Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 19, 2021 654 0 Deacon Doug McManaman, Canada
Makatawag ng Pansin

ANG KAPANGYARIHAN NG PANGKASALUKUYAN

Ano ang pinaka dakilang sandali sa iyong alaala?

Pinagtakhan mo ba kung ano’t ito ay masidhi at makahulugan? 

Paggunita sa Nakaraan

Kamakailan, sa isang mabilisang  pagpapasya, dinalaw ko ang kaibigan kong pari na may edad na din at mahirap masabi kung gaano pa ang itatagal nya. Itong nakalipas, madalas kong pag-isipan ang tungkol sa panahon sapagkat mahigit na tatlumpung taon na kaming magkaibigan; at napaghulo ko kung gaano karaming mga kahanga-hangang sandali ang aming pinagsamahan na noon pa ma’y inanod na mula sa aking alaala; ang ilan nito ay maaring makuha kong muli kung pag-uukulan ko ng pansin, o kung may bagay na kagyat ma magpapaalala sa akin. Ang mga alaalang ito ay sa madaming taon na paulit-ulit na dinalaw ko siya sa iba’t ibang mga parokya kung saan siya nakatalaga.

Ang nakaka-tawag ng aking pansin tungkol sa mga alaalang ito ay kung gaano kadami ang nanatili at kung gaano din kadami ang nakalimutan. May napakalaking kayamanan sa kasalukuyang sandali na mabilisang naaanod sa nakalipas, at sa pagdaan ng panahon, ang karamihan sa mga sandaling ito ay nagiging gunita na lamang. Samantala, sa paggunita sa  mga ito,   nagkakaroon tayo ng kusang kamalayan ng bagay, na sa kasalukuyang sandalin ay di natin gaanong namamalayan, gaya ng isang kayamanan, isang pagkaunawa ng pagpapala, isang kasaganahan, na nais nating mabawi.

Maikli ang oras, kaya’t nagpasiya akong puntahan at dalawin siya; sa aking sarili, naisip kong pati ang gabing ito ay magiging isang sandali na puno ng mga nakatagong kayamanan na balang araw ay isang alaala na lamang. Ang malaking bahagi ng kasalukuyang sandaling iyon, sa paglipas ng panahon, ay mawawala. Ang mananatili ay magbubunyag ng isang bagay na nakatago noong ang sandaling iyon ay isang “ngayon,” tulad ng isang nakatagong kayamanan sa isang parang (Mateo 13: 44-46).

Gitna ng Buhay

Ano’t naging kahanga-hanga ang mga sandaling kasama ko ang aking kaibigan?, naitanong ko sa sarili. Ano ang nagbibigay sa mga ito ng kayamanan? Hindi iyon mahirap para sagutin ko. Iyon ay ang syang nagbubuklod sa aming pagkakaibigan. Kalimitan, ang pagkakaibigan ay batay sa magkatulad na mga katangian at hilig. Ang ilang mga hilig at katangian ay maliit na bagay kaya’t ang pagkakaibigan na batay sa mga ito ay maliit na bagay. Ngunit ang aming pagkakaibigan ay hindi maliit na bagay, kaya ano ang hindi maliit na bagay ang magkapareho sa amin? Ang sagot ay ang pag-ibig namin kay Kristo. Nasa gitna siya. Ang pagkakaisa namin ay ang pag-ibig namin sa pananampalatayang Katoliko, sa Misa, sa Kumpisal, ang pag-ibig namin sa teolohikong. paglalahad ng pananampalatayang iyon. Kapag kami ay magkasama,  napakadaming oras ang ginugugol namin sa pagtalakay sa mga teolohikong isipan na iyon, mga pahiwatig ng ilang tiyak na teolohikong pananaw, homiliya,  mga tanyag na aklat, at mga pangkasalukuyang paksa, pampulitika o ano pa man, ayon sa mga alituntunin ng pananampalataya. Ang lahat ng ito ay nagmumula sa kung ano ang pinakamamahal namin, na si Kristo.

At sino si Cristo? Siya ay ang walang-hanggan na lumakip sa oras. Tulad ng tinukoy dito ni Boethius, ang kawalang-hanggan ay ang “buo, magkapanabay, at ganap na pagtataglay ng walang hangganang buhay.” Ang Diyos ay walang hanggan; tayo ay may hanggan, sapagkat hindi natin buo at magkapanabay na taglay ang pansamantalang sandali ng ating buhay, sa halip, (ito ay) walang kaganapan, bahagya, at putol-putol. Kung kaya, ang buhay na napapaloob sa oras ay ganap na nailalarawan sa pamamagitan ng kawalan ng kaganapan at kawalang-kasiyahan.  Ang puso ay nagnanais na ganap na taglayin ang kabuuan, ang ganap na pag-aari ng ating sariling buhay, at ang walang katapusang (buhay na walang hanggan) buhay. Sa madaling sabi, nais natin ang kawalang-hanggan; hangad natin ang Diyos. Samakatuwid, ang nakasulat sa Ecles ay totoo: “Ang lahat ay kapalaluan ng lahat ng kapalaluan, isang paghabol sa hangin” (Ecles 1: 2). Ang buhay na napapaloob sa oras ay hindi makakapagbigay ng nais natin. Subalit ang kawalang-hanggan ay pumaloob sa oras, ang walang hanggang Salita ay naging laman (Juan 1:14). Ang kinalabasan, ang oras ay sumali, at pumaloob, sa isang bagay na maaaring magbigay ng kung ano ang nais ng ating puso, lalo na ang kawalang-hanggan.

Walang-Hangganan na Nasa Pangkasalukuyan

Hangad natin ang Salita na kung saan natin nakikita ang Ama at kung Kanino natin nasimulang maunawaan ang misteryo ng ating sarili, at iyon ay ang pagtitipon ng mga labí ng ating buhay sa nag-íisang buo. Hangad natin si Kristo. At kapag ang ating pagkakaibigan at ang ating pang-araw-araw na buhay ay nakapagitna sa Kanya, nakaugat sa Kanya, nakatuon sa Kanya, ang oras ay nagiging makabuluhan, ni hindi natin masukat. Ang kahulugan na nakapaloob sa kasalukuyang sandali ay umaapaw o lumalagpas sa kung ano ang kayang taglayin ng limitadong kasalukuyan, at ang gunita naman ay nagbibigay sa atin ng isang sulyap nito, isang sulyap sa isang bagay na nalaman at naranasan natin nang oras na iyon ngunit hindi kayang ganap at malayang ilahad. Ito ay isang walang malay o walang kamalayan na pagmamay-ari, sapagkat sa pagsasama ng Kanyang sarili sa isang likas na katauhan, parang isinama na din ng Anak ang Kanyang sarili sa bawat tao. Ang minimithi natin ay nasa sa natin, sapagkat “ang kaharian ng Diyos ay nasa loob mo” (Lukas 17:21), at ito ay nasa labas natin, na kasama sa bawat sandali ng panahon.

Ang matuklasan si Kristo ay ang matuklasan ang hiwaga ng kawalang-hanggan sa kasalukuyang sandali. Ang mawawalan ng ugnayan kay Kristo ay ang mawalan ng ugnayan sa kayamanan ng kasalukuyang sandali, at ang pagkawalang iyon ay magbibigay daan sa isang balisang pagnanais na magpahinga; magsisimula tayong mamuhay sa nakalipas, kadalasan, nang dahil sa mga nakaraang sama ng loob, at ang namumuhay nang wala sa kasalukuyan, namumuhay para sa isang hinaharap na hindi pa nagaganap at na maaaring hindi maganap kaylanman — maaari tayong mamatay isang taon matapos nating makamit ang lahat ng ating gustong makamit, mamatay marahil sa sala ng magandang lupain na itinayo natin para sa ating sarili sa pamamagitan ng naipon para sa pamamahinga natin sa trabaho, na pinutol ng ‘kung anumang maaaring mangyari’ na hindi natin mapigilan, tulad ng cancer, o sakuna sa sasakyan, o isang ‘aneurysm’ sa utak.  Sapagkat hindi tayo nabuhay para kay Kristo, nabigo tayong tuklasin ang ganda at yaman ng kasalukuyang sandali; sa halip ay naghanap tayo ng kagandahan at kayamanan sa hindi pa umiiral, tawagin nating panghinaharap.  Ang mabigong hanapin si Kristo ay ang mabigo. Ang nabigong buhay ay nasayang na buhay.  “Tumigil at langhapin ang mga rosas” ay isang pagal nang kasabihan, ngunit ang buhay na rosas ay nagpapahayag kay Kristo na kinoronahan ng tinik, at ang amoy nito ay nagpapahayag ng mabangong kagandahan na nangyayari sa isang búhay kapag ang dugo ay dumadaloy sa ating mga ugat.

Share:

Deacon Doug McManaman

Deacon Doug McManaman is a retired teacher of religion and philosophy in Southern Ontario. He lectures on Catholic education at Niagara University. His courageous and selfless ministry as a deacon is mainly to those who suffer from mental illness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles