Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Sep 02, 2021 872 0 Mark Yates
Magturo ng Ebanghelyo

KAHABAG HABAG PATUNGO SA HIMALA

Sugapa, walang tulog, balisa at pakiramdam na nawawala? Lakasan ang loob, may pag-asa

“May pag-asa.” Ito ang huling mga salita na sinabi sa akin ng aking ama bago siya namatay sa edad na 77. Ang mga salitang ito ay masasabi sa akin ng dalawang beses pa at babaguhin ng mga ito ang aking buhay. Dadalhin ako ng mga salitang ito mula sa isang buhay na pagkagumon papunta sa pagiging isang alagad ni Hesus na nagpapatakbo ng isang kawanggawa para sa mga gumagaling na adik, kung saan ang magandang balita ng Ebanghelyo ay nabubuo bilang isang pang-araw-araw, na pagkakaroon, ng panghahawakan na nagbibigay ng pag-asa sa lahat ng naghahanap nang katotohanan.

Mag-uumpisa ako sa simula. Ipinanganak ako na pinakabata sa 6 na mga anak na masasabi mong isang normal at medyo nakaririwasang pamilyang Katoliko kung saan natanggap ko ang mga pundasyon ng pananampalatayang Katoliko. Ngunit sa kabila ng  matibay na saligan na ito sa Simbahan, nahihirapan ako sa disiplina, pag-unawa, at pagdarasal. Dumalo ako sa Misa, ngunit mahina ang aking pananampalataya.

Nang dumating ako sa pagbibinata, mabilis akong naliligaw, at sa pag-aaral ko sa kolehiyo, ang gusto ko lang na gawin ay ang pag-tugtog ng masisiglang musika sa isang modernong banda. Pinangarap kong maging isang bayani ng gitara habang tinatamasa ang buhay kasayahan.

Kinilala ako, kahit papaano sa aming lugar, ngunit upang makakilos laging kailangan kong uminom ng nakakalasing na alak. Ang aking iniinom na napili ay naging alkohol, bagaman sa paglaon ay dumidepende ako sa marami pang mga inumin. Lumipas ang mga taon at lalo akong umiinom — masaya man o malungkot, galit man o mapayapa, ako ay umiinom. Ang paglabas o pananatili sa, kasayahan o pagbangon para sa pagpasok sa trabaho sa susunod na araw, ay walang ipinagkaiba. Ako ay dumidepende sa alkohol, ngunit hindi ko ito namalayan o inamin ito sa loob ng maraming taon.

Matapos mamatay ang aking ama, ang aking pagkabalisa ay lalong lumala. Inabuso ko ang mga iniresetang gamot mula sa mga gamot para sa pagkabalisa, mga tabletang pampatulog,  mga gamot para sa kirot at mga gamot na panlaban sa pagkalumbay. Ang buhay ko ay walang direksiyon. Ako ay na-ospital nang maraming beses sa loob ng maraming taon, at isang beses na gumugol ako ng isang linggo para gamutin at linisin  mula sa alkohol. Doon ko muling narinig ang mga salitang iyon sa pangalawang pagkakataon. Nagising ako sa aking kama sa ospital na nagdedeliryo at nagsasalita, ngunit may isang nars na nakahawak sa aking kamay at sinasabing, “Mark, ok lang, may pag-asa.”

Mabilis na lumipas ang ilang taon, at nasa dating ospital pa rin ako, sa pagkakataong ito ay nakahiwalay ako sa isang silid pagkatapos kong umamin sa pag-iisip ng pagpapakamatay. Ang aking katawan ay puno ng halo-halong nakakalason na mga gamot, para sa kirot, at alkohol. Napansin ko ang pasyente sa kama sa tabi ko na nakikipag-usap sa kanyang kapareha sa telepono, at lahat ng sinabi niya ay nakaiirita sa akin. Ang pag-uusap na iyon ay nabalot ng mga tinig na narinig ko sa aking sariling isip na sa loob ng maraming taon ay kinondena ako. Hindi ko maipaliwanag, bigla kong naramdaman ang pagnanasa na patayin ang lalaki sa kama sa tabi ko. Humiga ako doon hanggang sa hatinggabi na nag-iisip, nang walang alkohol o mga tabletas na pampatulog, hindi ako makatulog. Mababaliw ako sa galit.

Ang udyok na gumawa ng karahasan sa lalaking katabi ko ay tumindi. Na-imagine ko ang aking sarili na sinasakal siya. Nasa loob ko ba talaga ang sakalin ang isang tao? Siguro nagawa ko. Naisip ko ang paglalagay ng unan sa kanyang ulo hanggang sa malagutan siya ng hininga. Inimagine kong paluin siya ng ubod lakas hanggang sa mawalan siya ng ulirat. Tapos, natigilan ako. “Teka, pinatay ko ba ang isang inosenteng lalaki sa kama sa tabi ko? Hindi lang isang beses, hindi dalawang beses ngunit tatlong beses. Sino ba ako? Bakit ako nagkaganito? Napatay ko ang isang lalaki sa puso ko ng tatlong beses! ”

Ibinaling ko ang aking galit sa Diyos. “Naniniwala ako sa Iyo, kaya ngayon kailangan Mong tulungan ako,” naiyak ako. Ngunit sinisi ko siya. “Bakit mo ako nilikha para lang pahirapan at ipadala sa impyerno?”

Napagtanto kong mahina ako at wala ng natitirang laban para sa akin. Dahil naubos ko na ang lahat ng aking pananampalataya sa sangkatauhan, kailangan ko ng isang bagay o kahit na sino para may makapitan. Kailangan kong umasa. Sinubukan ko ng dose-dosenang beses upang malinis ang aking sarili na palaging pareho ang kinalabasan. Ngayon ay gumawa ako ng isang bagay na hindi ko nagawa sa maraming taon. Kahit na ako ay napalayo sa Diyos at sa aking pananampalataya mula sa pagkabata, naalala ko ang aking mga panalangin at nagsimula akong manalangin. “Sumusuko ako sa Iyo, Jesus. Iligtas mo ako. Alam kong Ikaw ang Aking Diyos at Tagapagligtas, tulungan mo ako! ” Patuloy akong nagdasal. Nagsimula akong banggitin ang Banal na Kasulatan: “Humingi at tatanggap ka.” Sabi ko, “Panginoong Jesus ito ang Iyong mga salita. Inuulit ko po sa Iyo, kaya’t pakinggan mo ako. Hindi ito ang aking mga salita ngunit sa Iyo, ”Alam kong binabanggit ko ang Bibliya at alam kong totoo ito, ngunit wala akong ideya kung anong talata ito.

Alam ko ngayon na binabanggit ko ang Mateo 7: 7: “Humingi at ibibigay sa iyo; hanapin at makikita mo; kumatok at ang pinto ay bubuksan sa iyo. Ang huling mga salita sa akin ng aking ama ay naging ‘May pag-asa’ heto ako at binabanggit ang Mateo 7: 7.

Bandang 7:00 ng umaga, nagising ako sa kaluskos ng isang nars na nagtanong sa akin kung gusto ko ng isang tasang tsaa. Nakatulog ako ng pitong oras! Alam ng karamihan sa mga tao na ang isang ospital ay hindi lugar upang makatulog nang maayos, ngunit heto ako tumatalikod sa alkohol, mga tabletang pampatulog, at lahat ng iba pang mga inumin at nakatulog ako ng mahimbing pagkatapos ng maraming taon. Habang inaalok ako ng nars ng tsaa at tostadong tinapay, nakarinig ako ng isa pang boses na bumulong, “May pag-asa.” Ang Nars ba ito o kinakausap ako ng Diyos? Naniniwala akong sinagot na ni Jesus ang aking mga panalangin: Nakatulog ako ng maraming oras at muli ay naririnig ko, “May pag-asa.”

Ngunit ang higit na mahalaga, may nagbago, isang bagay na malalim. Nawala ang aking pagkabalisa at nakaramdam ako ng bahagyang kaligayahan at saya. Hindi ako sigurado kung ano ang sanhi nito, ngunit ang mga demonyo na nagpahirap sa akin sa loob ng maraming taon ay nawala na.

Ito ang simula ng himala ng aking pagbabalik-loob, ang una sa marami. Humiga ako doon ng buong kapayapaan at nagpasalamat kay Hesus. Ang aking paglalakbay kasama si Hesu-Kristo ay nagsimula sa araw na iyon at patuloy akong naglalakad sa daan kung saan inaakay niya ako.

Share:

Mark Yates

Mark Yates is a business owner and chairman of a charity for recovering addicts. He lives with his family in Manchester, England.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles