Home/Makatagpo/Article

Sep 17, 2021 917 0 Sister Josephine Garrett
Makatagpo

ANG DI IPAGPAPALIT NA KAYAMANAN

Magsimula nang panibago ngayon at ibahin ang iyong buhay magpakailan man!

 Sa Loob ng Madaming Taon

Paglipas ng siyam na taong pormasyon, ipinahayag ko ang pangwakas na panata bilang isang Sister ng Banal na Pamilya ng Nazareth. Kasunod ng Banal na Pakikinabang sa Misa para dito, nanaig sa akin ang isang matinding damdamin at malaking utang na loob. Damdam ko ay binigyan ako ng Diyos ng mas malawak na kamalayan sa lahat ng mga naisakatuparan Nya sa akin sa paglipas ng mga taon. Ang mga handog at biyaya ng bawat dasal, kumpisal, at pagtanggap ng Yukaristiya ay naroon /napahayag sa sandaling iyon. Humanga ako sa walang maliw, walang katapusang pag-ibig ng Diyos. Habang paluhod na nagdasal, ninilay ko kung paano /bakitna ako ay di karapatdapat na maging katambal ni Cristo. Naalala ko, “Sa Diyos ay walang hindi maisasakatuparan.”

Lumaki ako na isang Baptist sa Houston, Texas. Nang ako ay walong taong gulang, ang aking ama ay nagpatiwakal makaraan ang madaming taon ng pakikibaka nya sa pagkagumon at dahil hindi kami maalagaan ng aming ina, kami ng aking mga kapatid ay ipinaampon sa aming tiyahin at tiyuhin. Ang sumunod na sampung taon ay nagbigay ng isang kapanatilihan at katatagan na hindi ko nalasap sa unang walong taon ng aking buhay. Nag-aral ako sa mahuhusay na paaralan, nagbasa ng mga aklat, naglaro ng soccer, sumali sa mga koro ng simbahan at paaralan, at nadanasan ko ang pagiging isang karaniwanng bata.

Nang ako ay labing walong taong gulang, isang polyeto na naglathala ng isang paaralan para sa mga “malayang mag-isip” ang nagdala sa akin sa University of Dallas sa Texas; ang katotohanang ito ay paaralang Katoliko ay ganap na nawaglit sa akin. Ang karamihan sa apat na taong ginugol ko sa kolehiyo ay naubos sa mga makasalanang gawi na sa akala ko’y magpapahilom sa mga nakalipas kong sugat. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa pighating nagmula sa pagpapabaya. Sa University of Dallas hinubog ang aking budhi. Ginugol ko ang isang semestre sa Roma at doon ay nakasalamuha ang minamahal kong si Papa Santo Juan Pablo II. Ang kanyang pang-unawa sa Panginoon ay umugnay sa aking paniniwala. Sumapi ako sa koro ng isang Litorhikong Latin at sa pag-awit sa daan-daang eukaristikang liturhiya ay mas naintindihan ko ang Misa.

Nilikha para sa Ibang Mundo

Nang matapos ako ng pag-aaral, halos ang buong buhay ko ay napako sa pagtatrabaho sa araw at sa gabi naman ay nasa bar o dili kaya’y nakikipag-halubilo sa mga kaibigan.  Sa kalaunan napansin kong mayroong kulang; dahil “kung walang makamundong karanasan ang makakatugun sa aking mga pagnanasa, malamang nilikha ako para sa isang higit pa sa mundong ito.”  At  nuon ko sinimulang hanapin ang mas maalab na pananampalataya. Nais kong matulad sa maka-Diyos na mga babaeng nagpalaki sa akin. Nang dumating ang oras ng pagpasya kung anong simbahan ang dadaluhan /sasalihan ko, nagulat akong matagpuan ang sariling nananabik sa Misa. Nag-alangan akong maging isang Katoliko dahil kakaunti ang mga amerikanong itim sa simbahan. Ngunit ang pagnanasang tanggapin si Jesus sa Eukaristiya ang humila sa akin sa simbahan.

Ang maging Katoliko ay hindi sapat para maituwid ang lahat. Patuloy pa din akong nagpakalulong sa makasalanang pag-uugali, subalit madalas akong nasa kumpisalan. Dinanas ko ang pakikibakang pandamdamin at pang-espirituwal. Bagama’t damdam kong pinapatay ko ang aking sarili sa pangkaluluwang bahagi nito (at pisikal – ang aking timbang ay halos 400 libra na), pumailanlang naman ang aking propesyonal na buhay sa tayog na di ko inkalang aabot. Habang hinarap ko ang pakikibakang iyon, bumalik ako sa Roma, nangumpisal, at nagsimba sa Saint Peter’s. Ang payo ng pari sa kumpisalan nang araw na iyon na “magsimula ka lang” ang nagbago nang lahat. Nang taong iyon, binigyang pansin ko ang tungkulin na pangrelihiyon, at tatlong taon matapos ang pagkumpisal na iyon, ako ay naging kandidato sa Sisters ng Banal na Pamilya ng Nazareth.

Isang Pag-iibigan

Labing-isang taon matapos mangyari ang kumpisal na iyon, sumagot ako ng ‘Oo’ kay Hesus na ni hindi ko alam kung ano ang sunod na mangyayari. Ang mga pasakit at hiya ay nagtulak sa akin na makagawa ng isang pangkaraniwang pagkakamali na mahusay na ipinaliwanag ni CS Lewis: “Tayo ay mga nilalang na mahina ang loob, pinaglalaruan lamang ang pag-inom at sex at pangarap, kapag ang tuloy-tuloy na kasayahan ay inialok sa atin, tulad ng isang batang walang kaalaman na ibig magpatuloy sa paggawa ng mga empanadang putik sa isang putikan sapagkat hindi niya mapagkuro kung ano ang ibig sabihin ng pagliliwaliw sa dagat na iniaalok sa kanya. Napakababaw ng ating kaligayahan.” Hindi lang napakababaw ng kaligayahan ko kundi nagkamali pa akong ipagpalagay na isang pakikibaka ang buhay ko sa halip na kilalanin na ito ay handog ng Isang nagmamahal sa akin.

Sa aking ‘postulancy’ [ang unang hakbang para matanggap sa isang komunidad ng mga relihiyoso], isang madre na may pitumpo o higit na taong gulang ang nagbigay ng isang klase sa buhay espiritwal at nagsabi, “Mahal ko ang aking edad.  Hindi ko nanaisin na bumata pa at ayaw ko nang bumalik duon. Nasa akin na ang lahat ng mga taóng nakasama ko si Hesus. Nasa akin ang lahat ng mga karanasang yun at hindi ko ito ipagpapalit.”  Tiyak na nakadanas siya ng kawalan, nakagawa ng mga pagkakamali at kasalanan, ngunit sa lahat ng iyon ay kahalo ang isang matatag na pag-ibig ni Jesus na ang buhay nya ay ginawang isang pag-iibigan nila ni Jesus at yon ay isang kayamanang hindi maiipagpapalit.

Ang Handog ng Luha

Nang araw ng panghuli kong panata, ang aking luha ay may bakas ng lungkot na may kasamang kagalakan at pasasalamat. Sa mga dinanas na pagkawala, sakit, pakikibaka at mga kasalanan sa buhay ko, nanatili ang kagalakan dahil sa mapagpasakit na pag-ibig ni Cristo na nasa Yukaristiya. Napag-alaman ko na ang pinakahuling salita sa lahat ng ating kwento ay si Cristo mismo. Sinasabi ni San Juan, “Yaon na sa simula pa ay naduon na, na nadinig namin, na nakita ng aming mga mata, na tiningnan at hinipo ng aming mga kamay … nakita namin ito at nagpapatotoo kami para dito.”

Ang luha ko nuong araw na iyon ng aking panghuling panata ay nagpatotoo sa walang hanggang pag-ibig ni Kristo sa habang panahon ano man ang mangyari.

Share:

Sister Josephine Garrett

Sister Josephine Garrett is studying to be a Clinical Mental Health Counselor. She served for 10 years as a Vice President in the Home Loans division of Bank of America. In 2005 she entered the Catholic Church, and in 2011 began her formation to be a Religious Sister with the Sisters of the Holy Family of Nazareth. Today Sister Josephine serves in vocations ministry, and also as a speaker for youth and young adult retreats and conferences.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles