Home/Makatagpo/Article

Nov 19, 2021 1393 0 Patricia Dowey
Makatagpo

KAILANGAN KO ANG IYONG PAHINTULOT

Nagdarasal ako para sa isang himala at narinig ko ang banayad na tinig ni Maria, aking ina.

Isapuso Mo

Nag-iisa akong anak, minahal at itinangi ng aking mga magulang. Ang aking ama ay isang matapat na Katoliko ngunit ang aking ina ay kasapi ng Protestanteng Simbahan of Scotland. Gayon pa man, napakasaya niya para sa akin na napalaki sa Pananampalatayang Katoliko, kaya’t nag-aral ako sa isang paaralang Katoliko kung saan pinalad akong turuan ng Sisters of Mercy at ng Marist Brothers. Naalala ko ang pag-awit ko sa kanya ng lahat ng mga himno na natutunan ko, ngunit, bilang isang hindi Katoliko, ang mga himno sa Ating Dilag ay lingid sa kanya.

Nakakapagtaka na ito ang naging mga paborito niya at buong pagmamalaking inawit kapag dumalo siya sa mga pamimintuho kapag buwan ng Mayo at ng Marian Procession kasama ako at ang aking ama. Hinimok niya akong sumali sa Mga Anak ni Maria at ang pagmamahal niyang iyon sa Ina ng Diyos ang nagtulak sa kanya na sumali ng Simbahang Katoliko, pagkalipas ng ilang taon. Napakapalad ko ding nagkaroon ng isang napaka-madasaling tiyahin na kumandili sa aking pagmamahal kay Maria. Nagustuhan ko ang pagdalaw sa magandang simbahan ng Our Lady of Victories, sa tabi ng aking paaralan  papauwi, at pag-alay ng ilang minuto sa altar ng Dilag at makaramdama na ito ay nakalulugod sa kanya at na mahal niya ako.

Ang ugnayang ito na nagsimula pa sa aking pagkabata ay nagpatuloy hanggang sa aking paglaki, kaya’t sa mga oras ng pagkabalisa o paghihirap ay babaling ako kay Maria, ang aking Ina at nang laging maramdaman ang Kanyang malambing, pag-aalala at mapagmahal na tulong. Napakahirap ng aking buhay-may-asawa dahil sa pagkagumon sa alkohol ng aking yumaong asawa, kaya’t isang araw nagpasya akong magdasal ng Novena sa Ating Ina ng Awa.

Ang aking parokya nang panahong iyon ay pinamamahalaan ng mga Redemptorist na may isang partikular na pamimintuho sa ating Ina ng Mahal na Awa. Matapos ang isang linggo, tumigil sa pag-inom ang asawa ko!  Nagkaron kami ng 14 na buwan ng mapayapang kahinahunan, ngunit sa kasamaang palad ay bumalik ang pagkagumon. Gayunpaman, labis akong nagpapasalamat kay Maria sapagkat sa panahong iyon, isinilang ang aking bunsong anak na babae, si Alice — isang ika-apat na pagpapala.

Pentecost na Hindi Kasama si Maria?

Noong 1989, naranasan ko ang Bautismo sa Banal na Espirito. Ang aking espiritwal na buhay ay napagyaman sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng isang Charismatic na pangkat ng pagdarasal at tumulong ako sa pagpapalakad ng mga seminar ng Buhay sa Espirito sa maraming parokya. At noong 1993, nagsimula akong mamuno sa isang pangkat ng pagdarasal at pinaandar naming muli ang mga seminars na ito. Palagi akong nagpapasalamat sa bagong pakikipag-ugnay ko kay Jesus na bunga  ng aking Binyag sa Banal na Espiritu, ngunit napansin kong hindi binabanggit ang Mahal na Ina dahil ang mga seminar ay batay sa isang programa na ipinakilala ng mga simbahang Pentecostal.  Paano tayo magkakaroon ng karanasang Pentecostal kung wala si Maria? Nang iminungkahi ko na ito ay isang pagkukulang, ang mabuti kong kaibigan na si John Vaughan Neil ay sumang-ayon at muling isinulat ang kanyang mahusay na seminar, “Mga Anak ng Buhay na Panginoon” na may mga panalangin upang dalhin ang mga nagsidalo sa isang bago at mas malalim na pakikipag-ugnay sa kanilang Ina ng Langit.

Noong I994, nakaramdam ako ng isang malakas na tawag mula sa Ating Ina upang dumalaw sa Medjugorje at kahit na may digmaan pa rin sa Bosnia, ang aking kaibigan, si Anne, at ako ay nakapaglakbay doon kasama ang isang maliit na grupo mula sa Ireland. Ito ay humantong sa isang radikal na pagbabago sa aking espirituwal na buhay. Nabigyan kami ng pagtatanging makapunta sa banal na nayon na ito para sa ika-10 anibersaryo ng Pagtatalaga ng Daigdig sa Immaculate Heart of Mary. Kaya’t noong ika-25 ng Marso, sumali kami sa isang prusisyon patungo sa Hill of Aparitions ng Podbrdo na pinamunuan ng isang Czechoslovakian Bishop na isang personal na kaibigan ni Santo Papa John Paul II.

Doon, hinimok niya kami na italaga ang aming sarili at mga mag-anak sa Immaculate Heart of Mary, at sinabi na ito ay isang lugar ng kalinga at kaligtasan para sa buong mundo. Ginawa ko ito,  masaya ang pakiramdam na nag-alay ng isang kalugod-lugod na panalangin.  Kinabukasan, nagulat ako nang nawari kong iyon din ang aking panalangin, bawat salita, at napagtanto ko na ibinigay ito sa akin ng Ating Ina.  Ipinalangin ko ito araw-araw mula noon. Ipinagdasal ko rin ang 33 Araw na Pagtalaga para kay Maria, tulad ng isinulat ni St.Louis de Montfort, na hindi ko sapat na lubusang maipayo. Ang ipagkatiwala ang lahat sa mga kamay ng Ating Ina at sa kanyang napaka-makapangyarihang pamamagitan, ay ang madanasan ang pag-aaruga ng pagmamahal na ina, at matagpuan ng tunay na kapayapaan.

Isang Banayad na Tinig

Kakailanganin ko ang lahat ng kanyang hindi mapagmaliw na tulong nuong 2016 nang ang aking mas batang anak na si Ruairi ay nasuri na may tumor sa utak. Siya ay 33 taong gulang lamang, may angkop na pangangatawan at isang malusog na ama ng 2 maliliit na bata. Agad akong tumawag sa ating Ina, hiniling na tanganan ang aking anak sa kanyang mga braso tulad ng pagtangan niya kay Hesus at na maupo sa paanan ng Krus kandong si Ruairi. Hiniling ko rin kay Jesus na makikita lang niya si Ruairi sa mga bisig ng Kanyang Ina.  Nakalulungkot na sa kabila ng panglapat-lunas na natanggap niya at sa dami ng mga tao na nagdasal para sa kanya, naging malinaw noong Hulyo ng 2017 na walang magaganap himala. Mamamatay na ang anak ko. Isang Sabado sa Misa, nadama ko ang isang banayad na tinig sa kalooban ko na nagsasabing, “Kailangan ko ang iyong pahintulot.” Sinubukan kong baliwalain ito, ngunit ito’y nagpatuloy, banayad pero paulit-ulit, “Kailangan ko ang iyong pahintulot.”

Alam kong ito ay ang ating Ina, humihiling na pahintulutan Siya na bitawan si Ruairi.  Madaming luha ang iniyak ko ngunit alam kong mahal ng Diyos ang aking anak at nais ang pinakamabuti para sa kanya, kaya ipinagkaloob ko ang aking pahintulot. Napakagiliw ng ating mahal na Ina sa paghling. Lumipas ang mga araw, pumanaw ang aking minamahal na anak, ngunit ang kaalamang kasama niya ang ating makalangit na Ina ay isang malaking pampalubag-loob sa akin.  Ngayon, matapos ang 3 taon,  mapapasalamatan ko pa rin ang Panginoon sa malaking pagpapalayaw na ipinagkaloob Niya – pinahintulutan akong makibahagi sa mga kalungkutan at pagdurusa ni Maria. Pareho naming naranasan ang matinding paghihirap ng pagkawala ng isang anak. Pinili ni Ruairi si Sto. Maximilian Kolbe bilang kanyang santo sa Kumpil. Tulad ng dakilang santong ito, mahal niya ang ating Ina at ang Memorare ang itinatangil niyang panalangin. Sinabi ni San Maximilian, “Huwag na mahalin si Maria nang higit dahil hindi mo siya maaaring mahalin tulad ng pagmamahal ni Jesus sa kanya.”  Talagang totoo!  Hawakan mo ang kanyang kamay at hayaang dalhin  pamunuan ka niya patungo sa Langit.

Share:

Patricia Dowey

Patricia Dowey is a retired Primary School teacher. As a mother of four children and eleven wonderful grandchildren she lives in Dundee, Scotland.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles