Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

May 12, 2022 917 0 Shalom Tidings
Magturo ng Ebanghelyo

ANO ANG DAPAT GAWIN NG MGA KARANIWANG TAO?

Noong nakaraang dekado ng 1950, si Dorothy Day, ang kasamang nagtatag ng Kilusang Manggagawa ng Katoliko ay nagsimulang magpahayag ng isang pananaw na nasang-ayunan sa Pangalawang Konseho ng Vatican.  Sinabi niya na ang umiiral na palagay ng isang “kabanalan ng mga utos” para sa mga karaniwang tao at isang “kabanalan ng mga bilin” para sa mga pari ay lumilihis.  Siya ay nanunukoy batay sa saligang pagtingin ng isang kapanahunan na ang mga karaniwang tao ay tinawag sa isang uri ng pinakamagaan na karaniwang-kabuuan na buhay ng pagsunod ng sampung mga utos—na ibig sabihin ay, iniiwasan ang mga pangunahing paglabag ng pag-ibig at katarungan–subali’t ang mga pari at mga deboto ay tinawag sa isang magiting na buhay na sinasang-ayunan ang mga ebanghelikong bilin ng pagdaralita, kalinisan at pagtalima.  Ang mga layko ay mga karaniwang manlalaro at ang mga kleriko ay mga banal na atleta.  Sa lahat ng ito, manapang sinabi ni Dorothy Day nang malinaw na ‘hindi’.  Bawat taong bininyagan, kanyang giniit, ay tinawag sa magiting na kabanalan—na nangangahulugang, ang pagsasabuhay ng kapwa mga utos at mga bilin.

Tulad ng sinabi ko, Vatican II, sa doktrina nito na pangkalahatang tawag sa kabanalan, ay sinang-ayunan itong palagay.  Bagama’t ang Konseho ng mga Pari ay itinuro na mayroong mahalagang kaibhan sa paraan kung paano ang kleriko at layko ay mailalangkap ang pagdaralita, kalinisan, at pagtalima, inutos nila ng may kalinawan sa mga tagasunod ni Kristo na hangarin ang tunay na pagkabanal sa pamamagitan ng paglakip ng mga yaong mithiin.  Kaya, ano ang kalalabasan nito?  Unahin nating talakayin ang pagdaralita.  Bagama’t ang mga layko ay karaniwang hindi tinawag sa isang uri ng sukdulang pagdaralita na ipinagtibay ng, sabihin natin, isang Trapista na monghe, sila’y totoong dapat isagawa ang tunay na paghihiwalay sa mga kaginhawaan ng mundo, para sa kapakanan ng kanilang misyon para sa mundo.  Hangga’t walang panloobang kalayaan ang karaniwang tao sa pagkagumon sa yaman, kapangyarihan, aliw, antas, karangalan, atbp., hindi niya matutupad ang kalooban ng Diyos nang marapat. Nang inilapag lamang ng babae sa tabi ng balon ang kanyang timba, nang hinintuan niya lamang ang paghanap ng makapapawi ng kanyang uhaw mula sa tubig ng mga aliw ng mundo, ay saka lamang nagawa niyang magturo ng ebanghelyo (Juan 4). Tulad nito, kung kailan lamang ang nabinyagang tao nitong mga araw ay naipalaya niya ang sarili sa pagkagumon sa salapi, kapangyarihan, o mga kaginhawaan ay handang maging santo na nais ng Diyos na siya ay maging.  Kaya, ang pagdaralita, sa kabuluhan ng paglalayo, ay mahalaga sa kabanalan ng mga karaniwan.

Kalinisang-puri, ang ikalawa sa mga ebanghelikong bilin, mandin ay napakahalaga sa kabanalan ng mga layko. Upang maging tiyak, bagama’t ang paraan ng mga kleriko at deboto sa pagsasagawa ng kalinisan—ibig sabihin, bilang mga walang asawa—ay tanging-tangi sa kanila, ang birtud o ang bilin mismo ay sadyang naaangkop sa mga layko.  Sapagkat ang kalinisan ay payak na nangangahulugang seksuwal na katapatan o tamang ayos ng iyag.  At ito’y nagpapahiwatig na dalhin ang sariling seksuwal na buhas batay sa panananggalang ng pag-ibig.  Tulad ng itinuro ni Santo Tomas de Aquino, ang pag-ibig ay hindi damdamin ngunit higit pa ay isang asal ng kalooban, o kaya, ang pagnais ng kabutihan ng iba. Ito ay ang kalugud-lugod na asal na napapakawalan tayo sa kaakuhan, na ang dahasang panghihila ay nais na hatakin ang lahat patungo sa sarili nito. Tulad ng pagnais na kumain at uminom, ang pagtatalik ay isang silakbo ng damdamin na nakaugnay sa buhay mismo, kung bakit ito ay napakabisa at kaya’y napakamapanganib sa kabanalan, napakamapanagutin na makayakag ng bawat bagay at bawat-isa sa kapangyarihan nito.  Punahin kung paano ang turo ng Simbahan, na ang pagtatalik ay nakasapi sa loob ng samahan ng mag-asawa, ay inilaan upang mapigilan itong salungat na ugali.  Sa pagwiwika na ang ating pagiging seksuwal ay dapat nasasakupan ng pagkakaisa (ang lubusang katapatan sa kabiyak) at pagpapadami (ang patas na katapatan sa sariling mga anak), ang Simbahan ay nagpupunyaging idala ang seksuwal na buhay natin nang wagas sa lilim ng pag-ibig.  Ang walang-kaayusang seksuwal na pamamaraan ay isang sukdulang dahas na nakaliligalig sa tao, na sa pagdating ng panahon, ay naaakay siya bilang walang-tugma sa pag-ibig.

Bilang wakas, ang mga layko ay sadyang nagsasagawa ng pagtalima, ngunit minsan pa ay hindi sa paraan ng mga deboto, ngunit sa paraan na natatangi sa kalagayan ng pangkaraniwan.  Ito ay ang pagpayag na sumunod, hindi sa tinig ng sariling kaakuhan, ngunit sa mas matayog na tinig ng Diyos, na makinig (obedire sa wikang Latina) sa mga pagdikta ng Banal na Espiritu.  Ako ay dating nakapaghayag na hinggil kay Hans Urs von Balthazar sa kanyang paghahalintulad ng dula ng kaakuhan (sinulat, nilikha, pinatnugutan, at kusa niyang ginampanan) at ng dula ng pagkadiyos (sinulat, nilikha, at pinatnugutan ng Diyos).  Maaari nating sabihin na ang buong paksa ng banal na buhay ay makalaya sa una upang masaklaw ng ikalawa.  Karamihan sa ating mga makasalanan, kadalasan ay abalang-abala sa sarili nating yaman, tagumpay, mga plano ng paghahanap-buhay, at pansariling aliw.  Upang talimahin ang Diyos ay upang makawala sa yaong mga ligalig na nakakikitil ng kaluluwa at upang madinig ang tinig ng Pastol.

Ilarawan sa diwa kung ano ang mangyayari kapag, sa loob ng isang gabi, ang bawa’t Katoliko ay nagsimulang mamuhay na lubusang lumalayo sa kaginhawaan ng mundo.  Kung paanong magbabago nang kapansin-pansin ang pulitika, ekonomya, at ang kultura.  Ilarawan kung ano kaya ang katulad kapag, ngayong araw, bawa’t Katoliko ay nagpasyang mamuhay nang malinis.  Tayo ay makagagawa ng kakila-kilabot na pinsala sa negosyo ng pomograpya; ang negosyo ng pananamantalang pagbenta ng mga tao ay kapuna-punang mababawasan; mga pamilya ay mahahalatang may matibay na ugnayan; mga sapilitang paglalaglag ay kahanga-hangang mababawasan.  At ilarawan sa diwa kapag, sa kasalukuyan, ang bawa’t Katoliko ay nagpasyang mamuhay ng pagtalima ayon sa tinig ng Diyos.  Gaano karaming paghihirap na sanhi ng sariling pagkakaabala ang mababawas!

Ang aking paglalarawan nitong artikulo ay, minsan pa, ang bahagi ng dakilang aral ng Ikalawang Konseho ng Vatican hinggil sa pandaigdigang tawag sa kabanalan.  Ang mga Pari at mga Obispo ay isinaalang-alang, batay sa itinuro ng Konseho ng mga Pari, na magturo at magawang banal ang mga layko na, bilang paghalili, gagawing banal ang hanay ng pangkaraniwan, dadalhin si Kristo sa pulitika, palasalapian, libangan, negosyo, pag-aaral, pagpapahayag, atbp.  At gagawin nila nang wasto upang tanggapin ang mga bilin ng pagdaralita, kalinisan, at pagtalima.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles