Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 29, 2021 580 0 Shalom Tidings
Makatawag ng Pansin

PALAMPASIN ANG IYONG MGA KABIGUAN

Hindi natin maiwasan na ang iba ay gagawa ng mga bagay na ating ikayayamot.  Ngunit ang puso na sadyang lumalaki sa kabanalan ay nakapagsasalin ng mga kabiguan bilang mga pagkakataon ng pagyabong.

Sa mahabang panahon, ang itinalagang puwesto kay Sor Teresa sa pagbubulay ay malapit sa isang di-mapalagay na Madre na walang tigil na mangulit ng kanyang Rosaryo o iba pang mga bagay.  Si Sor Teresa ay labis na mapagdama sa mga ligaw na tunog at di-nagtagal ay naubos niya ang lahat ng kanyang mapagkukunan upang manatiling nakatuon.  Bagama’t siya lamang ang may ganitong sukdulang pagdama ng mga gambala, si Sor Teresa ay may malakas na udyok na lumingon at bigyan ang may-sala ng tingin upang matigilan niya ang  idinudulot na mga ingay.

Nang pinag-isipan  niya na gamitin itong pagtatangi alam ni Sor Teresa na ang mas mabuting paraan ay ang tiisin ito nang may  katiwasayan, kapwa sa pagmamahal sa Diyos at upang maiwasang masaktan ang kulang-palad na Madre.  Kaya pinagbutihan niyang manahimik, ngunit ang pagtitimpi niya ay nangangailangan ng labis na lakas hanggang nagsimula siyang mamawis.  Ang kanyang pagmumuni-muni ay naging pagdurusa na may katiyagaan.  Gayunpaman, sa tulong ng sapat na panahon, nasimulan ni Sor Teresa na tiisin ito na may kapayapaan at saya, habang pinagsisikapan niyang makakamit ng kaluguran kahit na sa nakababagot na ingay.  Sa halip na subukang ito’y hindi marinig, na hindi magyayari, ito’y pinakinggan ni Sor Teresa na tila isang kaaya-ayang musika.  Kung ano ang dapat na kanyang “panalangin ng katahimikan” sa halip ay naging pag-aalay ng “musika” sa Diyos.

Sa kayamutan na tinitiis natin sa pang-araw-araw na buhay, gaano kadalas nating malagpasan ang pagkakataong maisagawa ang kabutihan ng tiyaga?  Sa halip na ipakita ang galit o pagkamuhi, maaari nating tulutan ang pinagdaanan na turuan tayo ng pagkabukas-palad, pagkamaunawain, at pagpapaumanhin.  Ang pagpapaumanhin ay tuluyang magiging isang kilos ng kawanggawa, at ang kapanahunan ng pagbabagong-loob.  Tayong lahat ay tinatawag sa lakbayang pananalig na kung saan matutuklasan si Jesus nang lalo pa bilang Isa na mapagpaumanhin sa atin.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles