“Ako ay lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi sa pamamagitan ng paningin” ang marahang tawa ni Mario Forte sa pagbahagi niya ng nakamamamanghang saksi sa buhay.
Ako ay ipinanganak na may glawkoma, kaya sa simula ng buhay ko, mayroon lamang akong bahagyang paningin sa kaliwang mata ko at lubusang wala sa aking kanang mata. Sa lahat ng nakalipas na mga taon, nagkaroon ako ng mahigit na tatlumpung operasyon—ang una ay noong tatlong-buwang gulang pa lamang ako… Sa ika-pitong taong gulang, tinanggal ng mga manggamot ang kanang mata ko, sa pag-asang mapamalagaan ang aking kaliwang mata. Noong ako’y Labindalawang taong gulang, ako ay tinamaan ng sasakyan habang tumatawid ng daan pauwi sa bahay mula sa eskuwela. Matapos akong tumalbog ng paitaas sa hangin—saglit na inakala kong ako’y “superman”—lumapag ako na may makapangyarihang lagpak at natapos na may nalagot na retina, kabílang sa mga ibang bagay may tatlong buwan akong natigil sa eskuwela na nagpapagaling at nagdadanas ng marami pang operasyon, kaya kinakailangan kong ulitin ang Ika-pitong Baytang.
Bilang isang bata, ang pagkabulag ay normal para sa akin sapagkat hindi ko ito maihambing sa ano pang bagay. Ngunit ang Diyos ay binigyan ako ng pananaw. Mula sa pinakamaagang gulang, bago pa ako makatanggap ng anumang pampamahalaang tagublin, makikipag-usap ako sa Diyos, tulad sa sinuman dahil ako’y sadyang sanay sa pakikipag-usap sa mga taong hindi ko makita.
Maaari ko lamang masabi ang kaibhan ng liwanag sa dilim, isang araw, sa isang kisap-mata, ang lahat ay naging itim—tulad ng isang ilaw na pinatay. Bagama’t ako’y nasa kabuuang kadiliman na sa mahigit na tatlumpung-taon, ang biyaya ng Diyos ay binigyan ako ng tapang upang makaraos. Ngayon, hindi na ang karaniwang liwanag ang aking nakikita, ngunit ang liwanag ng Diyos na sumasaloob. Kung wala Siya, ako ay mas masahol pa sa isang pirasong kahoy. Ang Banal na Espiritu ang gumagawa upang mangyari ang lahat.
Minsan ang mga tao’y nalilimutan na ako’y bulag dahil nakakikilos ako saan man sa loob ng bahay, patakbuhin ang kompiyuter at pangalagaan ang aking sarili. Ito’y pasasalamat sa aking mga magulang na laging hinihimok ako na gawin ang mga bagay ng mag-isa. Ang aking ama ay isang elektrisista na sinasama ako sa lugar ng trabaho upang tulungan akong maintindihan ang kanyang kalakalan, tinuruan pa akong magkabit ng mga saksakan at mga pindutan ng ilaw. Tinuruan niya akong mag-isip ng may-saysay upang ako ay maka-angkop at makagawa agad sa mga panahon na ang mga bagay ay nagkakanda- mali- mali. Ang aking ina, na may mapag-alaga at mapagmahal na kalikasan, ang nagtanim ng mga binhi para sa aking pananalig. Tiniyak niya na dinadasal namin ang Rosaryo at ang Mabathalang Awa na dasalin nang sama- sama bawat-araw, kaya ang mga dasal na iyon ay nakabaon sa aking ala-ala.
Ang mga ito ay natulungan akong matagumpay na makatapos ng may antas sa Kaalamang Teknolohiya (IT). Sa kanilang pag-aalalay, ako ay nakapag-uugnay sa mga indibiduwal na nagbibigay ng lektura na makakuha ng balangkas sa kurso bago magsimula ang takdang panahon. Pagkatapos ay pupunta kami sa aklatan upang kopyahin ang mga kaugnay na materyal at upang ang Royal Blind Society ay maisalin ang mga ito para sa akin.
Sa aking kabinataan, ako ay nagkaroon ng isang kapuna-punang karanasan ng pagtawag sa akin ng Diyos. Sa yugtong yaon, may nalalabi pa akong paningin sa aking kaliwang mata. Isang araw habang ako’y nagdadasal sa loob ng simbahan, ang pangunahing altar ay biglang namusilak ng isang matinding liwanag at isang panloobang tinig na magiliw na nagsasabing, “Halika, halika sa akin.” Ito ay naganap ng tatlong ulit. Simula noon, nadadama ko ang Kanyang kamay na kumakalinga sa akin na may pag-ibig at awa na hindi ko nararapat na makamtan.
Ang tawag na ito ay ihinantong ako na pag-isipan kung maaari ba akong maging pari o diyakono. Ito ay nagpatunay na hindi- makatotohanan ngunit ang aking pang-aralang Teyolohiya ay napalalim ang pananalig ko. Ako ay nagsimulang magpasimuno ng pananalangin sa Mabathalang Awa sa isang grupo ng karismatiko na may pang-aalalay ng isang pari. Sa kabila ng mga sakuna na aking natamo, ako ay nagpapasalamat pagkat ako’y nakapaglilingkod sa Panginoon at sa mga tao na aking nakilala sa pamamagitan ng mga pagtitipon na isina-ayos ko—ang pananalangin sa Mabathalang Awa, ang magdamagang pagsamba at ang Apat-napung Araw sa Buhay—ay nakatulong sa akin matapos na pumanaw ang aking mga magulang, ang aking babaeng kapatid at ang aking babaeng pamagkin. Sila ay naging pamilya ko at lingguhang tinulungan nila ako sa mga pantahanang tungkulin at mga pasadyang paghahatid na pangailangan.
Ang pinakamalungkot na mga pangyayari sa buhay ko ay hindi ang kakulangan ng aking paningin kundi ang mawalan ng mga pinakamatalik na kaugnayan, kaya ako’y sadyang nagpapasalamat na itong mga kaibigan na sinasamahan ako sa sementeryo upang makipagsalo ng pagkain sa tabi ng puntod ng aking mga minamahal at upang makipagdasal ng Mabathalang Awa para sa kanilang mga kaluluwa. Sinusubukan kong tanpulán ang mga bagay na positibo—ang mayroon ako, sa halip na kulang ako. Sinisikap kong gawin ng abot ng aking makakaya na isabuhay ang mga utos ng Diyos na magmahal. Bawat-araw, ako ay walang-alinlangang isinasauna ang loob ng Diyos at isinasangkatuparan ang Ebanghelyo.
Sinabi ni San Pablo, “Nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin.” (2 Mga Taga Corinto 5:7) Madalas na pabiro ko itong ginagawa ng literal. Yaong munting talata ay nagsasaad ng sangkatutak. Hindi natin makikita ang mga bunga ng ating mga gawa sa buhay na ito. Isang kaligayahan ang maglingkod sa ubasan ng Diyos. Si Jesus ay nagpakahirap at namatay para sa akin. Bawa’t-isang tao ay makapagsasabi nito. Sinuman ang nais na malaman Siya ay makararating upang tanggapin ang Panginoon. Ako ay nagbibigay ng pasasalamat at papuri sa Panginoon pagkat inihandog Niya sa atin ang pagkakataon na tanggapin ang Kanyang maluwalhating piling sa ating katauhan. Ang Kanyang buhay na Diwa ay magpapasigla sa atin na may pag-asa ng Muling Pagkabuhay, upang tayo”y mamuhay bawat-araw sa piling Niya at maisagawa ang Kanyang utos na magmahal. Sa aking puso, ako’y umaawit ng Aleluya!
Walang hanggang Diyos na ang awa ay walang katapusan at ang kabangyaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong tingnan po kami at palagoin Mo po ang awa sa amin, nang sa mahihirap na sandali ay maaaring di kami panghinaan o kaya’y malupaypay, kundi ng may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa Iyong kalooban, na siyang pag-ibig at awa din. Amen.
Mario Forte Article is based on the interview given by Mario Forte for the Shalom World TV program “Triumph”. To watch the episode visit: shalomworld.org/episode/mario-forte
Natatakot ka ba sa kamatayan? Ako man dati, hanggang sa madinig ko ang PhD na ito Nang bata pa, madalas kong mapansin na tila nakakaasiwang dumalo sa mga libing. Nagiging balisa ako na mag-isip sa matinding kalungkutan na bumabalot sa nagdadalamhating mga miyembro ng pamilya. Ngunit sa pandemya, ang balita ng mga kapitbahay, kamag-anak, parokyano, at mga kaibigan na nangamatay ay nagtulak sa akin na gumawa ng 180-degree na pagbabago sa aking pananaw sa kamatayan. Ang kamatayan ay mukhang di gaanong nakakatakot sa mga panahong ito. Ngayon, para itong masayang pagbalik sa bahay ng Ama matapos magawa ang Kanyang kagustuhan sa lupa. Ang tuluy-tuloy na pagtaas ng mga libing sa You Tube buhay na p g daloy kahit paano ay naging nakapagpapatibay na karanasan para sa akin. Ito ay nakatulong sa akin na maunawaan kung paanong napakawalang katiyakan ang buhay. "Walang mas tiyak kaysa sa kamatayan, ngunit walang mas hindi tiyak kaysa sa oras ng kamatayan." Samakatuwid, dapat tayong maging handa dahil ang kamatayan ay dadating tulad ng isang magnanakaw sa gabi. Si San Gregorio ay naglalahad na para sa ating kabutihan, itinatago sa atin ng Diyos ang oras ng ating kamatayan, nang sa gayon, tayo ay maging handa sa kamatayan. Kamakailan, habang pinaglilinayan ang pitong huling salita ni Hesus, nakinig ako sa isang mananalita na nangusap tungkol sa kahalagahan ng pagtamo ng isang “PhD,” na walang iba kundi ang “Paghahanda para sa Isang Maligayang Kamatayan”. Sa mas malalim na pananaliksik nito, natagpuan ko ang isang aklat na sinulat ni San Alphonsus Ligouri na pinamagatang Paghahanda sa Kamatayan. Ito ay isang dapat-mabasa ng sinumang nagsusumikap na mamuhay ng isang buhay Kristiyano. Napagtanto ko dito ang karupukan ng buhay sa lupa at kung paano tayo dapat magsikap na mabuhay para sa langit. Nais kong magbahagi ng ilang mahahalagang kabatiran na nagpabago sa aking pangkalahatang pananaw tungkol sa buhay at kamatayan. Lahat Ng Makamundong Kaluwalhatian Sa Ating Buhay Ay Maglalaho Sa oras ng kamatayan, ang lahat ng palakpakan, libangan, at karangyaan ay nawawalang parang ambon. Ang mga makamundong pagbubunyi ay nawawalan ng lahat ng kanilang ningning kapag sila ay binalikang-aral mula sa higaan ng kamatayan ng isang tao. Wala tayong makita kundi usok, alikabok, kapalaluan, at dalita. Kung kaya, iwasan natin ang paghahabol sa mga makamundong titulo, nang makamit natin ang walang hanggang korona. Ang oras na taglay natin ay napakaikli upang sayangin sa mga makamundong kapalaluan. Laging Pinagdidilihan Ng Mga Santo Ang Kamatayan Pinag-ingatan ni San Charles Borromeo ang isang bungo sa ibanaw ng kanyang mesa upang mapagnilay -nilayan niya ang kamatayan. Ang Banal na Juvenal Ancina ay may kasabihan na nakasulat sa isang bungo na "Kung ano ka ngayon, gayon ako nuon, kung ano ako ngayon, ikaw ay magkakagayon". Ang kagalang-galang na Caesar Baronius ay may mga salitang, "Alalahanin ang kamatayan!" sa kanyang singsing. Ang Tunay Na Kahulugan Ng ' Pag-aaruga-Sa-Sarili' Ang pag-aaruga-sa-sarili ay hindi tungkol sa pagpapalayaw sa ating sarili ng iba't ibang kakanin, pananamit, libangan, at senswal na kasiyahan ng mundo! Ang tunay na pagmamahal sa katawan ay binubuo ng pagpapahalaga nito nang may paghihigpit, sa pagbabawal dito ng lahat ng kaaliwan na maaaring humantong sa walang hanggang kalungkutan at dalita. Dalawin Natin Nang Madalas Ang Libingan Dapat tayong magtungo doon hindi lamang upang ipagdasal ang mga yumao, kundi gaya ng sabi ni San Krisostomo: "Dapat tayong magtungo sa libingan upang pagnilayan ang alikabok, abo, uod...at magbuntong- hininga." Ang bangkay ay nagiging dilaw muna, at pagkatapos itim. Pagkatapos ang katawan ay natatakpan ng isang puti, nakakarimarim na amag. Saka nito, bumubuo ito ng madikit na putik, na umaakit sa mga uod na kumakain sa laman. Matapos ubusin ang lahat ng laman, ang mga uod ay maglalamunán sa isa't isa. Sa bandang huli, walang natitira kundi isang maamoy na kalansay, na sa paglipas ng panahon ay nagkakapira- piraso. Masdan mo kung ano ang tao: siya ay isang maliit na alabok sa giikan, na tinatangay ng hangin. Ang Bukas Na Iyon Para Magkumpisal Ay Baka Hindi Na Dumating Paano kung ngayon na ang huling araw ko sa mundo? Kung nakagawa ako ng kasalanan ngayon at magpasiya na makipagkasundo sa Diyos bukas, ano ang mangyayari sa akin sa kawalang-hanggan? Gaano kadaming mga aba, yumaong kaluluwa ang maaaring dumaan sa gayong mga nakapanghihinayang na yugto?b Minsan ay sinabi ni San Camillus de Lellis, "Kung ang lahat nitong mga patay na katawan ay mangagsibuhay na muli, ano ang hindi nila gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?" Ikaw at ako ay may pagkakataong makagawa ng mga pagbabago. Ano ang ginagawa natin para sa ating mga kaluluwa? Ang ating kasalukuyang buhay ay isang patuloy na pakikidigma sa impiyerno kung saan tayo ay palaging nasa panganib na mawala ang ating mga kaluluwa. Paano kung nasa punto na tayo ng kamatayan ngayon? Hindi ba natin hihilingin sa Diyos na bigyan tayo ng isa pang buwan o isang linggo upang maging malinaw ang ating budhi sa Kanyang paningin? Ngunit dahil sa Kanyang dakilang awa, binibigyan tayo ng Diyos ng panahong iyon NGAYON. Magpasalamat tayo sa Kanya, sikaping matubos ang mga kasalanang nagawa, at magamit ang lahat ng paraan upang matagpuang nasa estado ng biyaya. Kapag dumating si Ate Kamatayan, wala nang panahon para tubusin ang mga nakaraang kasalanan, dahil dadating siyang umaawit– “Magmadali, halos oras na ngayong lisanin ang mundo; magmadali, kung ano ang nagawa, nagawa na.”
By: Suja Vithayathil
MoreAng mga tao ay madalas na nagugulat kapag pinaa-alam ko sa kanila na ang pinakamalapit kong kaibigan sa monasteryo ay si Padre Philip, na nangyaring naging 94. Siya na bilang pinakamatandang monghe ng komunidad, at ako na bilang pinakabata, ay sadyang magkatugma; isa pang kapanalig na monghe ay magiliw na tinutukoy kami bilang “alpa at omega.” Bilang karagdagan sa aming pagkakalayo ng gulang, mayroong napakaraming kaibhang pumapagitan sa amin. Si Padre Philip ay naglingkod sa Tanod Baybayin bago pumasok ng monasteryo, nag-aral ng Botanika at wikang Ingles, tumira na sa Roma at Ruwanda, at siya’y matatas sa iba-ibang mga wika. Sa madaling sabi, siya’y may mga karanasan sa buhay na higit pa sa akin. Sa kabila nito, may ilang mga bagay na pinagbabahaginan namin nang karaniwan: kapwa kami’y katutubo ng California at mga nagsalin-anib mula sa Protestantismo (siya na dating Presbiteryano at ako na dating Baptist). Ikinalilibang namin nang lubos ang opera, at higit na mahalaga, pinananatili namin ang buhay ng pananalig nang magkasabay. Likas lamang na mamili ng mga kaibigang nakapamamahagi ng ating karaniwang mga kinawiwilihan. Ngunit sa ating pagtanda at ang mga kalagayan ng ating mga buhay ay nagbabago, makikita natin ang ating mga sarili na nawawalan ng mga kaibigan habang nakakapagkamit ng mga bago. Winika ni Aristoteles na lahat ng mga pagkakaibigan ay dapat magbahagi ng isang karaniwang bagay. Ang mga tumatagal na pagkakaibigan ay yaong mga nagbabahaginan ng mga pangmatagalang bagay. Halimbawa, ang pagkakaibigan ng dalawang mga tabladong manlalangoy ay namamalagi habang mayroong mga alon na masasakyan. Gayunman, kung walang gumugulong na alon o kapag ang manlalaro sa alon ay napinsala at hindi na makasagwan nang paalis, ang pagkakaibigan ay mangungupas maliban lamang kung makakita sila ng bagong bagay na mapagbabahaginan nila. Kaya, kung ang mithi natin ay magkaroon ng habang buhay na mga kaibigan, ang susi ay ang makakita ng bagay na maaring maipagbahagi sa panghabangbuhay, o kaya, kawalang-hangganan. Ang punong pariseyo, si Kaypas, ay pinaratanganan si Hesus ng kalapastanganan nang inulat Niyang Siya ang Anak ng Diyos. Higit na lapastanganan sa paghayag na ito ay nang sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad, “Kayo ay aking mga kaibigan.” Sapagka’t ano ang maaaring magkaroon ang Anak ng Diyos na karaniwan sa mga mangingisda, isang mambubuwis, at isang panatiko? Ano ang maaaring magkaroon ang Diyos na may pagkatulad sa atin? Siya’y labis na matanda kaysa sa atin. Siya’y may higit na karanasan sa buhay. Siya ay kapwa Alpa at Omega. Anuman ang ating karaniwang ipinamamahagi ay dapat na nabigay Niya sa atin sa unang lagay. Kabilang sa dami ng mga biyayang ibinabahagi Niya sa atin, ang Kasulatan ay malinaw tungkol sa bagay na tumatagal nang pinakamahaba: “Ang Kanyang matimtimang pag-ibig ay nagtatagal nang magpasawalang-hanggan.” “Ang pag-ibig… ay napagtitiisan ang lahat ng mga bagay.” “Ang pag-ibig ay walang katapusan.” Lumalabas na, ang pakikipagkaibigan sa Diyos ay napakadali. Ang dapat lamang natin na gawin ay “umibig dahil inibig Niya muna tayo.”
By: Brother John Baptist Santa Ana, O.S.B.
MoreKapag tinawag tayo ng Diyos, binibigyan din niya tayo ng lakas upang malampasan natin ang anumang darating na mga hadlang . Basahin ang kamangha-manghang kuwento kung paanong si Fr. Si Pedro ay kumapit sa Diyos nang sinalakay siya ng mga unos ng buhay. Noong Abril 1975, ang buhay ng mga taong Vietnamese na naninirahan sa Timog ay nagbago magpakailanman nang sakupin ng mga Komunista ang bansa. Mahigit sa isang milyong sundalo ng Timog Vietnam ang nahuli at ikinulong sa mga kampong piitan sa buong bansa, habang daan-daang libong klero, seminarista, madre, monghe at kapatid ang ikinulong sa mga kulungan at sentro ng mga pag baballik aral upang sila ay ma-impluwensiya. Humigit-kumulang 60% sa kanila ang namatay sa mga kampo kung saan hindi sila kailanman pinayagang tumanggap ng mga pagbisita mula sa kanilang mga pamilya o kaibigan. Nabuhay sila na parang nakalimutan na sila. Bansang Nasalanta ng Digmaan Ipinanganak ako noong dekada ng 1960, noong panahon ng digmaan, kararating lamang ng mga Amerikano sa aking bansa. Ako ay pinalaki sa panahon ng labanan sa pagitan ng Hilaga at Timog, kaya ito ang naging senaryo ng aking pagkabata. Nang matapos ang digmaan, halos nakatapos na ako ng sekondaryang paaralan. Hindi ko gaanong naintindihan kung ano ang tungkol dito, ngunit labis akong nalungkot nang makita ang napakaraming tao na nagdadalamhati para sa lahat ng kanilang mga mahal sa buhay na pinatay o ikinulong. Nang sakupin ng mga Komunista ang aming bansa, nabaligtad ang lahat. Nabuhay kami sa takot sa ilalim ng patuloy na pang-uusig para sa aming pananampalataya. Wala kang makikitang kalayaan sa anumang paraan. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa aming kinabukasan. Ang aming kapalaran ay ganap na nasa kamay ng mga miyembro ng Partido Komunista. Pagsagot sa Tawag ng Diyos Sa mga hindi magandang kalagayang ganito, naramdaman ko ang tawag ng Diyos. Noong una, malakas akong tumugon dito, dahil alam kong imposibleng sundin ko ang tawag na iyon. Una sa lahat, walang seminaryo kung saan ako makapag-aaral para sa pagpapari. Pangalawa, hindi lang para sa akin ang pagiging delikado, kundi mapaparusahan din ang pamilya ko kapag nalaman ito ng gobyerno. At sa huli, nadama kong hindi ako karapat-dapat na maging disipulo ni Jesus. Gayunpaman, ang Diyos ay may sariling paraan upang maisakatuparan ang Kanyang plano, kaya sumali ako sa (palihim na) seminaryo noong 1979. Pagkalipas ng labing-anim na buwan, natuklasan ng lokal na pulisya na gusto kong maging pari at kaya tinawagan ako para sa hukbo. Umaasa ako na baka makalaya ako pagkatapos ng 4 na taon, upang makabalik ako sa aking pamilya at sa aking pag-aaral, ngunit sa aking pagsasanay ay binalaan ako ng isang kaibigan na kami ay ipinadala upang lumaban sa Kampuchea. Alam ko na 80% ng mga sundalong lumaban sa Kampuchea ay hindi na nakabalik. Takot na takot ako sa inaasam-asam na pag-alis, at gumawa ako ng mga plano para makaalis, sa kabila ng mga nakaambang panganib. Bagama't matagumpay akong nakatakas, nasa panganib pa rin ako. Hindi ko maaaring ilagay sa panganib ang aking pamilya sa pag-uwi, kaya patuloy akong patago-tago, sa takot na baka may makakita sa akin at isumbong ako sa pulisya. Tumatakas para Mabuhay Pagkatapos ng isang taon ng pang-araw-araw sa takot na ito, na tila walang katapusan, sinabi sa akin ng aking pamilya na, para sa kaligtasan ng lahat, kailangan kong subukang tumakas mula sa Vietnam. Pagkalipas ng hatinggabi, isang madilim na gabi, sinundan ko ang mga lihim na direksyon pagapang sa isang maliit na bangkang pangisda na gawa sa kahoy kung saan limampung tao ang nagtipon tipon na nagsisiksikan sa barko upang patakbuhin ang barko ng mga Komunistang patrol. Mula sa maliliit na bata hanggang sa matatanda, pigil-hininga kami at ang mga kamay ng isa't isa hanggang sa ligtas kaming nakalabas sa dagat. Ngunit ang aming mga problema ay nagsisimula pa lamang. Nagkaroon lang kami ng malabong ideya kung saan namin gustong pumunta ngunit wala kaming ideya kung paano kami pupunta doon. Ang aming pagtakas ay puno ng paghihirap at panganib. Apat na araw kaming gumugol sa kakila-kilabot na panahon, napatapon sa maalon na dagat. Sa isang yugto, nawalan na kami ng pag-asa. Nag-alinlangan kami na makakaligtas pa kami sa susunod na bagyo at naniniwala kami na hindi na kami makakarating sa aming destinasyon dahil nasa awa kami ng dagat na tila dinadala kami ng walang direksiyon at kami'y walang magawa dahil hind namin alam kung nasaan kami. Ang magagawa lang namin ay ipagkatiwala ang aming buhay sa tulong at awa ng Diyos. Sa lahat ng oras na ito, nasa ilalim kami ng Kanyang proteksyon. Hindi kami makapaniwala sa aming magandang kapalaran nang sa wakas ay nakahanap kami ng kanlungan sa isang maliit na isla sa Malaysia kung saan gumugol ako ng walong buwan sa isang refugee camp, bago ako tinanggap sa Australia. Malakas na Nakabangon Pagkatapos na mapagtiisan ang mga ganoong mga kakila-kilabot na pangyayari, sa wakas ay natuklasan ko na "pagkatapos ng ulan ay sumisikat ang araw". Meron tayong tradisyonal na kasabihan, "ang isang daloy ay magkakaroon ng pagbagsak". Ang bawat tao sa buhay ay dapat magkaroon ng ilang malulungkot na mga araw upang ihambing sa mga araw ng kagalakan at kasiyahan. Marahil ito ay isang tuntunin ng buhay ng tao. Walang sinuman mula sa kapanganakan ang maaaring malaya sa lahat ng kalungkutan. Ang iba ay pisikal, at ang iba ay mental at ang iba ay espirituwal. Ang ating mga kalungkutan ay naiiba sa bawat isa, ngunit halos lahat ay magkakaroon ng parte. Gayunpaman, ang kalungkutan mismo ay hindi maaaring pumatay ng isang tao. Tanging ang kakulangan ng kalooban na magpatuloy sa pagsuko sa kalooban ng Diyos ang makapagpapapahina ng loob ng isang tao na labis na naghahanap ng kanlungan sa hindi mapang-unawang kagalakan, o pumili ng pagpapakamatay sa walang kabuluhang pagtatangkang makatakas mula sa kalungkutan. Pakiramdam ko ay masuwerte ako na natutunan ko, bilang isang Katoliko, na magtiwala nang buo sa Diyos para sa aking buhay. Naniniwala ako na tutulungan Niya ako sa tuwing ako ay may problema, lalo na kapag tila wala na akong mga pagpipilian, at napapalibutan na ng mga kaaway. Natutunan ko sa pamamagitan ng karanasan na humanap ng kanlungan sa Diyos, ang kalasag at muog ng aking buhay. Walang makapipinsala sa akin kapag Siya ay nasa aking tabi (Awit 22). Bagong Buhay sa Bagong Lupain Pagdating ko sa Australia, itinuon ko ang aking sarili sa pag-aaral ng Ingles upang matupad ko ang pananabik sa aking puso na patuloy na mag-aral para sa pagpapari. Ito ay hindi madali para sa akin sa simula, naninirahan sa isang ganap na kakaibang kultura. Kadalasan, hindi ko mahanap ang tamang mga salita upang ipaabot ang aking mga iniisip nang walang kaguluhan. Minsan parang gusto kong sumigaw ng malakas dahil sa pagkabigo. Kapag walang pamilya, o kaibigan, o pera, mahirap magsimula ng bagong buhay. Nakaramdam ako ng kalungkutan at pag-iisa, na may kaunting suporta mula sa sinuman, maliban sa Diyos. Siya ang aking laging kasama, na nagbibigay sa akin ng lakas at tapang na magpatuloy sa pagtitiyaga sa kabila ng lahat ng mga hadlang. Ginabayan ako ng Kanyang liwanag sa kadiliman, kahit na hindi ko nakilala ang Kanyang presensya. Ang lahat ng aking nakamit ay sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at hindi ako titigil sa pasasalamat sa Kanya sa pagtawag sa akin na sumunod sa Kanya.
By: Father Peter Hung Tran
MoreNalulula sa mga pasanin sa buhay? Alamin kung paano ka makakahinga ng maluwag Sa loob ng maraming taon ng aking pagsasama, dinadala ko ang pasanin ng pag-aasawa sa isang asawa na hindi ibinahagi ang aking pananampalataya. Bilang mga magulang, marami sa atin ang nagdadala ng mga pasanin ng ating mga anak at miyembro ng pamilya. Ngunit sasabihin ko sa iyo, magtiwala sa plano ng Diyos, magtiwala sa Kanyang perpektong oras para sa Kanyang banal na pag-aalaga. Sinasabi sa Awit 68:18-20, “Purihin ang Panginoon, ang Diyos na ating Tagapagligtas, na araw-araw na nagdadala ng ating mga pasanin.” Ano ang dapat nating gawin sa ating mga pasanin? Una, huwag mawalan ng pag-asa. Kapag pinanghinaan tayo ng loob, hindi ito sa Panginoon. Alam natin na sinasabi sa atin ng Bibliya sa Mateo 6:34, “Kaya huwag kayong mag-alala tungkol sa bukas, sapagkat ang bukas ay magdadala ng kaniyang sariling mga alalahanin.” Sinasabi rin ng Banal na Kasulatan, "Ang bawat araw ay may sapat na problema sa sarili nitong." Kapag tayo ay payapa, ito ay sa Diyos, ngunit kapag tayo ay nag-aalala, ito ay sa diyablo. Walang pag-aalala sa langit, tanging pag-ibig, kagalakan at kapayapaan. Ang aking pinakamamahal na asawa, si Freddy, ay nagkaroon ng Alzheimer’s na sakit sa huling walong at kalahating taon ng kanyang buhay. Sa panahong ito ng pamumuhay kasama ang isang asawang may Alzheimer's, nalaman kong kamangha-mangha ang biyaya ng Panginoon sa aking buhay. Binigyan niya ako ng biyaya na huwag dalhin ang bigat ng kanyang karamdaman. Ito ay maaaring sirain ako. Natagpuan ko ang aking sarili sa isang posisyon kung saan kailangan kong manalangin at patuloy na ibigay ang lahat sa Panginoon, sa bawat sandali. Kapag nakatira ka sa isang taong may Alzheimer's buhay ay patuloy na nagbabago. Tuwing umaga pagkagising ko, pumupunta ako sa Bibliya. Ginagawa ko itong mga unang bunga ng aking araw. Alam kong dinala na ng aking Hesus ang bawat isa sa ating mga pasanin noong Siya ay namatay sa Krus para sa atin. Siya ay nagbayad ng halaga para sa bawat isa sa atin at naghihintay siya para sa bawat isa sa atin na ilapat ang maraming mga pagpapala na kanyang binili para sa atin sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa Krus. Mga Pangakong Nagpapanatili sa Akin Sa panahong iyon, marami akong natutunang aral. Natutunan ko na kung minsan ay ayaw ng Diyos na baguhin ang ating mga kalagayan, ngunit gusto niyang baguhin ang iyong puso sa pamamagitan ng mga pangyayari na iyong pinagdadaanan. Ganyan talaga ang nangyari sa akin. Mas marami akong natutunan sa mga lambak na ginawa ko sa lupang pangako at sa mga tuktok ng bundok. Kapag nahaharap ka sa mga mapanghamong sitwasyon, natututo kang lumangoy o lumundag ka sa ilalim. Natutunan mo na ang Diyos ay makakahanap ng paraan kung saan walang paraan. Patuloy kong hihilingin sa Panginoon, "bigyan mo ako ng biyayang gaya ni Pablo na maging kontento sa lahat ng pagkakataon." Sa liham sa mga taga-Filipos, isinulat ni Pablo na natutunan niyang maging kontento anuman ang mga kalagayan. Pagkatapos ay sinabi niya ang pahayag na ito, "Magagawa ko ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Kristo na nagpapalakas sa akin." Dapat nating malaman na ang lakas ng Panginoon at hindi ang ating lakas ang nagdadala sa atin. Kailangan nating magtiwala sa Panginoon at huwag umasa sa sarili nating pang-unawa. Kailangan nating ihagis ang ating mga pasanin sa Kanya at hayaan Siya na suportahan tayo. Kapag nagsimula kaming pumunta sa pamamaraan ng pag-aalala, umiikot lang kami pababa. Doon tayo kailangang lumapit sa Panginoon at ibigay sa Kanya ang ating mga pasanin. “Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na pagod at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo ay aking bibigyan ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at matuto kayo sa akin, sapagkat ako ay maamo at mapagpakumbaba sa puso, at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa” (Mateo 11:28,29) ay isang kamangha-manghang talata sa banal na kasulatan na nagdala sa akin sa buong walo at kalahating taon. Pangako yan! Kaya, ang bawat isa sa atin sa pananampalataya, ay kailangang maging handa na ihagis ang buong bigat ng ating pag-aalala at pagkabalisa para sa ating sarili at sa ating mga mahal sa buhay sa Panginoon. Posibleng Misyon! Maglaan ng sandali ngayon upang ibigay sa Panginoon ang lahat ng mga taong dinadala mo sa iyong puso. Maaaring ang asawa mo, mga anak mo, o ibang tao ang naligaw ng landas o suwail. Lundag ng pananampalataya ngayon at ibigay ang lahat sa Panginoon dahil nagmamalasakit siya sa iyo. Ibigay sa Panginoon ang lahat ng mga lugar kung saan inagaw ng kaaway ng iyong kaluluwa ang iyong kapayapaan. Tumagal ng dalawampu't walong taon ng paghihintay bago nakilala ng aking asawa si Hesus. Ibibigay ko siya sa Panginoon sa lahat ng oras. Sasabihin ko na siya ay isang 'testimony-in-the-making' at hindi ako sumuko. Binago siya ng Diyos at pinagaling ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng panaginip. Ibang-iba ang timing ng Diyos sa atin. Sinasabi ng Lucas 15:7, “Magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisi kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na hindi kailangang magsisi.” Masasabi ko sa iyo, nagkaroon ng ganap na party sa langit nang magbalik-loob ang aking Freddy! Ipinakita sa akin ng Panginoon na isa siya sa mga dakilang misyon ko. Sino ang iyong dakilang misyon? Ang iyong asawa, ang iyong asawa, anak, o anak na babae? Hilingin sa Panginoon na hipuin sila at ibibigay Niya ang mga panalanging ito. Hindi pa huli Ang aking Freddy ay umuwi sa kaluwalhatian noong ika-14 ng Mayo, 2017. Alam kong nasa itaas siya ngayon, at minamaliit niya ako. Sa Lucas 5:32 sinabi ni Hesus, “Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.” Kaya, ang awa ng Diyos ay PARA sa mga makasalanan, at tayong lahat ay naligtas sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Ang sabi ng Panginoon sa Is 65:1, “Ipinahayag ko ang aking sarili sa mga hindi nagtanong para sa akin; Natagpuan ako ng mga hindi naghanap sa akin. Sa isang bansang hindi tumawag sa aking pangalan, sinabi ko, ‘Narito ako, narito ako. Sa Talaarawan ni St Faustina mababasa natin ang tungkol sa awa ng Diyos sa mga namamatay: “Madalas akong dumalo sa mga naghihingalo at sa pamamagitan ng mga pagsusumamo ay nakakakuha ng pagtitiwala sa awa ng Diyos para sa kanila, at nagsusumamo sa Diyos para sa kasaganaan ng banal na biyaya, na laging nagtatagumpay. Ang awa ng Diyos kung minsan ay naaantig ang makasalanan sa huling sandali sa isang kahanga-hanga at mahiwagang paraan. Sa panlabas, parang nawala ang lahat, ngunit hindi ganoon. Ang kaluluwa, na naliliwanagan ng isang sinag ng makapangyarihang huling biyaya ng Diyos, ay bumaling sa Diyos sa huling sandali na may gayong kapangyarihan ng pag-ibig na, sa isang iglap, natatanggap nito mula sa Diyos ang kapatawaran ng kasalanan at kaparusahan, habang sa panlabas ay hindi ito nagpapakita ng alinman sa pagsisisi o pagsisisi, dahil ang mga kaluluwa [sa yugtong iyon] ay hindi na tumutugon sa mga panlabas na bagay. Oh, hindi kayang unawain ang awa ng Diyos!” (Talata 1698) Manalangin tayo: Panginoon dumarating kami sa silid ng trono ng biyaya kung saan makakatagpo kami ng biyaya sa oras ng pangangailangan. Inihahatid namin sa iyong harapan ang mga pinapahalagahan sa aming mga puso. Ipagkaloob sa kanila ang biyaya ng pagsisisi at pagbabagong loob. Amen.
By: Ros Powell
MoreKung minsan, ang mga maliliit na himala ang syang nakakapagpalakas ng ating pananampalataya at naghahanda sa atin sa mga gipit na sandali sa ating buhay. Sa kalagitnaan ng edad 20 at 30 taon, nang kami ng aking maybahay ay kasalukuyang nagninilay sa tawag na lumipat sa Eureka Springs, Arkansas mula Chicago kasama ng mga kasapi ng Katolikong Charismatic na pamayanan, nagpasya kaming suriin ang Eureka upang makita kung anong uri ng tirahan ang meron doon. Dalawa sa mga kasapi ng aming pamayanan ang nag-saayos na makita namin ang lugar. Makaraan ang isang linggo, nasasabik tungkol sa kinabukasan namin sa kaakit-akit na bayan, sinimulan namin ang aming pagbalik sa Chicago upang gawin ang mga nalalabing paghahanda para sa paglipat sa mga bundok ng Ozark. Mga Pag-ikot at Pag-liko Mga ilang oras sa aming paglalakbay, napilitan kaming tumakbo o tumigil sa daan dahil sa problema sa makina. Ang talyer ay may magandang balita -hindi ito malaking problema, at masamang balita -hindi nila makuha ang bahaging ipapalit hanggang sa susunod na araw. Kinailangan naming kumuha ng isang silid sa isang malapit na motel. Kinabukasan, nang maayos na ang sasakyan, humayo kami na medyo magaan ang bulsa, kung pera ang pag-uusapan. Napunta halos sa silid ng motel at sa pagpapaayos ng sasakyan ang lahat halos ng aming pera. Ni halos hindi sapat para sa pagkain, at dahil nagdadalantao si Nancy, ang paglaktaw sa pagkain ay hindi maaari. Wala akong mga kredit kard nang panahong iyon. Naglalayag kami sa kalsada nang pahintuin kami ng isang pulis ng estado. Pinara niya kami, kasama ang limang iba pang mga sasakyan, dahil sa mabilis na pagmamaneho. Isa-isa, pinatabi kami sa gilid ng kalsada, habang naghihintay sa aming mga tiket. Wala akong alam tungkol sa pagbabayad sa singil ng tiket sa labas ng sarili kong probinsya, o lalo pa, kung paano makipagtalo sa halaga ng multa. Magalang na sinabi ng opisyal, "Maaari kang pumunta sa korte kung nais mo. Lumabas ka sa susunod na labasan, sundan ang mga palatandaan patungo sa korte, at makikita mo ito." Paggunita Isang taon bago nito, isang naantalang pulot-gata ang nagdala sa amin ni Nancy sa Italianong bayan na sinilangan ko. Papunta doon, tumigil kami sa Assisi upang dalawin ang aming mga itinatanging santo, sina Francis at Clare. Sa basilica ng Santa Chiara (pangalan ni Clare sa Italyano) nakita namin ang kanyang totoong ginintuang dilaw na buhok na napanatili sa isang lalagyan na yari sa salamin. Humarap sa akin si Nancy at sinabing, "Kung magkakaroon tayo ng isang anak na babae, nais kong pangalanan siya ng Chiara." Taos-puso akong sumang-ayon at inasahan ang araw na magkaroon ng kapangalan si St. Clare sa aming pamilya. Nang palapit na kami sa labasan, alam na hindi namin mababayadan ang ticket sa trapiko, tumawag kami ni Nancy kay Santa Chiara. "Mahal na St. Clare," dasal namin, "tulungan mo kaming makaligtas sa pagbabayad ng tiket na ito. Paki tulungan mo po kami." Pabiro ko pang idinagdag, "St Clare, talagang papangalanan namin ang aming sanggol tulad ng sa iyo ... kahit pa lalaki ito!" Agad-agad, nakita namin ang karatulang nagtuturo patungo sa bayan. Hindi kami makapaniwala sa aming nakita. Hindi nasabi sa amin ng opisyal na pinapapunta niya kami ng St Clair, Missouri! Kamakailan ko lamang natutunan na ito ay pinangalanan para sa isang heneral ng Rebolusyonaryong Digmaan. Ngunit nakita ng aming mga walang muwang na mata ang "St" na sinundan ng "Clair" at napunan ni St. Clare ang aming mga puso. Hindi namin napansin ang pagkakaiba sa pagbaybay ng ipinapalagay namin na pangalan ng aming minamahal na santo. Ang bayang ito na may 4,000 na mamamayan sa American Bible-belt, naisip namin, ay pinangalanan para sa santo ng Assisi! Labis ang kagalakan, naniwala kaming maayos ang pagkapili namin na bumaling sa aming mahal na Chiara. Pagpapagaan Nagmamadali akong tumungo sa korte, umaasang maunahan ko ang ibang mga tsuper para mapakiusapan ko ang hukom na bigyan ako ng awa, ngunit kaagad na silang nagparadahan katabi namin. Nang tanungin ng kawani ng korte kung paano ko nais bayadan ang aking multa, sinabi ko na sa palagay ko ay hindi mabilis ang pagmamaneho ko at hiniling kung maari kong makausap ang hukom. Bagaman nagulat, sinabi niya na maari at tumango sa isang lalaking nakaupo sa katapat na mesa. Habang kumukuha siya ng isang mahabang itim na balabal mula sa katabing sabitan ng sombrero, sinenyasan kami ng kawani patungo sa hukuman kung saan nakaupo ang lalaking nakabihis na ng pang-hukom. Tinawag niya ang unang 'mabilis magmaneho'. Iginiit niya na hindi siya nagmamadali at sa aking kagalakan, naisip kong ang hukom ay mapag-unawa, sumasang-ayon pa sya na kung minsan ay nagkakamali ang mga opisyal ng pulisya at ang mga inosenteng tagamaneho ay napagkakamaliang mabigyan ng tiket. Lumakas ang loob ko hanggang sa sinabi niya, "ngunit siya ang opisyal ng pulisya at dapat kong tanggapin anuman ang sinabi nya. Ang iyong multa ay pitumpu't limang dolyares." Sinubukan ng pangalawang akusado ang kabaliktaran na pamamaraan; ipinaliwanag niya nang buong katamisan at kabaitan na ang mabuting opisyal ay tiyak na nagkamali. Muli, pinakinggan sya ng hukom, umayon na ang mga opisyal ay hindi perpekto at kung minsan kahit na ang kagamitan sa radar ay nagkakamali. Ngunit muli, bumaliktad siya at nagpapaalala sa amin na ang pulis ay hinirang na opisyal ng batas. Ang multa niya ay walumpu't limang dolyar. Ako ang sumunod at sinimulan ko sa isang katanungan. "Ang iyong karangalan, maari bang mapagpasyahan dito ngayon na ako at hindi nagkasala?" "Ah hindi," sagot niya. "Sinabi ng kawani na nais mong makipag-usap sa hukom, kaya masaya akong makinig. Ngunit hindi, hindi kita mapagpapasyahan na hindi nagkakasala. Kakailanganin natin ang isang paglilitis para dyan.” Lumabas na ang mga pagpipilian ko lamang ay ang magmatuwid na nagkasala at bayadan ang aking multa o mangatwiranan na hindi nagkasala at bayadan ang aking multa. Hindi ako makakaalis nang hindi nagbabayad ng multa. Kung nais ko ng isang paglilitis, kailangan kong bumalik sa St. Clair. Kapag Naligaw Nang Walang Kapag-a-pag-asa "Kami ng aking asawa ay lilipat dito sa Setyembre," sinabi ko sa kanya. "Handa akong bumalik para sa isang paglilitis." Ang anyo sa kanyang mukha ang nagsabi sa akin na gumaganda ang aking pag-asa. Ngunit biglang tumayo si Nancy, naka-usli ang kanyang malaking tiyan, at malakas na nagwika para madinig ng lahat, "Naku, Mahal, huwag mong subukang mangatuwiran sa kanya. Wala siyang pakialam sa atin. Wala siyang pakialam na nasira ang ating sasakyan at ginugol natin ang lahat ng ating pera sa silid ng motel at mga gastos sa pagpaayos ng sasakyan. Huwag mong subukang mangatuwiran sa kanya, gusto lang niya ang pera natin." Sinikap kong patigilin sya sa kanyang panaghoy, siya ay nagpatuloy. Nang lumingon ako sa hukom, kumbinsido na ang aking pag-asa ay naglaho na, sumenyas siya sa akin na lumapit sa hukuman. Nang papalapit na ako, tinanong niya, "balak mong lumipat sa lugar na ito?" "Oo, iyong karangalan. Lilipat kami sa Eureka Springs sa Setyembre. " Umabot siya sa loob ng kanyang kadamitan hangang sa bulsa ng kanyang pantalon at naglabas ng isang tarheta. Iniabot ito sa akin at nagsabing, "Sa susunod na madaan ka sa St. Clair, tawagan mo ako." Nakatayo ako doon, hindi malaman kung ano ang gagawin. Sumenyas siya na lumakad na ako. Hindi ko pa din maintindihan. Muli siyang sumenyas, mas masidhi. Pansamantala, dahan-dahan kaming lumisan ni Nancy sa korte. Habang papalapit, nagtanong ang klerk, "Ano ang sinabi ng hukom?" "Sinabi niya sa akin na sa susunod na madaan kami sa bayan ng St Clair, dapat ko siyang tawagan." Mukha siyang naiinis. "Ano ang multa mo?" tanong niya. “Hindi niya ako binigyan," sabi ko. Siya ay nagulumihanan na tulad ko. "Hindi pa ito nangyari," aniya. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa tiket mo." Tumingin siya sa amin; "Ok, palagay ko maaari ka nang umalis." ️ Sumakay kami ni Nancy sa sasakyan na di makapaniwala, gulát sa nangyari. Ngunit alam namin kung sino ang dapat pasalamatan. Kapag bata pa tayo at mahina pa ang pananampalataya, madalas tayong basbasan ng Diyos ng maliliit na palatandaan, tulad nito, na nagpapalakas sa ating pananampalataya at inihahanda tayo sa mga hamon na hindi maiiwasang sa ating buhay. Nakatanggap kami ni Nancy ng mardaming maliliit na palatandaan sa mga unang araw namin sa Panginoon. Nahikayat kami ng mga ito na ang Diyos ay nagmamalasakit kahit na sa mas maliliit na mga bagay sa buhay -hindi lamang kanser o atake sa puso, hindi lamang sa remata o nawalang hanapbuhay. At ginagamit ng Diyos ang mga matapat sa Kanya, ang mga Santo, upang maging mga lagusan ng Kanyang biyaya. Habang umuunlad tayo sa Panginoon at lumalago ang ating pananampalataya, maaari tayong makakita ng ilan-ilan na lamang na mga palatandaan sapagkat ang mga nauna ay nakapagtayo na ng isang matatag na pundasyon ng pananampalataya na upang makaya natin na "mamuhay batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita (o mga palatandaan)" (2 Corinto 5: 7). Ngunit sa araw na iyon, matagal na, sa isang bayan na tiyak kaming pinangalanan sa kaniya, nagdasal kami na tulungan kami ni Santa Chiara. At wala kaming alinlangan na ginawa niya ito. Lumipas ang limang buwan, isinilang ang anak naming babae sa ospital sa Eureka Springs, Arkansas. Siya ay bininyagang Chiara Faith.
By: Graziano Marcheschi
MoreAng salu-salo ay isinaalang-alang na isang mabuting makalumang pagdiwang ng kaarawan. Ang hindi kami handa ay ang Diyos na binigla kami ng Kanyang handog. Ang mga kaarawan ng pagsilang ay malaking bagay sa aking pamilya, hindi lamang dahil sa masarap na keyk o ang kasaganaan ng mga handog. Ito ay dahil kami ay nakapagdiriwang ng araw na ang Diyos ay biniyayaan ang mundo ng isang bagong buhay. Ito ang araw na pinili ng Diyos na isilang itong taong walang ibang kapareho sa ating buhay. Napag-isipan ko nang madalas na ito’y nararapat na ipagdiriwang at nais kong ihabilin yaong kahalagahan sa aming mga anak. Kinailangang malaman ng aming mga anak na sila ay mahal hindi lamang ng aking asawa at ako, ngunit higit na mahalaga, sila'y itinalaga at minahal ng Diyos! Paminsan-minsan, bibigyan namin ang mga anak namin ng isang makalumang pagdiriwang ng kaarawan. Gaganapin namin ang pagtitipon sa aming tahanan, puspos ng mga matitingkad na palamuti, mga sumbrero, mga pampaingay, mga laro, mga premyo at mga regalo. Pagkatapos ay kinakailangan naming tapusin Ito ng mayroong sorbetes, isang gawang-bahay at pinalamutiang keyk at mga nakabalot na kakanin sa mga nagsidalo. Ang kanilang mga salu-salo ay hindi kinailangang napakalabis, ngunit ang mga ito ay mahusay na pinag-isipan at inabot ng maraming linggo upang isaayos. Bagama’t ang lahat ng mga pagtitipon na aming ibinalak ay masaya at natatangi, may isang namumukod na pagtitipon na kailan man ay hindi malilimutan ng bawat- isa sa aking pamilya. Ang pagtitipon na ang Diyos ay ginulat kami ng Kanyang Sariling handog! Mga Isinaalang-alang na Kaarawan Ang aming ikatlong lalaki ay naging labindalawang gulang noong bandang katapusan ng Mayo 2002. Ang mga anak namin ay ipinalaki sa hilagang estado ng Massachusetts, kaya kapag ang panahon ng Mayo ay dumating, ang bawat-isa ay nagnanais na nasa labas na tinatangkilik ang panahong tagsibol. Ang aming anak na lalaki ay isang atletikong bata at kabílang ng kanyang mungkahi, kami ay nagpasyang magkaroon ng kinathang pagtitipong panlabas na basketbol. Lahat ng bagay tungkol sa pagtitipong yaon ay pumapaikot sa paligid ng temang ito, kabílang na ang tutoong paligsahan ng larong basketbol, na panghahatulan ng dalawang nakatatanda na nakapaglalaro at umi-ihip ng pito. Ang mga paanyaya ay napadala, ang mga uniporme ay napagawa, ang paksaing basketbol na keyk ay nahurno, ang kakanin ay naihanda at ang mga lobo ay nahipan na. Bagama’t ang mga palamuti ay nakahanda, binalak namin na isaayos ang mga ito sa sumunod na umaga bago dumating ang kahanga-hangang bungkos ng mga masisiglang batang lalaki. Sa dami na ng ulit na nakapag-ayos kami ng mga isinaalang-alang na kaarawan noong nakalipas, ako’y lubos na nagtitiwala noong kinagabihan na ang lahat ay naisa-ayos at handa na para sa isang kahanga-hangang, maligaya at masiglaing araw hanggang… may isang muntiing paglinga sa pinakamalayong likod ng aking isip na nagsimulang pumasok ng paloob hanggang ang lagim nito ay naghasik ng nakagagambalang tanong sa aking asawa. “Mahal, ano ba ang magiging panahon bukas?” Ang tanong ay nanatiling lumutang sa hangin, tila isang tumatagal na di-kaaya-ayang amoy. Alam naming dalawa na kung maliban sa napakaligayang sikat ng araw at malamig na simoy ang inaasahang panahon, ang kalalabasan ng piging ay nasa mapanganib na kalagayan. Ito ang mga araw ng mabagal na internet at kami ay umaasa pa rin sa The Weather Channel para sa aming inaasahang lagay ng panahon. Ang aking matinding pagkakadilat at maligalig na paghinga ay bigla siyang nagpaikot- ikot para mahanap ang pangmalayuang pambukas ng TV. Ang kanyang mukha ay namutla. Pagkatapos ay malumanay siyang lumingon sa akin. Maingat na binibigkas ang bawat salita, kanyang inilatha na matatag na ulan ang inaasahan para sa buong araw. Ako’y natulala! Isina-ayos ko na ang bawat detalya ng yaong pagtitipon at itinakda ang bawat kaganapan hanggang sa pinakahuling minuto, ngunit nakaligtaan kong pahalagahan ang hindi mahulaang tagsibol na panahon ng Nueva Inglaterra. Ano ang aking gagawin? Mga Palad na Pawisin Ika-walo ng gabi at wala akong panghaliling plano para sa kinabukasan ng umaga. Ang loob ng tahanan namin ay ni hindi nakahanda upang pangasiwaang lahat yaong mga masisiglang batang lalaki. Pagkaraka'y isang saloobin ang tumawid sa aking isip. Ako’y makagagamit ng telepono at tawagan ang bawat posibleng pasilidad na may-kalapitan na maaaring may gym sa loob ng gusali, at maipaliwanag ang aking kinatatayuan at makiusap na gamitin ang kanilang basketbolan ng dalawang oras. Gayunman, ang huling oras ay maaaring mangahulugang walang taong sumagot sa tawag o kaya’y ang mga gym ay nakalaan na sa mga kaganapan sa katapusan ng linggo. Natawagan ko na ang bawat pook na aking naisip, bukod dito sa isang gym. Itong isang gym ay kasapi sa pampook na elementaryang pinagdaanan ng aking mga anak. Noong maraming nakaraang mga okasyon, ang Punong-guro at ako ay tiyak na ni-kailanma’y nagkatinginan ng mata sa mata at hindi ko itinangi ang maisip na magpakumbaba o magtanaw ng utang na loob sa kanya. Gayunman, sadyang malinaw na walang ibang mga pagpipilian. Ito ay isang maliit na sambayanan, karamihan sa mga tao ay kilala ang bawa't-isa at pinalad na ako’y may pansarili niyang numero. Nang tumunog ang kanyang telepono, bumilis ang pulso ko, sumikip ang lalamunan ko, at napatunayan ko noon na ang mga babae ay talagang nagkakaroon ng mga pawising palad. Sinagot niya. Nang ipinaliwanag ko ang aking kailangan at bakit, nagkaroon ng kapansin-pansing humpay sa kabílang dulo ng linya. Sa wakas, sinabi niya na titignan niya kung ang katiwalang kawani ay papapasukin ako ngunit hindi niya malalaman hanggang dumaan ang ika-siyam ng umaga kinabukasan. Nabalisa ang isip ko. Pakiramdam ko'y hindi ako mapapanatag kapag hindi ko malalaman mismo sa tagpong yaon na ang matagumpaying pangalawang plano ay nakaayos na. Ang piging ay nakatakda mula sa ika-labing-isa ng umaga hanggang ikalawa ng hapon, kaya wala nang napakahabang panahon upang mapagpahayagan ang mga magsisidalo tungkol sa pagbabago ng plano kung siya ay hindi bumalik ng pagtawag hanggang makalipas ang ika-9 ng umaga. Gayunpaman, ang kanyang tono ay binabalaan ako na mag-ingat na magpumilit kung naisin kong maging matagumpay sa pagsumamo sa kanya. Paulit-ulit at mapagpakumbabang pinasalamatan ko siya bago ko binaba ang telepono. Maraming ulit naming siniyasat ang magiging lagay ng kinabukasang panahon yaong kinagabihan at inaasam-asam na ang di- mahulaang panahon ng Nueva Inglaterra ay magpatuloy sa aming direksyon, ngunit walang pahiwatig ng pag-asa… hanggang… isa pang mas tahasang paglingap ang pumasok sa aking ulo. “Marahil ito ang lubhang mabuting sandali na magdasal. Matapos ang lahat, hindi ba ang Diyos ang namamahala ng kinabukasang kalagayan?” Ah, ako ay nagdasal at nagdasal at nagdasal. Ang piging ay dapat lamang tumagal mula ng ika-labing-isa ng umaga hanggang ikalawa ng hapon, kaya ako’y gipit na nakiusap sa Diyos na pahintuin ang ulan para sa tatlong oras na yaon. Ang sumunod na umaga ay nagsimula ng ambon at maulap na langit. Ako ay may tatlo pang di-mapakaling oras bago ako makadinig muli sa Punong-guro ng paaralan. Ang mga iba kong mapagpipilian ay naubos na, kaya ako ay mapanglawing nagpatuloy na magdasal, hindi sa pananalig, ngunit sa kagipitan. “Ipahintulot Ninyo Panginoon”, ako’y nagmakaawa, “Ipahintulot Ninyo na huwag umulan sa loob ng ika-labing-isa ng umaga at ikalawa ng hapon.”. Ang adrenalin lamang ang isang bagay na nakapagpigil sa bahâ ng luha sa likod ng aking mga mata. Ang telepono ay nanatiling tahimik habang ang orasan ay walang tigatig na dumaan ng ika-siyam ng umaga. Tinanong ko ang asawa ko, “Tatawagan ko ba siya o maghintay ako ng mahaba-haba?” Bago siya makatugon, ang maanyayang tunog ng telepono ay umalingawngaw sa katahimikan sabay sa pagpigil namin ng paghinga sa pag-aasa. Ang tinig ko’y gumaralgal nang sinubukan kong sagutin ng mapanatag ang tawag. Tiyak akong nagkandatisod-tisod sa pagbigkas ng bawat pantig sa pagbati ko sa kanya. Walang paligoy-ligoy na sinabi niya sa akin na magagamit namin ang gym para sa piging, ngunit kami ay maglilinis na tila walang bakas na kami ay nanggaling doon. Nais ko siyang pasalamatan ng marami, ngunit iniklian niya ang usapan at biglaan niyang sinabi na pumaroon sa gym ng paaralan nang mga ika-11:15 ng umaga, na maaabutan namin ang mga pinto na hindi nakapinid. Ang Hindi-inaasahang Handog Ang mga gulong ng isip ko ay nagsimulang umikot dahil mayroon na ngayong matibay na pangalawang planong maisasaayos. Bagama’t inaasaha't pinagdarasal kong hihinto ang matatag na ulan sa loob ng tatlong oras na yaon, kinakailangan namin na gumalaw ng pasulong na may panghaliling plano para sa araw na hinihintay namin. Tila ilang mga sandali lamang ang dumaan bago dumating ang oras para sa mga batang lalaki na magpakita. Kami ay sukdulang handa sa mga pumapaligid na kalagayan. Sampung minuto bago pumarada ang unang sasakyan, sumilip ako sa labas ng bintana at hindi ako makapaniwala sa mga mata! Tinawag ko ang aking asawa at itinuro ko na dumungaw sa labas at tiyakin kung ano ang aking nakita. Magkasama kaming nakatayo at tahimik na pinagmasdan ang pangitaing nasa harapan namin. Sinagot na ng Diyos ang aking mga dasal. Huminto na ang pag-ulan, tulad ng pagsamo ko at sa mabilis na panahon. Gayon pa man, ang pambihirang kakaibang bagay ay naganap na hindi namin mahulahulaan. Bagama’t tumigil ang pag-ulan na hindi inaasahan, nagsimula nang MAGNIYEBE!!!! Tiyak kong nadinig ang Diyos na tumatawa't tumatawa. Tumayo kami doon ng panandaliang kamanghaan at pagtataka. Kailanma'y hindi namin nakita na magniyebe nang bandang katapusan ng Mayo sa tanang mga taong itinigil namin sa Massachusetts. Kami ay nagtawanan sa pangitain, ngunit kami'y hindi makapag-ukol ng panahon sa kahulugan nito habang ang mga kalalakihan ay nagsimulang dumating para sa piging. Sa hindi-inaasahang tagpo, ang Punong-guro mismo ang sumalubong sa amin sa gym at sinabihan niya ako na magtratrabago siya sa kanyang opisina ng dalawang oras, hanggang matapos ang laro. Ang bawat-isa ay nagkaroon ng kasiyahan at tumulong sa amin na maglinis ng gym na nagmukhang mas mabuti kaysa sa anyo nito nang unang maratnan namin. Pinasalamatan namin ang Punong-guro at idinala ang bawat-isa pauwi para sa keyk at mga handog. Bago namin malaman, ang ikalawa ng hapon ay dumaan at ang mga magulang ng mga batang lalaki ay nagsimulang lumakad nang padulas-dulas sa maniyebeng daanan sa harap ng garahe upang sunduin ang kanilang mga anak. Gayunpaman, ang Diyos ay hindi pa tapos sa Kanyang biro at nakahanda nang ipakita ang maringal na katapusan. Ginawa Niyang malinaw na dininig ang aking mga dasal sapagkat nang ika-2:10 ng hapon, ang di-inaasahang niyebe ay bumalik sa matatag na ulan. Ang mga luha na aking pinigil kamakailan lamang ay dumating na bumabaha palabas ng mga mata ko. Buong panahon bang dumadalo ang Diyos sa aming piging? Naipakita Niya ba na sinagot Niya ang mga dalangin ko sa pahintulot Niyang hindi uulan mula ika-11 ng umaga hanggang ikalawa ng hapon? Ang Diyos ba ang naging taga-ayos ng panghalinhinang plano at hindi ako? Ang Diyos ba ang naglaan ng lugar para sa amin upang magkaroon ng dakilang piging habang binibigyan ako ng aral sa pagpapakumbaba? Ang Diyos ba ay may pagkamapagpatawa? Ang sagot sa lahat ng mga tanong na yaon at mas marami pa ay OO, OO, OO, OO, at maliwanag na OO!!!! Minsan, ang Diyos ay nangangaral nang papatong-patong. Nang ako’y tumanaw ng pabalik, napakaraming pagkakamali akong nagawa nang ipinaplano ko ang piging na yaon. Gayunman, ginamit ng Diyos ang aking mga kahinaan upang malumanay at may-kabiruan na muling maituwid ang aking isipan at kalooban. Lahat ng aking gawin ay natutupad sa pamamagitan ng Diyos na nagdudulot ng aking lakas. (Mga Filipo 4:13) Sa simula, halos lahat ng bagay tungkol sa araw na yaon ay tila natupad sa pamamagitan ng aking sariling lakas at kapalaluan. Ni hindi ko na anyayahan ang Diyos sa yaong piging o sa pamamalakad ng pagplano. Laking kahihiyan ang aking nadama nang pinag-nilaynilayan ko ang katungkulan ng aking Manlilikha sa pagdulot Niya ng aming anak sa buhay namin. Siya dapat ang unang inanyayahang panauhin at ang naging kinalabasan, Siya ang pinakamalugod na tinaggap na panauhin. Sinagot ng Diyos ang aking mga dasal, hindi sa ganap na paraan na naisip ko, kundi sa malinaw na paraan, na walang iniiwang pangamba na nilayon Niya upang turuan ako ng isang bagay. Tinuruan ako ng Diyos na lagi ko Siyang kasama—nakikinig, nag-aalay at nagugustuhang maging bahagi ng mga buhay na Kanyang nilikha. Ipinagkaloob Niya sa akin ang mga biyaya ng pagpapakumbaba, pagpapaumanhin at pasasalamat bilang kasagutan sa aking dasal. Ang piging na yaon ay lumabas na sukdulang masaya at di-malilimutan. Matapos na nasabi't nagawa ang lahat, hindi umulan sa pagitan ng ika-11 ng umaga't ikalawa ng hapon, tulad ng aking hiningi sa dasal….. Sa halip, ang Diyos ay nagdala ng Kanyang sariling handog: NIYEBE!!! Aking sasabihin na muli….. Ang Diyos ay may mapagpatawang pandama!
By: Teresa Ann Weider
MoreHindi ko alam na ang isang simpleng paglalakad sa pamilya ay makakatulong sa akin na maunawaan ang isang diskarte na nagbabago ng buhay ... Noong nakaraang taon, nais ng aking anak na bisitahin namin ang kanyang campus sa kolehiyo. Kahit na nakita ko ang malawak na bakuran ng unibersidad at ang mga bundok na duyan, ang kanyang ama at mga kapatid ay hindi. Bilang may-ari / operator ng restawran, ang pag-iiskedyul ng limang oras na paglalakbay sa kalsada at paglayo ay nagpakita ng mga hamon, ngunit tinutukoy kong mangyari ito. Dahil hindi namin mapamahalaan ang higit sa isang isang gabing pag-urong, sinabi ko sa aking anak na gawin ang pinakamahusay na paggamit ng aming limitadong oras. Pumili siya ng paglalakad sa pamilya. Ay Higit sa Kakayahan Inaamin ko na sa 49 na mas malambot ako kaysa sa matatag. Kasama sa aking regular na ehersisyo ang paglipat ng mga basurahan, pag-baluktot upang kunin ang mga stray medyas at mga nakalimutang libro, at pag-akyat sa tatlong hanay ng mga hagdan sa aming bahay. Nang itanim ko ang aking unang hakbang sa daanan, alam ko ang aking kalooban, hindi ang aking kakayahan, ay kailangang itaguyod ako. Mabilis na nahulog ako sa likuran dahil ang iba ay may higit na tibay at kapasidad sa baga. Ilang yarda sa pag-akyat, ang aking paghinga ay naging mababaw at nagpapagal, at ang aking mga guya ay naalis mula sa pag-urong ng aking mga kalamnan na wala sa hugis. Napagtanto kong kailangan ko ng isang diskarte upang makumpleto ang paglalakad. Napagpasyahan kong bitawan ang malaking larawan at ituon ang mga detalye. Sa halip na ituon ang pansin sa tatlong-milyang paglalakad, iisipin ko ang susunod na hakbang. Kadalasan ang pag-iisip ng malakihang larawan ay nag-aalala sa akin, ngunit ang pansin sa mga detalyeng nagtatala sa aking isip hanggang sa kasalukuyan. Napagpasyahan kong tikman ang bawat pagmamasid at hindi nilaga sa what if's (paano kung huminto ang aking mga binti? Paano kung maubusan ako ng-singaw? Paano kung hindi ako makapanatili?…). Ang Hindi Makikita na Daigdig Di nagtagal, ang aking isipan ay nabalot sa kagandahan ng paglikha, nakalimutan ko lahat ang malaking larawan. Narinig ko ang banayad na sipol ng hangin at ang pagbulwak ng mga dahon sa ilalim ng masayang pag-uusap ng aking mga anak. Habang nagtatrabaho ako upang makasabay at ang aking baga ay umangkop sa ehersisyo, isang pamumula ng init ang lumiwanag sa aking balat. Ang malambot na berde na kulay ng mga halaman na namumulaklak pa rin sa sahig ng bundok ay nakuha ang aking mata, pati na rin ang mga palaisipan ng hubad, baluktot na mga ubas sa pagbagsak langit langitan Ang aking isipan ay bumukas sa hindi nakikitang mundo sa itaas, sa ibaba, at sa tabi ko. Pagpadyak sa matitigas na lupa, nag-arte ako ng mga larawan ng mga hukbo ng insekto na nagmamartsa malapit. Pangarap ko sa araw ang tungkol sa buhay ng maraming mga nilalang na naninirahan sa ating mundo: mga ibong namumugad sa mga walang dala na puno, mga daga na bumubulusok sa ilalim ng lupa, at hindi mabilang na mga pag-akyat sa bug, paglipad, at pagmamartsa. Nagpasalamat ako sa dakilang Diyos para sa bawat solong nilalang at bawat pulgada ng napakagandang tanawin na inilagay niya ako sa hapon na iyon. Natagpuan ang Diskarte Sa isang punto, tumigil ako upang kunan ng larawan ang isang tuod ng puno upang maalala na ang nabubulok na puno ay bahagi ng plano ng Diyos para sa bundok na ito. Sa oras, ang hindi makasagot ay mawawala, at ang mga donasyon ay buyo sa bundok mismo. Habang nakatuon ang aking camera sa namamatay na puno, isang bahaghari ang dumaloy sa imahe. Naalala ko ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan. Naalala ko na nagpatuloy ito ngayon, at nagpasalamat ako sa Diyos sa kanyang katapatan. Ang aking mga hakbang ay naging mas madali nang hindi ko binibilang. Naging magaan ang paglalakbay nang mailatag ko ang pamatok ng mga paano-kung at inimbitahan si Kristo na lumakad sa tabi ko. Nang tumulak ang tukso, napalapit ako kay Hesus. Sa halip na tanggihan ang hamon o maging labis na mag-isip, nag-alay ako ng isang panalangin na sumuko at ipinagkatiwala sa aking paglalakad. Sa pagsisimula ng 2021, ang natutunan ko sa paglalakad sa bundok ay patuloy pa rin. Tulad ng pag-ikot ng mundo sa kaguluhan, naiintindihan ko ang halaga ng kasalukuyang sandali. Habang malaking larawan pag-iisip ay mahalaga para sa pagma-map ng mga direksyon at pagtataguyod ng mga layunin, maaari itong nakawan sa amin ng kagandahan, kapayapaan, at pakikisama ng sa kasalukuyan sandali. Naghihintay ng Kalayaan Kung nakatuon ako sa haba ng paglalakad at sa aking hindi sapat na mga kakayahan, maaari kong maipalabas ito. Sa halip, natuklasan ko ang isang kabang-yaman ng kagandahan at biyaya. Sa halip na mahumaling sa malaking larawan ay nakatuon ako ngayon sa kasalukuyang sandali. Sumisikat sa sopa kasama ang isang mahal sa buhay, binabasa nang malakas ang isang libro, ibinuhos ang aking sarili ng isang baso ng kape at nilalanghap ang aroma, o tinawag ang isang kaibigan at sabay na tumatawa. Nagiging mas maasikaso ako at naghahanap ng maraming mga paraan upang maisagawa ang aking pag-ibig. Ang aking simpleng paglalakad sa isang burol ay nagresulta sa isang bagong diskarte para sa aking buhay: ang pagiging maasikaso sa kasalukuyang sandali at nagpapahayag ng pasasalamat para sa mga pagpapala dito. Ang diskarteng ito ay ginagawang mas madali ang aking mga paglalakbay (maging ang pag-akyat sa isang bundok, pagkumpleto ng isang pang-araw-araw na gawain, pagdadala ng isang mabibigat na krus, o pamumuhay sa walang uliran oras sa kasaysayan). Buhay sa kasalukuyan ay naging ang susi sa pag-unlock ng kalayaan, isang kalayaan walang sinuman ang maaaring sugpuin. Si Kristo ay nasa kasalukuyang sandali. Hahanapin natin Siya roon kung saan tiyak na matatagpuan natin Siya
By: Tara K. E. Brelinsky
MoreAng bago kong bayani ay si Madre Alfred Moes. Napagtanto ko na hindi siya isang pangalang pambahay, kahit na sa mga Katoliko, ngunit siya ay dapat lang. Dumating siya sa aking iskrin ng radar nuon lamang matapos na ako'y maging Obispo ng Diocese ng Winona-Rochester, kung saan ginawa ni Madre Alfred ang karamihan ng kanyang gawain at kung saan siya nakalibing. Sa kanya ay isang kuwento ng kahanga-hangang katapangan, pananampalataya, tiyaga, at lubos na kaliksihan. Maniwala ka sa akin, kapag nakuha mo ang mga detalye ng kanyang mga pakikipagsapalaran, mapapaalalahanan ka ng ilan pang ibang masinop na mga Katolikong Madre: sina Cabrini, Teresa, Drexel, at Angelica, para pangalanan ang ilan. Si Madre Alfred ay isinilang na Maria Catherine Moes sa Luxembourg noong 1828. Nang bata pa, siya ay nabighani sa posibilidad na makagawa ng gawaing misyonero sa mga katutubo ng North America. Alinsunod dito, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid na babae sa New World noong 1851. Una, sumali siya sa School Sisters of Notre Dame sa Milwaukee ngunit matapos nito ay lumipat sa Holy Cross Sisters sa La Porte, Indiana, isang grupo na nauugnay kay Padre Sorin, CSC, ang may tatag ng Unibersidad ng Notre Dame. Matapos makipagbanggaan sa kanyang mga superyor—manapa'y pinagkaugaliang pangyayari para sa walang takot at mapanalig na babaeng ito—nagtungo siya sa Joliet, Illinois, kung saan siya ay naging superyor ng isang bagong kongregasyon ng mga kapatid na Franciscan, at inako ang pangalang 'Madre Alfred.' Nang si Obispo Foley ng Chicago ay nagdtangkang makialam sa pananalapi at mga proyekto sa pagtatayo ng kanyang komunidad, siya ay lumisan para sa mas mainam na pastulan patungo sa Minnesota kung saan siya ay tinanggap ng dakilang Arsobispo Ireland at pinahintulutang magtatag ng isang paaralan sa Rochester. Sa maliit na bayan na iyon sa katimugang Minnesota nagsimula ang Diyos na mabisang magsagawa sa pamamagitan niya. Noong 1883, isang kakila-kilabot na buhawi ang dumaluhong sa Rochester, na ikinamatay ng madami at nag-iwan ng madami pang nawalan ng tirahan at nagdarahop. Isang lokal na doktor, si William Worrall Mayo, ang umako ng tungkuling pangalagaan ang mga biktima ng sakuna. Dahil sa dami ng nasugatan, nanawagan siya sa mga kapatid ni Madre Alfred na tulungan siya. Bagamat sila ay mga guro at hindi mga nars at walang maayos na pagsasanay sa medisina, tinanggap nila ang misyon. Sa kaganapan ng malaking kapinsalaan, mahinahong ipinaalam ni Madre kay Doktor Mayo na nagkaroon siya ng pangitain na ang isang ay dapat itayo sa Rochester, hindi lamang para pagsilbihan ang lokal na komunidad na iyon, kundi ang buong mundo. Gitla sa hindi makatotohanang panukalang ito, sinabi ni Doktor Mayo kay Madre na kakailanganin niyang makalikom ng $40,000 (isang napakalaking halaga nang panahong iyon) upang makapagtayo ng gayong pasilidad. Sinabi naman niya sa doktor na kung makalikom siya ng pondo at makapagpatayo ng ospital, inaasahan niyang siya at ang kanyang dalawang anak na manggagamot ang magpapatakbo sa lugar. Sa loob ng maikling panahon, nakuha niya ang pera, at naitatag ang Saint Mary's Hospital. Tiyak kong naisip mo na, ito ang binhi kung saan tutubo ang makapangyarihang Mayo Clinic, isang sistema ng ospital na sa katunayan, tulad ng inakala ni Madre Alfred noong unang panahon, na nagsisilbi sa buong mundo. Ang matapang na madre na ito ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang tagabuo, tagapag-ayos, at tagapangasiwa, hindi lamang ng ospital na kanyang itinatag, kundi ng ilang iba pang mga institusyon sa timog Minnesota hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899 sa edad na pitumpu't isa. Ilang linggo lamang ang nakalipas, nagsulat ako tungkol sa matinding pangangailangan ng mga pari sa aming diyosesis, at hinikayat ko ang lahat na maging bahagi ng isang misyon upang madagdagan ang mga bokasyon sa pagkapari. Laman si Madre Alfred sa isipan maaari ko kayang gamitin ang pagkakataon ngayon upang magtawag ng higit pang bokasyon sa relihiyosong buhay ng kababaihan? Sa anumang dahilan ang huling tatlong henerasyon ng kababaihan ay tila nakagawian nang pagmasdan ang buhay-relihiyoso na hindi karapatdapat pag-ukulan ng kanilang pansin. Bumaba ang bilang ng mga madre mula noong Ikalawang Konseho ng Vaticano, at karamihan sa mga Katoliko, kapag tinanong tungkol dito, ay malamang magsasabi na ang pagiging isang relihiyosong babae ay hindi mangyayari sa ating pemenista na panahon. Kalokohan! Iniwan ni Madre Alfred ang kanyang tahanan nang siya ay napakabata pa, tumawid ng karagatan patungo sa ibang lupain, naging relihiyosa, sinunod ang kanyang mga udyok at sense of mission, kahit na ito ay nagdala sa kanya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang nakatataas, kabilang ang ilang mga obispo, ay nagbigay inspirasyon kay Doctor Mayo na magtatag ng kahanga-hangang medikal center sa planeta, at pinangunahan ang pagbuo ng isang orden ng mga madre na nagpatuloy sa pagtatayo at mga kawani ng madaming institusyon ng pagpapagaling at pagtuturo. Siya ay isang babaeng may pambihirang katalinuhan, kasigasigan, simbuyo ng damdamin, katapangan, at pagiging malikhain. Kung may nagmungkahi sa kanya na siya ay namumuhay nang hindi naaayon sa kanyang mga talino o sa ilalim ng kanyang dignidad, nakikinita ko ay magkakatanggap siya ng ilang mga piling salita bilang tugon. Naghahanap ka ba ng feminist hero? Sa iyo na si Gloria Steinem; sa akin na si Madre Alfred anumang araw ng linggo. Kaya, kung may kilala kang kabataang babae na magiging mahusay na relihiyoso, na puno ng katalinuhan, lakas, pagkamalikhain, at kasigasigan, ibahagi sa kanya ang kuwento ni Madre Alfred Moes. At sabihin sa kanya na maaari niyang hangarin ang mismong uri ng kabayanihan.
By: Bishop Robert Barron
MoreAno ang gagawin mo kapag may kumatok sa iyong pintuan? Paano kung ang estranghero ay hindi naging madaling tao? Binibigkas niya ang kanyang pangalan nang may diin, sa Espanyol, na may tiyak na pagmamalaki at dignidad, kaya maaalala mo kung sino siya—Jose Luis Sandoval Castro. Napunta siya sa aming pintuan sa Saint Edward Simbahang Katoliko sa Stockton, California, noong Linggo ng gabi nang ipinagdiriwang namin ang araw ng aming patron. May nagbaba sa kanya sa aming medyo mahirap, may mabuting trabaho na kapitbahayan. Ang musika at ang karamihan ng mga tao ay tila umakit sa kanya na parang magneto papunta sa aming parokya. Paglalahad ng Katotohanan Siya ay isang taong may misteryosong pinagmulan—hindi namin alam kung paano siya nakarating sa simbahan, lalo na kung sino at nasaan ang kanyang pamilya. Ang alam lang namin siya ay 76 taong gulang, may salamin sa mata, nakasuot ng mapusyaw na kulay, na tsaleko, at hinihila ang kanyang bagahe gamit ang kamay. May dala siyang dokumento mula sa Serbisyo sa Imigrasyon at Naturalisasyon na nagbibigay sa kanya ng pahintulot na makapasok sa bansa mula sa Mexico. Nanakawan siya ng kanyang mga personal na dokumento at wala siyang dalang ibang pagkakakilanlan. Nagsimula kaming alamin at tuklasin kung sino si Jose Luis, ang kanyang pinagmulan, ang kanyang mga kamag-anak, at kung mayroon silang anumang pakikipag-ugnayan sa kanya. Siya ay nagmula sa bayan ng Los Mochis sa estado ng Sinaloa, Mexico. Galit, kataksilan, at makalason ang lumabas sa kanyang bibig. Sinabi niya na inalisan siya ng kanyang mga kamag-anak at ninakawan ng kanyang pensiyon sa Estados Unidos, kung saan siya ay nagtrabaho nang maraming taon, habang siya ay pabalik-balik sa Mexico. Sinabi ng mga kamag-anak na aming nakausap na sinubukan nilang tulungan siya sa iba't ibang pagkakataon, ngunit tinawag niya silang mga magnanakaw. Sino ba ang aming paniniwalaan? Ang alam lang namin ay mayroon kaming isang pagala-galang, regular na palaboy mula sa Mexico sa aming mga kamay, at hindi namin siya maaaring talikuran o ilagay ang matandang, mahinang lalaki sa kalye. Walang pakialam, walang kabuluhan, isang kamag-anak ang nagsabi: “Hayaan nyo siyang mag-isang buhayin ang sarili sa mga lansangan.” Siya ay isang taong madaldal, matapang, at masungit, ngunit paulit-ulit siyang nagpapakita ng mga palatandaan ng kahinaan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, at halos mapaiyak siya habang ikinukwento niya kung paano siya ginawan ng masama at pinagtaksilan ng mga tao. Parang tanging nag-iisa na lang siya, iniwanan ng iba. Ang totoo—hindi siya madaling tulungan. Siya ay makulit, matigas ang ulo, at mapagmataas. Ang oatmeal ay masyadong makunat o hindi sapat na makinis, ang kape ay masyadong mapait at kulang sa tamis. Nakakahanap siya ng mali sa lahat. Siya ay isang tao na may napakalaking pitsa sa kanyang mga balikat, galit at bigo sa buhay. "Ang mga tao ay masama at salbahe, sasaktan ka nila," hinaing niya. Sa ganyan ang ganti ko meron ding “Mababait na tao” (mabubuting tao) din. Siya ay nasa arena ng mundo kung saan ang mabuti at masama ay nagsasalubong, kung saan ang mga taong may kabutihan at kabaitan ay naghahalo, tulad ng trigo at ipa ng Ebanghelyo. Higit pa sa isang Malugod na Pagtanggap Anuman ang kanyang mga depekto, anuman ang kanyang saloobin o ang kanyang nakaraan, alam naming dapat namin siyang tanggapin at tulungan bilang isa sa pinakamababa sa mga kapatid ni Jesus. "Nang tinanggap mo ang estranghero, tinanggap mo ako." Kami ay nagmiministeryo kay Hesus mismo, binubuksan ang mga pintuan ng mabuting pakikitungo sa kanya. Si Lalo Lopez, isa sa aming mga parokyano na nagsama sa kanya para sa isang gabi, ay ipinakilala siya sa kanyang pamilya, at dinala siya sa laro ng besbol ng kanyang anak, ay nagsabi: “Sinusubukan tayo ng Diyos upang makita kung gaano tayo kabuti at sa pagiging masunurin, bilang Kanyang mga anak.” Sa loob ng ilang araw, inilagay namin siya sa tirahan ng kura. Nanghihina siya, dumudura ng plema tuwing umaga. Halatang hindi na siya makagala at malayang magpalaboy gaya ng nakasanayan niyang gawin noong kabataan niya. Siya ay may mataas na presyon ng dugo, higit sa 200. Sa isang pagbisita sa Stockton, sinabi niya na siya ay nahampas sa likod ng leeg malapit sa isang simbahan sa bayan. Sinabi ng isang anak na lalaki sa Culiacan, Mexico, na "binuo niya ako" at hindi niya talaga siya kilala bilang kanyang ama, dahil hindi siya kailanman nakasama, palaging naglalakbay, patungo sa El Norte. Ang kwento ng kanyang buhay ay nagsimulang sumiwalat. Nagtrabaho siya sa bukid, nag-aani ng mga cherry, maraming taon na ang nakalilipas. Nagbenta rin siya ng ice cream sa harap ng isang lokal na simbahan ilang taon na ang nakararaan. Siya ay, parang upang banggitin ang klasikong kanta ni Bob Dylan, "tulad ng isang walang direksyon sa sariling bayan, tulad ng isang ganap na hindi kilala, tulad ng isang gumugulong na bato." Nang iwan ni Hesus ang 99 na tupa upang iligtas ang isang naliligaw na tupa, ibinaling natin ang ating pansin sa isang lalaking ito, na maliwanag na iniiwasan ng kaniyang kasamahan. Tinanggap namin siya, pinatira, pinakain, at naging kaibigan. Nalaman namin ang kanyang pinagmulan at kasaysayan, ang dignidad at kasagraduhan niya bilang tao, at hindi bilang isa pang itinapon sa mga lansangan ng lungsod. Ang kanyang kalagayan ay inihayag sa Facebook ng isang babae na nagpapadala ng mga video message ng mga nawawalang tao sa Mexico. Nagtanong ang mga tao: "Paano kami makakatulong?" Isang lalaki ang nagsabi: "Babayaran ko ang kanyang tiket pauwi." Si Jose Luis, isang lalaking hindi marunong magbasa, magaspang at hindi dalisay, ay dumating sa aming pista ng parokya, at sa biyaya ng Diyos, sinubukan namin, sa maliit na paraan, na tularan ang halimbawa ni Santa Mother Teresa, na malugod na tinanggap ang mga dukha, ang pilay, ang may sakit, at ang mga itinapon ng mundo sa kanyang sirkulo ng pag-ibig, ang piging ng buhay. Sa mga salita ni San Juan Pablo II, ang pakikiisa sa iba ay hindi isang pakiramdam ng hindi tiyak na pakikiramay o mababaw na pagkabalisa sa mga kasawian ng iba. Ito ay isang paalala na tayo ay nangangako sa ikabubuti ng lahat dahil lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa.
By: Father Alvaro Delgado
MoreNoong unang bahagi ng 1900s, hiniling ni Pope Leo XIII sa kongregasyon ng Misyonaryong Kababihan ng Sagradong Puso na pumunta sa Estados Unidos upang maglingkod sa malaking bilang ng mga imigrante na Italyano doon. Ang tagapagtatag ng kongregasyon, si Inang Kabrini, ay nagnanais na magmisyon sa Tsina, ngunit masunuring sumunod sa panawagan ng Simbahan at nagsimula sa mahabang paglalakbay sa dagat. Dahil muntik na siyang malunod noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot sa tubig. Gayunpaman, bilang pagsunod, siya...sa kabila ng dagat. Sa pagdating, nalaman niya at ng kanyang mga kapatid na babae na ang kanilang tulong pinansyal ay hindi pinahintulutan, at wala silang matitirhan. Ang matatapat na mga anak na babae ng Sagradong Puso ay nagtiyaga at nagsimulang maglingkod sa mga taong walang kinasa sakupan Sa loob ng ilang taon, ang kanyang misyon sa mga imigrante ay napakabunga kaya hanggang sa kanyang pagpanaw, ang may takot sa tubig na madre na ito ay gumawa ng 23 pagtawid sa Atlantic na paglalakbay sa buong mundo, na nagtatag ng mga pasilidad sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan sa France, Spain, Great Britain, at South America. Ang kanyang pagsunod at pagkaasikaso sa tawag na missionaryo ng Simbahan ay walang hanggang gantimpala. Ngayon, iginagalang siya ng Simbahan bilang patron ng mga imigrante at mga administrador ng ospital.
By: Shalom Tidings
MoreT – Natatakot ako sa kamatayan. Bagama't naniniwala ako kay Hesus at umaasa sa Langit, napupuno pa din ako ng pagkabalisa sa hindi batid. Paano ko mapaglalabanan ang takot sa kamatayan? S – Isipin na ikaw ay isinilang sa isang piitan at hindi nakikita ang mundo sa labas. Isang pinto ang nagbubukod sa iyo sa mundo sa labas—ang sikat ng araw, ang sariwang hangin, ang kasayahan...ngunit wala kang kuru-kuro sa mga mas maliwanag, magagandang bagay na ito, dahil ang mundo mo ay ang madilim, maamag na agwat na puno ng pagkabulok. Maya't maya, ang isang tao ay dumadaan palabas sa pintuan, upang hindi na babalik kailanman. Naaala mo ang pagkukulang nila, dahil kaibigan mo sila at nakilala mo sila sa buong buhay mo! Ngayon, isipin sandali na may napasok mula sa labas. Sinasabi Niya sa iyo ang lahat ng magagandang bagay na madadanasan mo sa labas ng piitan na ito. Alam Niya ang mga bagay na ito, dahil Siya Mismo ay galing na doon. At dahil mahal ka Niya, mapagkakatiwalaan mo Siya. Ipinapangako Niya sa iyo na sasamahan ka Niya palabas sa pintuan. Hahawakan mo ba ang Kanyang kamay? Tatayo ka ba at lalakad kasama Siya palabas ng pintuan? Ito ay nakakatakot, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa labas, ngunit maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng meron Siya. Kung kilala mo Siya at mahal mo Siya, hahawakan mo ang Kanyang kamay at lalakad palabas ng pintuan patungo sa sikat ng araw, tungo sa magandang mundo sa labas. Nakakatakot, ngunit may pagtitiwala at pag-asa. Ang bawat kultura ng tao ay kinailangang makipagbuno sa takot sa hindi nababatid kapag tayo ay mnagllakad sa madilim na pintuan ng kamatayan. Pag mag-iisa natin, hindi natin batid kung ano ang nasa kabila ng tabing, ngunit kilala natin ang Isang tao na nagmula sa kabilang panig upang sabihin sa atin kung ano ang katulad ng kawalang-hanggan. At ano ang Kanyang inihayag? Sinabi niya na ang mga nailigtas ay “nasa harap ng trono ng Diyos, at naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa Kanyang templo, at Siya na nakaupo sa trono ay kakanlungan sila ng Kanyang presensya. Hindi na sila magugutom, ni mauuhaw pa man; hindi sila tatamaan ng araw, ni anumang nakakapasong init. Sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay magiging kanilang pastol, at papatnubayan Niya sila sa mga bukal ng buhay na tubig, at papahidin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata." (Apokalipsis 7:15-17 ) Nagtitiwala tayo na ang buhay na walang hanggan ay sakdal na pag-ibig, masaganang buhay, sakdal na kagalakan. Sa katunayan, napakabuti nito na “Hindi pa nakikita ng mata, o nadidinig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao.ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Korinto 2:9) Ngunit mayroon ba tayong anumang katiyakan na tayo ay maliligtas? Wala bang pagkakataon na hindi tayo makakarating sa makalangit na paraisong iyon? Oo, totoo na hindi ito garantisado. Gayunman, tayo ay napupuno ng pag-asa dahil “nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at madating ang kaalaman ng katotohanan.” (1 Timoteo 2:3-4) Mas nais niya ang iyong kaligtasan kaysa sa naisin mo ito! Kaya, gagawin Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan para dalhin tayo sa Langit. Ipinaabot na Niya sa iyo ang paanyaya, na isinulat at nilagdaan sa Dugo ng Kanyang Anak. Ang ating pananampalataya, na isinabuhay sa ating buhay, ang tumatanggap ng gayong paanyaya. Totoong wala tayong katiyakan, ngunit mayroon tayong pag-asa, at “hindi tayo binibigo ng pag-asang ito” (Mga Taga Roma 5:5). Tayo ay tinawag na lumakad nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, batid ang kapangyarihan ng Tagapagligtas, na “naparito upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15). Sa praktikal na pagsasalita, mapaglalabanan natin ang takot sa kamatayan sa ilang paraan. - Una, tumuon sa mga pangako ng Diyos ng Langit. Madami pa siyang sinabi sa Banal na Kasulatan na pumupuno sa atin ng sabik na pag-asa na matanggap ang magandang kawalang-hanggan na inihanda Niya. Dapat tayong mag-alab nang may pagnanais para sa Langit, na magpapababa sa takot na iwan itong lugmok, wasak na mundo. - Pangalawa, tumuon sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa iyo. Hindi ka niya pababayaan, kahit na kapag dumaan sa hindi batid. - Panghuli, isaalang-alang ang mga paraan na Siya ay naroroon sa iyo noong kailangan mong pumasok sa bago at hindi kilalang mga lupain–pagpunta sa kolehiyo, pag-aasawa, pagbili ng bahay. Maaaring nakakatakot na gumawa ng isang bagay sa unang pagkakataon dahil may takot sa hindi batid. Ngunit kung ang Diyos ay naroroon sa mga bagong karanasang ito, lalo pang hahawakan Niya ang iyong kamay habang naglalakad ka sa pintuan ng kamatayan patungo sa buhay na matagal mo nang ninanais!
By: PADRE JOSEPH GILL
More