ang positibong batas ay makikita ang katwiran na may kaugnayan sa likas na batas, na makikita ang katwiran nito na may kaugnayan sa walang hanggang batas. Ang ibig sabihin ni Aquinas ay kung paano ito nagiging praktikal, ang pang araw-araw na batas na matuwid kahit papaano ay nagbibigay pahayag sa mga alituntunin ng batas ng moral, na siya namang sumasalamin sa sariling isip ng Diyos. Samakatuwid, pinagtibay ni King, ang hindi makatarungang mga positibong batas, tulad ng mga regulasyon ni Jim Crow na sinasalungat niya, at ang mga ito ay hindi lamang mga masasamang batas; kung hindi sila ay mga imoral at sa huli ay taliwas sa Diyos. Narito ang sariling wika ni King: "Maaaring may magtanong 'Paano mong itataguyod ang paglabag sa ilang mga batas at pagsunod sa iba? Ang sagot ay nakasalalay sa katotohanan na mayroong dalawang uri ng batas: makatarungan at hindi makatarungan. Ako ang unang magtataguyod sa pagsunod sa makatarungang batas. Bawat isa ay may pananagutan na sundin hindi lamang ang ligal kung hindi pati ang moral na batas. Ngunit pagkatapos ipinaalam ni King ang kaibahan ng pagsunod sa hindi makatarungang batas: "Sa kabaligtaran, bawat isa ay may moral na pananagutan sa pagsuway sa mga hindi makatarungang batas, Sumasang-ayon ako kay San Augustine na "ang hindi makatarungang batas ay walang batas sa kabuuan, bumaling siya kay Aquinas: Ano ngayon ang pagkakaiba ng dalawa? Paano matutukoy ng bawat isa kung ang batas ay makatarungan o hindi makatarungan? Ang makatarungang batas ay binabalangkas ng tao na may alituntunin na pumapanig sa batas ng moral o sa batas ng Diyos. Ang hindi makatarungang batas ay isang alituntunin na hindi naaayon sa batas ng moral. Upang malagay ito sa tuntunin ni San Thomas Aquinas: Ang hindi makatarungang batas ay isang batas ng tao na hindi nakaugat sa walang hanggan at likas na batas. Hindi ito banal na kinatawan; sa halip, inihayag nito kung ano ang dahilan at layunin ng kilusan ni King. Parehong pamamaraan ang nakalahad makalipas ang anim na buwan, nang harapin ni King ang makapal na tao na nagtitipon-tipon sa Lincoln Memorial para mag martsa sa Washington. Hindi siya nagbigay ng pangaral. Siya ay nagtalumpati ng pang pulitikang nagsusulong sa pampublikong lugar para sa lipunang pagbabago. Ngunit alalahanin ang ilan sa wika na ginamit niya:"May panaginip ako na isang araw ang bawat lambak ay itataas, at ang bawat burol at bundok ay ibababa, ang magulong lugar ay magiging payak, at ang mga baluktot na lugar ay magiging tuwid; 'At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag kasama ang kanyang buong pagkatao.''' Direkta niyang iniuugnay ang rebolusyong panlipunan na itinataguyod niya sa mahiwagang pangitain ng propetang ISAIAS. At pakinggan ang kahanga-hangang pagtatapos ng kanyang talumpati na kung saan masining niyang pinagsama ang mga titik ng isang awit na makabayan ng Amerikano sa mga titik ng isang awit na kinakanta niya kasama ang kanyang pamilya sa kanilang simbahan: "At kapag nangyari ito, at pinayagan natin ang sirkulo ng kalayaan, kung hayaan natin ang sirkulo mula sa bawat bayan at bawat nayon, mula sa bawat estado at bawat Hudyo at mga Hintil, Protestante, at mga Katoliko, ay magagawang magkakahawak kamay na kumanta ng mga lumang salita ng espiritwal na Negro: Malaya na sa wakas! Malaya na sa wakas! Salamat Panginoon na Makapangyarihan, kami ay malaya na sa wakas!"Minsan pa, sa salita ni King, ang mga pampulitikang pugad sa loob ng moral, kung saan namumugad sa loob ng sagrado. Si Martin Luther King ay nagmula sa kanyang relihiyosong pamana hindi lamang sa mga metapisiko na nagpapaalam sa kanyang pagiging aktibo sa lipunan, kungdi pati na rin ang hindi marahas na pamamaraan na kanyang ipinatupad. Ang isiniwalat ni Jesus sa retorika ng Sermon sa Bundok ("Mahalin mo ang iyong mga kaaway;"Pagpalain mo ang mga sumumpa sa iyo, Ipanalangin mo ang mga taong nagpapahamak sa iyo;" pag sinampal ka sa kaliwang pisngi, ibigay mo pati ang kabilang pisngi;''iba pa;" atbp.) at higit na kapansin-pansin sa kanyang salitang kapatawaran mula sa krus ay ang paraan ng Diyos patungo sa kapayapaan, walang karahasan, at mahabagin. Bilang isang Kristiyano, alam ni King na nasa kanyang mga buto ang pagtugon sa pang-aapi na may karahasan ay magpapalala lamang sa mga tensyon sa loob ng lipunan. Binuo niya ang alituntuning ito sa kanyang isang kilalang pangaral:"Ang pagbabalik ng poot sa poot, ay nagpapadami ng poot, pagdaragdag ng mas malalim na kadiliman sa isang gabi na wala ng bituin. Hindi maitataboy ng kadiliman ang kadiliman; tanging ilaw lang ang makagagawa nito. Ang poot ay hindi maaaring magtaboy ng poot; tanging pag-ibig lamang ang makagagawa nito." Sa loob ng mga limitasyon ng maikling artikulong ito, Hindi ko masimulan ng maayos ang pagtugon sa kaguluhan sa lipunan na nagaganap sa ating kultura ngayon. Ngunit sasabihin ko lang ito: Maliwanag at walang alinlangan na may malubhang kakulangan sa moral sa ating lipunan na dapat talakayin, ngunit ang pinakamahusay na paraan upang gawin ito ay sa loob ng moral at sa huli ay ang relihiyosong balangkas. Sana ang pamumuno ni Martin Luther King sa bagay na ito ay maging modelo at gabay.
By: Bishop Robert Barron
MoreAng bago kong bayani ay si Madre Alfred Moes. Napagtanto ko na hindi siya isang pangalang pambahay, kahit na sa mga Katoliko, ngunit siya ay dapat lang. Dumating siya sa aking iskrin ng radar nuon lamang matapos na ako'y maging Obispo ng Diocese ng Winona-Rochester, kung saan ginawa ni Madre Alfred ang karamihan ng kanyang gawain at kung saan siya nakalibing. Sa kanya ay isang kuwento ng kahanga-hangang katapangan, pananampalataya, tiyaga, at lubos na kaliksihan. Maniwala ka sa akin, kapag nakuha mo ang mga detalye ng kanyang mga pakikipagsapalaran, mapapaalalahanan ka ng ilan pang ibang masinop na mga Katolikong Madre: sina Cabrini, Teresa, Drexel, at Angelica, para pangalanan ang ilan. Si Madre Alfred ay isinilang na Maria Catherine Moes sa Luxembourg noong 1828. Nang bata pa, siya ay nabighani sa posibilidad na makagawa ng gawaing misyonero sa mga katutubo ng North America. Alinsunod dito, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid na babae sa New World noong 1851. Una, sumali siya sa School Sisters of Notre Dame sa Milwaukee ngunit matapos nito ay lumipat sa Holy Cross Sisters sa La Porte, Indiana, isang grupo na nauugnay kay Padre Sorin, CSC, ang may tatag ng Unibersidad ng Notre Dame. Matapos makipagbanggaan sa kanyang mga superyor—manapa'y pinagkaugaliang pangyayari para sa walang takot at mapanalig na babaeng ito—nagtungo siya sa Joliet, Illinois, kung saan siya ay naging superyor ng isang bagong kongregasyon ng mga kapatid na Franciscan, at inako ang pangalang 'Madre Alfred.' Nang si Obispo Foley ng Chicago ay nagdtangkang makialam sa pananalapi at mga proyekto sa pagtatayo ng kanyang komunidad, siya ay lumisan para sa mas mainam na pastulan patungo sa Minnesota kung saan siya ay tinanggap ng dakilang Arsobispo Ireland at pinahintulutang magtatag ng isang paaralan sa Rochester. Sa maliit na bayan na iyon sa katimugang Minnesota nagsimula ang Diyos na mabisang magsagawa sa pamamagitan niya. Noong 1883, isang kakila-kilabot na buhawi ang dumaluhong sa Rochester, na ikinamatay ng madami at nag-iwan ng madami pang nawalan ng tirahan at nagdarahop. Isang lokal na doktor, si William Worrall Mayo, ang umako ng tungkuling pangalagaan ang mga biktima ng sakuna. Dahil sa dami ng nasugatan, nanawagan siya sa mga kapatid ni Madre Alfred na tulungan siya. Bagamat sila ay mga guro at hindi mga nars at walang maayos na pagsasanay sa medisina, tinanggap nila ang misyon. Sa kaganapan ng malaking kapinsalaan, mahinahong ipinaalam ni Madre kay Doktor Mayo na nagkaroon siya ng pangitain na ang isang ay dapat itayo sa Rochester, hindi lamang para pagsilbihan ang lokal na komunidad na iyon, kundi ang buong mundo. Gitla sa hindi makatotohanang panukalang ito, sinabi ni Doktor Mayo kay Madre na kakailanganin niyang makalikom ng $40,000 (isang napakalaking halaga nang panahong iyon) upang makapagtayo ng gayong pasilidad. Sinabi naman niya sa doktor na kung makalikom siya ng pondo at makapagpatayo ng ospital, inaasahan niyang siya at ang kanyang dalawang anak na manggagamot ang magpapatakbo sa lugar. Sa loob ng maikling panahon, nakuha niya ang pera, at naitatag ang Saint Mary's Hospital. Tiyak kong naisip mo na, ito ang binhi kung saan tutubo ang makapangyarihang Mayo Clinic, isang sistema ng ospital na sa katunayan, tulad ng inakala ni Madre Alfred noong unang panahon, na nagsisilbi sa buong mundo. Ang matapang na madre na ito ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang tagabuo, tagapag-ayos, at tagapangasiwa, hindi lamang ng ospital na kanyang itinatag, kundi ng ilang iba pang mga institusyon sa timog Minnesota hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899 sa edad na pitumpu't isa. Ilang linggo lamang ang nakalipas, nagsulat ako tungkol sa matinding pangangailangan ng mga pari sa aming diyosesis, at hinikayat ko ang lahat na maging bahagi ng isang misyon upang madagdagan ang mga bokasyon sa pagkapari. Laman si Madre Alfred sa isipan maaari ko kayang gamitin ang pagkakataon ngayon upang magtawag ng higit pang bokasyon sa relihiyosong buhay ng kababaihan? Sa anumang dahilan ang huling tatlong henerasyon ng kababaihan ay tila nakagawian nang pagmasdan ang buhay-relihiyoso na hindi karapatdapat pag-ukulan ng kanilang pansin. Bumaba ang bilang ng mga madre mula noong Ikalawang Konseho ng Vaticano, at karamihan sa mga Katoliko, kapag tinanong tungkol dito, ay malamang magsasabi na ang pagiging isang relihiyosong babae ay hindi mangyayari sa ating pemenista na panahon. Kalokohan! Iniwan ni Madre Alfred ang kanyang tahanan nang siya ay napakabata pa, tumawid ng karagatan patungo sa ibang lupain, naging relihiyosa, sinunod ang kanyang mga udyok at sense of mission, kahit na ito ay nagdala sa kanya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang nakatataas, kabilang ang ilang mga obispo, ay nagbigay inspirasyon kay Doctor Mayo na magtatag ng kahanga-hangang medikal center sa planeta, at pinangunahan ang pagbuo ng isang orden ng mga madre na nagpatuloy sa pagtatayo at mga kawani ng madaming institusyon ng pagpapagaling at pagtuturo. Siya ay isang babaeng may pambihirang katalinuhan, kasigasigan, simbuyo ng damdamin, katapangan, at pagiging malikhain. Kung may nagmungkahi sa kanya na siya ay namumuhay nang hindi naaayon sa kanyang mga talino o sa ilalim ng kanyang dignidad, nakikinita ko ay magkakatanggap siya ng ilang mga piling salita bilang tugon. Naghahanap ka ba ng feminist hero? Sa iyo na si Gloria Steinem; sa akin na si Madre Alfred anumang araw ng linggo. Kaya, kung may kilala kang kabataang babae na magiging mahusay na relihiyoso, na puno ng katalinuhan, lakas, pagkamalikhain, at kasigasigan, ibahagi sa kanya ang kuwento ni Madre Alfred Moes. At sabihin sa kanya na maaari niyang hangarin ang mismong uri ng kabayanihan.
By: Bishop Robert Barron
MoreAno ang gagawin mo kapag may kumatok sa iyong pintuan? Paano kung ang estranghero ay hindi naging madaling tao? Binibigkas niya ang kanyang pangalan nang may diin, sa Espanyol, na may tiyak na pagmamalaki at dignidad, kaya maaalala mo kung sino siya—Jose Luis Sandoval Castro. Napunta siya sa aming pintuan sa Saint Edward Simbahang Katoliko sa Stockton, California, noong Linggo ng gabi nang ipinagdiriwang namin ang araw ng aming patron. May nagbaba sa kanya sa aming medyo mahirap, may mabuting trabaho na kapitbahayan. Ang musika at ang karamihan ng mga tao ay tila umakit sa kanya na parang magneto papunta sa aming parokya. Paglalahad ng Katotohanan Siya ay isang taong may misteryosong pinagmulan—hindi namin alam kung paano siya nakarating sa simbahan, lalo na kung sino at nasaan ang kanyang pamilya. Ang alam lang namin siya ay 76 taong gulang, may salamin sa mata, nakasuot ng mapusyaw na kulay, na tsaleko, at hinihila ang kanyang bagahe gamit ang kamay. May dala siyang dokumento mula sa Serbisyo sa Imigrasyon at Naturalisasyon na nagbibigay sa kanya ng pahintulot na makapasok sa bansa mula sa Mexico. Nanakawan siya ng kanyang mga personal na dokumento at wala siyang dalang ibang pagkakakilanlan. Nagsimula kaming alamin at tuklasin kung sino si Jose Luis, ang kanyang pinagmulan, ang kanyang mga kamag-anak, at kung mayroon silang anumang pakikipag-ugnayan sa kanya. Siya ay nagmula sa bayan ng Los Mochis sa estado ng Sinaloa, Mexico. Galit, kataksilan, at makalason ang lumabas sa kanyang bibig. Sinabi niya na inalisan siya ng kanyang mga kamag-anak at ninakawan ng kanyang pensiyon sa Estados Unidos, kung saan siya ay nagtrabaho nang maraming taon, habang siya ay pabalik-balik sa Mexico. Sinabi ng mga kamag-anak na aming nakausap na sinubukan nilang tulungan siya sa iba't ibang pagkakataon, ngunit tinawag niya silang mga magnanakaw. Sino ba ang aming paniniwalaan? Ang alam lang namin ay mayroon kaming isang pagala-galang, regular na palaboy mula sa Mexico sa aming mga kamay, at hindi namin siya maaaring talikuran o ilagay ang matandang, mahinang lalaki sa kalye. Walang pakialam, walang kabuluhan, isang kamag-anak ang nagsabi: “Hayaan nyo siyang mag-isang buhayin ang sarili sa mga lansangan.” Siya ay isang taong madaldal, matapang, at masungit, ngunit paulit-ulit siyang nagpapakita ng mga palatandaan ng kahinaan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, at halos mapaiyak siya habang ikinukwento niya kung paano siya ginawan ng masama at pinagtaksilan ng mga tao. Parang tanging nag-iisa na lang siya, iniwanan ng iba. Ang totoo—hindi siya madaling tulungan. Siya ay makulit, matigas ang ulo, at mapagmataas. Ang oatmeal ay masyadong makunat o hindi sapat na makinis, ang kape ay masyadong mapait at kulang sa tamis. Nakakahanap siya ng mali sa lahat. Siya ay isang tao na may napakalaking pitsa sa kanyang mga balikat, galit at bigo sa buhay. "Ang mga tao ay masama at salbahe, sasaktan ka nila," hinaing niya. Sa ganyan ang ganti ko meron ding “Mababait na tao” (mabubuting tao) din. Siya ay nasa arena ng mundo kung saan ang mabuti at masama ay nagsasalubong, kung saan ang mga taong may kabutihan at kabaitan ay naghahalo, tulad ng trigo at ipa ng Ebanghelyo. Higit pa sa isang Malugod na Pagtanggap Anuman ang kanyang mga depekto, anuman ang kanyang saloobin o ang kanyang nakaraan, alam naming dapat namin siyang tanggapin at tulungan bilang isa sa pinakamababa sa mga kapatid ni Jesus. "Nang tinanggap mo ang estranghero, tinanggap mo ako." Kami ay nagmiministeryo kay Hesus mismo, binubuksan ang mga pintuan ng mabuting pakikitungo sa kanya. Si Lalo Lopez, isa sa aming mga parokyano na nagsama sa kanya para sa isang gabi, ay ipinakilala siya sa kanyang pamilya, at dinala siya sa laro ng besbol ng kanyang anak, ay nagsabi: “Sinusubukan tayo ng Diyos upang makita kung gaano tayo kabuti at sa pagiging masunurin, bilang Kanyang mga anak.” Sa loob ng ilang araw, inilagay namin siya sa tirahan ng kura. Nanghihina siya, dumudura ng plema tuwing umaga. Halatang hindi na siya makagala at malayang magpalaboy gaya ng nakasanayan niyang gawin noong kabataan niya. Siya ay may mataas na presyon ng dugo, higit sa 200. Sa isang pagbisita sa Stockton, sinabi niya na siya ay nahampas sa likod ng leeg malapit sa isang simbahan sa bayan. Sinabi ng isang anak na lalaki sa Culiacan, Mexico, na "binuo niya ako" at hindi niya talaga siya kilala bilang kanyang ama, dahil hindi siya kailanman nakasama, palaging naglalakbay, patungo sa El Norte. Ang kwento ng kanyang buhay ay nagsimulang sumiwalat. Nagtrabaho siya sa bukid, nag-aani ng mga cherry, maraming taon na ang nakalilipas. Nagbenta rin siya ng ice cream sa harap ng isang lokal na simbahan ilang taon na ang nakararaan. Siya ay, parang upang banggitin ang klasikong kanta ni Bob Dylan, "tulad ng isang walang direksyon sa sariling bayan, tulad ng isang ganap na hindi kilala, tulad ng isang gumugulong na bato." Nang iwan ni Hesus ang 99 na tupa upang iligtas ang isang naliligaw na tupa, ibinaling natin ang ating pansin sa isang lalaking ito, na maliwanag na iniiwasan ng kaniyang kasamahan. Tinanggap namin siya, pinatira, pinakain, at naging kaibigan. Nalaman namin ang kanyang pinagmulan at kasaysayan, ang dignidad at kasagraduhan niya bilang tao, at hindi bilang isa pang itinapon sa mga lansangan ng lungsod. Ang kanyang kalagayan ay inihayag sa Facebook ng isang babae na nagpapadala ng mga video message ng mga nawawalang tao sa Mexico. Nagtanong ang mga tao: "Paano kami makakatulong?" Isang lalaki ang nagsabi: "Babayaran ko ang kanyang tiket pauwi." Si Jose Luis, isang lalaking hindi marunong magbasa, magaspang at hindi dalisay, ay dumating sa aming pista ng parokya, at sa biyaya ng Diyos, sinubukan namin, sa maliit na paraan, na tularan ang halimbawa ni Santa Mother Teresa, na malugod na tinanggap ang mga dukha, ang pilay, ang may sakit, at ang mga itinapon ng mundo sa kanyang sirkulo ng pag-ibig, ang piging ng buhay. Sa mga salita ni San Juan Pablo II, ang pakikiisa sa iba ay hindi isang pakiramdam ng hindi tiyak na pakikiramay o mababaw na pagkabalisa sa mga kasawian ng iba. Ito ay isang paalala na tayo ay nangangako sa ikabubuti ng lahat dahil lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa.
By: Father Alvaro Delgado
MoreNoong unang bahagi ng 1900s, hiniling ni Pope Leo XIII sa kongregasyon ng Misyonaryong Kababihan ng Sagradong Puso na pumunta sa Estados Unidos upang maglingkod sa malaking bilang ng mga imigrante na Italyano doon. Ang tagapagtatag ng kongregasyon, si Inang Kabrini, ay nagnanais na magmisyon sa Tsina, ngunit masunuring sumunod sa panawagan ng Simbahan at nagsimula sa mahabang paglalakbay sa dagat. Dahil muntik na siyang malunod noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot sa tubig. Gayunpaman, bilang pagsunod, siya...sa kabila ng dagat. Sa pagdating, nalaman niya at ng kanyang mga kapatid na babae na ang kanilang tulong pinansyal ay hindi pinahintulutan, at wala silang matitirhan. Ang matatapat na mga anak na babae ng Sagradong Puso ay nagtiyaga at nagsimulang maglingkod sa mga taong walang kinasa sakupan Sa loob ng ilang taon, ang kanyang misyon sa mga imigrante ay napakabunga kaya hanggang sa kanyang pagpanaw, ang may takot sa tubig na madre na ito ay gumawa ng 23 pagtawid sa Atlantic na paglalakbay sa buong mundo, na nagtatag ng mga pasilidad sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan sa France, Spain, Great Britain, at South America. Ang kanyang pagsunod at pagkaasikaso sa tawag na missionaryo ng Simbahan ay walang hanggang gantimpala. Ngayon, iginagalang siya ng Simbahan bilang patron ng mga imigrante at mga administrador ng ospital.
By: Shalom Tidings
MoreT – Natatakot ako sa kamatayan. Bagama't naniniwala ako kay Hesus at umaasa sa Langit, napupuno pa din ako ng pagkabalisa sa hindi batid. Paano ko mapaglalabanan ang takot sa kamatayan? S – Isipin na ikaw ay isinilang sa isang piitan at hindi nakikita ang mundo sa labas. Isang pinto ang nagbubukod sa iyo sa mundo sa labas—ang sikat ng araw, ang sariwang hangin, ang kasayahan...ngunit wala kang kuru-kuro sa mga mas maliwanag, magagandang bagay na ito, dahil ang mundo mo ay ang madilim, maamag na agwat na puno ng pagkabulok. Maya't maya, ang isang tao ay dumadaan palabas sa pintuan, upang hindi na babalik kailanman. Naaala mo ang pagkukulang nila, dahil kaibigan mo sila at nakilala mo sila sa buong buhay mo! Ngayon, isipin sandali na may napasok mula sa labas. Sinasabi Niya sa iyo ang lahat ng magagandang bagay na madadanasan mo sa labas ng piitan na ito. Alam Niya ang mga bagay na ito, dahil Siya Mismo ay galing na doon. At dahil mahal ka Niya, mapagkakatiwalaan mo Siya. Ipinapangako Niya sa iyo na sasamahan ka Niya palabas sa pintuan. Hahawakan mo ba ang Kanyang kamay? Tatayo ka ba at lalakad kasama Siya palabas ng pintuan? Ito ay nakakatakot, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa labas, ngunit maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng meron Siya. Kung kilala mo Siya at mahal mo Siya, hahawakan mo ang Kanyang kamay at lalakad palabas ng pintuan patungo sa sikat ng araw, tungo sa magandang mundo sa labas. Nakakatakot, ngunit may pagtitiwala at pag-asa. Ang bawat kultura ng tao ay kinailangang makipagbuno sa takot sa hindi nababatid kapag tayo ay mnagllakad sa madilim na pintuan ng kamatayan. Pag mag-iisa natin, hindi natin batid kung ano ang nasa kabila ng tabing, ngunit kilala natin ang Isang tao na nagmula sa kabilang panig upang sabihin sa atin kung ano ang katulad ng kawalang-hanggan. At ano ang Kanyang inihayag? Sinabi niya na ang mga nailigtas ay “nasa harap ng trono ng Diyos, at naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa Kanyang templo, at Siya na nakaupo sa trono ay kakanlungan sila ng Kanyang presensya. Hindi na sila magugutom, ni mauuhaw pa man; hindi sila tatamaan ng araw, ni anumang nakakapasong init. Sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay magiging kanilang pastol, at papatnubayan Niya sila sa mga bukal ng buhay na tubig, at papahidin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata." (Apokalipsis 7:15-17 ) Nagtitiwala tayo na ang buhay na walang hanggan ay sakdal na pag-ibig, masaganang buhay, sakdal na kagalakan. Sa katunayan, napakabuti nito na “Hindi pa nakikita ng mata, o nadidinig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao.ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Korinto 2:9) Ngunit mayroon ba tayong anumang katiyakan na tayo ay maliligtas? Wala bang pagkakataon na hindi tayo makakarating sa makalangit na paraisong iyon? Oo, totoo na hindi ito garantisado. Gayunman, tayo ay napupuno ng pag-asa dahil “nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at madating ang kaalaman ng katotohanan.” (1 Timoteo 2:3-4) Mas nais niya ang iyong kaligtasan kaysa sa naisin mo ito! Kaya, gagawin Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan para dalhin tayo sa Langit. Ipinaabot na Niya sa iyo ang paanyaya, na isinulat at nilagdaan sa Dugo ng Kanyang Anak. Ang ating pananampalataya, na isinabuhay sa ating buhay, ang tumatanggap ng gayong paanyaya. Totoong wala tayong katiyakan, ngunit mayroon tayong pag-asa, at “hindi tayo binibigo ng pag-asang ito” (Mga Taga Roma 5:5). Tayo ay tinawag na lumakad nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, batid ang kapangyarihan ng Tagapagligtas, na “naparito upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15). Sa praktikal na pagsasalita, mapaglalabanan natin ang takot sa kamatayan sa ilang paraan. - Una, tumuon sa mga pangako ng Diyos ng Langit. Madami pa siyang sinabi sa Banal na Kasulatan na pumupuno sa atin ng sabik na pag-asa na matanggap ang magandang kawalang-hanggan na inihanda Niya. Dapat tayong mag-alab nang may pagnanais para sa Langit, na magpapababa sa takot na iwan itong lugmok, wasak na mundo. - Pangalawa, tumuon sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa iyo. Hindi ka niya pababayaan, kahit na kapag dumaan sa hindi batid. - Panghuli, isaalang-alang ang mga paraan na Siya ay naroroon sa iyo noong kailangan mong pumasok sa bago at hindi kilalang mga lupain–pagpunta sa kolehiyo, pag-aasawa, pagbili ng bahay. Maaaring nakakatakot na gumawa ng isang bagay sa unang pagkakataon dahil may takot sa hindi batid. Ngunit kung ang Diyos ay naroroon sa mga bagong karanasang ito, lalo pang hahawakan Niya ang iyong kamay habang naglalakad ka sa pintuan ng kamatayan patungo sa buhay na matagal mo nang ninanais!
By: PADRE JOSEPH GILL
More