Home/Makatawag ng Pansin/Article

Apr 21, 2022 958 0 Jody Weis, USA
Makatawag ng Pansin

PINAGLALABAN ANG PAG-IISANG DIBDIB

Ako’y galit.  Ang umiikot na buhawi ng pagkabigo at pagtatampo ay nagbanta na salingitin ang aking puso.  Kami ay nagtalo at ang mga damdamin ko ay pinalabo ang aking puso, nagtatanim ng kapaitan laban sa aking mahal na asawa.  Ano ang nangyayari sa akin.  Paanong nagkagayon na magdama ako ng ganito sa aking asawang mahal ko ng buong puso?  Ako’y pumasailalim ng pagsasalakay ni satanas, ang Prinsipe ng Kasinungalingan at Kadigma ng Pag-iisang-dibdib.

Kung mayroong isang bagay na kunasusuklaman ng dimonyo, ito’y ang Sakramento ng Pag-iisang-dibdib.  Dahil ang lalaki at babae ay muling inaaninag ang makapangyarihang pagsasama ng mga katangian ng Santo Trinidad na Diyos, tayo ay palaging mapapailalim ng pansasalakay ni satanas.  Totoo, ang pag-aasawa ay napakahirap at minsan ay nangangailangan ng dalubhasang pagtulong.  Ngunit ang maraming mga paghahamok ay sa loob ng pang-araw-araw na buhay.  At dito natin nakikita ang dimonyo na nakaabang nang madalas.  Sinasalakay niya tayo ng mga mapanlinlang na tukso—mga mungkahi ng kasakiman, kayabangan, hinanakit—na tulad ng lason na nagsasanhi ng nakapipinsalang sakit sa ating looban at sa ating pag-aasawa.  Ang dimonyo ay ginagawa ang lahat upang paslangin ang ating mga pag-uugnay dahil alam niya na kapag nagkaisa, lalaki at babae ay mas malakas, mas makakayang kumilala, magtanggol at labanan siya.  At kasama si Kristo at ang Kanyang Simbahan sa panig natin, tayo ay may mga pampuksa upang lumaban sa mga makamandag na banta ni satanas.

PAGKAMAKASARILI laban sa KAGANDAHANG-LOOB

Dahil sa kauna-unahang pagkakasala, tayo ay nakahandang tumitig sa ating mga sarili.  Ito’y alam ni satanas at isinusubo niya sa atin ang mga kasinungalingan na tayo ay may natatanging kalayaan at may karapatan na maintindihan ito ayon sa sarili nating pag-unawa.  Tinutukso niya tayo na maghangad para sa ating kapakanan.  Ang lason ng pagkamakasarili ay makahahantong sa malalim na  paglalagot ng mga mag-asawa.  Lalo na kapag ang di-pag-uunawa o di-pagbibigay-alam ay nangyayari.  Marami sa atin ay nahahalinang magpakalayo sa ating mga kabiyak.  Sa halip, tayo ay tinawag na magpanibago ng ating mga panunumpa!  Kaya kung nakikita mo ang iyong sarili na natatangay ng pagmakasarili, subukan mong magpakita ng sadyang pagsuyo at pag-ibig sa iyong asawa.  Ang puso mo ay maaaring maghimagsik, ngunit ang mga gawa mo ay tunay.  “Pinili kong  mahalin kita.”

PAGMAMATAAS laban sa PAGPAPAKUMBABA

Lahat tayo ay nakikibaka sa ating pagmamataas at ito’y alam ni satanas, tinutukso tayong maging mga biktima ng pagmamaliit o di-pagkakaunawaan. Ninanasa niyang bigyan natin ng layaw ang ating nasugatang pagmamataas, paglabisan ang sumpong, at kahit ang pagbibigay sa asawa mo ng “tahimik na pakikitungo.”  Upang sagupain ang lason na Ito, pag-isipang magsagawa ng mga tunay na hakbang na makamit ang panlunas ng kababaang- loob. Gumawa ng talaan ng mga tatlong katangian na  nasa iyong asawa na tinatanawan mo ng utang na loob.  Basahin mo ito ng malakas at sabihin mo sa iyong asawa na nagpapasalamat ka sa mga ito.  Ang kababaang-loob ay tulad rin ng pagiging handa na panghawakan ang bahagi natin sa anumang di-pagkakaunawaan.  Ang pagsasalita nito ng malakas ay hindi maginhawa sa una ngunit ang pagtaguyod ng ugali ng pagpapakumbaba ay magkasamang pinananggalang ang ating mga pag-iisang-dibdib sa  dalit ng pagmamataas.

PAGDARAMDAM laban sa PAGPAPATAWAD

Ang mga relasyon ay mapanganib.  Kapag tayo ay nagmamahal, tayo’y maaring masaktan.  Ngunit ano ang magagawa natin kapag tayo’y naapi o nasaktan ng ating asawa?  Para sa karamihan sa atin, ang pagpapatawad ay mahirap, at ito ang kung saan nagtatago ang dimonyo.  Nais niya na tayo ay magpanatili ng ulat ng bawat pinsala, pagtatanim ng mga sama ng loob sa kailaliman ng ating mga puso, hanggang tayo’y maging alipin ng pagdaramdam.  Sa halip, tayo ay tinawag na kusang piliin na magpatawad ng ating asawa.  Nais ni Jesus na tigilan natin ang pagtatanim ng sama ng loob at palayain natin ang ating asawa at mga sarili patungo sa Kanyang awa.  Ang pagsasabuhay ng tunay na pagpapatawad ay nangangailangan ng giting.  Pipiliin mo bang bigyan ng pagkakataon at pagkatiwalaan ang iyong asawa sa kabila ng iyong pag-aatubili?  Patatawarin mo ba ang asawa mo sa mga maliliit na bagay?

Ako’y nagsisikap bawat araw bilang may-asawa na tumutol sa mga panlilinlang ni satanas.  Maraming ulit na nabibigo ako.  Ngunit ang aking asawa at ako ay naghahangad na bigyan ang bawat-isa ng biyaya—pagpapaumanhin sa aming mga kabiguan, pagkakataon na lumaki at ang pamukaw-sigla sa aming paglalakbay.  Ngunit ito’y nangangailangan ng tulungan—dalawang tao na nangako, nagkaisa sa pagdirigma laban kay satanas.  Naniniwala ako sa aking pag-aasawa at sa iyong pag-aasawa.  Ipagtanggol mo ang iyong asawa at anyayahan ang Panginoon na pasikatin ang Kanyang liwanag sa iyong puso at pag-aasawa.  Ang Kanyang biyaya at mga pampuksa ay ipagsasanggalang ang iyong pag-aasawa sa mga dalit ng kaaway mo.  “Maging matatag at matapat; huwag kang matakot…. pagkat ang PANGINOON, ang iyong Diyos, ang kasama mong maglakad; hindi ka Niya bibiguin o pababayaan.” (Deuteronomya 31:6)

Share:

Jody Weis

Jody Weis is a wife, mother and teacher. She has been a spiritual director for more than 10 years. She and her family live in the Midwest, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles