Home/Makatawag ng Pansin/Article

Mar 16, 2022 1120 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

TANONG AT SAGOT

Q – Nagsisimula na akong magtaka kung ako kaya ay mag-aasawa pa. Wala akong makitang isang mabuting katipan na tapat kay Kristo. Paano ko makikita ang isang mabuting asawa sa hinaharap—at paano ko malalaman na siya na nga?

A – Sa gawain ko sa mga kabataan, ito at nakita kong isang pangkaraniwang pakikibaka: kung paano makakahanap ng isang mabait, puno ng sampalataya, na mapapakasalan sa mundo ngayon. Lagi akong natatawa dahil, sa aking grupo ng kabataan, ang lahat ng mga babae ay dumadaing sa akin, “Walang mga mahusay na lalaki na nais kong maka-date!” At dumadaing ang mga lalaki, “Walang mga mahusay na babae na nais kong mai-date!” Minsan, pakiramdam ko’y ako na lang kaya ang maging tagapamagitan at pagtambaltambalin sila!

Ang pinakamahusay na payo sa pakikipagtipan na nadinig ko ay mula sa isang pari na nagsabi, “Magsimulang habulin si Hesus. Kapag matagaltagal mo nang kahabulán si Jesus, lumingon ka sa paligid at tingnan kung sino ang kasabay mong tumatakbo. Iyon ang mga taong dapat mong i-date.” Sa madaling salita, habulin mo muna si Kristo—at hanapin ang magiging asawa na humahabol din kay Cristo.

Ngunit saan mo matatagpuan ang gayong asawa? Kadalasan, hindi sa bar — ngunit madaming mga lungsod ang may kahanga-hangang Katolikong grupo na pang-adulto kung saan ka maaaring makatagpo ng ibang mga taong taos-puso kay Kristo at sa paghahanap ng magiging asawa. Makihalubilo ka dahil tinitiyak ko na makikita mo ang mga taong pinag-iisipan ang tungkol sa pag-aasawa at naghahanap din na katulad mo.

Kung wala kang lokal na grupong Katoliko, maaari kang magsimula ng isa o kaya ay maghanap ng iba pang mga adultong kabataan sa pamamagitan ng pagboluntaryo sa iyong parokya o iba pang mga pook ng kawanggawa. Ang sinumang kabataan na nagboboluntaryo ng kanilang oras ay malamang na ang kanilang pagpapahalaga ay nasa tamang lugar!

Maaari ding makahanap ng mapapangasawa sa mga pahinarya sa pagtitipan na pangKatoliko. Nakilala ng aking kapatid ang kanyang asawa sa Catholicmatch.com, at may iba pa akong alam na kabataan na naging matagumpay sa online. Kapag nasa online, kailangan na maging tapat ka tungkol sa iyong pagkatao, at tiyakin na ang ka-online mo ay may pagpapahalaga na kahlin-tulad ng sa iyo (hindi bawat isa na nasa Katolikong pahinarya para sa pagtitipan ay taos-pusong Katoliko — ang ilan ay maaaring mas Katoliko sa “kultura” lamang kaysa sa pagiging tunay na Katoliko at taos-puso sa Panginoon).

Ang mahusay na ugnayan ay kinakailangan na ang magpares ay may magkahalintulad na paniniwala sa ilan sa mga pangunahing bagay sa buhay (sampalataya, pera, mga anak, mag-anak), na kinalulugdan nila ang pagiging magkasama at ang mga magkatulad na gawain, at sempre, na sila at naaakit sa isa’t isa. Kung ang mga bagay na ito ay nanduon — at nadadama mo ang presensya ng Banal na Espirito sa inyong ugnayan — duon mo malalaman na “siya na nga”! Hindi ako naniniwala na lumikha ang Diyos ng isa lamang na “pangkaluluwang kapareha” para sa bawat isa sa atin; sa halip, malamang madaming nilalang ang magiging tugma at masayang makakasama ng isang tao. Kung Ikaw ay panatag sa inyong pag-uugnayan, kung ito ay nakatuon kay Kristo, kung masaya kayong magkasama at ang inyong mga pagkatao at pagkawili ay tugma, malamang na natagpuan mo na ang taong tinatawag ng Dios para sa iyo upang pakasalan mo! Hindi pangkaraniwan na ang Diyos ay naglalagay ng karatula na nagsasabi, “Ito ang taong dapat mong pakasalan!” Sa halip, ang mga palatandaan na ibinibigay ng Diyos ay ang pagkakatugma sa inyong ugnayan at ang pagnanais ninyong matulungan ang isa’t isa na makadating sa Langit.

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles