Home/Makatagpo/Article

Sep 02, 2021 1189 0 Shalom Tidings
Makatagpo

ISANG MARTIR NA KOREANO NA WALANG NALALAMAN

Si Kim A-gi Agatha at ang kanyang asawa ay walang ugnayan sa Kristiyanismo o doktrinang Katoliko.  Namuhay sila sa Confucianismo.

Dumalaw kina Agatha ang kanyang ate na isang debotong Katoliko.  Habang minamasid ang kapaligiran na gayak sa kanilang kinaugaliang pananampalataya, pati na ng isang lalagyanan ng bigas na may mga ninunong sulatán, tinanong niya ang kanyang nakababatang kapatid kung bakit siya ay nakakapit pa sa kanilang mga pamahiin!.

Inihayag ng kanyang ate na ang iisang totoong namumuno sa mundo ay si Hesu-Kristo. “Gumising ka mula sa iyong kadiliman,” sinabi niya sa kanyang kapatid, “at tanggapin ang liwanag ng katotohanan.”

Ang paghimok na iyon ng kanyang kapatid ay pumukaw nang labis na pananabik kay Agatha. Batid niyang magiging mahirap salungatin ang kanyang asawa at ang tradisyon ng kanyang pamilya, nagpasiya pa rin siyang tanggapin si Kristo, at na magtiis ng anumang mga paghihirap na maaaring dumating sa kanya.

Si Agatha ay hindi katalinuhan at gaano man siya magsumikap, hindi niya makabIsa ang mga pang-umaga at panggabing panalangin. Nang lumaon, nakilala siya bilang isang babaeng walang nalalaman kundi ang “Jesus at Maria”.  Sa simula, si Kim A-gi Agatha ay hindi nabinyagan gawa ng kawalan ng kakayahang matuto ng doktrina at mga panalangin.

Noong Setyembre ng 1836, si Agatha at dalawang pang mga kababaihan ay naaresto dahil sa kanilang pananampalatayang Katoliko. Nang tanungin, si Agatha ay nanatiling matatag at buong tapang na hinarap ang mga nagpapahirap sa kanya at nagwikang, “Wala akong alam kundi si Jesus at Maria. Hindi ko sila itatakwil.”  Ang kanyang matapang na pagsaksi ay naging daan sa kanya upang maging unang binyágan sa bilangguan sa panahon ng pag-uusig.

Kasama ng iba pang mga nahatulang Kristiyano, si Agatha ay itinali sa isang malaking krus na itinayo sa ibabaw ng kariton ng baka. Sa taluktok ng isang matarik na burol, pinatakbo ng mga bantay ang mga baka pababa. Masama ang daan at mabato kaya ang mga kariton ay nangabaliktad na naging sanhi ng matinding paghihirap para sa mga matapang na bilanggo na nakabitin sa mga krus. Kasunod sa pagsubok na ito, sa paanan ng burol, marahas na pinugutan ng mga berdugo ang bawat isa sa mga banal na martir.

Si Agatha at walo pang mga martir ay nakatanggap ng kanilang korona ng kaluwalhatian sa parehong oras nang inihinga ni Hesus ang Kanyang huli— alas tres ng hapon. Halos isang daang taon na ang lumipas, si Kim A-gi Agatha ay binasbasan kasama ang ibang martir noong Hulyo 5, 1925. Itinanghal silang Santo sa kanilang katutubong Korea noong Mayo 6, 1984 ni Santo Papa Juan Paulo II.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles