Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article
Nagising ka ba ngayon para humantong sa isang katamtamang buhay?
Ikaw at tinawag sa isang mas dakila. mahusay at mataas na plano.
“Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka’t ako’y paroroon sa Ama. At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. Kung kayo’y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin. (Juan 14:12-14)
Oo, nabasa mo ito ng tama. Sinabi ng Panginoon HesuKristo na tayo ay makagagawa ng mga dakilang bagay kaysa sa Kanya. Mga dakilang bagay kaysa sa Diyos Na kumuha ng laman ng tao at tumira sa gitna natin! Kaya ba natin itong gawin? Talaga bang ito ang ibig sahihin ni Hesus na walang kulang? Paano natin ito bibigyan ng kahulugan? Mas dakila ba sa pag gamot ng mga ketongin, mga bulag o dili kaya ay mga taong bingi. Hindi kaya sinabi ni Jesus sa atin na literal nating gagawin ang mga nasabing gawa. Ginawa Niya, ngunit higit na mas malaki sa bilang dahil handa na siyang umakyat sa Kanyang Ama? Naniniwala ba talaga tayo na ang mga ‘palatandaan’ na sinabi sa atin ni Jesus na ‘sasamahan sa mga naniniwala’, ay maaaring literal para sa bawat isa sa atin, ng sinabi Niya “At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; Sila’y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila’y magsisigaling (Marco 16:17-18) ?????
Sa mga nakaraang taon, ako ay nag boluntayo sa isang local na kawanggawas sa aking lungod bahay sa Manchester, England , kung saan may mag local na simbahan Kristiyano ng ibat ibang denomonasyon, naghahalinlinan sa pag tanggap ng mga taong naghahanap ng mag aampon para sa isang gabi, isang beses sa isang lingo, binibigyan sila ng tulugan para sa isang gabi, pagkain sa hapunan at pagkain sa almusal bago sila umalis. Sa isang Sabado ng gabi na tungkulin ng Simbahan Katolikona ako ay dumalo sa sentro ng Lungsod. Ako ay madalas na pinagpala na maging bahagi ng koponan ng nakikitulog, nanatili sa pakikitulog at nakikibahagi sa pagkain. Ang simpleng pag uukol ng oras kasama ang mga magagandang lalaki ito ay lampas sa salita . Karamihan sa kanila ay Muslim.
Maraming himala sa buong taon. Isa nangingibabaw, higit sa karaniwan paraan. Nagumpisa ang gabi, gaya ng dati ng umalis ako kasama ang isa pang nag boboluntaryo, isang mabuting kaibigan, para pagtipunin ang mga lalaki. night started, as usual, when I set off with another volunteer, a good friend of mine, to collect the men. Ng kami ay nag bell sa pintuan at pumasok sa gusali, ako ay sinalubong ng isang babae at binigyan ng papel na may nakasulat napangalan. Sinabi niya na ang pangalan ay isang tgao na dinala sa kanina ng mg polisya mula sa lansangan na kawalan ng pandamdam dahil sa bawal na gamot. Kahit na siniguro sa akin ng babae na ang alalki at ayos na pagkatapo ng pagkakatu;log, hindi ako masaya sa ganon at and tinanong na makita ko ang lalaki, Nang Nakita ko siya, Nakita ko sa kanyang mga mata ang kadiliman. Nakramdam ako agad ng pag tataboy, kaya sinabi ko sa kaya na sa kasamaang palad, hindi siya makakatuloy sa gabing iyon. Ito ay napakahirap, dahil alamk ko ang kahulugan sa kanya ng ng isang gabi sa lansangan para sa kanya, ngunit hindi tama na siya ay patuloyin at manatili sa gabi. Ipinaliwanag ko na kami ay piniagsabihan na siya ay gumamit ng bawal na gamot at may mga kababihan sa tirahan at may mga kalallakihan na kailangan din naming isipin.
Hindi naming maaaring bantayan ang isang lalaki at mapabayaan ang iba. Kahit na pinilit niya na siya as magiging maayos, sinabi ko sa kanya na hindi possible ba manatili siya ng isang gabi dahil ang kawanggawa ay may zero na pagpapaubaya sa paggamit ng bawal na gamut. Nagumpisa siayng magsisigaw at magmura at sinabing siya ay pupunta pa rin, ngunit sinabi ko sa kanya na hindi siya pwedeng pumunta kung wala sila. Nang siya ay umalis na papunta sa buhay ng gabi sa siyidad, ay may pag aaway naman na naganap sa isang bahagi ng silid ng dalawang lalaki. Ito ay kaguluhan mula sa salitang paroon! Dahil dito, kailangan ko ipaalam sa panglawang lalaki na hindi siya puedeng sumali sa iba. Hindi ito nagdulot ng mahusay. Sinuguro jo sa kanya ang aming pagdarasal ngunit ito an maliit na pag aaliw sa isang lalaki na galit na, magulo na ang isip at maaring lasing pa.
Habang sabay na naglalakad na kami, ang isa sa mga lalaki at lumapit para kamayan ako, pasasalamat sa hindi pag papatuloy sa dalawang lalaki dahil sa dulot na gulo ng dalawang lalaki bawat gabi. Sila ay naginhawahan at nagpapasalamat sa katahimikan ng gabi. Habang naglalakad kami, ay nakatagpo kami ng sasakyan ng polisya na may kumikislap na ilaw sa gitna ng daan, Ang isang opisyal ng polisya ay sumigaw ng mg utos na lumayo, naka lawak ang braso para hindi malapitan ang isang lalaki na nakalupasay sa daan na walang malay. May isan opisyal ng polisya na nakaluhod sa tabi ng lalaki na tinitingnan ang kanyang leeg kung may pulos dahil huminto na ang kanyan pang hinga. Mabilis kong natanto ns siya ang unang Muslin na lalaki na umalis kanina. Kaagad, umikot ako sa ilalim ng braso ng polisya at lumuhod at inilagay ang aking kamay sa kanya.
“Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa “sinigaw ng polisya, ngunit pinilit ko na kailangan ko siyang ipagdasal. Kaagad, tinawagan ko ang Panginoon Diyos. “’Nakahinga ka ng buhay sa mundong ito sa simula ng oras, huminga ng buhay sa lalaking ito. Hesus, tinawag Mo ang iyong kaibigan na si Lazarus mula sa libingan, mangyaring itaas ang taong ito ngayon.’ Nag alangan ako, at naisip na “sino ba ako para pagsabihan ang Panginoon Diyos sa makamundong pananalita? Ito ay ang Panginoon Diyos na aking pinagsasabiuhan.” Gaano hindi kasapat ang aking mga pananalita. Ito ay galing sa aking puso, siempyre . Tapos, ako ay nagdasal sa paggamit ng higit na pagkaraniwan regalo ng Banal na Espiritu Santo na ako ay biniyayaan… ang regalo ng pagsasalita sa dila (Cor 12:1-11 & Cor 14:1-5).
Sinabi ni San Paulo na:” Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan sapagkat hindi tayo marunong manalangin nang nararapat, kaya’t ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, at dumaraing sa paraang hindi natin kayang sambitin. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa atin, ayon sa kalooban ng Diyos (Roma 8:26-27). Wala akong ideya kung gaano ako katagal na nakaluhod na nagdarasal, ngunit biglaan na sinabi ng polisya na nag susuri ng pulso,” Naramdaman ko ang pulso!!!” Ang aking puso ay kumanta. Ako ay tuwang tuwa at hindi ko mapigit na pasalamtan si Hesus. Maya maya ay dumating ang abulansya. Isang biyaya na makita sa monitor ng puso ay kumukuha. tibok ng puso. Muli, pinasalamatan ko at pinuri si Hesus ng buong kamangha-mangha at pagtataka.
Ako ay naging ganap na hindi napapansin sa aking paligid dahil ako ay puro kilos sa likas na kilos. Naniniwala ako na ang Diyos ang humimok sa akin kaagad sa panig ng taong ito. Sa aking pagtayo, napagtanto kong ang isang mas malaking karamihan ng tao ay natipon. Muli ay binati ako ng mga pagkakamay mula sa mga naghahanap ng pagpapakupkop, nagpapasalamat sa akin sa pagiging sapat na bukas upang manalangin para sa kanya.
Pagkalipas ng ilang linggo, nagboboluntaryo ulit ako sa silungan ng gabi nang may isa pang lalaking Muslim na lumapit sa akin na may malaking ngiti sa labi na sabik na sabihin sa akin ang tungkol sa lalaking ito na pinagdasal ko. Sinabi niya sa akin na ang lalaki ay nalulong sa pag-inom at droga mula nang dumating siya sa England tatlong taon na ang nakalilipas. Nang mabangga siya nito ilang araw pa lang, hindi na siya nalulong sa pag-inom at bawal na gamot at lumipat sa sarili niyang tahanan, kaya’t hindi na siya natutulog sa mga kalye. Namangha ulit ako at pinuri ang Diyos. Gayunpaman, Ang Panginoon ay hindi natapos doon. Sa gitna ng magandang sandali na ito, nakita ko ang matinding sakit sa lalaking ito na nakaupo sa harapan ko. Naibahagi ko sa kanya ang Ebanghelyo at nagdasal kaming magkasama. Mayroon tayong Diyos na hindi tumitigil sa pagbuhos ng mga pagpapala.
Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya. Sinabi sa atin ni Jesus na ang pinakamaliit na binhi ng pananampalataya ay sapat na upang ilipat ang mga bundok (Marcos 11: 22-25) at ‘sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay posible’ (Mateo 19:26). Ang aming Tatlong Diyos, Ang Lumikha, Ang Manunubos, at Ang Pinagpapabanal; Ang Ama, Anak at Banal na Espiritu ay naninirahan sa loob ng bawat bautismong Kristiyanong mananampalataya. Dapat talaga nating paniwalaan iyon at ipamuhay ito. ‘Si Hesucristo ay pareho kahapon at ngayon at magpakailanman’ (Mga Hebreo 13: 8) at ang Kanyang mga salita ay ‘Espiritu at buhay’ (Juan 6:63).
Sean Booth is a member of the Lay Missionaries of Charity and Men of St. Joseph. He is from Manchester, England, currently pursuing a degree in Divinity at the Maryvale Institute in Birmingham.
Kinailangan ng giting upang masimulan ang sanlibong-pirasong palaisipan at matapos ito; tulad rin ito ng buhay. Noong nakaraang Pasko, ako’y nakatanggap ng sanlibong-piraso ng palaisipang laro mula sa aking Kris Kringle sa aking pinapasukan na pinapaskil ang Labindalawang Apostol ng bantog na Great Ocean Road (isang nakahihindik na kumpol ng mga batuhan sa Southwestern Victoria ng Australia). Ako’y hindi matalas sa simula, nakagawa na ako ng mga tatlo nito kasama ang aking anak na babae noong lumipas na iilang mga taon, kaya nalaman ko ang kasidhiang kinakailangan ng mga ito. Bagaman, nang tumingin ako sa tatlong mga nabuong palaisipan na nakabitin sa tahanan, kahit na sa pagkawalang-galaw nadarama ko, nagkaroon ako ng isang higit na panloobang pagnanais na pagnilayan “Ang Labindalawang mga Apostol.” Sa Maalog na Lupa Ikinatataka ko kung paano ang pagdama ng mga Apostol ni Hesus nang Siya’y namatay sa krus at nilisan sila. Ang sinaunang pinanggalingan na mga kasulatang Kristiyano, kabilang ang Ebanghelyo, ay isinaad na ang mga alagad ay nasiraan ng loob, puno ng di-pagkapaniwala at takot kaya sila’y nagsitago. Sila’y nawala sa kanilang pagiging pinakamabuti sa kawakasan ng buhay ni Hesus. Gayunpaman, ito ang nadama sa simula ng taon—natatakot, di-mapakali, malungkot, nasiraan ng loob, at walang-katiyakan. Ako’y hindi puspusang nakaraos sa dalamhati ng pagkawala ng aking ama at isang matalik na kaibigan. Dapat kong aminin na ang aking pananalig ay nakatayo sa maalog na lupa. Tila bagang nahigitan ang aking pagnanais at kalakasan para sa buhay ng pagkawalang-sigla, kaligamgaman, at kadilimang-gabi ng kaluluwa, na nagbanta (at paminsan-minsang nakapagtagumpay) sa pagpapakulimlim ng aking says, sigla, at pagnanais na paglingkuran ang Panginoon. Hindi ko ito mapagpag nang pawala gaano man kadakila ang aking mga pagpupunyagi. Ngunit kapag tayo’y hindi titigil sa maluknot na bahagi ng paglisan ng mga alagad sa kanilang Panginoon, makikita natin sa wakas ng mga Ebanghelyo, itong parehong mga lalaki, handang makipagsapalaran sa mundo at kahit mamatay para kay Kristo. Ano ang nagbago? Ang mga Ebanghelyo ay itinala na ang mga alagad ay naisahugis sa pagsaksi ng Muling Pagkabuhay ni Kristo. Nang pumunta sila sa Betanya upang saksihan ang Kanyang Pag-akyat, naggugol ng panahon sa piling Niya, natuto mula sa Kanya, at nakatanggap ng Kanyang mga pagbasbas, ito’y nag-iwan ng isang makapangyarihang talab. Hindi lamang tagubilin ang Kanyang ibinigay ngunit pati ang layunin at ang pangako. Sila’y hindi lamang mga sugo, ngunit mga saksi rin. Nangako Siyang samahan sila sa kanilang gagawin at binigyan sila ng isang Napakalakas na Tagatulong sa yaon. Yaon ang aking ipinagdarasal nitong huli—ang pagkikita kay Hesus na Muling Nabuhay upang ang buhay ko ay maipagbago nang may-kabanalan. Hindi Sumusuko Samantalang ako ay nagsimula sa palaisipan, sinisikap na buuhin ang kaakit-akit na kababalaghang ito ng Labindalawang Apostol, napintuho ko na ang bawat piraso ay mahalaga. Bawat taong makakasalubong ko ngayong Bagong Taon ay mag-aambag sa aking pagyabong at pagbibigay kulay sa aking buhay. Dadating ang mga ito sa iba't ibang kulay—ang ilan ay malakas, ang iba ay banayad, ang ilan ay may maliliwanag na kulay, ang iba ay kulay abo, ang ilan sa isang mahiwagang pagsasamasama ng mga kulay, habang ang iba ay purol o matingkad, ngunit lahat ay kinakailangan upang malubos ang larawan. Ang mga palaisipang laro ay tumatagal ng ilang oras para mabuo, at gayundin ang buhay. Madaming pagtitiyaga ang kinakailañgan habang tayo ay nakikipag-ugnay sa bawat isa. May pasasalamat kapag nagawa na ang ugnayan. At kapag ang mga piraso ay hindi magtugma, mayroon sanang mapagtiwalang paghimok na huwag sumuko. Kung minsan, maaaring kailanganin nating mamahinga muna, bumalik, at subukang muli. Ang palaisipan, tulad ng buhay, ay hindi natatakpan ng mga saboy ng matitingkad, masasayang kulay sa lahat ng oras. Ang mga itim, kulay abo, at madilim na lilim ay kailangan upang makalikha ng isang kaibahan. Kailangan ng lakas ng loob upang simulan ang isang palaisipan, lalo pa para tapusin ito. Ang tiyaga, sigasig, panahon, katapatang-loob, pagtuon, sakripisyo, at debosyon ay hihingin. Ito ay kahalintulad kapagka nagsimula tayong sumunod kay Hesus. Tulad ng mga Apostol, tatagal ba tayo hanggang sa wakas? Makakaharap ba natin ang ating Panginoon nang harapan at marinig Siyang magsabi: “Magaling, mabuti at matapat na alipin” (Mateo 25:23), o gaya ng sinabi ni San Pablo: "Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya." (2 Timoteo 4:7) Sa taong ito, maaari ka ding tanungin: Hawak mo ba ang piraso ng palaisipan na maaaring magpabuti ng buhay ng isang tao? Ikaw ba ang nawawalang piraso?
By: Dina Mananquil Delfino
MoreSa pinakamadilim na gabi, ating nakikita ang pinakamaningning na mga bituin. Tulutan mong suminag ang iyong ilaw. Ipalagay ang paggunam-gunam ng isang tahimik at madilim na gabi sa kaloob-looban ng magaspang na binungkal na kuweba. Na may sapat na kalapitan sa bayan upang marinig ang satsatan ng Belen sa mga pagdurugtong nito ngunit may sapat na kalayuan upang madama nito ang pagiging bukod. Ang kuweba, isang sabsaban na nilukob ng dayami at matapang na amoy ng mga hayop, at kinumutan ng kadiliman. Makinig. Dinggin ang banayad na mga dalangin at mga lagaslas, ang malugod na pagdedede ng isang Sanggol na sumususo sa dibdib. Isang Bata, malusog at mahalaga, idinuruyan ng Kanyang ina at ama. Sa ibabaw, isang matingkad na makalangit na ilaw na sumisinag nang pababa sa kuweba, isang nalalabing palatandaan na ito’y anuman ngunit hindi isang walang saysay na pangyayari. Ang Sanggol, na kaluluwal lamang, na ibinalot sa pananggalang na mga damit na ginawa at binurda ng Kanyang ina… malugod sa Kanyang pakain, Siya’y nanahan nang matiwasay. Sa labas, sa loob ng satsating bayan ng Belen, walang may kaalaman sa laki ng pangyayaring ito. Isang Malalim, Madilim na Kuweba Sa Kinaugaliang alamat, ang sagisag ng Pagsilang ay inilalarawan sa loob ng isang kuweba. Ito’y may dalawang bahagi. Sa una, ang mga sabsaban ay kadalasang binubungkal nang may kagaspangan mula sa bato sa panahon ng pagsilang ng ating Panginoon. Ang ikalawang dahilan ay makahulugan. Itong madilim na kuwebang may katiyakan ay nagdudulot ng pagsasa-ayos ng ilaw ni Kristo—na tumatagos sa panahon at pagitan at bato— Diyos na bumababa sa lupa. Ito rin ang kuweba, na may anyong tulad ng puntod, na nagpapahiwatig ng Kanyang Paghihirap at Kamatayan. Dito sa isang sagisag ay naisulat ang nakayayanig na pangyayari na ibinago ang buhay ng tao nang walang hanggan. Itong isang Bata, na nakatagpo ng ginhawa sa Kanyang inang napupuno ng biyaya “ay nakalaan para sa paglagpak at pagtaas ng karamihan sa Israel, isang pahiwatig upang mapagsalungatan” (Lukas 2:34). Isang Malalim, Madilim na puso Bawa’t isa sa atin ay nakapagmana na ng isang nalugmok na katauhan. Ang ating mapanirang pagnanasa—o karupukan na magkasala—ang siyang nakapagsasanhi sa ating sariling mga puso na magdilim. Kaya naman, hindi nakabibigla na matatagpuan natin sa Ebanghelyo ni Mateo, ang masidhing payo, “Pinagpala ang may mga malinis na puso, pagkat makikita nila ang Diyos” (Mateo 5:8). Maaari tayong magnais na mag-isip na kung tayo ang nabubuhay sa panahon ni Hesus, hindi tayo maaaring makapagmintis na makilala Siya sa gitna ng ating pag-iral. Ngunit ang ganitong pag-iisip, ikinatatakot ko, ay pawang kayabangan. Tila mahigit pa na hangga't ang ating pananalig ay naitayo sa matatag na saligan at tayo’y bukas sa pagdating ng Mesias, magkakaroon tayo ng gulo sa pagtagpo sa Kanya kahit na Siya’y kusang nakaharap sa atin. At minsan, tayo’y nagmimintis na makita Siya ngayon kapag Siya’y nasa harapan natin. Totoo bang namumukhaan natin Siya sa Yukaristiya? O sa mapasakit na balatkayo ng ng mga dukha? O kahit sa mga taong nasa paligid natin—lalo na sa mga yaong nangyayamot sa atin? Hindi lagi. At marahil hindi pirmihan. Ngunit mayroong mga panlutas para sa yaon. Paaninagin ang Ilaw Si San Josemaria Escriva ay nagbala sa atin, “Ngunit huwag limutin na hindi tayo ang pinagmulan nitong ilaw: pinaaninag lamang natin ito.’ Kapag iniisip natin ang ating puso na isang salamin, mapagtatanto natin na kahit ang maliit na gatla sa labas ay babaguhin ang panganganinag. Kapag higit na magiging madungis ang salamin, lalong kulang ang ating pag-aninag ng liwanag ni Kristo sa iba. Ngunit kung karaniwang pananatilihin nating malinaw ang salamin, ang pag-aaninag nito ay hindi magpapalabo nang kahit papaano. Kung gayon, paano natin mapananatiling malinis ang mga puso natin? Subukan itong limang mga hakbang sa Paskong ito para gawing malinis ang mga puso natin upang umaninag ang ilaw ng Sanggol na ito, ang Prinsipe ng Kapayapaan. Nawa'y mabatid natin Siya sa kuweba, sa mundo, sa mga taong nakapaligid sa atin. 1. Manalangin para sa malinis na puso Hilingin sa Diyos na malabanan ang mga tukso ng kasalanan at pagtibayin ang mga kinaugaliang arawing pagdarasal. Tanggapin Siya nang karapat-dapat sa Yukaristiya upang mapagyaman ka Niya. “Likhain Mo sa akin ang malinis na puso, O Diyos, at igawad ang tamang diwa sa akin” (Salmo 51:10). 2. Magsanay ng pagpapakumbaba Ikaw ay matitisod nang higit pa sa iilang ulit sa iyong banal na lakbayin. Gawin nang tuwina ang Pangungumpisal at maghanap ng banal na pari para sa banal na pamamatnugot. 3. Basahin ang mga Ebanghelyo Ang pagbasa at pagmumuni-muni ng mga Ebanghelyo ay kahanga-hangang mga paraan para sa higit na malalim na pag-unawa at higit na matalik na kaugnayan sa Ating Panginoon. “Magsilapít kayo sa Diyos, at Siya’y lalapit sa inyo” (Jaime 4:8). 4. Tanggapin ang liwanag Tanggapin nang maluwag sa loob at buong pagmamahal ang mga pangaral ni Kristo at ng Kanyang Simbahan, kahit na ito’y mabigat. Dumalangin para sa liwanag at pag-unawa kapag ikaw ay hindi tiyak sa kinakailangan mula sa iyo. 5. Layuan ang dilim Si Santa Madre Teresa ng Calcutta ay minsang isinaad, “Ang mga salitang hindi nagdudulot ng liwanag ni Kristo ay nagdaragdag ng dilim.” Sa madaling sabi, kung anumang mga pag-uusap o ang medya na tinatangkilik natin na hindi nakapagdadala ng ilaw ni Kristo sa atin, nangangahulugan na ang mga ito’y ginagawa ang salungat. Sa pagiging makatwiran sa libangan o mga gawi na ikinalulugod natin, tayo’y tunay na umiiwas sa yaong mga hindi nakapagdadala ng ilaw ni Kristo.
By: Emily Shaw
MoreSi San Januarius (o San Gennaro, bilang siya ay kilala sa kanyang katutubong Italya) ay ipinanganak noon sa Naples noong ikalawang siglo sa isang mayamang aristokratikong pamilya. Siya ay naordenahang pari sa kahanga-hangang edad na labinlimang taong gulang. Sa edad na dalawampu, siya ay Obispo na ng Naples. Sa panahon ng pag-uusig ng mga Kristiyano na sinimulan ng emperador na si Diocletian, itinago ni Januarius ang maraming Kristiyano, kasama na ang dati niyang kaklase, na si Sossius, na magiging isa ring santo. Nalantad si Sossius bilang isang Kristiyano at ikinulong. Nang bumisita si Januarius sa kulungan, siya rin ay naaresto. Iba-iba ang mga naging kwento tungkol sa kanila, kung siya ba at ang kanyang kapwa mga Kristiyano ay itinapon sa mababangis na hayop na tumangging salakayin sila o sa isang pugon kung saan sila ay lumabas na hindi nasaktan. Ngunit lahat ng mga kuwento ay sumasang-ayon na si Januarius ay tuluyang pinugutan ng ulo sa bandang taon ng 305 A.D. At dito nagiging interesante ang kwento. Inipon ng mga banal na tagasunod ang ilan sa kanyang dugo sa mga maliliit na babasaging mga bote at iningatan ito bilang isang banal na alaala. Yung dugo, na iningatan hanggang ngayon, ay nagpapakita ng mga kahanga-hangang katangian. Sa tatlong okasyon sa bawat taon, gaya ng dating nangyari ang himalang ito ay unang nangyari noong 1389, ang pagkatunaw ng namuong dugo. Naka-imbak sa mga kristal na maliliit na lalagyan, ang tuyo at matingkad na pulang dugo na kumapit sa isang gilid ng sisidlan ay mahimalang nagiging likido na pumupuno sa bote mula sa gilid hanggang sa bawat gilid. Bukod sa araw ng kanyang kapistahan, Setyembre 19, nagaganap din ang himala sa araw ng paglilipat ng kanyang mga labi sa Naples at sa anibersaryo ng Naples na naligtas mula sa mga epekto ng pagsabog ng Mount Vesuvius noong 1631. Sinubukan ng ilang siyentipiko ang pagsisiyasat at nabigo sila na ipaliwanag kung paanong ang solidong dugo ay nagiging lusaw. At ang anumang panlilinlang o masamang gawain ay hindi kasama. Ang masayang sigaw ng: "Nangyari na ang himala!" ay pumuno sa Naples Cathedral habang ang mga tapat ay humahalik sa relikaryo na may hawak ng dugo ng santo. Napakagandang biyayang ibinigay ng Diyos sa Simbahan sa pamamagitan ng kahanga-hangang santo na ito, at sa himala na bawat taon ay nagpapaalala sa atin kung paano si Gennaro-at marami pang iba-nagbuhos ng kanilang dugo alang-alang sa Panginoon. Tulad ng sinabi ni Tertullian, "Ang dugo ng mga martir ay ang binhi ng Simbahan."
By: Graziano Marcheschi
MoreMaaaring dalawin ang sinuman at lahat ng sampung milyong tao na nakakulong sa buong mundo sa anumang oras. Nagtataka kung paano? Magbasa pa Noong ako ay nasa bilangguan, dinalaw mo ako” Ito ang ilan sa mga taong ipinangako ni Jesus na gagantimpalaan sa Araw ng Paghuhukom. May mga patakaran na naglilimita sa mga pagdalaw sa mga bilanggo, ngunit may mga paraan ba na maaaring bisitahin ng isang tao ang alinman at lahat ng sampung milyong tao na nakakulong sa buong mundo? OO! Unang una sa pamamagitan ng palagian na pananalangin para sa lahat ng mga bilanggo, pagbanggit ng anumang personal mong kakilala sa pangalan. Ito ay maaaring samahan ng pagsisindi ng kandila upang sumagisag sa panalangin na umaakyat sa Diyos at nagdadala ng liwanag sa kadiliman ng buhay ng isang bilanggo. Noong ako ay nakapiit ang aking mag-anak at mga kaibigan ay nagsindi ng mga kandila bilang isang buhay na apoy ng pag-aalay sa Makapangyarihang Diyos, patungkol para sa akin. Nakita kong napakabisa nito. Ito ay kamangha-mangha kung paano ang isang sinag ng kagalakan ay biglang sumisikat sa karimlan na normal na buhay sa bilangguan. Isang bagay na maliit, ngunit napaka may kahulugan na malilimutan ko sandali kung nasaan ako at sa ilalim ng kung anong mga pangyayari, na nag-udyok sa akin na mag-isip, 'mayroon din palang Diyos', kahit dito. Ngunit naniniwala ako na ang pinakamabisang paraan upang matulungan ang mga nasa bilangguan, o sinumang nangangailangan ng panalangin, ay ang pagnilayin ang mga banal na mahalagang sugat na dinanas ng ating Panginoon sa Kanyang simbuyo ng damdamin mula sa Kanyang pagkadakip noong Huwebes Santo ng gabi hanggang sa Kanyang kamatayan noong Biyernes Santo. Walang - Salang Pangako Pagnilayan ang lahat ng mga hampas at pansasalakay sa Kanyang katawan, kabilang ang malupit na paghagupit at ang patuloy na sakit ng mga sugat ng korona ng mga tinik, ngunit lalo na ang limang pinakamahalagang sugat sa Kanyang mga kamay, paa, at tagiliran. Sinasabi sa atin ni Santa Faustina kung gaano ikinasisiya ni Hesus kapag pinagninilayan natin ang Kanyang mga sugat, at kung paano Siya nangako na magbubuhos ng karagatan ng awa kapag ginawa natin ito. Samantalahin ang maawain, mapagbigay na alok na ito na inilaan Niya para sa panahong ito. Manalangin para sa biyaya at awa para sa inyong sarili, para sa mga kilala ninyo sa pangalan, at para sa lahat ng 10 milyong nakakulong, na nakakulong sa lahat ng uri ng mga kadahilanan, makatarungan at hindi makatarungan. Nais Niyang iligtas ang bawat kaluluwa, tinatawag ang bawat isa pabalik sa Kanya upang tanggapin ang Kanyang awa at kapatawaran. Ipagdasal din ang mga naaapi, ang mga pinagkakaitan, ang mga dukha, ang mga maysakit at nakaratay sa higaan, at ang mga nagdurusa nang tahimik na walang sinumang magsasalita para sa kanila. Ipanalangin ang lahat ng nagugutom— sa pagkain, sa kaalaman, o sa pagkakataong magamit ang mga biyayang bigay sa kanila ng Diyos. Ipanalangin ang mga hindi pa isinisilang at ang mga walang diyos. Tayong lahat ay mga bilanggo ng isang uri o iba pa man, ngunit higit sa lahat, tayo ay mga bilanggo ng kasalanan sa lahat ng mapanlinlang na anyo nito. Hinihiling Niya sa atin na magtungo sa paanan ng Krus, na nabasa ng Kanyang Mahal na Dugo, ihain ang ating mga kahilingan sa Kanya, at ano pa mang hangarin, Siya ay tutugon sa awa. Huwag nating palampasin ang anumang pagkakataong magmakaawa para sa hindi mabilang na kayamanan na ipinangako sa atin ng ating mahabaging Panginoon. Kapag nananalangin tayo para sa 10 milyong bilanggo sa buong mundo, bawat isa sa kanila ay tumatanggap ng 100 porsiyento ng benepisyo ng ating panalangin dahil, kung paanong ang ating mabuting Panginoon ay buong-buo na ibinibigay ang Kanyang sarili sa bawat isa sa atin sa Eukaristiya, pinadadami Niya ang ating nag-iisang panalangin tulad ng isang mikropono, na umaabot sa puso ng bawat isa sa kanila. Huwag kailanman mag-isip "ano ang magagawa ng aking nag-iisang panalangin para sa napakadaming tao?" Alalahanin ang himala ng mga tinapay at isda at huwag nang mag-alinlangan pa.
By: Sean Hampsey
MorePatuloy kang maghalukay sa artikulong ito nang matuklasan mo ang bagong liwasan para sa iyong buhay pananalangin Mga ilang taon matagal na, ang bahay ng aking kapatid na babae ay nagkaroon ng malaking suliranin sa tuberyas. Nagkaroon ng di-matukoy na pagtagas ng tubig sa may gusali na naging dahilan upang tumaas nang $400 ang kanyang singil sa tubig mula $70 bawat buwan. Madaming paghalukay at paghukay ang ginawa ng kanyang anak na lalaki upang subukang tuklasin ang pinagmulan ng pagtagas, ngunit walang saysay. Matapos ang ilang araw ng di-nagbungang paghahanap, isang kaibigan ang nakaisip ng solusyon. Ang kanyang balak: kalimutan ang tungkol sa pagtuklas ng pagtagas. Sa halip, magsimula sa puno ng tubo ng tubig, magkabit ng panibagong tubo, at iliwas ang bahagi na alam nilang maalinlangan dahil sa paglawa ng tubig. Ilagay ang bagong tubo sa panibagong landas at lubos nang pabayaan ang lumang tubuhan. Kaya iyon ang ginawa nila. Kasunod ng isang araw ng pagsusumikap at madaming paghuhukay, nagawa nila ang planong iyon at, ta-da! Naayos ang problema, at bumalik sa dati ang singil ng tubig ng kapatid ko. Habang pinagnilayan ko ito, ang aking isipan ay bumaling sa di-natugunang mga panalangin. Minsan tayo ay nananalangin para sa mga tao o para sa mga pagkakataon at ang mga panalanging iyon ay tila walang nagawang anumang kaibhan. Ang lagusan sa tainga ng Diyos ay tila "may tagas." Marahil tayo ay dasal nang dasal nang dasal para sa isang tao na magkaroon ng pagbabagong loob, na magbalik sa simbahan. O nagdadasal tayo na makahanap ng pagkakakitaan ang sinoman na matagal nang walang trabaho. O nagdadasal tayo para sa paggaling ng isang taong nakikipaglaban sa malubhang paksang pangkalusugan. Anuman ang katayuan, wala tayong nakikitang pag-unlad at ang ating mga panalangin ay parang nasasayang o walang silbi. Naaalala ko ang pagdadasal para sa isang napakahirap na alitan ng mga tauhan sa organisasyong pangmisyonero na aking pinapasukan. Ito ay isang kalagayan na nakakabahala at nakakasaid ng aking emosyonal at pisikal na lakas. Wala sa mga sinubukan kong natural na antas ang nakalutas nito, at ang aking mga panalangin para sa katugunan ay tila walang bisa. Sa aking panalangin isang araw, minsan pa akong tumangis sa Diyos sa kawalang pag-asa at nadinig ko ang isang mahinahon at payapang tinig sa aking puso, “Isuko mo ito sa Akin. Ako na ang bahala." Napagtanto ko na kinailangan ko ng pagbabago sa aking pakikitungo, isang “liwasan ng pagtutubero” ika nga. Ang aking saloobin hanggang sa puntong ito ay sinusubukang lutasin ang sitwasyon sa pamamagitan ng aking mga pagsisikap: mamagitan, makipag-usap, subukan ang iba't ibang mga pagkakasundo suyuin ang mga partidong kasangkot. Ngunit dahil walang nangyari at mas lumalala pa ang mga bagay, alam kong kinailangan kong hayaan pumalit ang Diyos. Kaya ibinigay ko sa Kanya ang aking pagsang-ayon. “Panginoon, isinusuko ko ang lahat sa Iyo. Gawin Mo ang anumang kailangan Mong gawin, at makikipagtulungan ako." Sa loob ng 48 na oras ng panalanging iyon, ganap na nalutas ang sitwasyon! Sa bilis na nakapagpahanga sa akin, ang isa sa mga partido ay gumawa ng isang desisyon na lubos na nagbago ng lahat, at ang stress at di- pagkakasundo ay napalis ng ganoon na lamang. Nabigla ako at hindi makapaniwala sa nangyari. Ano ang natutunan ko? Kung nananalangin ako sa isang natatanging paraan para sa isang bagay o isang tao at ako ay naipit at wala akong nakikitang tagumpay, marahil kailangan kong baguhin ang paraan ng pagdadasal ko. Huminto at magtanong sa Banal na Espirito, “Mayroon bang ibang nararapat na paraan na dapat kong ipagdasal ang taong ito? May iba pa ba akong dapat hilingin, isang partikular na biyaya na kailangan nila ngayon?" Marahil kailangan nating subukan ang "plumbing bypass." Sa halip na subukang hanapin ang tagas o ang pinagmulan ng pagtutol, maaari tayong manalangin na maiwasan ito ng Diyos. Napaka malikhain ng Diyos (ang pinagmulan ng pagkamalikhain, ang orihinal na Lumikha) at kung patuloy tayong makikipagtulungan sa Kanya, gagawa Siya ng iba pang mga paraan upang malutas ang mga isyu at maghatid ng biyaya na ni hindi natin naisip. Hayaan ang Diyos na maging Diyos at bigyan Siya ng puwang upang makagalaw at kumilos. Sa aking kaso, kinailangan kong lumayo sa pagkakaharang, tanggapin nang may pagpapakumbaba na ang aking ginagawa ay hindi tumatalab, at mas taimtim na sumuko sa Panginoon upang Siya ay makakilos. Ngunit ang bawat kalagayan ay naiiba, kaya tanungin ang Diyos kung ano ang nais Niyang gawin mo at makinig sa Kanyang mga tagubilin. Sundin ang mga iyon sa abot ng iyong makakaya at ipaubaya ang mga kalalabasan sa Kanyang mga kamay. At alalahanin ang sinabi ni Jesus: “Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos.” Lucas 18:27
By: Ellen Hogarty
MoreSanayin mo ito at hinding hindi ka magsisisi... Isang antipon ang tumama sa akin sa mga huling araw ng huling Adbiyento: “Tumingin tayo sa Kanyang Mukha at tayo ay maliligtas.” Oo, nanalangin ako, Hesus, hayaan mo akong makita ang Iyong Mukha. Naisip ko sina Maria at Jose na tumitingin sa Iyong Mukha sa unang pagkakataon habang marahan Ka nilang hinahawakan at hinahalikan ang Mukhang iyon, at inihiga Ka sa dayami na natatakpan ng mainit na kumot. Kay ganda mo, bago mo pa man idilat ang iyong mga mata at lingunin ako. Muling Buhayin ang Iyong Pag-ibig Sa mga panahon ding ganito, nabasa ko mula sa aklat ni Sister Immaculata, isang madre ng Carmelite, (Ang Landas ng Panalangin: PAKIKIPAGISA SA DIYOS) na inilathala ng Mount Carmel Hermitage, 1981) isang bagay na nakaantig din sa aking puso. Binanggit niya kung paano namin mapapanatili ang aming pagmamahal sa Iyo, Hesus, na aming ipinapahayag sa aming mga pormal na oras ng panalangin at sa Eukaristiya habang tinatanggap Ka namin sa aming mga katawan at kaluluwa. Sabik kong binasa ang tungkol dito, dahil nahihirapan ako sa nararamdaman naudyok akong kumuha ng isa pang makakain o maiinom sa malapit na kusina. Habang nakaupo ako roon sa aking sulok ng dasalan, napagtanto ko ang katotohanan ng isang kasabihan na nakapaskel sa kanyang palamigan: “Wala rito ang hinahanap mo.” Oo, maaari akong bumaling sa Iyo sa halip na pumunta sa aking palamigan, puwede ba? Kaya gusto kong basahin kung ano ang sinabi ni Sister Immaculata tungkol sa muling pag-aalab ng aking Pag-ibig. Pinagtibay niya: “Ang patuloy na pakikipag-usap sa Diyos sa Kanyang buhay na presensya ay siyang bumubuo ng kaluluwa. Pinapanatili nitong dumadaloy ang init at dugo...Dapat mayroong malaking katapatan sa pagsasagawa nitong mapagmahal na pag-alaala sa Diyos nang may pananampalataya.” Ipinakita niya kung paano "dapat magkaroon ng espesyal na pangangalaga sa panloob na tingin sa Diyos, gaano man kaigsi, ay mauuna at magtatapos ito sa bawat panlabas na pagkilos." Sinimulan niyang ibahagi kung paano ito sinabi ng dakilang mistiko, si Santa Teresa ng Avila, sa kanyang mga madre: "Kung kaya niya, hayaan siyang magsanay ng paggunita nang maraming beses araw-araw." Naunawaan ni Santa Teresa na hindi ito magiging madali sa una, ngunit “kung isasagawa mo ito sa loob ng isang taon, o marahil sa loob lamang ng anim na buwan, magiging matagumpay ka sa pagkakamit nito"—napakalaking benepisyo at kayamanan. Ang mga Banal ay “itinuro sa atin na ang patuloy na komunyon na ito ay isang pinakamabisang paraan upang mabilis na makarating sa mataas na antas ng kabanalan. Ang mga mapagmahal na gawaing ito ay nag-aayos ng kaluluwa para sa kamalayan ng hipo ng Banal na Espiritu at inihahanda ito para sa mapagmahal na pagbubuhos ng Diyos sa kaluluwa na tinatawag nating pagmumuni-muni...na nagbibigay-daan sa atin na tuparin ang ating obligasyong Kristiyano na manalangin sa lahat ng dako at palagi." Nakaugaliang Pagsasanay Ito ang ilang mga paraan kung saan isinasama ko ang kasanayang ito. Sa pag-akyat at pagbaba ng hagdan, o kahit sa paglalakad sa ilang mga landas, sinasabi ko sa ritmo ng aking mga hakbang: “Hesus, Maria, at Jose, mahal Kita. Iligtas ang mga kaluluwa.” Kapag nakaupo para kumain, hinihiling ko kay Jesus na umupo sa tabi ko. Nang matapos akong kumain, nagpasalamat ako sa Kanya. Ang pinakamahirap na kasanayan ay ang magdasal bago kumain ng anumang meryenda o kagat kapag wala sa hapag kainan, o kapag naghahanda para sa isa; Isinagawa ko ito para sa Kuwaresma, at sa wakas ay nakabuo ako ng isang bagong ugali. Kapag dumadaan ako sa isang Simbahan o Kapilya, sinasabi ko ang ilang pagkakaiba-iba ng “Hesus, salamat sa Iyong presensya sa Eukaristiya. Mangyaring pagpalain ang lahat ng banal sa lugar na ito.” Kapag nagpapalampas ng isang matamis sa panahon ng Kuwaresma o sa Biyernes, nananalangin ako para sa isang tao o ilang bansang lubhang nangangailangan. Tiniyak sa atin ni Sister Immaculata: “Ihahayag ng Diyos ang Kanyang sarili. Siya ay nauuhaw na gawin ito, ngunit hindi Niya magagawa ito maliban lang kung ang puso at isip ay handa na tanggapin Siya. Ang ating buhay sa panalangin ay hindi talaga magsisimula hangga't hindi natin naitatatag ang mga pundasyon ng isang dalisay na budhi, paglalayo, at kaugalian na manatili sa Kanyang presensya." “Ang tunay na kalayaan ay ang kalayaan sa pagiging makasarili. Ang ugali ng patuloy na paggunita at patuloy na pagdarasal sa presensya ng Diyos ay ang lunas sa takot na mamatay sa sarili at pagkamakasarili na nakatanim sa atin... Ang panalangin at pagtanggi sa sarili ay hindi mapaghihiwalay na magkadugtong... dahil ang pag-ibig ni Jesus ay ginagawang hamakin ng isang tao ang kanyang sarili." Ang kabanatang ito ay nagtatapos sa isang sipi mula sa Paggaya kay Kristo: “Maging mapagpakumbaba at mapayapa at sasaiyo si Jesus. Maging matapat at tahimik at si Jesus ay mananatili sa iyo…Dapat kang hubad at magdala ng isang dalisay na puso sa Diyos, kung ikaw ay dadalo sa paglilibang at kung makikita mo lang kung gaano katamis ang Panginoon” (Aklat II, kabanata 8). Habang nakatuon ako sa mga lugar kung saan ako nagpapakasasa nang hindi muna nagdadasal, nakaramdam ako ng inspirasyon na humanap ng panalangin para mas mapalapit ako sa Panginoon na mahal ko, pinaglilingkuran, at pinagdarasalan ko nang ilang oras bawat araw. Hesus, oo, tulungan mo akong umunlad sa pagsasagawa ng pamumuhay sa Iyong presensya, na naghahangad na makita ang Iyong Mukha ng higit at mas higit pa”.
By: Sister Jane M. Abeln SMIC
MoreBinigyan tayo lahat ng regalo ng oras, pero ano ang ginagawa natin dito? Minsan nahihirapan akong maunawaan kung ano ang sinusubukang sabihin sa akin ng Diyos. Madalas ko Siyang inuulit. Noong nakaraang taon, paulit-ulit, naramdaman kong inilalagay ng Panginoon ang mga salitang ito sa aking puso –“Lagyan mo ito ng bakod.” Nang maglaon ay humingi ako ng paglilinaw at naisip ko ang banal na kasulatang ito: “May isang may-ari ng lupa na nagtanim ng ubasan, naglagay ng bakod sa paligid nito, naghukay dito ng pisaan ng alak, at nagtayo ng tore.” (Mateo 21:33) Alam ko na ang mga bakod ay mga palumpong na malapit na lumaki, madalas na nakapaloob sa mga hardin. Nang tanungin ko ang Diyos kung ano ang nais Niyang ilakip sa akin, naunawaan ko na dapat kong bantayan ang aking oras, lalo na ang oras ko sa Kanya. Kaya, nagsimula akong maging mas maingat sa aking gawain sa umaga. Mas naging may malay ako sa mga nakakagising kong kaisipan, panaginip, at kanta na tumatakbo sa utak ko. Nagsimula akong mag-talaarawan. Sinikap kong itaas ang puso ko sa Panginoon nang may papuri at pasasalamat bago ako bumangon sa kama. Sa halip na suriing mabuti ang mga laman ng balita sa sosyal midya o magbasa ng balita, ibinuhos ko ang pang-araw-araw na pagbabasa ng Misa araw-araw, kasama ang aking kape sa umaga. Ako ay nagbabantay sa aking panloob na buhay. Iniingatan ko ang aking oras sa Panginoon. Para akong bantay sa pagsikat ng araw. Nang maghanap ako ng isang espirituwal na direktor nitong nakaraang taon, ang una niyang itinanong ay kung mayroon akong pang-araw-araw na gawain sa pagdarasal. Ang kanyang numero unong layunin para sa akin ay panatilihin ang isang regular at pare-parehong buhay panalangin. Ang aking asawa at ako ngayon ay mas matapat na nananalangin bilang mag-asawa. Sinimulan naming manalangin nang higit na sinasadya sa mga oras ng pagkain, na nagdaragdag ng taos-pusong mga panalangin kasama ng mga panalangin na alam namin sa puso. Sa pagtatapos ng araw, tinutupad namin ang aming pangako na manalangin bilang isang pamilya. Nagdadasal ako sa kotse. Nagdarasal ako sa simbahan. Nagdarasal ako sa aking morning jog. Minsan naglalakad ako sa kapaligiran ng isang parke habang nagdarasal ng Rosaryo o Banal na Awa naglalagay ng bakod ng panalangin sa paligid nito. Naniniwala akong nagbubunga na ang mga bagong ugali na ito. Napansin ko ang pagbaba sa kaduda-dudang aktibidad sa parke sa tabi. Napansin ko rin ang aking asawa at ako ay nagtatrabaho nang higit pa sa parehong pahina at mas handang pagtawanan ang aming mga pagkakaiba. Pero higit sa lahat, may napansin akong pagbabago sa sarili ko. Mas payapa ako. Mas naaayon ako sa sinasabi ng Panginoon sa aking puso. Mas handa akong harapin ang mga hamon ng bawat araw. Nais ng Diyos na tayong lahat ay manalangin nang walang tigil, ngunit ang unang hakbang ay ilagay ang mga bakod ng panalangin sa paligid ng ating mga araw. Kailangan nating ialay ang mga unang bunga ng ating araw sa Panginoon at tapusin ang ating araw sa panalangin. Magkaiba ang ating mga bakod sa pagdarasal, ngunit dapat nating tiyakin na ilagay ang mga ito upang tamaan ang mga taktika ng diyablo. Ang Diyos ay palaging lumalapit sa atin, at gusto Niya tayong mapalapit sa Kanya. Pero madali tayong ma-distract. Kailangan nating masigasig na bantayan ang ating oras. Ang mga bakod ng panalangin ay hahantong sa isang mas mabungang lugar.
By: Denise Jasek
MoreHindi madaling magsabi ng 'Pinapatawad ko' at tunay na magpatawad hangga't hindi mo ito ginagawa... "Para sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Kristo." (Galacia 5:1) Sigurado ako na ang karamihan sa mga tao ay makakaalam na ang pagpapatawad ay nasa pinakapuso ng mensaheng Kristiyano, ngunit marami ang magugulat na malaman na ang hindi pagpapatawad sa isang tao ay maaaring magresulta sa pisikal na sakit. Alam ko ito mula sa personal na karanasan. Ilang beses ko nang nasaksihan ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa pagpapagaling sa kakila-kilabot, kadalasang nakakaparalisa, na karamdaman. Hindi isang Pangkaraniwan Ang mga unang salitang binigkas ni Hesus, habang Siya ay namamatay sa Krus, ay mga salita ng pagpapatawad (Lucas 23:34). Ang Kanyang mapagmahal na sakripisyo ay ang sandali na hinihintay ng sangkatauhan, - upang palayain sila mula sa kasalanan at kamatayan. Muling namuo ang pagpapatawad sa Kanyang mga labi nang makilala Niya ang Kanyang mga disipulo matapos Siyang mabuhay mula sa mga patay, na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang ipagkaloob ito sa Kanyang ngalan (Juan 20:19-23). Nang tanungin Siya ng mga Apostol kung paano manalangin, tumugon si Jesus sa isang panalangin na nagpapahintulot sa atin na tawagan ang Diyos bilang 'Ama Namin', at hinihiling sa Kanya na 'patawarin mo kami sa aming mga kasalanan (mga kasalanan) tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala (nagkasala) sa amin' ( Mateo 6:12). Kung inaasahan natin ang kapatawaran sa ating sarili, dapat nating patawarin ang iba (Mateo 5:23-26; 6:14). Ang hindi pagpapatawad ay maihahalintulad sa isang nakakuyom na kamao. Ang nakakuyom na kamao ay mabagting , at madalas na nakakuyom sa galit. Ito ay talagang angkop lamang para sa isang bagay; upang tamaan ang isang tao, o hindi bababa sa upang maging handa. Kung ang kamao na iyon ay tumama sa isang tao, kung gayon ito ay isang makatarungang pag-aakala na asahan ang isang pabalik, na lumilikha ng higit na poot. Kung nakakuyom ang kamao, hindi ito bukas. Ang bukas na kamay ay kayang tumanggap ngunit kung ito ay sarado at nakakuyom ay hindi maaring tanggapin ang maaaring ialay. Bilang kahalili, kapag binuksan natin ang ating mga kamay para makatanggap tayo, naibibigay din natin ang ating natatanggap. Kapag Siya ay Pinalaya Habang nagdarasal ako tungkol dito sa Misa, nagkaroon ako ng imahe ng isang tungkod, at napagtanto ko na kapag hindi tayo nagpatawad, ito ay humahadlang sa ating paglalakad sa buhay. Pagkatapos ng misa, may lumapit na lalaki habang nagkukwentuhan kami sa labas, pinakuha namin siya sa labas ng simbahan. Nang mapansin ko ang kanyang tungkod, naramdaman ko na ang kanyang sakit ay dulot ng hindi pagpapatawad. Habang nagpapatuloy ang pag-uusap, sinimulan niyang sabihin sa akin ang tungkol sa kanyang nakaraan, na nagtapos sa isang kahilingan na panatilihin siya sa aking mga panalangin, dahil siya ay nagdurusa na may masamang likod. Inanyayahan ko siyang manalangin kasama ko kaagad dahil gusto siyang pagalingin ni Jesus, ngunit nangangailangan ito ng isang bagay mula sa kanya. Naiintriga at bukas, pumayag siya, nagtatanong kung ano ang kakailanganin. Sinabi ko sa kanya na kailangan niyang patawarin ang mga taong nabanggit niya at ang sinumang nakasakit sa kanya. Nakikita ko siyang nahihirapan sa loob, kaya hinimok ko siya nang may katiyakan na hindi niya kailangang umasa sa sarili niyang lakas para magpatawad. Kung siya ay magpatawad sa pangalan ni Hesus, kung gayon si Hesus ay magbibigay ng kapangyarihan sa kanya, aakayin siya at palalayain siya. Nagningning ang kanyang mga mata habang bumulong, “Sa lakas ng aking Panginoon, oo, kaya kong magpatawad.” Pinangunahan ko siya sa isang panalangin, na nagtapos sa pamamagitan ng pagdarasal para sa paggaling ng kanyang likod sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay sa lugar ng problema (Marcos 16:15-18). Sinabi ko sa kanya na gawin ang sinabi ni Hesus at angkinin ang kagalingan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pasasalamat sa Diyos sa paniniwalang natanggap niya ito, (Marcos 11:22-25). Ito ay noong Biyernes ng gabi. Noong Linggo, pinadalhan niya ako ng mensahe , "Purihin ang Panginoon, pinagaling ni Hesus ang aking likod." Pinuri ko talaga ang Panginoon, buong puso akong nagpapasalamat sa Kanya. Lalo akong natamaan sa detalyeng ito. Hiniling namin ang pagpapagaling sa Biyernes sa pamamagitan ng kapangyarihan at merito ng Krus. Ang sagot ay natanggap sa ikatlong araw, Linggo, ang araw ng Muling Pagkabuhay. Isinulat minsan ni C.S. Lewis, "Iniisip ng mga tao na ang pagpapatawad ay isang magandang bagay hanggang sa mayroon silang dapat patawarin." Mahalagang malaman na ang pagpapatawad ay isang gawa ng kalooban; ito ay isang bagay na ating pipiliin. Hindi ibig sabihin na ito ay isang madaling pagpili, na kadalasan ay tila ito ang pinakamahirap, pinakamasakit na desisyon sa mundo na gagawin, ngunit kapag hinarap natin ang lahat sa Pangalan ni Hesus, 'sa pamamagitan Niya, kasama Niya, at sa Kanya. ', nalaman natin na 'sa Diyos ay walang imposible' (Lucas 1:37). Mahalagang tanungin natin ang ating sarili kung may sinuman sa ating buhay na kailangan nating patawarin. Itinuro sa atin ni Jesus, “Sa tuwing kayo ay tatayo upang manalangin, kung mayroon kayong anumang laban sa sinuman, patawarin ninyo sila, upang patawarin kayo ng inyong Ama sa Langit sa inyong mga kasalanan’ (Marcos 11:25). Samakatuwid, dapat nating dalhin ang lahat kay Hesus at hayaan Siya na palayain tayo, dahil "Kung palalayain kayo ng Anak, magiging malaya kayo." (Juan 8:36).
By: Sean Booth
MoreNatuklasan ko ang nakakapagpabagong lakas ng "Panalangin ng Pagpapaubaya" ni Pinagpalang Charles de Foucauld sa tulong ng isa kong guro sa mas mataas na edukasyon , nang kaming mag-asawa ay maging kinatawang magulang ng tatlong magkakapatid. Taranta sa pagbabagong-katayuan na maging ina, iminungkahi sa akin ng aking guro na ang sumusunod na dasal ay makakatulong sa akin na magkaroon ng kapayapaan na kinailangan ko. "Kung nais mong baguhin ang iyong buhay," paliwanag ng mahabaging pari, "dasalin ang panalanging ito araw-araw ... at kung nais mong mapagbago ang takbo ng inyong pagsasama, dasalin ninyo ito ng iyong asawa nang magkasabay!" Sabik kong kinuha ang maliit na estampita, idinikit sa salamin sa may paliguan, at binasa nang malakas bawat umaga: Ama, inihahabilin ko ang aking sarili sa Iyong mga kamay; Gawin Mo sa akin ano man ang kalooban Mo. Anuman ang ang Iyong gawin, nagpapasalamat ako sa Iyo: Handa ako para sa lahat, tanggap ko ang lahat. Hayaang ang Iyong kalooban lamang ang maganap sa akin, at sa lahat ng Iyong mga nilalang. Wala akong hinihiling pa, O Panginoon. Sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa: Iniaalay ko ito sa Iyo nang may buong pagmamahal sa aking puso, Sapagkat mahal Kita, Panginoon, at nais kong ibigay ang aking sarili, Isuko ang aking sarili sa Iyong mga kamay nang walang pag-imbot, at walang hangganang pagtitiwala, Sapagkat Ikaw ang aking Ama. Sa loob ng halos 20 taon, ang taos-pusong panalangin na ito ng simpleng pagtitiwala, batay sa Panalangin ng Panginoon (ang Ama Namin), ay naging isang palagiang pinagkukunan ko ng liwanag, lalo na habang kami ng aking asawa ay patuloy na pumapangatawan bilang magulang sa mga batang ito, na ang dalawa sa kanila ay inampon namin noong 2005. Sa galak at lungkot ng pagsasama naming mag-anak, ang panalanging ito ay tamang-tama at dinadasal ko sa naiibang pamamaraan ngayong kasama na namin ang aking ina. Kapag siya ay nililigalig ng pagka-ulianin habang kami ay naglalakad, natutulungan ako ng panalanging ito na mawala ang takot at magkaroon ng walang hangganang pagtitiwala sa Isang nagmamahal sa aming dalawa.
By: Heidi Hess Saxton
MoreNagdadasal ka ba para sa isang himala? Heto ang isang paraan na gagawa ng kababalaghan para sa iyo! Madaming taon na ang lumipas, napagpasyahan naming mag-asawa na harapin ang tungkol sa katiyakan ng kamatayan. Pinangahasan namin ang sakop ng huling habilin, pamana, ari-arian, at iba ba tungkol dito, kasama na ang pagpapatupad ng mga ito. Tinangka din naming pag-uri-uriin ang aming mga makamundong ari-arian. Hindi kapanipaniwalang nang sinisikap naming itala ang aming mga pag-aari ayon sa halaga nito. Ang sasakyan ba ay nagkakahalaga nang higitpa sa album ng aming mga kuha noong kami ay ikasal? Mauunawaan ba ng aming mga anak ang kahalagahan ng mga alaala, sentimental na bagay, o pamana ng aming mga ninuno tulad nang pagpapahalaga naming mga magulang nila? Anong pangmatagalang pamana ang maaari naming iiwan sa bawat isa sa kanila na magiging mahalaga o makabuluhan para sa kanila kapag kami ay pumanaw na pabalik sa Panginoon? Sa kabutihang palad, ang Diyos ay may sagot sa lahat ng aking mga katanungan at, tulad din sa Banal na Kasulatan, gumamit Siya ng mga kwento upang ihayag ang mga katotohanang ito. Mga Abubot at Kayamanan Ang kasaysayang ito ay umiikot sa aming pangalawang anak, si James (o Jimmy na kung tawagin namin), noong siya ay mga 6 na taong gulang. Pinalaki namin ang aming mga anak sa isang maganda at kakaibang lugar ng New England na nag-aalok ng madaming mabubuting pagdiriwang na pangmag-anak para sa pakikipag-ugnayan sa pamayanan, tulad ng taunang perya ng bansa na idinadaos ng aming simbahan tuwing Taglagas. Ang aming mag-anak ay masigasig na tumutulong sa paghahanda ng peryang ito na inaabangan namin taun-taon. Lumaki ang aming mga anak na tumutulong kung saan at kailan sila kinakailangan. Dahil dito, nakilala sila ng iba pang mga nagsikusang-loob na tumulong sa parokya para maganap ang peryang ito. Natutunan ni Jimmy kung aling mga kubol ang mayroong mga kayamanan na pumukaw sa kanyang kinawiwilihan. Mayron siyang pagtatangi sa iba't ibang mga kubol ng 'White Elephant' at 'Rummage Sale'. Kaya mga ilang linggo papalapit sa araw ng perya, siya ay kusang-loob na tumulong na itayo ang mga kubol na iyon na isang paraan para masiyasat ang anumang papasok na mga 'goodies' [mga kanais-nais, kaakit-akit na bagay]. Si Jimmy ay may katangi-tanging pagkawili sa lahat ng mga uri ng mga abubot at nabiyayaan siya ng isang matalas na mga mata para sa mumunting kayamanan, at isa ding pambihirang kakayahan sa pakikipagtawaran para sa mga ito. (Isang pagunita lamang ... ginagawa pa din niya ito!) Isang taon, sa araw ng perya, matapos ang lahat ng mga pagsasaayos at ang bawat isa ay nakahanda nang makipagsaya sa pagdiriwang, nagpaalam si Jimmy para maghanap ng mga hiyas. Kasama ng aming basbas at isang maliit na bulsa na puno ng pera, siya ay masaya at malayang humayo sa kanyang pakikipagsapalaran; samantalang ginugol naman naming mga naiwan ang araw sa pagtulong kung saan man kami kinailangan upang gawing matagumpay ang pagdiriwang na ito. Ang buong araw ng pagdiriwang ay kapanapanabik at masaya para sa aming mag-anak, bagamat ito'y mahaba at nakakapagod, lalo na para sa aming munting mga anak. Nang matapos ang perya, hapo kaming umuwi ng bahay at palit-palitan kaming nagsibahagi ng mga kaganapan sa araw na yon at nagsipakita ng anumang mga kayamanang nalikom. Nang dumating ang pagkakataon ni Jimmy, taas-nuo niyang hinugot ang isang dakot na mahalagang mga abubot mula sa kanyang bulsa. Isa-isa niyang ipinaliwanag ang kahalagahan sa kanya ng mga ito at kung paano siya tumawad para sa bawat isa. Ipinahuli niya ang kanyang pinakamahalagang tuklas. Habang dahan-dahan siyang dumukot sa kanyang maliit na bulsa, maingat niyang hinugot ang isang mahaba at gasgas na ginintuang kadena na may nakakabit na isang kasing gasgas na ginintuang krus. Habang itinaas niya ito para hangaan ng lahat, namanaag ang isang ngiting halos bumulalas ng "TA DA!" Ang aking pusong-ina ay lumundag sa tuwa. Kusang naunawaan ng itinatanging anak ng Diyos na ito ang tunay na halaga ng upod na krus. Niyakap ko siya nang higit sa anim na ulit upang makibahagi sa kanyang kagalakan, bago ko sila pinaakyat para matulog. Isang Maliit na Siwang Di natagalan nang sila ay nagsi-akyat na, isang mahabang sigaw ng "Moooooom!" ang umalingawngaw sa may hagdanan na sinundan ng isang malinaw at namimighating hikbi na palatandaan ng isang malagim na pangyayari. Habang nananalangin na sana'y walang nasaktan, sumugod ako at natagpuan ko si Jimmy na nakatayo sa may pintuan niya, nakaturo sa sulok ng kanyang silid. “Ano yon? Anong nangyari? Ano ang problema?", sunod-sunod kong tanong habang sinisipat ang silid para sa mga maaaring kasagutan. Upang makatuklas ng linaw, yumuko ako para pakinggan kung ano ang bumabagabag sa kanya. Humihikbi, agaw-hiningang ipinaliwanag niya na ang kadena ay dumulas sa kanyang mga daliri at nahulog sa isang napakaliit na awang sa tabla ng sahig. Luhaang itinuon ang paningin sa akin, nagsumamong maibalik ang kanyang mahalagang kayamanan. Pinatotohanan ng kanyang kuya ang kwento ni Jimmy. Ang unang plano ay ang sinagan ng lente ang maliit na siwang, umaasang ang kadena ay tuloy-tuloy na nahulog kung saan makikita at mawawari kung paano ko ito masusungkit. Ngunit ... sinawimpalad ako. Sa sumunod na plano, tinipon ng aking asawa ang kanyang mga kagamitan at nagsimulang kalasin ang mga tabla ng sahig. Bagamat maingat na naming ginalugad ang naturang puwang, ang kadena ay hindi pa din matagpuan. Habang muling ibinalik ng aking asawa ang mga tabla ng sahig, sinubukan kong aliwin ang aming bigo at hapong anak. Lahat kami ay hapong-hapo, maliwanag na wala nang magagawa pa sa gabing iyon. Gayunpaman, nang sinimulan naming magdasal ng panggabing panalangin kasabay ng mga bata, isang bagay ang sumaisip sa akin. Noong ako'y bata pa, mga kasing-gulang ni Jimmy, nagkaron ako ng laruang luksung-lubid na ikinatangi-tangi ko. Sa kung anong kadahilanan, ang luksung- lubid ay nawakli na labis kong ikinalungkot, walang magawa. Napatigil ako at humiling ng tulong sa Panginoon na hanapin Nya ito para sa akin at ilagay sa isang takdang lugar na makikita ko kinaumagahan. Sa laking-tuwa ko, nandoon nga ito kinabukasan. Sinagot ng Panginoon ang aking panalangin at mula noon, hindi ako tumigil sa pananalangin o pagtitiwala sa Kanya. (Basahin ang kuwentong ito sa aking sanaysay "Tulad ng Isang Bata" para sa Setyembre / Oktubre 2019 na lathala ng Shalom Tidings sa ShalomTidings.org). Sa pagbabalik-gunita ng damdaming iyon, ipinasa ko ang aking karanasan sa aking mga anak at nanalangin kami katulad ng pagpanalangin ko nuon, na tulungan ng Diyos si Jimmy. Hiniling ni Jimmy sa Panginoon na ilagay ang kuwintas sa kanyang tokador, sa isang maliit na sisidlan kung saan niya inilalagay ang iba pang mahahalagang yaman. Tinapos namin ang araw sa panalangin na iyon. Kayamanang Walang-Kupas Kinaumagahan, nagising ako sa isa pang mahabang sigaw na, "Moooooom!" Nagpakahinahon ako sabay-suot ng bata, umaalingaw-ngaw sa aking isipan ang mga katanungan nang nakaraang gabi. Subalit sa halip na datnan ko ang isang umiiyak na anak sa may pintuan, si Jimmy ay bigay-todong nakangiti, at ang upod na ginintuang kadena at krus ay minsan pang nakabitin mula sa mahigpit na pagkakahawak ng kanyang munting kamay. "Nakita mo ba ang kadena ko kagabi?" sabik niyang tanong. Napasinghap ako. Alam ko ang tanong na iyon! Itinanong ko sa aking ina ang mismong tanong patungkol sa luksong-lubid nang makita ko ito madaming taon na ang nakalipas. Alam ko ang magiging talab ng aking sagot sa kanya. Dahan-dahan akong umiling at inabot para hawakan ang munting kamay ni Jimmy. “Hindi, Jimmy. Hindi ko nakita ang kadena mo. Humingi ka ng tulong sa Diyos at sinagot Niya ang iyong panalangin.” Hinayaan ko munang manahan nang ilang sandali ang aking sagot sa kanyang munting puso. Humantad sa may pintuan ang aking asawa at ang isang anak na inaantok pa at nagtanong, "Ano ang nangyayari dito?" Sa kanila naman nagtanong si Jimmy, "Nakita nyo ba ang aking kadena kagabi?" Walang makapagpaliwanag kung paano lumitaw ang kadena sa maliit na kahon ng kayamanan. Dinalaw ng Panginoon si Jimmy nang gabing iyon, at naging pagkakataon ko ito na maipasa ang aral na natutunan ko noong ako ay bata pa. Jimmy, kapag nagdadasal tayo sa Diyos, nakikinig Siya sa atin. Kagabi, kinailangan mo ng tulong at hiniling mo sa Diyos na tulungan ka sa isang tuwirang paraan. Nadinig ka ng Diyos at tinulungan ka. Nais kong pakatandaan mo ang sandaling ito. Nais kong malaman mo na PALAGI kang makakahiling sa Panginoon na tulungan ka ano man ang kailangan mo o kahit ano pa ang edad mo. Palagi ka Niyang tutulungan. Naiintindihan mo ba?" Tumingin siya sa kanyang maliit na krus at tumango. Ang katuturan ng pangyayari ay nagsimulang mag-ugat sa kanya at sa aming lahat. Wala sa amin ang nakalimot sa araw na iyon at ibinahagi namin ang kuwento ng maliit na krus sa mga kapatid nilang isinilang kasunod ni Jimmy. Mutyang Pamana Sa wakas, natapos naming mag-asawa ang aming mga paglilimi sa pamamahagi ng aming mga ari-arian sa aming mga anak. Maaaring hindi nila lubos na maunawaan ang halaga sa pera, o ang aming pagpapahalaga sa aming mga makamundong pag-aari at okey lang iyon. Kapag nagugunita ko ang kwentong ito, ipinaaalala ng Panginoon ang Kanyang sinabi sa Mateo 6: 19-20, "Huwag kayong mangagtipon ng mga kayamanan sa lupa, na doo'y mayrong gamu-gamo at kalawang na maninira, at doo'y mayrong mga manloloob na papasok at magnanakaw. Sa halip, mangagtipon kayo ng mga kayamanan sa langit, na doo'y wala ni gamu-gamo o kalawang na naninira at doo'y walang manloloob na papasok o magnanakaw". Sinasabi sa atin ng Diyos sa Banal na Kasulatan na huwag mag-ipon ng mga bagay dito sa lupa na malalanta at mamatay. Sinasabi Niya sa atin na tipunin ang ating mga kayamanan sa langit. Idiniin namin sa aming mga anak ang kahalagahan ng panalangin at ang walang hanggang halaga ng pagkakaroon ng sampalataya sa Diyos. Natagpuan ko ang kapayapaan at ginhawa sa pagkakaalam na naipamana namin sa aming mga anak ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang tapat at mapagdasal na pakikipag-ugnay sa Diyos. At ipinasa naman nila sa kani-kanilang mag-anak ang pananampalataya at mga kasaysayan nila tungkol sa Diyos. Ang pagpasa ng aming sampalataya sa pamamagitan ng pagdadasal ay ang panghabang-panahong pamana namin at yaman sa langit. Ngayon, nais kong hikayatin ka. Hindi pa huli ang lahat upang simulan ang iyong sariling pamana. Ipanalangin na lumakas pa ang iyong sampalataya at ipasa ang iyong sampalataya sa mga taong inilagay ng Diyos sa iyong buhay. Pagpalain kayo ng Diyos, mahal na mga kapatid.
By: Teresa Ann Weider
MoreAng bago kong bayani ay si Madre Alfred Moes. Napagtanto ko na hindi siya isang pangalang pambahay, kahit na sa mga Katoliko, ngunit siya ay dapat lang. Dumating siya sa aking iskrin ng radar nuon lamang matapos na ako'y maging Obispo ng Diocese ng Winona-Rochester, kung saan ginawa ni Madre Alfred ang karamihan ng kanyang gawain at kung saan siya nakalibing. Sa kanya ay isang kuwento ng kahanga-hangang katapangan, pananampalataya, tiyaga, at lubos na kaliksihan. Maniwala ka sa akin, kapag nakuha mo ang mga detalye ng kanyang mga pakikipagsapalaran, mapapaalalahanan ka ng ilan pang ibang masinop na mga Katolikong Madre: sina Cabrini, Teresa, Drexel, at Angelica, para pangalanan ang ilan. Si Madre Alfred ay isinilang na Maria Catherine Moes sa Luxembourg noong 1828. Nang bata pa, siya ay nabighani sa posibilidad na makagawa ng gawaing misyonero sa mga katutubo ng North America. Alinsunod dito, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid na babae sa New World noong 1851. Una, sumali siya sa School Sisters of Notre Dame sa Milwaukee ngunit matapos nito ay lumipat sa Holy Cross Sisters sa La Porte, Indiana, isang grupo na nauugnay kay Padre Sorin, CSC, ang may tatag ng Unibersidad ng Notre Dame. Matapos makipagbanggaan sa kanyang mga superyor—manapa'y pinagkaugaliang pangyayari para sa walang takot at mapanalig na babaeng ito—nagtungo siya sa Joliet, Illinois, kung saan siya ay naging superyor ng isang bagong kongregasyon ng mga kapatid na Franciscan, at inako ang pangalang 'Madre Alfred.' Nang si Obispo Foley ng Chicago ay nagdtangkang makialam sa pananalapi at mga proyekto sa pagtatayo ng kanyang komunidad, siya ay lumisan para sa mas mainam na pastulan patungo sa Minnesota kung saan siya ay tinanggap ng dakilang Arsobispo Ireland at pinahintulutang magtatag ng isang paaralan sa Rochester. Sa maliit na bayan na iyon sa katimugang Minnesota nagsimula ang Diyos na mabisang magsagawa sa pamamagitan niya. Noong 1883, isang kakila-kilabot na buhawi ang dumaluhong sa Rochester, na ikinamatay ng madami at nag-iwan ng madami pang nawalan ng tirahan at nagdarahop. Isang lokal na doktor, si William Worrall Mayo, ang umako ng tungkuling pangalagaan ang mga biktima ng sakuna. Dahil sa dami ng nasugatan, nanawagan siya sa mga kapatid ni Madre Alfred na tulungan siya. Bagamat sila ay mga guro at hindi mga nars at walang maayos na pagsasanay sa medisina, tinanggap nila ang misyon. Sa kaganapan ng malaking kapinsalaan, mahinahong ipinaalam ni Madre kay Doktor Mayo na nagkaroon siya ng pangitain na ang isang ay dapat itayo sa Rochester, hindi lamang para pagsilbihan ang lokal na komunidad na iyon, kundi ang buong mundo. Gitla sa hindi makatotohanang panukalang ito, sinabi ni Doktor Mayo kay Madre na kakailanganin niyang makalikom ng $40,000 (isang napakalaking halaga nang panahong iyon) upang makapagtayo ng gayong pasilidad. Sinabi naman niya sa doktor na kung makalikom siya ng pondo at makapagpatayo ng ospital, inaasahan niyang siya at ang kanyang dalawang anak na manggagamot ang magpapatakbo sa lugar. Sa loob ng maikling panahon, nakuha niya ang pera, at naitatag ang Saint Mary's Hospital. Tiyak kong naisip mo na, ito ang binhi kung saan tutubo ang makapangyarihang Mayo Clinic, isang sistema ng ospital na sa katunayan, tulad ng inakala ni Madre Alfred noong unang panahon, na nagsisilbi sa buong mundo. Ang matapang na madre na ito ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang tagabuo, tagapag-ayos, at tagapangasiwa, hindi lamang ng ospital na kanyang itinatag, kundi ng ilang iba pang mga institusyon sa timog Minnesota hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899 sa edad na pitumpu't isa. Ilang linggo lamang ang nakalipas, nagsulat ako tungkol sa matinding pangangailangan ng mga pari sa aming diyosesis, at hinikayat ko ang lahat na maging bahagi ng isang misyon upang madagdagan ang mga bokasyon sa pagkapari. Laman si Madre Alfred sa isipan maaari ko kayang gamitin ang pagkakataon ngayon upang magtawag ng higit pang bokasyon sa relihiyosong buhay ng kababaihan? Sa anumang dahilan ang huling tatlong henerasyon ng kababaihan ay tila nakagawian nang pagmasdan ang buhay-relihiyoso na hindi karapatdapat pag-ukulan ng kanilang pansin. Bumaba ang bilang ng mga madre mula noong Ikalawang Konseho ng Vaticano, at karamihan sa mga Katoliko, kapag tinanong tungkol dito, ay malamang magsasabi na ang pagiging isang relihiyosong babae ay hindi mangyayari sa ating pemenista na panahon. Kalokohan! Iniwan ni Madre Alfred ang kanyang tahanan nang siya ay napakabata pa, tumawid ng karagatan patungo sa ibang lupain, naging relihiyosa, sinunod ang kanyang mga udyok at sense of mission, kahit na ito ay nagdala sa kanya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang nakatataas, kabilang ang ilang mga obispo, ay nagbigay inspirasyon kay Doctor Mayo na magtatag ng kahanga-hangang medikal center sa planeta, at pinangunahan ang pagbuo ng isang orden ng mga madre na nagpatuloy sa pagtatayo at mga kawani ng madaming institusyon ng pagpapagaling at pagtuturo. Siya ay isang babaeng may pambihirang katalinuhan, kasigasigan, simbuyo ng damdamin, katapangan, at pagiging malikhain. Kung may nagmungkahi sa kanya na siya ay namumuhay nang hindi naaayon sa kanyang mga talino o sa ilalim ng kanyang dignidad, nakikinita ko ay magkakatanggap siya ng ilang mga piling salita bilang tugon. Naghahanap ka ba ng feminist hero? Sa iyo na si Gloria Steinem; sa akin na si Madre Alfred anumang araw ng linggo. Kaya, kung may kilala kang kabataang babae na magiging mahusay na relihiyoso, na puno ng katalinuhan, lakas, pagkamalikhain, at kasigasigan, ibahagi sa kanya ang kuwento ni Madre Alfred Moes. At sabihin sa kanya na maaari niyang hangarin ang mismong uri ng kabayanihan.
By: Bishop Robert Barron
MoreAno ang gagawin mo kapag may kumatok sa iyong pintuan? Paano kung ang estranghero ay hindi naging madaling tao? Binibigkas niya ang kanyang pangalan nang may diin, sa Espanyol, na may tiyak na pagmamalaki at dignidad, kaya maaalala mo kung sino siya—Jose Luis Sandoval Castro. Napunta siya sa aming pintuan sa Saint Edward Simbahang Katoliko sa Stockton, California, noong Linggo ng gabi nang ipinagdiriwang namin ang araw ng aming patron. May nagbaba sa kanya sa aming medyo mahirap, may mabuting trabaho na kapitbahayan. Ang musika at ang karamihan ng mga tao ay tila umakit sa kanya na parang magneto papunta sa aming parokya. Paglalahad ng Katotohanan Siya ay isang taong may misteryosong pinagmulan—hindi namin alam kung paano siya nakarating sa simbahan, lalo na kung sino at nasaan ang kanyang pamilya. Ang alam lang namin siya ay 76 taong gulang, may salamin sa mata, nakasuot ng mapusyaw na kulay, na tsaleko, at hinihila ang kanyang bagahe gamit ang kamay. May dala siyang dokumento mula sa Serbisyo sa Imigrasyon at Naturalisasyon na nagbibigay sa kanya ng pahintulot na makapasok sa bansa mula sa Mexico. Nanakawan siya ng kanyang mga personal na dokumento at wala siyang dalang ibang pagkakakilanlan. Nagsimula kaming alamin at tuklasin kung sino si Jose Luis, ang kanyang pinagmulan, ang kanyang mga kamag-anak, at kung mayroon silang anumang pakikipag-ugnayan sa kanya. Siya ay nagmula sa bayan ng Los Mochis sa estado ng Sinaloa, Mexico. Galit, kataksilan, at makalason ang lumabas sa kanyang bibig. Sinabi niya na inalisan siya ng kanyang mga kamag-anak at ninakawan ng kanyang pensiyon sa Estados Unidos, kung saan siya ay nagtrabaho nang maraming taon, habang siya ay pabalik-balik sa Mexico. Sinabi ng mga kamag-anak na aming nakausap na sinubukan nilang tulungan siya sa iba't ibang pagkakataon, ngunit tinawag niya silang mga magnanakaw. Sino ba ang aming paniniwalaan? Ang alam lang namin ay mayroon kaming isang pagala-galang, regular na palaboy mula sa Mexico sa aming mga kamay, at hindi namin siya maaaring talikuran o ilagay ang matandang, mahinang lalaki sa kalye. Walang pakialam, walang kabuluhan, isang kamag-anak ang nagsabi: “Hayaan nyo siyang mag-isang buhayin ang sarili sa mga lansangan.” Siya ay isang taong madaldal, matapang, at masungit, ngunit paulit-ulit siyang nagpapakita ng mga palatandaan ng kahinaan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, at halos mapaiyak siya habang ikinukwento niya kung paano siya ginawan ng masama at pinagtaksilan ng mga tao. Parang tanging nag-iisa na lang siya, iniwanan ng iba. Ang totoo—hindi siya madaling tulungan. Siya ay makulit, matigas ang ulo, at mapagmataas. Ang oatmeal ay masyadong makunat o hindi sapat na makinis, ang kape ay masyadong mapait at kulang sa tamis. Nakakahanap siya ng mali sa lahat. Siya ay isang tao na may napakalaking pitsa sa kanyang mga balikat, galit at bigo sa buhay. "Ang mga tao ay masama at salbahe, sasaktan ka nila," hinaing niya. Sa ganyan ang ganti ko meron ding “Mababait na tao” (mabubuting tao) din. Siya ay nasa arena ng mundo kung saan ang mabuti at masama ay nagsasalubong, kung saan ang mga taong may kabutihan at kabaitan ay naghahalo, tulad ng trigo at ipa ng Ebanghelyo. Higit pa sa isang Malugod na Pagtanggap Anuman ang kanyang mga depekto, anuman ang kanyang saloobin o ang kanyang nakaraan, alam naming dapat namin siyang tanggapin at tulungan bilang isa sa pinakamababa sa mga kapatid ni Jesus. "Nang tinanggap mo ang estranghero, tinanggap mo ako." Kami ay nagmiministeryo kay Hesus mismo, binubuksan ang mga pintuan ng mabuting pakikitungo sa kanya. Si Lalo Lopez, isa sa aming mga parokyano na nagsama sa kanya para sa isang gabi, ay ipinakilala siya sa kanyang pamilya, at dinala siya sa laro ng besbol ng kanyang anak, ay nagsabi: “Sinusubukan tayo ng Diyos upang makita kung gaano tayo kabuti at sa pagiging masunurin, bilang Kanyang mga anak.” Sa loob ng ilang araw, inilagay namin siya sa tirahan ng kura. Nanghihina siya, dumudura ng plema tuwing umaga. Halatang hindi na siya makagala at malayang magpalaboy gaya ng nakasanayan niyang gawin noong kabataan niya. Siya ay may mataas na presyon ng dugo, higit sa 200. Sa isang pagbisita sa Stockton, sinabi niya na siya ay nahampas sa likod ng leeg malapit sa isang simbahan sa bayan. Sinabi ng isang anak na lalaki sa Culiacan, Mexico, na "binuo niya ako" at hindi niya talaga siya kilala bilang kanyang ama, dahil hindi siya kailanman nakasama, palaging naglalakbay, patungo sa El Norte. Ang kwento ng kanyang buhay ay nagsimulang sumiwalat. Nagtrabaho siya sa bukid, nag-aani ng mga cherry, maraming taon na ang nakalilipas. Nagbenta rin siya ng ice cream sa harap ng isang lokal na simbahan ilang taon na ang nakararaan. Siya ay, parang upang banggitin ang klasikong kanta ni Bob Dylan, "tulad ng isang walang direksyon sa sariling bayan, tulad ng isang ganap na hindi kilala, tulad ng isang gumugulong na bato." Nang iwan ni Hesus ang 99 na tupa upang iligtas ang isang naliligaw na tupa, ibinaling natin ang ating pansin sa isang lalaking ito, na maliwanag na iniiwasan ng kaniyang kasamahan. Tinanggap namin siya, pinatira, pinakain, at naging kaibigan. Nalaman namin ang kanyang pinagmulan at kasaysayan, ang dignidad at kasagraduhan niya bilang tao, at hindi bilang isa pang itinapon sa mga lansangan ng lungsod. Ang kanyang kalagayan ay inihayag sa Facebook ng isang babae na nagpapadala ng mga video message ng mga nawawalang tao sa Mexico. Nagtanong ang mga tao: "Paano kami makakatulong?" Isang lalaki ang nagsabi: "Babayaran ko ang kanyang tiket pauwi." Si Jose Luis, isang lalaking hindi marunong magbasa, magaspang at hindi dalisay, ay dumating sa aming pista ng parokya, at sa biyaya ng Diyos, sinubukan namin, sa maliit na paraan, na tularan ang halimbawa ni Santa Mother Teresa, na malugod na tinanggap ang mga dukha, ang pilay, ang may sakit, at ang mga itinapon ng mundo sa kanyang sirkulo ng pag-ibig, ang piging ng buhay. Sa mga salita ni San Juan Pablo II, ang pakikiisa sa iba ay hindi isang pakiramdam ng hindi tiyak na pakikiramay o mababaw na pagkabalisa sa mga kasawian ng iba. Ito ay isang paalala na tayo ay nangangako sa ikabubuti ng lahat dahil lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa.
By: Father Alvaro Delgado
MoreNoong unang bahagi ng 1900s, hiniling ni Pope Leo XIII sa kongregasyon ng Misyonaryong Kababihan ng Sagradong Puso na pumunta sa Estados Unidos upang maglingkod sa malaking bilang ng mga imigrante na Italyano doon. Ang tagapagtatag ng kongregasyon, si Inang Kabrini, ay nagnanais na magmisyon sa Tsina, ngunit masunuring sumunod sa panawagan ng Simbahan at nagsimula sa mahabang paglalakbay sa dagat. Dahil muntik na siyang malunod noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot sa tubig. Gayunpaman, bilang pagsunod, siya...sa kabila ng dagat. Sa pagdating, nalaman niya at ng kanyang mga kapatid na babae na ang kanilang tulong pinansyal ay hindi pinahintulutan, at wala silang matitirhan. Ang matatapat na mga anak na babae ng Sagradong Puso ay nagtiyaga at nagsimulang maglingkod sa mga taong walang kinasa sakupan Sa loob ng ilang taon, ang kanyang misyon sa mga imigrante ay napakabunga kaya hanggang sa kanyang pagpanaw, ang may takot sa tubig na madre na ito ay gumawa ng 23 pagtawid sa Atlantic na paglalakbay sa buong mundo, na nagtatag ng mga pasilidad sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan sa France, Spain, Great Britain, at South America. Ang kanyang pagsunod at pagkaasikaso sa tawag na missionaryo ng Simbahan ay walang hanggang gantimpala. Ngayon, iginagalang siya ng Simbahan bilang patron ng mga imigrante at mga administrador ng ospital.
By: Shalom Tidings
MoreT – Natatakot ako sa kamatayan. Bagama't naniniwala ako kay Hesus at umaasa sa Langit, napupuno pa din ako ng pagkabalisa sa hindi batid. Paano ko mapaglalabanan ang takot sa kamatayan? S – Isipin na ikaw ay isinilang sa isang piitan at hindi nakikita ang mundo sa labas. Isang pinto ang nagbubukod sa iyo sa mundo sa labas—ang sikat ng araw, ang sariwang hangin, ang kasayahan...ngunit wala kang kuru-kuro sa mga mas maliwanag, magagandang bagay na ito, dahil ang mundo mo ay ang madilim, maamag na agwat na puno ng pagkabulok. Maya't maya, ang isang tao ay dumadaan palabas sa pintuan, upang hindi na babalik kailanman. Naaala mo ang pagkukulang nila, dahil kaibigan mo sila at nakilala mo sila sa buong buhay mo! Ngayon, isipin sandali na may napasok mula sa labas. Sinasabi Niya sa iyo ang lahat ng magagandang bagay na madadanasan mo sa labas ng piitan na ito. Alam Niya ang mga bagay na ito, dahil Siya Mismo ay galing na doon. At dahil mahal ka Niya, mapagkakatiwalaan mo Siya. Ipinapangako Niya sa iyo na sasamahan ka Niya palabas sa pintuan. Hahawakan mo ba ang Kanyang kamay? Tatayo ka ba at lalakad kasama Siya palabas ng pintuan? Ito ay nakakatakot, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa labas, ngunit maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng meron Siya. Kung kilala mo Siya at mahal mo Siya, hahawakan mo ang Kanyang kamay at lalakad palabas ng pintuan patungo sa sikat ng araw, tungo sa magandang mundo sa labas. Nakakatakot, ngunit may pagtitiwala at pag-asa. Ang bawat kultura ng tao ay kinailangang makipagbuno sa takot sa hindi nababatid kapag tayo ay mnagllakad sa madilim na pintuan ng kamatayan. Pag mag-iisa natin, hindi natin batid kung ano ang nasa kabila ng tabing, ngunit kilala natin ang Isang tao na nagmula sa kabilang panig upang sabihin sa atin kung ano ang katulad ng kawalang-hanggan. At ano ang Kanyang inihayag? Sinabi niya na ang mga nailigtas ay “nasa harap ng trono ng Diyos, at naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa Kanyang templo, at Siya na nakaupo sa trono ay kakanlungan sila ng Kanyang presensya. Hindi na sila magugutom, ni mauuhaw pa man; hindi sila tatamaan ng araw, ni anumang nakakapasong init. Sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay magiging kanilang pastol, at papatnubayan Niya sila sa mga bukal ng buhay na tubig, at papahidin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata." (Apokalipsis 7:15-17 ) Nagtitiwala tayo na ang buhay na walang hanggan ay sakdal na pag-ibig, masaganang buhay, sakdal na kagalakan. Sa katunayan, napakabuti nito na “Hindi pa nakikita ng mata, o nadidinig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao.ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Korinto 2:9) Ngunit mayroon ba tayong anumang katiyakan na tayo ay maliligtas? Wala bang pagkakataon na hindi tayo makakarating sa makalangit na paraisong iyon? Oo, totoo na hindi ito garantisado. Gayunman, tayo ay napupuno ng pag-asa dahil “nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at madating ang kaalaman ng katotohanan.” (1 Timoteo 2:3-4) Mas nais niya ang iyong kaligtasan kaysa sa naisin mo ito! Kaya, gagawin Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan para dalhin tayo sa Langit. Ipinaabot na Niya sa iyo ang paanyaya, na isinulat at nilagdaan sa Dugo ng Kanyang Anak. Ang ating pananampalataya, na isinabuhay sa ating buhay, ang tumatanggap ng gayong paanyaya. Totoong wala tayong katiyakan, ngunit mayroon tayong pag-asa, at “hindi tayo binibigo ng pag-asang ito” (Mga Taga Roma 5:5). Tayo ay tinawag na lumakad nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, batid ang kapangyarihan ng Tagapagligtas, na “naparito upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15). Sa praktikal na pagsasalita, mapaglalabanan natin ang takot sa kamatayan sa ilang paraan. - Una, tumuon sa mga pangako ng Diyos ng Langit. Madami pa siyang sinabi sa Banal na Kasulatan na pumupuno sa atin ng sabik na pag-asa na matanggap ang magandang kawalang-hanggan na inihanda Niya. Dapat tayong mag-alab nang may pagnanais para sa Langit, na magpapababa sa takot na iwan itong lugmok, wasak na mundo. - Pangalawa, tumuon sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa iyo. Hindi ka niya pababayaan, kahit na kapag dumaan sa hindi batid. - Panghuli, isaalang-alang ang mga paraan na Siya ay naroroon sa iyo noong kailangan mong pumasok sa bago at hindi kilalang mga lupain–pagpunta sa kolehiyo, pag-aasawa, pagbili ng bahay. Maaaring nakakatakot na gumawa ng isang bagay sa unang pagkakataon dahil may takot sa hindi batid. Ngunit kung ang Diyos ay naroroon sa mga bagong karanasang ito, lalo pang hahawakan Niya ang iyong kamay habang naglalakad ka sa pintuan ng kamatayan patungo sa buhay na matagal mo nang ninanais!
By: PADRE JOSEPH GILL
More