Home/Makatagpo/Article

May 12, 2022 452 0 Shalom Tidings
Makatagpo

TUMUGON NG ‘OO’SA DIYOS

Noong ika-labing-apat na siglo, ang hukom ng Siena ay naghatol sa dalawang mga nagmamatigas na salarin ng isang malupit na lantarang kamatayan.  Sila ay ipinagparada sa bayan na nakalulan ng karitela habang ang kanilang mga berdugo ay pinupunit ang mga katawan nila ng mga nagbabagang pansipit.   Ang nahatulang mga lalaki ay hindi nagpakita ng bakas ng pagsisisi sa kanilang mga krimen at suminghal sila ng mga panunungayaw at mga kalapastangan sa mga taong naglinya sa mga daan.  Tinanggihan na nila ang mga pari na nag-alay na upang ihanda sila sa kanilang kamatayan.

Si Catalina ng Siena ay nagkataong dinadalaw ang isang kaibigan na nakatira sa isa sa mga daan na kung saan nilaan na ilakbay ang karitela.  Habang siya’y nakatayo sa tabi ng bintana na pinagmamasdan ang kahila-hilakbot na pangitain, si Catalina ay sinaniban ng awa.  Sa mata ng kanyang isip, nakita niya ang pangkat ng mga dimonyo na naghihintay na parusahan ang mga nahatulan ng  higit na karumal-dumal na paraan sa impiyerno.

Siya ay kaagad na nagsimulang magdasal para sa dalawang sawing-palad.  “Pinakamaawaing Panginoon ko,” winika niya ng may likas na katapatan, “bakit Ka nagpapakita ng sukdulang paghamak sa sarili Mong mga nilalang?  Bakit Mo pahihintulutang magdusa sila ngayon ng matinding paghihirap?  At ng mas higit na mapanirang paghihirap sa mga kamay ng mga mala-impyernong ispirito?

Si Catalina ay ni-minsan na nagpaligoy-ligoy, kahit sa pakikipag-usap sa Diyos.

Sa pagkamangha ng lahat, ang dalawang mga pusakal ay kapwa biglang tumigil ng panunungayaw at humiyaw para sa pari.  Sila ay nagsitangis at nangumpisal ng kanilang mga sala sa kanya.  Si Kristong nakapako sa krus, ipinagpatunay nila, ay humantad sa kanilang nanghihimok ng pagsisisi at nag-aalay ng kapatawaran.  Winika nila sa maraming tao na inaasam-asam nilang makapiling si Kristo sa  Langit, at sa huli ay sumang-ayon sila nang mapayapa sa kanilang pagbitay.  Itong makababalaghang pagbabago ng pangyayari ay nagsanhi ng pagkabalisa sa buong sambayanan, ngunit ang malalapit na mga kaibigan ni Catalina ay alam na siya ay pumagitan na dito sa ilang paraan.  Matapos dumaan ang maraming araw mula sa madulang pagbabalik-loob, si Santa Catalina ng Siena ay napakinggang nagwikang,  “Salamat sa Iyo, Panginoon, sa pagligtas sa kanila mula sa ikalawang bilangguan.”

Ang mahabaging pag-ibig ng Diyos ay naghihintay para sa atin na lumingong pabalik Kanya.  Kahit gaano kabigat ang ating mga kasalanan, nananabik Siya na yakapin tayo at dalhin tayo patungo sa Kanyang walang-hanggang kapayapaan.  Ikaw ba ay tutugon ng ‘oo’ sa tawag Niya sa araw na ito sa pamamagitan ng paghanda ng mabuting pangungumpisal ng may buong pusong pagsisisi?  Tunay na ang kaharian ng Diyos ay pag-aari mo!

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles