Home/Makatagpo/Article

Dec 04, 2021 1112 0 CHI (SU) DOAN
Makatagpo

KUNG PAANO KO NAPAGTAGUMPAYAN ANG KABATAANG PANGAMBA

   “Ang mga katanungan ay umikot sa aking isip, at mahirap makipag-usap sa aking ina. Ngunit isang nakagugulat na rebelasyon ang nagpabago sa aking buhay magpakailanman.” Ibinahagi ni Chi (Su) Doan ang mga kamangha-manghang sandali …

 

Ang aking buhay ay nagsimula sa Vietnam sa isang mapagmahal na pamilya na nagtakda ng napakataas na pamantayan. Bagaman hindi kami mga Katoliko, pinadala nila ako upang matuto ng piano mula sa mga Madre sa lokal na kumbento. Naintriga ako sa kanilang pananampalataya at kahulugan ng kanilang layunin na sa palagay ko ay kulang sa aking sariling buhay. Isang araw, naglakad-lakad ako sa simbahan at nagkaroon ng magandang karanasan kasama si Jesucristo at ang Diyos Ama na nagpabago sa aking buhay magpakailanman, ngunit hindi ko natuklasan si Inang Maria hanggang sa kalaunan.

Paggawa ng Malalaking Bagay

Nagsimula ang lahat noong ako ay mga 13. Sa edad na iyon, lahat ay tila nakikibaka nang kaunti, sinusubukang alamin kung ano ang gagawin sa kanilang buhay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Pagtingin ko sa aking kapatid na lalaki at aking mga pinsan na naging matagumpay na sa buhay, naramdaman ko ang matinding  presyon na tularan ang kanilang mga nagawa. Nahirapan akong kausapin ang aking mga magulang tungkol dito. Iniisip ng mga tinedyer na makakagawa sila ng malalaking bagay nang walang sagabal mula sa mga may sapat na gulang tulad ng mga magulang at guro at naramdaman kong sobrang kinakabahan akong ilabas ang mga katanungang umiikot sa aking isip.

Gayunpaman, ang mabait, at malumanay na Madre na nagturo sa akin ng piano ay naiiba. Marahan niyang tinanong ang aking espiritwal na buhay, nakikinig syang may interes na nagsisimba ako at madalas na manalangin, komportable akong buksan sa kanya ang tungkol sa aking mga pakikibaka. Sinabi ko sa kanya kung paano ako nagtataka kung mayroong anumang salungatan sa pagitan ng pagiging mapanalangin at pagkakaroon ng isang matagumpay na karera bilang isang doktor, guro o negosyante. Puno ako ng pag-aalinlangan at nakaramdam ng pagkawala, ngunit puno siya ng maaliwalas na pananalig. Pinayuhan niya ako kung gaano kahalaga ang isang ina sa paggabay sa kanilang mga anak dahil inalagaan nila sila ng sobra at naobserbahan sila mula sa kanilang mga unang araw.

Sinabi ko, “Mahirap talagang kausapin ang aking ina tungkol dito sapagkat sa palagay ko nasa sapat na akong gulang upang magawa ko ang lahat nang wala siyang tulong.” Tiniyak niya sa akin na okay lang, dahil kung nahihirapan akong kausapin ang aking Ina, mayroon akong ibang ina na makakausap ko.

Ang Sorpresa

Medyo naguluhan ako sapagkat iyon ay isang bagong konsepto sa akin, dahil lumaki ako sa isang pamilya na walang relihiyon. “Anong ibig mong sabihin?” Nagtatakang tanong ko. Inihayag niya ang kamangha-manghang balita na dahil si Maria ang nanganak kay Jesucristo na ating Panginoon, siya rin ang ating ina. Sinabi sa atin ni Hesus na maaari tayong tumawag sa Kanyang Ama, ang ating Ama, samakatuwid maaari natin Siyang tawaging, Kapatid at ang Kanyang ina ay ating ina. Sa ating nabasa sa Bibliya, ipinagkatiwala Niya si San Juan at tayong lahat sa Kanyang Pinagpalang Ina nang Siya ay mapako sa Krus.

Ito ay isang ganap na bago at kakatwang ideya sa akin at nahirapan akong papaniwalain ang aking isip. Nagpatuloy siya, “Isipin mo lang ito ng ganito. Kapag umedad ka ng kaunti pa, malalaman mo na ang isang ina sa iyong buhay ay talagang mahalaga. Anumang mga problema na mayroon ka, tatakbo ka sa kanya para sa payo at ginhawa upang matulungan kang harapin ang mga ito. Siya ay isa pang ina na tumutulong sa iyo na gawin ang eksaktong bagay. Kaya, kung sa palagay mo ay mahirap ang pakikipag-usap sa iyong mga magulang, sa yugtong ito ng iyong buhay, maaari kang lumapit kay Inang Maria at kausapin siya upang makahanap ka ng kapayapaan. ”

Tila isang magandang ideya na karapat dapat na subukan, ngunit hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Sinabi sa akin ni Sister na maaari ko lamang ipikit ang aking mga mata at ipagtapat sa kanya ang lahat ng aking mga pakikibaka, mga paghihirap at pagdurusa. Maaari kong sabihin sa kanya kung anuman ang kailangan kong tulong at hilingin sa kanya na ipagkaloob sa akin ang kaunting ginhawa at kaunting pangangalaga. Ang pakikipag-usap pa lamang sa kanya ay makakatulong na upang maisip ko nang malinaw ang aking kinabukasan. Hindi ako sigurado kung totoo nga ang lahat, ngunit walang masamang subukan.

Kaya, nang magkaroon ako ng libreng oras, naupo ako ng tahimik, pumikit at nagdududa na sinabi sa kanya, “Okay, kung ikaw talaga ang aking ina, maaari mo ba akong tulungan dito. Sinusubukan kong alamin kung ano ang dapat kong gawin sa aking buhay dahil nais kong gumawa ng mga magagaling na bagay kapag lumaki na ako. Nararamdaman ko ang labis na bigat sa pag-aaral, ngunit sinusubukan kong ilagay ang aking sarili sa tamang landas, upang pagdating ng panahon ay wala akong pagsisihan. Mangyaring aluin ako at tulungan akong magkaroon ng tiwala sa aking sarili upang malaman ang tamang bagay na dapat kong gawin sa aking buhay. Tuwing gabi, patuloy ko lang sinasabi ang parehong bagay. Kapag ako ay nahihirapan sa aking pag-aaral, sinasabi ko, “Kung ang paksang ito ay hindi inilaan para sa akin at hindi ko dapat na ipagpatuloy, nakikiusap akong ipaalam lamang sa akin.” Sa tuwing sinasabi ko iyon, ang lahat ay tila gumagaan nang kaunti. Kahit papaano mayroon na akong nakakausap tungkol sa aking mga pakikibaka at paghihirap ngayon.

Pag-unawa Nito

Masyado akong naintriga, nang ikinuwento ni Sister ang tungkol sa Lourdes ng Vietnam, di-nagtagal ay bumisita ako. Nakita ko roon ang isang magandang estatwa ni Inang Maria, nasa itaas ng burol. Habang nakatingin ako sa kanya, naramdaman kong inaalagaan — at ginagabayan niya ako sa landas na para sa akin.

Nang umupo ako upang manalangin, saglit akong nakaramdam na hindi akma na. Inilalagay ko ba talaga ang aking sarili sa presensya ng isang tunay na aking ina, kahit na inabot ako ng 13 taon para malaman na siya ay naroroon? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa umpisa. Pagkatapos ay sinimulan kong ibulong ang aking magugulong  mga saloobin tungkol sa kung bakit ako naririto, kung bakit ito ay tumagal ng labis at pati ang aking pasasalamat sa pagkakaroon ng pagkakataong ito. Sinimulan kong sabihin sa kanya kung paanong pagkawala ang naramdaman ko. Sa palagay ko naliligaw ang lahat sa edad na ito kaya umaasa akong walang mali sa akin. Sinabi ko sa kanya na hindi ko talaga alam ang gagawin sa buhay ko. Hindi ko alam kung dapat kong pigain ang aking sarili na makakuha ng puro A’s sa paaralan o ibaba ang aking mga paningin sa isang bagay na mas makatwiran at alamin kung ano ang dapat gawin simula doon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko talaga. Hindi ko alam kung paano pangasiwaan ang aking pag-aaral o ang aking buhay o kung paano maging isang matagumpay sa aking paglaki.

Nagtapat ako kung gaano ang paghihirap ko sa lahat ng ito. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin dahil ayaw kong makipag-usap sa mga taong huhusgahan ako at ayokong makipag-usap sa mga taong aakalaing mahina ako. Ang aking mga mata ay puno ng luha habang ibinubunyag ko ang aking kaluluwa at inilalagay ang lahat sa kanyang mga kamay at umaasa na bibigyan niya ako ng ilang payo sa dapat na gagawin.

Kalaunan ay nasabi ko na lang, “Sige, ibinibigay ko ang lahat ng tiwala ko sa iyo. Nakikiusap akong ipanalangin ako sa Diyos at patnubayan ako sa aking buhay sapagkat hindi ko talaga alam kung sino ang dapat kong pagtiwalaan pa. Pakiusap bigyan mo ako ng lakas ng loob na kausapin ang aking mga magulang tungkol sa aking pinagdadaanan, upang sila ay mag-alok sa akin ng ilang payo at tulong? ”

Mga isang beses o dalawang beses sa isang buwan, bumabalik ako upang makita siya at makausap. Sa pagdaan ng panahon, naramdaman kong mas matapang na ako at nalalampasan ko ang aking mga problema sa pagsasabi ko sa aking Ina tungkol sa kung ano ang gusto kong maging paglaki ko at kung anong mga pagpipilian ang gusto ko. Hindi ko na nararamdaman na nawawala ako at hindi na ako nahihirapan na kausapin ang aking mga magulang at aking mga guro tungkol sa kung paano pumili ng mga paaralan, paksa, karera at unibersidad, o iba pang mga problema.

Mahinahong Pinagsabihan

Kakaiba sa umpisa dahil hindi ko alam na mayroon akong dalawang ina sa buhay ko. Sino ang mag-iisip nito kung hindi ka ipinanganak sa isang pamilyang Katoliko? Noong ako ay halos 16 taong gulang, nagsimula akong makipag-usap sa aking Ina tungkol sa karanasan na mayroon ako kay Inang Maria at nakakagulat na sumang-ayon sa akin ang aking ina na totoo ito. Naniniwala rin siya na si Maria ay isang ina na nag-aalaga ng kanyang mga anak. Pinatunayan niya na si Maria ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob na kausapin siya tungkol sa aking mga pakikibaka, upang magkaroon siya ng pagkakataong tulungan ako.

Ito ay isang talagang kamangha-manghang karanasan. Kinausap ko lamang si Maria at sinubukang makinig sa kanyang tinig. Hindi ko narinig na nagsalita siya sa akin tulad ni St Bernadette, ngunit kung minsan kapag natutulog ako o nangangarap sa araw, nararamdaman kong naroroon siya na sinasabi sa akin na huminahon lang ng kaunti. Tila narinig ko na pinagsasabihan niya ako ng marahan, “Kailangan mo lang magdahan-dahan.”

Sa yugto ng aking pagbibinata, nais kong gawin ang lahat nang mabilisan at mag-isa para sa aking sarili. Ni hindi ko nais na ibahagi ang aking damdamin sa aking mga magulang dahil ayokong sabihin nila sa akin ang dapat kong gawin.

Kaya, napakalaking tulong nang maisip ko ang sinabi sa akin ni Nanay Maria na, “Magdahan-dahan ka lang ng kaunti. Alam ko na nais mong makamit ang tagumpay nang mabilis, ngunit hindi ito mangyayari. Magtiwala ka lang sa akin at sa bandang huli ay mangyayari ito. ” Talagang totoo iyon!

Makalipas ang dalawang taon, nagpasya ang aking pamilya na ipadala ako sa Australia. Sa wakas nabinyagan ako at natanggap sa Simbahang Katoliko sa St. Margaret Mary’s Church, Croydon Park kung saan masaya pa rin akong dumadalo sa Misa. Kapag nahihirapan ako, lumalapit ako sa kanya sa pamamagitan ng pananalangin at humihiling sa kanya na ipagdasal ako sa ating Diyos Ama. Pakiramdam ko ay nakikinig siya sa akin at tumutugon sa aking mga panalangin sa kamangha-manghang pamamaraan.

Kahit na ngayon na nasa 20’s na ako, at nakatira nang mag-isa malayo sa aking mga magulang sa nasa ibang bansa, hinihiling ko pa rin minsan kay Inang Maria na magkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin sila tungkol sa aking mga problema at makapagsabi din sa iba. Nagpapasalamat ako sa kanyang pagmamahal, at pag-aalaga tulad ng isang ina. Nakikinig siya sa akin at tumutugon sa aking mga panalangin sa nakakagulat na mga paraan.

Share:

CHI (SU) DOAN

CHI (SU) DOAN loves her faith and believes that what she has achieved is God's work. The article is based on her personal testimony shared through the Shalom World program, “Mary My Mother”. To watch the episode visit: shalomworld.org/show/mary-my-mother

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles