Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article
Kaugnay sa aking proyektong akademiko, kamakailan ay masinsinan kong binabasa ang aklat ng Exodo at pagdaka’y maraming komentaryo. Ang pumapangalawang pinakabantog na aklat ng Lumang Tipan ay hinggil sa uri ng paghugis ng Diyos sa kanyang mga tao upang sila ay maaaring maging maningning na tanglaw, isang bayan sa tuktok ng bundok. Base sa makasaysayang pagbasa ng bibliya, ang bansang Israel ay tunay na napili, ngunit ito ay ni-kaylan napili para sa sariling kapakanan nito kundi para sa lahat ng mga bansa ng mundo.
Masasabi ko na ang pagbuong ito ay nagaganap sa tatlong mga pangunahing yugto: una, tinuturuan ng Diyos ang Israel na manalig sa Kanyang kapangyarihan; ikalawa, binibigyan Niya ang Israel ng moral na batas; at ikatlo, tinuturuan Niya ang Kanyang mga tao ng kabanalan sa pamamagitan ng tamang papuri. Ang araling inihahabilin ay tiyak na nangyayari sa pamamagitan ng dakilang gawa ng pagpapalaya ng Diyos. Ang mga walang bisang alipin ay lubusang nakakatagpo ng kalayaan, hindi sa pag-asa sa sarili nilang kakayanan kundi sa mapagmahal na pamamagitan ng Diyos. Ang moral na tagubilin ay nagaganap sa pamamagitan ng Sampung Utos at kanilang kalakip na batas. Sa wakas, ang pagbubuo sa kabanalan ay nangyayari sa pag sang-ayon sa detalyadong lipon ng mga pansamba at seremonyal na pag-uutos. Ito ay ang pinakahuling galaw na marahil na mabibigyang-pansin natin sa ngayon na pinaka-kakaiba, ngunit, aking maipagtatalo, may partikular na alingawngaw sa ating kakaibang panahon ng COVID.
Tila kusang malinaw marahil sa karamihan sa atin, na ang moral na tagubilin ay kasali sa pag-aral sa relihiyon. At ito ay dahil tayo ay, ayaw man natin o gusto, Kantiyanista. Noong ika-labing-walong siglo, si pilosopo Immanuel Kant ay pinagtalo na ang kalahatan ng relihiyon ay mababawas sa etika. Ang bagay ng relihiyon ay, sa bandang huli, pinaglaban ni Kant, tungkol sa pagiging mas makatarungan, mapagmahal, mabait at maawain. Sa kapanabay na wika, ang Kantiyanismo sa relihiyon ay tumutunog na katulad nito: “Hangga’t ikaw ay mabuting tao, hindi talaga mahalaga kung ano ang paniwala mo at kung paano ka sumamba.”
Walang alinlangan na ang aklat ng Exodo at ang Bibliya sa pangkalahatan nito ay sumasang-ayon na ang moralidad ay mahalaga sa pagbuo ng panalangin ng mga tao ng Diyos. Yaong mga naghahangad na sumunod sa Panginoon, Siya na katarungan at pag-ibig, ay dapat nakaayon sa katarungan at pag-ibig. At dahil dito ay matatagpuan natin ng katiyakan, sa dakilang tipan ng Sinai, ang mga pag-uutos na huwag magnakaw, huwag makiapid, huwag mangimbot, huwag pumaslang, at iba pa. Hanggang sa ngayon, Kantiyanista.
Ngunit marahil ang ikinagugulat ng karamihan ng mga magkapanabay na mambabasa ng aklat ng Exodo ay, kaagad na matapos na maisaysay ang mga moral na pag-uutos, halos ginugugol ng may-akda ang mga nalalabing paksa, mula sa kapitulo 25 hanggang 40, sa paglalarawan ng mga tagubiling pang-liturhiya, na susundin ng mga tao. Kaya bilang halimbawa, matatagpuan natin ang mahabang bahagi sa pag-gawa ng Kaban ng Tipan: “Sila ay gagawa ng Kaban mula sa punong-kahoy ng akasya; ito ay dapat na may haba na dalawa’t kalahating kubit, may lapad na isa’t kalahating kubit, at may taas na isa’t kalahating kubit. Kakalapkapan ninyo ito ng purong ginto, labas at loob ay kakalapkapan ninyo ito.” At bilang palamuti sa itaas ng kaban, “Gagawa kayo ng dalawang ginintuang kerubin… Gumawa ng isang kerubin sa isang dulo, at isang kerubin sa kabila… Ang mga kerubin ay dinidipa nila ang kanilang mga bagwis sa itaas, nilililiman ang luklukan.” Ang sunod ay matatagpuan natin ang mga tagubilin na may kinalaman sa mga detalyadong kagamitan sa loob ng tabernakulo, kasama ang lampara, ang mesa para sa kung tawagin ay “tinapay ng pagharap,” mga haligi at iba-ibang mga sinasabit. Sa pinakahuli, ang napakalaking kabuuan ng ispasyo ay iniukol sa paglalarawan ng mga kasuotang gagamitin ng mga pari ng Israel. Dito ay isang halimbawa: “Ito ang mga kasuotan na gagawin nila: isang piyesang suot sa dibdib, isang epod, isang balabal, isang dawa-dawang tuniko, isang turban, at isang sintas sa baywang. Sa pag-gawa nila nitong mga sagradong kasuotan… sila ay gagamit ng mga ginintuan, bughaw, lila, at matingkad na pulang sinulid, at pinong lino.”
Ni walang pahiwatig na binibigay na ang mga moral na tagubilin ay mas mahalaga kaysa sa mga liturhiyang tagubilin. Kung kahit anuman, ang salungat ay tilang mas maipagpapalagay, pagka’t ang Exodo ay kaagad na sinundan ng aklat ng Levitico, na nagbubuo ng dalawampu’t-walong mga kabanata ng mga pag-uutos ng pandiyeta at liturhiya. Kaya, ano bilang mga makabagong Kantiyano ang magagawa natin dito? Una, dapat nating mapuna na ang biblikal na mga may-akda ni-isang saglit ay hindi inisip na ang Diyos ay nangangailangan ng liturhiyang katapatan, na parang ang kawastuhan ng ating pagsamba ay nakakadagdag sa Kanyang pagiging perpekto, o nakabibigay ng lugod sa sikolohikal na pangangailangan Niya. Kung ikaw ay nagkikimkim ng pag-aalinlangan sa puntong ito, ipapayo ko ang maingat na pagbabasa ng unang kapitulo ng propeta Isias at ng ika-limampung salmo. Hindi kailangan ng Diyos ang Kaban, ang tabernakulo at mga ng pari at palagiang pagsamba, ngunit kailangan natin. Sa pamamagitan ng mga kilos at ng mga simbolo ng liturhiyang papuri, ang Israel ay nakasang-ayon sa Diyos, nakahanay sa Kanya. Ang moral na batas ay pinapatnubayan ang mga kalooban natin tungo sa banal na kabutihan, ngunit ang liturhiyang batas ay pinapatnubayan ang ating mga isip, mga puso, mga emosyon, at, oo, kahit ang ating mga katawan sa banal na karilagan. Punahin ang seremonyal na tagubilin ng Exodo kung paano na puspusang isinasangkot ang kulay, tinig at amoy (mayroong napakaraming bagay hinggil sa insenso), at paano tumutulong ang mga ito sa produksyon ng kagandahan.
Isinaad ko sa taas na ang pagbibigay-diin ng Exodo sa liturhiya at seremonyal ay may matimbang na kabuluhan sa panahon natin, at ito ang dahilan kung bakit. Para sa mga pinaka-mabuting dahilan, tayo ay ganap na umiwas sa pampublikong pansamba, at kahit ngayon ang ating abilidad na sumamba ng sama-sama ay napaka limitado. Sa mga diyosesis sa ating bansa, ang obligasyon na dumalo sa Misa tuwing Linggo ay, para sa mga mabuting dahilang muli, suspendido. Ang aking ikinatatakot ay kapag kung dumating ang angkop na panahon, na tayo ay maaari nang bumalik sa Misa, maraming mga Katoliko ang iiwas, pagka’t sila ay nasanay na iliban ang kanilang mga sarili sa pagsamba. At ang aking pag-aalala ay may mas partikular na Kantiyanistang anyo: Marami bang mga Katolikong magsasabi sa sarili nila, “Alam mo, basta’t ako’y talagang mabuting tao, ano ang punto ng lahat nitong pormal na pagsamba ng Diyos?”
Maaari ko bang irekomenda na ilabas mo ang iyong Bibliya, buksan sa aklat ng Exodo, lalung- lalo na sa mga kapitulo 25 hanggang 40, at kilanlin kung gaano kahalaga sa Diyos ang tamang pagsamba na iniaalay ng Kanyang mga banal na tao? Ang liturhiya ay laging mahalaga. Ang Misa—kabilang ang mga kasuotan, mga ritwal na pagkilos, mga amoy at mga kampanilya, awit at katahimikan—ay mahalaga pa rin, matimbang. Hindi ba sapat na ikaw ay mabuting tao? Hindi upang ilagay ang pinong punto dito: hindi.
Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.
Kapanglawan, ay ang bagong pangkaraniwan sa buong mundo, ngunit hindi para sa mag-anak na ito! Ipagpatuloy ang pagbabasa para dito sa di-kapanipaniwalang payo na makapagpapanatili ng pagiging sama-sama. Kailan lamang, ako’y naging isang pugad na nawalan ng laman. Lahat ng aking limang mga anak ay nagsipagbukod na manirahan nang mga ilang oras ang layo sa bawa’t isa, na nagawang madalang ang mga pagkakataong makapagtipon ang mag-anak. Ito ang isa sa mga pait-tamis na bunga ng matagumpay na paglulunsad ng iyong mga anak, minsan sila’y lumilipad nang napakalayo. Noong lumipas na Pasko, ang buong mag-anak namin ay nagkaroon ng masayang pagkakataon na dalawin ang bawa’t isa. Sa katapusan ng yaong tatlong maliligayang mga araw, nang sumapit na ang panahon ng pagpapaalam, narinig ko ang isang kapatid na nagsalita sa isa pa: “Magkita tayo sa Yukaristiya!” Ito ang paraan. Ito ang kung papaano kami nanatiling malapit sa isa’t-isa. Kumakapit kami sa Yukaristiya. At sama-sama kaming isinasaklaw ni Hesus. Pihong kami’y nananabik na makita ang isa’t-isa at nagmimithi na kami’y may higit na panahong magsama-sama. Ngunit ang Diyos ay natawag kami na magbungkal sa iba’t-ibang mga pastolan at dapat maging masaya sa panahong naibigay sa amin. Kaya, sa pagi-pagitan ng mga pagdadalaw at mga tawag sa telepono, kami ay dumadalo sa Misa upang manatiling magkakarugtong. Nakadarama ng Pag-iisa? Ang pagdalo ng Pinakabanal na Pag-aalay ng Misa ay tinutulutan tayong pumasok sa katotohanan na hindi mapagtatakdaan ng lawak at panahon. Ito ay ang paghahakbang nang palayo mula sa mundo at patungo sa isang sagradong patlang na kung saan ang Langit ay dumadampi sa Lupa nang totohanan, at tayo ay sama-sama bilang buong mag-anak ng Diyos, yaong mga sumasamba dito sa Lupa at pati sa Langit. Sa pakikipagsalo ng Banal na Komunyon, ating matatagpuan na tayo’y hindi nag-iisa. Isa sa huling mga salita ni Hesus sa Kanyang mga alagad ay: “Ako ay laging sumasainyo hanggang sa wakas ng panahon.” (Mateo 28:20) Ang Yukaristiya ay ang malawak na handog ng Kanyang patuloy na pag-iral sa atin. Bilang likas na katunayan, pinangungulilahan natin ang piling ng ating mga yumaong minamahal; minsan, ang hapdi ay maaaring napakabagsik. Yaon ang mga tagpong dapat na tayo’y kumakapit sa Yukaristiya. Lalung-lalo na sa mga araw ng kalumbayan, isinasaalang-alang kong makarating sa Misa nang may kaagahan at mananatili ng may kahabaan pagkaraan nito. Ako’y magdarasal ng pamamagitan para sa aking mga minamahal at makatatanggap ng ginhawa sa pagkaalam na hindi ako nag-iisa at nalalapit ako sa Puso ni Hesus. Idinadalangin ko na ang bawa’t puso ng aking mga minamahal ay malapít sa Puso ni Hesus, upang lahat kami ay maaari ring magkasama-sama. Pinangako ni Hesus: “At ako, kapag naitaas na mula sa lupa, ang magpapadagsa ng lahat ng mga tao sa Aking sarili.” (Huan 12:32) Di-kapanipaniwalang Malapít Isa sa mga kinagigiliwan kong taludtod na bahagi ng Yukaristikong Pananalangin ay ito: Mapagkumbaba naming isinasamo na sa pakikipagsalo ng katawan at dugo ni Kristo, kami ay maititipon bilang isa sa Banal na Ispirito.” Ang Diyos ay itinitipon kung ano ang dating nagkalat at inilalapit tayo patungo sa isang katawan ni Kristo. Ang Banal na Ispirito ay napag-atasan sa natatanging paraan sa pagkakaisa natin. Naranasan mo na bang nasa loob ng iisang silid na may kasamang ibang tao, ngunit gayunpama'y dama mong ika’y nakahiwalay nang sang-angaw na mga milya? Ang kasalungat ng yaon ay maaaring maging totoo. Kahit tayo ay magkakahiwalay nang sandaming milya, maaari nating madama na tayo’y di-kapanipaniwalang malapít sa iba. Pangwakas na Katotohanan Itong nakalipas na taon, nadama ko nang lubusang malapít sa aking lola sa kanyang misa ng paglibing. Ito’y lubos na nakapagaan ng loob, pagka’t tilang dama kong naroon siyang kasama namin, lalo na sa bahagi ng Yukaristikong Pananalangin at Banal na Komunyon. Ang lola ko ay may matatag na pamimintuho sa Yukaristiya, at sinikap niya na makadalo sa Misa bawa’t araw habang ito ay nagagampanan niya nang may kaluwagan. Ako ay nagpapasalamat sa matalik naming ugnayan at yao'y lagi kong pahahalagahan. Ito ay pinapaalalahanan ako ng isa pang bahagi ng Yukaristikong Pananalangin: “Alalahanin Mo ang aming mga kapatid na nagsihimlay sa pag-asa ng muling pagkabuhay at lahat ng mga yumao sa Iyong awa: tanggapin Mo sila sa liwanag ng Iyong mukha. Maawa Ka sa aming lahat, idinadalangin namin, na kasama ang Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos, si San Jose, ang kanyang kabiyak, ang mga Mapalad na Apostol, at ang lahat ng mga Santo na nagpalugod sa Iyo sa lahat ng panahon, kami ay maging karapat-dapat na mga tagapagmana ng buhay na walang hanggan, at purihihin at luwalhatiin Ka sa pamamagitan ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesukristo.” Habang nasa Misa o Pagsamba ng Yukaristiya, tayo ay nasa Tunay na Pag-iral ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Tayo rin ay sinasamahan ng mga Santo at mga Anghel sa Langit. Isang araw, makikita natin ang katotohanang ito para sa ating sarili. Para sa ngayon, tayo ay naniniwala na may mga mata ng pananampalataya. Magkaroon tayo ng kagitingan sa tuwing tayo’y nalulumbay o nangungulila sa isang minamahal. Ang Mapagmahal at Maawaing Puso ni Hesus ay patuloy na pumipintig para sa atin, naghahangad para sa atin na makapaggugol ng panahon na kapiling Siya sa Yukaristiya. Dito natin matatagpuan ang ating kapayapaan. Dito ang kung saan tayo mapapakain. Tulad ni San Juan, mamahinga tayo nang mapayapa sa dibdib ng pag-ibig ni Hesus at manalangin upang marami pang iba ang makatatagpo ng kanilang daan sa Kanyang Kabanal-banalang Puso. Upang sa gayon, tayo’y magiging tunay na magkakasama.
By: Denise Jasek
MoreIsang mapang-akit na unang pagtatagpo, pagkawala, at muling pagkikita...ito ay isang kwento ng walang hanggang pag-ibig. Mayroon akong isang magiliw na alaala ng pagkabata ng isang mahiwagang araw nang makatagpo ko si Hesus sa Eukaristikong Pagsamba. Ako ay nabighani sa Eukaristikong Hesus sa isang marilag na monstrance na may insenso na tumataas patungo sa Kanya. Habang umiindayog ang insenso, ang insenso ay pumaitaas patungo sa Kanya sa Eukaristiya, at ang buong kongregasyon ay sabay-sabay na umawit: “O Sakramento na Kabanal-banalan, O Sakramento na Banal, Lahat ng papuri at lahat ng pasasalamat, sa bawat sandali ay Iyo.” Masyadong Inaabangan na Pagkikita Gusto kong hawakan ang insenso sa aking sarili at dahan-dahang itulak ito pasulong upang maitaas ko ang insenso sa Panginoong Hesus. Iminuwestra sa akin ng pari na huwag hawakan ang insenso at ibinaling ko ang aking atensyon sa usok ng insenso na umakyat, kasama ng aking puso at mga mata, sa Panginoong Diyos na ganap na naroroon sa Eukaristiya. Pinuno ng pagtatagpong ito ang aking kaluluwa ng labis na kagalakan. Ang kagandahan, ang amoy ng insenso, ang buong kongregasyon na kumakanta nang sabay-sabay, at ang pangitain ng Eukaristikong Panginoon na sinasamba...ang aking mga pandama ay lubusang nasiyahan, na nag-iiwan sa akin ng pananabik na maranasan itong muli. Napuno pa rin ako ng malaking kagalakan na alalahanin ang araw na iyon. Gayunpaman, sa aking kabataan, nawala ang aking pagkahumaling sa kayamanang ito, na pinagkaitan ang aking sarili ng napakagandang pinagmumulan ng kabanalan. Ang bata na ako noon, naisip ko na kailangan kong patuloy na manalangin para sa buong oras ng Eucharistic Adoration at isang buong oras ay tila masyadong mahaba para dito. Ilan sa atin ngayon ang nag-aatubiling pumunta sa Eucharistic Adoration para sa katulad na mga kadahilanan-stress, inip, katamaran o kahit na takot? Ang totoo, ipinagkakait natin sa ating sarili ang dakilang kaloob na ito. Mas malakas kaysa Kailanman Sa gitna ng mga paghihirap at pagsubok sa aking kabataan, naalala ko kung saan ako nakatanggap ng ganoong kaginhawahan at bumalik sa Eukaristikong Eucharistikong Pagsamba para sa lakas at kabuhayan. Sa Unang Biyernes, tahimik akong nagpapahinga sa presensya ni Hesus sa Banal na Sakramento sa loob ng isang buong oras, pinahihintulutan lamang ang aking sarili na makasama Siya, nakikipag-usap sa Panginoon tungkol sa aking buhay, humihingi ng Kanyang tulong, at paulit-ulit, ngunit mahinang ipinapahayag ang aking pagmamahal. para sa kanya. Ang posibilidad na magpakita sa harap ng Eukaristikong Hesus at manatili sa Kanyang banal na presensya sa loob ng isang oras ay nagpabalik sa akin. Sa pagdaan ng mga taon, napagtanto ko na ang Eukaristikong Pagsamba ay nagbago ng aking buhay sa malalim na paraan habang ako ay nagiging mas alam ang aking pinakamalalim na pagkakakilanlan bilang isang minamahal na anak ng Diyos. Alam natin na ang ating Panginoong Hesus ay tunay at ganap na naroroon sa Eukaristiya— Kanyang katawan, dugo, kaluluwa at pagka-Diyos. Ang Eukaristiya ay si Hesus Mismo. Ang paggugol ng oras kasama ang Eukaristiya Hesus ay makapagpapagaling sa iyo mula sa iyong mga karamdaman, makapaglilinis sa iyong mga kasalanan at mapupuno ka ng Kanyang dakilang pag-ibig. Kaya, hinihikayat ko ang lahat na gumamit ng regular na Banal na Oras . Kapag mas maraming oras ang iyong natitipon sa Panginoon sa Eucharistic Adoration, mas magiging matatag ang iyong personal na relasyon sa Kanya. Huwag sumuko sa paunang pag-aalinlangan, at huwag matakot na gumugol ng oras sa ating Eukaristikong Panginoon, na siyang pag-ibig at awa mismo, kabutihan, at kabutihan lamang.
By: Pavithra Kappen
MoreNang ayusin ni Andrea Acutis ang isang banal na paglalakbay sa Jerusalem, inakala niyang matutuwa ang kanyang anak. Si Carlo ay masigasig na nagpupunta sa araw-araw na Misa at dinarasal ang kanyang mga panalangin, kaya ang kanyang tugon ay naging kagulat-gulat: "Mas gusto kong manatili sa Milan ... Dahil si Hesus ay nananatili sa atin palagi, sa Benditadong Ostiya, ano ang kailangan upang maglakbay sa Jerusalem upang bisitahin ang mga lugar kung saan Siya nanirahan 2000 taon na ang nakalilipas, sa halip, ang mga tabernakulo ay dapat bisitahin nang may parehong debosyon!" Si Andrea ay tinamaan ng dakilang debosyon na itinatangi ng kanyang anak para sa Eukaristiya. Ipinanganak si Carlo noong 1991, ang taon na naimbento ang World Wide Web. Ang maliit na henyo ay lumakad noong siya ay apat na buwan pa lamang, at nagsimulang magbasa at magsulat sa edad na tatlo. Ang mundo ay tumingin sa kanyang talino at nangarap ng isang magandang kinabukasan ngunit ang Banal ay may iba't ibang mga plano. Pinagsama ang kanyang pagmamahal sa Eukaristiya at teknolohiya, iniwan niya sa mundo ang isang dakilang pamana ng isang talaan ng mga milagrong Eukaristiya mula sa buong mundo. Sinimulan niya ang koleksyon noong 2002 noong siya ay 11 taong gulang pa lamang at natapos ito isang taon bago siya sumakabilang-buhay dahil sa leukemia. Ang batang sobrang talion sa kompyuter na ito, sa murang edad, ay gumawa pa ng isang website (carloacutis.com), isang pangmatagalang rekord, kasama ang lahat ng nakolektang impormasyon. Ang Eukaristikong eksibisyon na kanyang pinasimunuan ay ginanap sa limang kontinente. Mula noon, maraming mga himala ang naiulat. Sa kanyang website, isinulat niya ang pangmatagalang misyon ng kanyang buhay sa Lupa: "Sa pagtanggap ng mas maraming Eukaristiya, mas lalo tayong magiging katulad ni Hesus, upang sa Mundong ito, magkaroon tayo ng paunang tikim ng Langit." Malapit nang maging Saint Carlo Acutis ang Italiano na tinedyer na taga disenyo at matalino sa kompyuter na ito. Malawakang kilala bilang unang sanlibong patron ng internet, patuloy na hinahatak ni Blessed Carlo ang milyun-milyong kabataan sa pag-ibig kay Hesus sa Eukaristiya.
By: Shalom Tidings
MoreQ – Ang aking mag-anak ay may suliranin sa isa sa aking mga kapatid, at madalas na kailangan kong masalita tungkol sa kanya sa iba ko pang mga kapatid. Ito ba ay pagbubunton? Ito ba ày tsismis? Okay lang ba, o makasalanan? A – Pinapahalagahan ni Santiago ang mga hamon ng pagtimpi sa dila. Sa ikatlong kabanata ng kanyang Kalatas, isinulat niya, “Kapag nilagyan natin ng renda ang mga bibig ng mga kabayo upang sundin tayo, kaya nating ibaling ang kanilang buong katawan...Gayundin, ang dila ay isang maliit na bahagi ng katawan, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin kung paanong ang isang malawak na kagubatan ay napapalagablab ng isang maliit na kislap. Ang dila din ay isang apoy, isang daigdig ng kasamaan na kabilang sa mga bahagi ng ating katawan. Lahat ng uri ng hayop ay napaamo ng sangkatauhan, ngunit walang taong makakapagpaamo sa dila. Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito din ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang kawangis ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling ang papuri at sumpa. Mga kapatid, ito ay hindi dapat maganap. Maaari ba na ang kapwa tubig-tabang at tubig-alat ay umagos mula sa iisang bukal?" (Santiago 3:3-12). Ang Amerkanong punong-abala sa radio na si Bernard Meltzer ay minsang naglatag ng tatlong panuntunan sa kung dapat ba o hindi na tayo ay magsabi ng isang bagay tungkol sa ibang tao. Ito ba ay kinakailangan? Ito ba ay totoo? Ito ba ay malumanay? Ang mga ito ang tatlong mahahalagang katanungan! Kapag pinag-uusapan ang iyong kapatid na babae, kinakailangan bang malaman ng iba pang miyembro ng iyong pamilya ang tungkol sa kanyang mga pagkakamali at pagkukulang? Inihahayag mo ba ang katotohanang nilalayon o pinalalaki ang kanyang mga kahinaan? Ipinagpapalagay mo ba ang pinakamahusay sa kanyang mga layunin, o pinahihintulutan mong tuligsain ang mga negatibong motibo sa kanyang mga kilos? Minsan, isang babae ang nagtungo kay San Philip Neri at ikinumpisal ang kasalanan na tsismis. Bilang parusa, inatasan siya ni Fr. Neri na kumuha ng unan na puno ng mga balahibo at punitin ito sa ibabaw ng isang mataas na tore. Inakala ng babae na iyon ay isang kakaibang penitensiya, ngunit tinyoad niya ito at minasdan ang mga balahibo na lumipad sa apat na direksyon. Sa pagbabalik sa santo, tinanong niya kung ano ang ibig sabihin nito. Sumagot siya, "Ngayon, humayo ka at tipunin ang lahat ng mga balahibong iyon." Tumugon siya na hindi ito magagawa. Sumagot siya, “Gayundin ang mga salitang sinasabi natin. Hindi na natin sila maibabalik dahil ipinadala sila sa hangin sa mga lugar na hindi natin mauunawaan." Ngayon, may mga pagkakataon na kailangan nating ibahagi ang mga hindi magandang bagay tungkol sa ibang tao. Nagtuturo ako sa isang Katolikong paaralan, at kung minsan kailangan kong ibahagi ang ilang bagay tungkol sa pag-uugali ng isang mag-aaral sa isang kasamahan. Ito ay palaging nagbibigay sa akin ng pag-aalinlangan—ginagawa ko ba ito para sa mga tamang dahilan? Tunay bang ninanais ko ang pinakamahusay para sa mag-aaral na ito? Madaming ulit na nakikita ko ang aking sariling nasisisyahan na magbahagi ng mga kwento tungkol sa mga mag-aaral nanakakasira sa kanila, at kapag nasiyahan na ako sa kanilang mga kasawian o masamang pag-uugali, sa sandaling iyon, tiyak na lumampas na ako sa linya tungo sa pagkakasala. May tatlong uri ng kasalanan na nakakasira sa karangalan ng ibang tao. Mayroong padalos-dalos na paghatol, na nangangahulugang napakabilis nating ipinapalagay ang pinakamasama tungkol sa pag-uugali o layunin ng isang tao. Pangalawa, mayroong paninirang-puri, na nangangahulugang pagsasabi ng mga di-mabuting kasinungalingan tungkol sa ibang tao. Pangwakas, ang panliliit ay ang pagsisiwalat ng mga pagkakamali o pagkukulang ng ibang tao nang walang mabigat na kadahilanan. Kaya, sa kaso ng iyong kapatid na babae, isang panliliit ba na ibahagi ang kanyang mga pagkukulang? Kaya lang, nang walang mabigat na kadahilanan. Matanong mo ang iyong sarili: kung hindi mo ibahagi ang kanyang mga pagkukulang, siya ba o ang isa pang tao ay mapipinsala? Kung hindi–at ito ay para lamang “magbunto”–samakatwid tayo ay tunay na nagpakasawa sa kasalanan ng paninira. Ngunit kung ito ay tunay na kinakailangan para sa ikabubuti ng pamilya, kung gayon matuwid na siya ay pag-usapan nang patalikod. Upang mapaglabanan ang mga pagkakasala ng dila, ipinapayo ko ang tatlong bagay. Una, ipamahagi mo ang magagandang bagay tungkol sa iyong kapatid! Ang bawat isa ay may mga mapantubos na katangian na maaari nating pag-usapan. Pangalawa, dasalin ang Pagpupuri isang magandang panalangin na lumuluwalhati at pumupuri sa Diyos, bilang kabayaran sa paggamit natin ng ating dila nang pasalungat. Panghuli, isaalang-alang kung paano natin nais na mapag-usapan. Walang sinuman ang magnanais na ipagparangya ang kanilang mga pagkakamali. Kaya, pakitunguhan natin ang ating kapwa nang may pagkahabag sa ating pananalita, sa pag-asang matatamo natin ang kawangis na kabaitan!
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreT: Hindi ako sumasang-ayon sa ilan sa mga turo ng Simbahang Katoliko. Mabuting Katoliko pa ba ako kung hindi ako sang-ayon sa lahat? S: Ang Simbahan ay higit pa sa isang institusyon ng tao—ito ay kapwa tao at banal. Wala itong anumang sariling awtoridad upang magturo ng kahit ano. Bagkus, ang tungkulin ng Simbahan ay ituro nang matapat ang itinuro ni Kristo sa lupa: ang tunay na pagbibigay-kahulugan sa Kasulatan at ipasa ang Apostolikong Tradisyon na ipinaabot sa atin mula sa mga Apostol mismo. Ang salitang "Tradisyon" ay nagmula sa salitang Latin na "traditio", ibig sabihin ay "ipasa". Ginagawa natin ang pagkakaiba, gayunpaman, sa pagitan ng Tradisyon (na may Malaking T) at mga tradisyon (na may maliit na t). Ang tradisyon (Malaking T) ay ang walang pagbabago, walang hanggang turo ng Simbahan na nag-ugat sa mga Apostol at kay Kristo. Kabilang sa mga halimbawa nito ang katotohanan na tanging tinapay na trigo at ubas na alak lamang ang maaaring gamitin para sa Banal na Eukaristiya; mga lalaki lamang ang maaaring maging pari; ilang mga moral na aksyon ay palagi at saanman mali; atbp. Ang mga maliit na-t na tradisyon ay mga tradisyong gawa ng tao na nababago, tulad ng pag-iwas sa karne tuwing Biyernes (nagbago ito sa takbo ng kasaysayan ng Simbahan), pagtanggap ng Komunyon sa kamay, atbp. Ang mga taong may mabubuting kalooban ay pinapayagan na magkaroon ng iba't ibang opinyon tungkol sa mga gawaing pastoral, mga disiplina ng Simbahan, at iba pang mga tradisyon na "maliit na-t" ay mga tradisyon na nagmula sa mga tao. Gayunpaman, pagdating sa Apostolikong Tradisyon (malaking-T), upang maging isang mabuting Katoliko ay nangangahulugan na dapat nating tanggapin ito bilang nagmumula kay Kristo sa pamamagitan ng mga Apostol. Ang isa pang pagkakaiba na kailangang gawin, bagaman: may pagkakaiba sa pagitan ng pagdududa at kahirapan. Ang ibig sabihin ng “hirap” ay nahihirapan tayong maunawaan kung bakit nagtuturo ang Simbahan ng isang partikular na bagay, ngunit ang kahirapan ay nangangahulugan na tinatanggap natin ito nang may pagpapakumbaba at hinahangad na mahanap ang sagot. Pagkatapos ng lahat, ang pananampalataya ay hindi bulag! Ang mga teologo sa medyebal ay may isang parirala: Fides Quaerens Intellectum—Pananampalatayang Naghahanap ng Pang-unawa. Dapat tayong magtanong at maghangad na maunawaan ang Pananampalataya na ating pinaniniwalaan! Sa kabaligtaran, isang pagdududa ang nagsasabing, "Dahil hindi ko maintindihan, hindi ako maniniwala!" Bagama't ang mga paghihirap ay nagmumula sa pagpapakumbaba, ang pagdududa ay nagmumula sa pagmamataas—sa palagay natin ay kailangan nating maunawaan ang lahat bago tayo maniwala dito. Ngunit maging tapat tayo—may nakakaunawa ba sa atin ng mga misteryo tulad ng Trinidad? Sa palagay ba natin ay mas matalino tayo kaysa kay Saint Augustine, Saint Thomas Aquinas, at lahat ng mga Santo at Mistiko ng Simbahang Katoliko? Sa palagay ba natin ang patuloy na 2,000-taong-gulang na Tradisyon, na ipinasa mula sa mga Apostol, ay kahit papaano ay mali? Kung nakatagpo tayo ng isang turong pinag-aagawan natin, patuloy na makipagbuno—ngunit gawin ito nang may kababaang-loob at kilalanin na ang ating isipan ay limitado at kadalasan ay kailangan nating turuan! Maghanap, at makikita mo—basahin ang Katesismo o ang mga Ama ng Simbahan, ang Encyclicals of the Popes, o iba pang solidong materyal na Katoliko. Maghanap ng isang banal na pari upang itanong ang iyong mga katanungan. At huwag kalimutan na ang lahat ng itinuturo ng Simbahan ay para sa iyong kaligayahan! Ang mga turo ng Simbahan ay hindi naglalayong gawin tayong miserable, bagkus ay upang ipakita sa atin ang daan tungo sa tunay na kalayaan at kagalakan—na makikita lamang sa isang masiglang buhay ng kabanalan kay Hesu-Kristo!
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreIsa sa pinakamalaking trahedya sa kasalukuyang mundo ay ang maling akala na kailangang magkaaway ang agham at relihiyon... Ginugol ko ang buong karera ko sa primarya at sekundaryang paaralan sa mga paaralang bayan kung saan nagkakasalungatan ang pananampalataya at sekular na kultura. Sa loob ng maraming taon, narinig ko ang kapahayagan na inulit na ang pananampalataya at ang tunay na sanlibutan ay talagang hindi maaaring magsama-sama. Ang pananampalataya ay isang bagay para sa taong nadadamitan ng utak, sa mga nangangarap nang gising, at sa mga tumatangging makita kung ano ang kahulugan nito. Ito’y naging makaluma na sa paningin ng marami, isang bagay na hindi na kailangan ngayon na mayroon na tayong modernong siyensiya at pilosopiya upang ipaliwanag ang lahat ng ito. Ang sagupaang ito ay laging kitangkita sa aking mga kurso sa siyensiya. Kung hindi man tuwirang sinabi ng mga guro, malimit na binabanggit ng mga estudyante na ang isa ay hindi naniniwala kapuwa sa Diyos at sa siyensiya. Ang dalawa ay talagang eksklusibo sa isa’t isa. Para sa akin, wala nang hihigit pa sa katotohanan. Sa aking paningin, ang lahat ng bagay sa kalikasan ay nagpapatunay sa pagiral ng Diyos. Ang Sakdal na Disenyo ng Diyos Kung titingnan natin ang likas na daigdig, ang lahat ng bagay ay napakahusay ang pagkakadisenyo. Ang araw ay nasa tamang-tama distansya upang tustusan ang buhay sa lupa Ang mga organismong nakatira sa karagatan na waring walang layunin ay aktuwal na nag- aalis ng karbon dayoksayd sa ating karagatan at atmospera upang panatilihing buháy ang lupa para sa ibang uri ng halaman. Ang siklo ng buwan na milya-milya ang layo sa panlabas na kalawakan ang dahilan kung bakit nagbabago ang paglaki at pagliit ng tubig sa harap lamang natin. Kahit na ang waring di-inasadyang mga pangyayari sa kalikasan ay hindi nagkataoon lamang kapag sinuri nating mabuti. Noong ako ay nasa ikatlongg taon ng mataas na paaralan, kumuha ako ng kurso para Siyensa sa Pangkapaligeran, Sa aking paboritong yunit, ay natutunan naming ang siklo Ng kalikasan. Ang siklo ng nitrodyen ang isa sa nakabighani sa akin. Ang nitrodyen ay isang mahalagang sustansya sa halaman para mabuhay, ngunit ang nutridyen, sa kanyang anyong atmospera, ay hindi magagamit para kanyang layunin. Para maging iba ang anyo nito sa pormang pwedeng gamitin, mula sa atmospera, kailangan ang bakterya sa lupa o kaya ay kidlat. Isang kidlat lamang, na bihirang mangyari and hindi importante ang nagsisilbi ng mas malaking layunuin! Lahat ng kalikasan ay pinagtagpi-tagpi ng walang kamali-mali, katulad ng plano ng Diyos sa ating buhay. Kahit na pinakamaliiet na bagay ay mayroon kadena ng dahilan at epekto, lahat ay nagsisilbi ng pangwakas na dahilan na makapag iiba ng kapalaran ng mundo kung ito ay nawawala. Kung wala ang buwan, ang hindi mabilang na hayop at halaman na umaasa sa pag hina at pag-agos ng tubig para sa pagkain ay mamatay. Kung wala ang “biglaang pagsulpot” ng kidlat, ang mga halaman ay makikibaka sap ag tubo dahil ang pagkamayabong ng lupa ay hihina. Gayundin, bawat pangyayari sa ating buhay, kahit anumang nakakalito o hindi mukhang masyadong mahalaga, ay makikini-kinita at naka inkorporata sa mala inhinyerong plano ng Diyos para sa atin, kapag inihanay natin ang ating kalooban sa Kanya. Kung lahat ng bagay sa kalikasan ay may layunin, lahat ng bagay sa buhay natin ay dapat ding may mas mahigit na kahulugan. Lumikha sa Paglikha Noon pa man ay naririnig ko na matatagpuan natin ang Diyos sa tatlong bagay: Katotohanan, Kagandahan, at Kabutihan. Ang isang lohikal na pagsusuri sa pag andar ng kalikasan ay maaaring magsilbing katibayan ng Katotohanan at kung paano ginagampanan ng Diyos ang Katotohanang iyon. Ngunit ang Diyos ay hindi lamang ang sagisag ng Katotohanan kundi ang pinaka diwa ng Kagandahan. Ang kalikasan ay hindi lamang isang sistema ng mga siklo at selula kundi isang bagay na may malaking kagandahan din, isa pang representasyon ng maraming aspeto ng Diyos. Isa sa mga paborito kong lugar para magdasal ay lagi kong nakasakay sa sarpbord ko sa gitna ng karagatan. Pagtingin sa paligid sa kagandahan ng Paglikha ng Diyos ay mas napapalapit ako sa lumikha. Pakiramdam ng kapangyarihan ng mga alon at pagkilala sa aking kaliitan sa gitna ng kalawakan ng dagat ay parating ng sisilbi na ipaalala sa akin ang napakalaking kapangyarihan ng Diyos. Ang tubig ay naroroon kahit saan at naroroon sa lahat ng bagay, ito ay nasa atin, nasa sa karagatan, nasa ulap, nsa halaman at hayop sa kalikasan Kahit ito ay magbago ng anyo—solido, likido, gas—nanatiling itong tubig. Ipinaalala nito sa atin na ang Diyos as ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo. Lahat ng mga buhay na bagay ay nakasalalay sa tubig para sila alalayan, Hindi lamang kailangan natin ng tubig. ngunit ang ating katawan ay binubuo ng malaking porsyento ng tubig. Ang Diyos an noroon kahit saam. Siya ang pinag mulan ng lahat ng buhay at ang susi para ipagpatuloy ang buhay. Siya ay nasa loobin natin at nasa paligid natin. Kapag tiningnan ko ang mundo, nakikita ko ang ating Tagapaglika. Nararamdaman ko ang tinok ng Kanyang puso habang ako ay nakahiga sa init ng araw sa gitna ng malambot na damo at mga bulaklak. Nakikita kpo kung paano ka perpekto Niya kinulayan ang mga halamang ligaw na may kulay na kasing liwanag ng isang palete ng isang artista., sa kaalamang ito ay magbibigay sa akin ng kasayahan. Ang kagandahan ng likas ng mundo ay walang sukat. Ang tao ay nahihirati sa kagandahan and ginagamit ito sa kanilang sarili sa paraan ng sining at musika. Tayo ay nilikha sa imahen at pagkakahawig sa Diyos , at ang Kanyang pagibig sa Ganda ay talangang napakaliwanag. Nakikita natin ito kahit saan sa ating paligid. Halimbawa, nakikita natin ang Sining ng Diyos sa masalimuot na densensyo ng dahon ng taglagas, at ang Kanyang musika sa tunog ng mga salpukan ng mga alon at pagkanta ng mga ibon sa umaga. Walang Katapusang Misteryo Ang mundo ay pwedeng sabihin satin na ang pagsunod sa Diyos, pagdalo sa mg sinaunang kaisipan ng Bibliya o ang pag tampulan ang pananampalataya ay isang pag tiwalag sa Katotohanan. And Siyensya ang katotohanan, sinabi sa atin, at ang relihiyon ay hindi. Ngunit ang pagkabigo ng marami ay makita na si Hesus ay narito bilang pinakasagisag ng Katotohanan, Ang Diyos ang at siyensya ay hindi kapwa eksklusibo; sa halip, ang perpektong nilikha ay lalong ebedensya na mayroong perpektong Tagapaglikha. Parehong ang tradisyon ng relihiyon at pag tuklas ng siyensya ay maaring tutuo at mahusay. Ang pananampalataya ay hindi nagiging lipas na sa modernong panahon; ang mga pagsulong ng siyensya ay nag bibigay daan sa magandang pananaw sa walang katapusang misteryo ng ng ating Panginoon.
By: Sarah Barry
MoreQ – Ang aking mga dalagita ay humihingi ng telepono para makakuha sila ng panlipunan pakikipagtalastasan, tulad ng lahat ng kanilang mga kaibigan. Ako ay naliligalid dahil ayaw kong maiwanan sila, ngunit alam ko kung gaano ito mapanganib. Ano ang iyong palagay? A: Maaaring gamitin ang panlipunan pakikipagtalastasan para sa kabutihan. May kakilala akong labindalawang taong gulang na gumagawa ng maikling pagmumuni-muni sa Bibliya sa TikTok, at nakakuha siya ng daan-daang panonood. Ang isa pang kabataang kakilala ko ay may akwawnt sa Instagram na nakatuon sa pagpapahayag tungkol sa mga santo. Ang ibang mga kabataan na kilala ko ay nagtungo sa Hindi Pagkakasunduan o iba pang mga silid pang usap upang makipagtalo sa mga ateista o upang hikayatin ang ibang mga kabataan sa kanilang Pananampalataya. Walang alinlangan, may magandang gamit ang panllpunan pakikipagtalalstasan sa pagtuturo ng Ebanghelyo at pagbuo ng Kristiyanong komunidad At gayon pa man...mas malaki ba ang mga pakinabang kaysa sa mga panganib? Ang isang magandang kasabihan sa espirituwal na buhay ay: "Magtiwala nang lubos sa Diyos...huwag magtiwala sa iyong sarili!" Dapat ba nating ipagkatiwala sa isang kabataan ang walang pagpigil na paggamit sa internet? Kahit na nagsimula sila sa pinakamabuting pakay, sapat ba ang kanilang lakas na labanan ang mga tukso? Ang panlipunan pakikipagtalastasan ay maaaring maging isang imbornal—hindi lamang halatang mga tukso tulad ng pornograpiya o pagpuri sa karahasan, ngunit mas mapanlinlang na mga tukso tulad ng ideolohiya ng kasarian, pang-aapi, pagiging gumon sa pagiging "mataas " na makakuha ng mga likes at views, at mga pakiramdam ng kakulangan kapag nagsimulang ihambing ng mga kabataan ang kanilang sarili sa iba sa panlipunan pakikipagtalastasan. Sa aking palagay, ang mga panganib ay mas malaki kaysa sa mga pakinabang ng pagpapahintulot sa mga kabataan na makapasok sa isang sekular na mundo na nagsusumikap na hubugin sila papalayo sa pag-iisip kay Kristo. Kamakailan ay pinag-usapan namin ng isang ina ang hindi magandang asal at ugali ng kanyang teenager na anak, na nauugnay sa paggamit niya ng TikTok at sa kanyang walang kapararakang paggamit sa internet. Ang ina ay napabuntong hininga sa kawalan nang magawa at nagwika, "Nakakalungkot lang na ang mga kabataan ay nalululong sa kanilang mga telepono...ngunit ano ang magagawa mo?" Ano ang maaari mong gawin? Maaari kang maging isang magulang! Oo, alam kong napakatindi ng panggigipit ng mga barkada upang payagan na magkaron ang iyong mga anak ng telepono o kasangkapan upang magkaron nang walang pigil na paggamit sa lahat ng pinakamasamang maiaalok ng sangkatauhan (kaparehas ng panlipunan pakikipagtalastasan) – ngunit bilang isang magulang ang iyong tungkulin ay hubugin ang iyong mga anak na maging mga santo. Ang kanilang kaluluwa ay nakadalalay sa iyong mga kamay. Dapat na tayo ang syang unang linya ng pagtatanggol laban sa mga panganib ng mundo. Kailanman, hindi natin hahayaan na sila ay gumugol ng oras sa pedopilya; kung alam natin na sila ay inaapi, sisikapin nating sila ay pangalagaan; kung may nakapipinsala sa kanilang kalusugan, hindi tayo magtitipid at isusugod natin sila sa manggagamot. Kung gayon, bakit natin sila na bibigyan ng pagkakataong makalusot sa imburnal ng porn, poot, at basurang mapag-aksaya ng oras na madaling makuha sa internet nang hindi nag-dudulot ng maingat na patnubay? Madaming pag-aaral ang nagpakita ng mga hindi magagandang epekto ng internet sa pangkalahatan—at partikular na sa panlipunan pakikipagtalastasan —ngunit nagbulag-bulagan pa din tayo at nagtataka kung bakit nahihirapan ang ating mga anak na lalaki at babae sa mga krisis sa pagkakakilanlan, depresyon, pagkamuhi sa sarili, pagkagumon, di kaayaayang pag-uugali, katamaran, kawalan ng pagnanais sa kabanalan! Mga magulang, huwag talikuran ang iyong kapangyarihany at responsibilidad! Sa huling bahagi ng inyong buhay, tatanungin kayo ng Panginoon kung gaano nyo pinastol ang mga kaluluwang ito na ipinagkatiwala Niya sa iyo—naakay mo man sila sa Langit o hindi at iniligtas ang kanilang mga kaluluwa mula sa kasalanan sa abot ng iyong makakaya. Hindi natin magagamit ang dahilan na, "Naku, ang mga anak ng bawat isa ay may , kaya ang aking mga anak ay magiging kakaiba kung wala sila! Magagalit ba sa iyo ang iyong mga anak, baka sabihin pa nga na muhi sila sa iyo, kung maglalagay ka ng mga paghihigpit sa kanilang mga device? Malamang. Ngunit ang kanilang galit ay pansamantala—ang kanilang pasasalamat ay magiging walang hanggan. Kamakailan ay isa pang kaibigan na naglalakbay sa bansa na nananalumpati tungkol sa mga panganib ng social media ay nagsabi sa akin na pagkatapos ng kanyang talumpati ay palaging madaming mga kabataan ang lumapit sa kanya na may isa sa dalawang tauli: Noong panahong iyon, galit na galit ako sa aking mga magulang sa pagbawi ng aking telepono, ngunit ngayon ay nagpapasalamat ako.” O “Talagang minimithi ko na sana ay naipagtanggol ako ng aking mga magulang laban sa pagkawala ng kamusmusan.” Walang sinuman ang nagpasalamat na ang kanilang mga magulang ay naging mapagparaya! Kaya, ano ang maaaring gawin? Una, huwag bigyan ang mga kabataan (o mas bata!) ng mga teleponong may internet o pagpapairal. Madami pa ding mga pulpol na telepono ang umiiral! Kung kailangang bigyan mo sila ng teleponong makakagamit sa internet, lagyan mo ng mga paghihigpit ng magulang ang mga ito. Maglagay ng Covenant Eyes sa telepono ng iyong anak—at sa iyong kompyuter sa bahay habang ginagawa mo ito (halos lahat ng Kumpisal na nadidinig ko ay may kasamang pornograpiya, na lubhang makasalanan at maaaring magtulak sa iyong anak na ituring ang na mga babae ay walang iba kundi mga bagay lamang, na magkakaroon ng malaking epekto sa kanyang mga pakikipag-ugnayan sa hinaharap). Huwag pahintulutang gamitin ang kanilang mga pagpapairal sa hapag kainan o habang nag-iisa sa kanilang mga silid-tulugan. Kunin ang pagtataguyod ng ibang mga pamilya na may singtulad na mga patakaran. Pinakamahalaga—huwag pagsikapang maging kaibigan ng iyong anak, ngunit maging magulang ka sa kanila. Ang tunay na pagmamahal ay nangangailangan ng mga hangganan, disiplina, at pagpapakasakit. Sulit ang walang hanggang kapakanan ng iyong anak, kaya huwag mong sabihing, “Naku, wala akong magagawa—kailangang makibagay ang anak ko.” Mas mainam na maging katangi-tangi dito sa lupa nang tayo ay maging kaayaaya sa Komunyon ng mga Santo!
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreNalulula ka ba sa mga kawalan ng katiyakan sa buhay? Lakasan mo ang iyong loob. Minsan ko ring pinagdaanan yan—ngunit ipinakita sa akin ni Jesus ang landas para makalabas. Mahigit tatlumpung taong gulang na ako, naglalakad sa bayanan sa damit na gustong-gusto ko, sa isang mahangin na bughaw na kalangitan. Sa palagay ko nabola ako ng hugis nito, kaya madalas ko itong isinusuot. Nang walang ano-ano ay bigla kong nasulyapan ang repleksyon ko sa isang bintana ng tindahan. Nagulantang ako, at sinubukan kong higuping paloob ang aking tiyan. Pero di ko mahigop. Wala itong mapuntahan. Mga umbok kung saan-saan. Sa ilalim ng laylayan, ang aking mga binti ay parang mga hamon. Naiinis ako sa sarili ko. Walang pakialam Ang aking pagkain at timbang ay bumubulusok paitaas ng walang kontrol; at higit pa doon, ang buong buhay ko ay isang hanay ng pagkawasak. Kamakailan lamang ay ginutay-gutay ng diborsiyo ang aking maikling kasal. Sa panlabas nagkunwari akong maayos ang lahat, ngunit sa loob ako ay durog na durog. Nag-iisa sa likod ng mga pader ng katabaan, ibinahagi ko ang aking dalamhati sa walang sinuman. Para mapawi ang sakit na nararamdaman ko, uminom ako ng alak, nagtrabaho, at kumain—nang sobra-sobra. Ang sunud-sunod na mga pagtatangka sa pagdidiyeta ay bumabagsak lamang sa akin sa isa pang siklo ng pagkahumaling, awa sa sarili, at mapilit na pagmamalabis. At, sa ilalim ng lahat ng mga pagkadurog na iyon, ang mga espirituwal na problema ay lumala. Tinawag ko pa rin ang aking sarili na Katoliko, ngunit namuhay ako bilang isang ateista. Para sa akin, ang Diyos ay 'nasa itaas', ngunit malayo at walang pakialam sa aking mga paghihirap. Bakit ako magtitiwala sa Kanya kahit kaunti? Nagpapakita lang ako sa Linggong Misa kapag bumibisita ako sa aking mga magulang, para linlangin sila sa paniniwalang tapat pa rin ako. Sa totoo lang, ginugol ko ang aking mga araw nang hindi iniisip ang Diyos at nagpatuloy sa paggawa ng anumang gusto ko. Ngunit ang nakakagigil na alaala ng aking repleksyon sa bintanang iyon ay sumasalamin sa akin. Isang bagong kabagabagan ang bumalot sa aking kaluluwa. Kinakailangan ang pagbabago, ngunit ano? Wala akong ideya. Ni wala akong ideya na ang Diyos Mismo ay kumikilos sa sandaling iyon, sinimulang ilantad ang sakit sa aking puso gamit ang Kanyang magiliw na mga daliri. Nakikipaglaban kay Goliath Isang babae sa trabaho ang nagpahayag ng panghihina ng loob tungkol sa kanyang pagkain at timbang, at kami ay naging konektado. Isang araw ay binanggit niya ang isang labindalawang hakbang na grupo na sinimulan niyang daluhan. Iginiit ng grupo na ang hindi maayos na pagkain ay nauugnay sa ating emosyonal at espirituwal na buhay, ang pagbabawas ng timbang at pag-alis nito ay kailangang tugunan din ang mga bahagi nito. Ang pinagsamang diskarte na ito ay umakit sa akin. Sa kabila ng aking pang-aalipusta sa mga grupo, sinubukan kong dumalo sa ilang mga pagpupulong. Di-nagtagal, nawili ako, regular na akong dumadalo, at kahit na bihira akong magsalita sa mga pulong, pagkatapos ay nag-eeksperimento ako sa ilan sa mga ideyang narinig ko. Medyo gumana ang diskarteng ito, at pagkaraan ng ilang buwan ay natuwa ako nang magsimulang bumaba ang aking timbang. Gayunpaman—bagama't hindi ko ito sinasabi kahit kanino—nakikipaglaban ako sa isang mabagsik na Goliath, isa sa nagbanta na sirain ang aking pag-unlad. Habang ako ay nasa trabaho araw-araw, sinusunod ko ang isang plano sa pagkain na nagpapahintulot sa akin na kumain ng katamtaman at para mabawasan ang mga tukso. Ngunit pagsapit ng 5:00 ng hapon sa bawat araw ay nagugutom ako. Nagmamadali ako sa pag- uwi at humahangos at padaluhong, pinupuno ko ang aking bibig nang pagkain ng walang tigil hanggang sa bumagsak at magkandatulog ako sa kama. Walang kapangyarihan para sa halimaw na ito, at sa takot na ang timbang ay muling tumaas, naiinis ako sa aking sarili. Ano ang dapat kong gawin? Wala akong ideya. Ang madilim na tularan ay patuloy na kumaladkad, at ang kawalan ng pag-asa ay nakasunggab sa akin. Isang Ideya ang Lumitaw At sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumasok sa aking isipan ang pinaka kakaibang kaisipan. Sa halip na dumiretso sa bahay mula sa trabaho, maaari kong abutan ang 5:15 na Misa sa hapon. Iyon ay makapagpapaliban at mababawasan ng isang oras ang aking pagmamalabis. Sa una ang ideyang ito ay tila kalunus-lunos. Hindi ba dapat ito ay tigil-tigilan at kalokohan? Ngunit, nang walang ibang mga pagpipilian na nakikita, ang desperasyon ay nagtulak sa akin na subukan ito. Hindi nagtagal ay dumadalo na ako sa Misa at tumatanggap ng Banal na Komunyon araw-araw. Ang aking isang layunin ay upang mabawasan ang aking pagmamalabis. Tila, sapat na iyon para kay Hesus. Tunay na naroroon sa Kanyang Katawan at Dugo, Siya ay naghihintay para sa akin doon, at natutuwa na nakabalik ako. Nang maglaon ay napagtanto ko na mayroon din Siyang adyenda para sa lahat ng ito: isang hindi maarok na mas mataas, mas malawak, at mas malalim kaysa sa akin. Alam niya kung ano ang kailangan ko at kung paano ito ibibigay. Sa magiliw na pag-aalaga, ginamit niya ang aking kawalan ng pag-asa upang ilapit ang aking nanghihinang mga paa sa matatag na lupa at sinimulan ang isang mahabang proseso ng pagpapagaling sa aking puso at ang paglalapit nito sa kanyang sarili. Sa Misa araw-araw, pinapakain Niya ako ng Kanyang sariling Katawan at Dugo, sinimulan Niyang lunasan ang aking mga karamdaman, pinaliguan ako ng mga kahima-himalang biyaya, nagbibigay ng liwanag sa aking kadiliman, at binibigyan ako ng lakas upang labanan ang mga kasamaan na nagbabanta sa akin. Kalayaan sa Wakas Ang Kanyang mga grasyang Eukaristiya ay nagpa-alab at nagpasigla sa akin, at pinataas ko ang aking pakikilahok sa programa sa isang bagong antas. Kanina ako ay nakipag-siksikan; ngayon ay tumalon ako gamit ang dalawang paa sa pagpasok, at sa paglipas ng mga araw, natagpuan ko ang dalawang regalo na napatunayang kailangang-kailangan: isang matulungin na komunidad na nananatili sa akin sa magaganda at masasamang araw, at isang arsenal ng mga praktikal na estratehiya. Kung wala ang mga ito, nawalan na ako ng loob at sumuko. Ngunit sa halip—sa mahabang panahon, nang matutunan kong hayaan si Hesus na maging Tagapagligtas na Kanyang kinamatayan, habang ang aking labindalawang hakbang na pakikipagkaibigan ay nagpayabong at nagpalakas sa akin, at habang ginagamit ko ang mga kasangkapan at karunungan na ibinigay sa akin, natagpuan ko, ang kalayaan mula sa aking hindi maayos na pagkain at ang isang matatag at pangmatagalang plano sa paggaling na nagpapatuloy hanggang sa araw na ito. Sa prosesong ito, ang pananampalataya na minsang nasa aking isip lamang ay lumipat sa aking puso, at ang aking huwad na imahe ng isang malayong walang malasakit na Diyos ay gumuho at nagkawatak-watak. Si Hesus, ang Pinagpalang Tagapagligtas na patuloy na naglalapit sa akin sa Kanyang sarili, ay ginawang matamis ang aking mapait. Hanggang ngayon, habang nakikipagtulungan ako, patuloy Niyang binabago ang iba pang mga hukay at mga basurang lupain na pumipigil sa akin sa pag-unlad. ikaw naman? Anong mga imposibleng hadlang ang kinakaharap mo ngayon? Ikaw man ay nababagabag tungkol sa iyong pagkain, nagdadalamhati tungkol sa isang mahal sa buhay na umalis sa pananampalataya, o nadurog ng iba pang mga pasanin, lakasan mo ang iyong loob. Yakapin si Hesus sa Banal na Eukaristiya at sa pagsamba. Hinihintay ka niya. Dalhin mo sa Kanya ang iyong sakit, ang iyong kapaitan, ang iyong mga kaguluhan. Nananabik Siyang tumulong sa iyo tulad ng pagligtas Niya sa akin sa lahat ng aking mga paghihirap. Walang problemang napakalaki o napakaliit para dalhin sa Kanya.
By: Margaret Ann Stimatz
MoreNarinig mo ba ang tungkol sa Araw ng Kabataan sa Mundo? Hinihikayat ka ni Sister Jane M. Abeln na kunin ang pagkakataon upang maranasan ang hindi kapani-paniwalang pagdiriwang na ito na nagdadala ng Langit sa lupa. Mula sa araw na si Pope John Paul II ay lumabas bilang bagong Papa na may mga salitang, "Huwag kang matakot!", labis akong humanga at sinubaybayan siya. Siya ang nagbigay inspirasyon sa aking trabaho sa mga kabataan, kung saan siya ay nagkaroon ng isang espesyal na karisma. Noong 1984 at 1985, naglabas siya ng isang espesyal na imbitasyon para sa mga kabataan na sumama sa kanya sa Roma sa Linggo ng Palaspas. Naging matagumpay ito kaya pinalawak niya ito sa isang "World Youth Day" (o sa halip na linggo) na nangyayari ngayon sa iba't ibang bansa sa buong mundo kada dalawang taon. Isang mamamahayag na ipinanganak sa Poland ang nagbahagi ng isang kahanga-hangang pananaw sa kung paano pinaunlad ni Pope JPII ang ideya ng Mga araw ng mga kabataan sa mundo. “Sa Komunistang Poland, kinailangan niyang humanap ng mga paraan para matulungan ang mga Katoliko na ipahayag ang kanilang pananampalataya. Taun-taon, nag-oorganisa siya ng mga paglalakbay sa mga banal na lugar sa Jasna Gora (Dambana ng Black Madonna), para sa Agosto 14-15. Natuklasan niya kung gaano kalaki ang nabuo nitong mga ugnayan at nagpalakas ng pananampalataya sa kanyang mga tao.” Bagama't hindi na ako kabataan o nasa hustong gulang na, ginawang posible ng Diyos sa Kanyang Awa at tulong na makadalo ako sa Araw ng Kabataan sa North America. Ang Araw ng Kabattan sa Mundo ay idinisenyo para sa 16-35 na pangkat ng edad, ngunit ang mga pari, relihiyoso, pamilya at mas matatandang chaperone ay tinatanggap din. Kulang sa isang taon ang natitira para sa Agosto 1-7, 2023 Araw Ng Kabataan sa Lisbon, Portugal, ibinabahagi ko ang aking mga karanasan upang magbigay ng inspirasyon sa iyo na sumali sa peregrinasyon, upang suportahan ang iba na dumalo at samahan sila sa panalangin. WYD 1993, Denver, Colorado, USA Sa pagdating ni Pope John Paul II sa Denver noong 1993 para sa unang Araw Ng Kabataan sa Mundo sa estados unidos ng Amerika, sinimulan kong magplano ng isang lokal na kaganapan sa aming archdiocese upang iugnay ito. Nang matapos ito, nabasa ko ang tungkol sa isang sobrang "pakete" na iniaalok ng mga Salesian sa murang halaga, na kasama ang papunta at pabalik na paglipad at hotel, at isinaayos ko na sumama sa isang lokal na grupo ng kabataan. Ang salawikain ng Araw ng Kabataan sa Mundo sa Denver ay: “Ako ay naparito upang bigyan kayo ng buhay—masaganang buhay” (Juan 10:10). mga nasa edad na umaawit sa Panginoon sa mga wika mula sa buong mundo. Nagpatuloy iyon hanggang sa mga araw ng kateketikal. Ang masayang sigasig ng mga kabataan at ng kanilang mga chaperone ay parang isang paunang patikim ng Langit habang sila ay nagtatawanan, nagsasalu-salo sa pagkain, ngiti at malalim na pag-uusap. Kahit saan sila magpunta, kumakanta, sumasayaw at umaawit habang winawagayway ang kanilang mga banner at watawat sa mga lansangan. Dumaloy ang biyaya habang dumagsa ang mga tao upang tumanggap ng Sakramento ng Pakikipagkasundo, magdasal ng tuloy tuloy sa Eukaristikong Pagsamba at magtipon tpon para sa mapitagan, puno ng dasal na mga Misa. Pagdating ni Pope John Paul, sinalubong siya ng palakpakan at mga animadong boses na umaawit, "John Paul II, mahal ka namin." Ang nagtatapos na Ara ng Kabataan sa Mundo ay nagsimula sa isang paglalakbay sa banal na lugar na naglalakad papunta sa lugar ng huling Misa. Ang mga Manlalakbay ay maaaring maglakad ng 15 milya, o sumakay sa trolley at maglakad lamang ng 3 milya. Pinili ko ang huli sa 90ᵒ F na init ng araw, ngunit pagkatapos ng mga serbisyo ng Pag-oorasyon kasama ang Banal na Ama, ang bukid sa milya-mataas na lugar ng Denver ay bumaba sa 40ᵒ. Bagama't halos manigas ako dahil hindi ko dala ang maiinit na damit na ipinayo, naaaliw ako sa mga kabataang Espanyol at Pranses na sumayaw buong gabi. Ang bukang-liwayway ng isang bagong araw, ay nagbalik ng init sa aming mga katawan nang kami ay lumabas mula sa aming mga pantulog na bag upang maghanda para sa huling Misa. Napakaganda nito kaya't ang mga luha ng kagalakan ay dumaloy mula sa aking mga mata habang ako ay nananalangin kasama ng napakaraming kabataang puno ng pag-asa sa kinabukasan. Sa isang nakakaganyak na homiliya sa milyun-milyong natipon sa kanyang harapan, hinamon tayo ni Pope John Paul II na maging aktibo sa pagtataguyod ng isang "Kultura ng Buhay" upang labanan ang pagkawasak na dulot ng "Kultura ng Kamatayan" na nagtataguyod ng pagpipigil sa pagbubuntis, paglalaglag, pagpatay dahil sa awa, paghihiwalay, kawalan ng pag-asa at pagpapakamatay. Ang panawagang ito ay magbibigay inspirasyon sa pagbuo ng maraming bagong apostolado kabilang ang "Sangang-daan" na nagsimula sa Franciscan University of Steubenville, at lumawak sa taunang pabor sa-buhay na mga paglalakbay sa banal na lugar sa tag-init sa 3 bansa, na hayagang nagpapatotoo sa mga komunidad na kanilang dinadaanan, habang sila ay nagsasagawa ng puno ng pagdarasal na sakripisyo para sa kanila. WYD 2002, Toronto, Canada Noong 2002, nabiyayaan ako na ma-isponsor para dumalo sa huling World Youth Day ni Pope John Paul II sa Toronto, Canada. Bagama't ang Papa ay baluktot na dahil sa edad, at nanginginig na dahil sa sakit na Parkinson, mayroon pa rin siyang kapasidad na pasiglahin at magbigay ng inspirasyon sa isang bagong henerasyon upang ipagpatuloy ang misyon. Bagama't nagsimula ang Linggo na may malakas na ulan, nanalig ako sa pag-asa na liliwanag ito. Ang Ebanghelyo ay nagmula sa Mateo 5. Kung paanong ang mga salitang, “Kayo ang ilaw ng sanlibutan,” (Mt 5:14) ay umalingawngaw sa istadyum, ang araw ay sumilay sa mga ulap. Ang homiliya ng Papa ay nagmula mismo sa kanyang Pastol na puso: “Si Jesu-Kristo ang Liwanag sa malaking kadiliman ng mundo. Huwag magpahuli sa kadiliman. Bagama't nabuhay ako sa napakaraming kadiliman...Nakita ko ang sapat na katibayang paniniwala upang hindi matinag at kumbinsido na walang kahirapan, walang takot na napakatindi na maaaring makasira sa pag-asa na sumisibol ng walang hanggan sa puso ng mga kabataan." Direkta niyang tinugunan ang iskandalo sa pang-aabuso sa sekso na kalalabas lang: “Huwag masiraan ng loob dahil sa mga kasalanan ng kadiliman, maging sa mga pari at relihiyoso. PERO [sumigaw siya] alalahanin ang maraming mabubuting pari at relihiyoso na ang tanging hangarin ay maglingkod at gumawa ng mabuti.” Hinikayat niya ang mga kabataan na sundin ang mga bokasyon sa relihiyon at pagpapari—“ang maharlikang daan ng Krus” kung saan, sa mahihirap na panahon, “lalo pang nagiging mahalaga ang paghahangad ng kabanalan.” Maraming bokasyon ang isinilang sa taong iyon. Nang ipahayag ng ating Banal na Ama ang susunod na lugar para sa 2005 sa Cologne, Germany, idinagdag niya, "Makikita ka ni Kristo doon." Bumilis ang tibok ng puso ko at bumuhos ang mga luha sa aking mga mata, dahil kadalasang sinasabi niya, “Makikita kita doon.” Alam ko, alam nating lahat, na alam niyang malapit na ang kanyang mga huling araw. 2005 at higit pa Noong Agosto 2005, nakaupo ako kasama ang aking naghihingalong Tatay na nanonood sa telebisyon habang naglalayag si Pope Benedict sa Rhine River upang makilala ang mga kabataan sa mundo sa Cologne. Namangha ako nang mapagtanto na ang Papa na humalili kay Pope John Paul II ay isang katutubo ng bansa na napili na para sa susunod na Araw ng Kabataan sa Mundo! Katulad din ang nangyari noong 2013. Habang naghahanda ang mga kabataan mula sa bawat kontinente, maliban sa Antarctica, para sa Araw ng Kabataan sa Mundo y sa Rio de Janiero, Brazil, nagbitiw si Pope Benedict, at hinalinhan ni Pope Francis mula sa kontinenteng napili na. Sina Pope Benedict at Pope Francis ay parehong lubos na yumakap sa pamana ng kanilang hinalinhan at ang World Youth Day ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan na sundin ang landas ng kabanalan. WYD 2023, Lisbon, Portugal Ang mga kabataan mula sa buong mundo ay nagpaplano na ngayong maglakbay sa Lisbon para sa susunod na World Youth Day. Ang punong- abalang bansa ay nagpaplano na para sa Mga araw sa Diyosesis sa buong Portugal para maranasan ng mga kabataan ang kanilang kultura, at mayroon silang nakakaakit na programa na puno ng mga pag-uusap, talakayan, at kaganapan mula sa ilan sa pinakamahuhusay na mangangaral, musikero, at artista ng Simbahan. Ang mga lokal na pamilya, paaralan at mga parokya ay naghahanda upang mapaunlakan ang maraming kabataang peregrino. Ang Sakramento ng Pagkakasundo at Eukaristikong Pagsamba ay nasa lahat ng dako at ang mga koponan ay nagdarasal na para sa mga inaasahang bisita. Ang mga grupo ng peregrinasyon ay bumubuo sa mga bansa sa buong mundo, at ang mga parokya ay nangangalap ng pondo upang tulungan ang kanilang mga kabataan na dumalo. Kapag tinatawag ka ng Diyos doon, tutulungan ka Niya na makarating doon, at susustinahan ka sa paglalakbay sa buhay. Isa ito sa mga kayamanan ng Simbahang Katoliko sa ating panahon. (Tingnan ang iyong diocesan website, at YouTube at Facebook para sa opisyal na promo, kanta sa 5 wika, logo, at mga eksena). Ang mga hindi makadalo ay maaaring makilahok sa ilang mga kaganapan sa pamamagitan ng social media, at manalangin kasama ng mga peregrino.
By: Sister Jane M. Abeln SMIC
MoreT – Bakit ginagawa ng mga Katoliko ang Tanda ng krus? Ano ang simbolismo sa likod nito? S - Bilang mga Katoliko, dinarasal natin ang Tanda ng Krus nang maraming beses bawat araw. Bakit natin ito dinarasal, at tungkol saan ito? Una, isaalang-alang kung paano natin ginagawa ang Tanda ng Krus. Sa Kanluraning Simbahan, gumagamit tayo ng bukas na kamay - na ginagamit sa pagpapala (kaya't sinasabi natin na "pinagpapala natin ang ating sarili"). Sa Silangan, pinagsasama-sama nila ang tatlong daliri, bilang tanda ng Trinidad (Ama, Anak, at Banal na Espiritu), habang ang iba pang dalawang daliri ay nagkakaisa bilang tanda ng Pagka-Diyos at sangkatauhan ni Kristo. Ang mga salita na ating sinasabi ay nagpapahayag ng misteryo ng Trinidad. Pansinin na sinasabi natin, “Sa Ngalan ng Ama…” at hindi “Sa mga Ngalan ng Ama” – ang Diyos ay iisa, kaya’t sinasabi natin na mayroon lamang Siyang isang Pangalan – at pagkatapos ay pinangalanan natin ang Tatlong Persona ng Trinidad. Sa tuwing magsisimula tayo ng isang panalangin, kinikilala natin na ang pinakaubod ng ating pananampalataya ay ang paniniwala natin sa iisang Diyos kung saan Tatlo- sa-isang- Persona: parehong magkaisa at pagkatatlo . Habang sinasabi natin ang pagtatapat ng pananampalataya sa Trinidad, tinatakan natin ang tanda ng Krus sa ating sarili. Minamarkahan mo, sa publiko, kung sino ka at kung kanino ka! Ang Krus ang ating pantubos, ang ating “mahalagang etiketa” kung mamarapatin mo, kaya ipinapaalala natin sa ating sarili na tayo ay binili ng Krus. Kaya kapag si Satanas ay dumarating upang tuksuhin tayo, ginagawa natin ang tanda ng Krus upang ipakita sa kanya na tayo ay namarkahan na! Mayroong isang kamangha-manghang kuwento sa aklat ni Ezekiel, kung saan ang isang anghel ay lumapit kay Ezekiel at sinabi sa kanya na parurusahan ng Diyos ang buong Israel dahil sa walang katapatan nito - ngunit mayroon pa ring ilang mabubuting tao na natitira sa Jerusalem, kaya lumibot ang anghel at naglalagay ng marka sa noo ng mga tapat pa rin sa Diyos. Ang markang ginawa niya ay ang "Tau" - ang huling titik ng alpabetong Hebreo, at ito ay iginuhit na parang krus! Naawa ang Diyos sa mga may marka ng Tau, at hinahampas ang mga wala nito. Sa parehong pamamaraan, tayong mga kasama na nilagdaan ng Krus ay mapangangalagaan mula sa katarungan ng Diyos, at sa halip ay tatanggap ng Kanyang awa. Sa sinaunang Ehipto, inutusan ng Diyos ang mga Israelita na ilagay ang dugo ng tupa sa kanilang mga pintuan sa Paskuwa upang sila ay maligtas mula sa anghel ng kamatayan. Ngayon, sa pamamagitan ng paglagda ng Krus sa ating mga katawan, nananawagan tayo na mapasa-atin ang Dugo ng Kordero, upang tayo ay maligtas mula sa kapangyarihan ng kamatayan! Ngunit saan natin ilalagay ang Tanda ng Krus na iyon? Inilalagay natin ito sa ating noo, sa ating puso, at sa ating mga balikat. Bakit? Dahil tayo ay inilagay dito sa lupa upang makilala, mahalin, at paglingkuran ang Diyos, kaya hinihiling natin kay Kristo na maging hari ng ating isipan, ng ating mga puso (ating mga hangarin at pag-ibig), at ng ating mga kilos. Ang bawat aspeto ng ating buhay ay inilalagay sa ilalim ng Tanda ng krus, upang makilala natin, mahalin, at paglingkuran Siya. Ang Tanda ng Krus ay isang hindi kapani-paniwalang makapangyarihang panalangin. Kadalasan ito ay ginagamit bilang panimula sa isang panalangin, ngunit ito ay may napakalawak na kapangyarihan sa sarili nitong karapatan. Sa panahon ng mga pag-uusig sa unang Simbahan, sinubukan ng ilang pagano na patayin si San Juan Apostol dahil ang kanyang pangangaral ay naglalayo sa maraming tao mula sa mga paganong Diyos upang yakapin ang Kristiyanismo. Inimbitahan ng mga pagano si Juan para sa isang hapunan, at nilason ang kanyang kopa. Ngunit bago niya sinimulan ang pagkain, nagdasal si Juan ng grasya at ginawa ang Tanda ng Krus sa ibabaw ng kanyang kopa. Agad na gumapang ang isang ahas mula sa tasa, at si John ay nakatakas nang hindi nasasaktan. Pakinggan ang mga salita ni St. John Vianney: “Ang Tanda ng Krus ay ang pinakakakila-kilabot na sandata laban sa diyablo. Kaya, nais ng Simbahan na hindi lamang ito ay patuloy na nasa harap ng ating mga isipan, kungdi upang alalahanin natin kung ano ang halaga ng ating mga kaluluwa at kung ano ang halaga nito kay Hesu-Kristo, ngunit dapat din nating gawin ito sa bawat sulok ng ating mga sarili: kapag tayo ay pumunta sa kama, kapag nagising tayo sa gabi, kapag tayo ay bumangon, kapag tayo ay nagsimula ng anumang pagkilos, at, higit sa lahat, kapag tayo ay tinutukso.” Ang Tanda ng Krus ay isa sa pinakamakapangyarihang mga panalangin na mayroon tayo - hinihimok nito ang Trinidad, tinatatakan tayo ng Dugo ng Krus, itinataboy ang Masama, at pinapaalalahanan tayo kung sino tayo. Gawin nating maingat ang Tanda na iyon nang may debosyon, at gawin natin itong madalas sa buong araw. Ito ang panlabas na tanda ng kung sino tayo, at kung kanino tayo.
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreAng Hindi ko inaasahan noong sinimulan ko ang mabisang panalanging ito... O Munting Therese ng Batang Hesus, mangyaring pumili para sa akin ng isang rosas mula sa hardin ng Langit at ipadala ito sa akin bilang isang mensahe ng pag-ibig." Ang kahilingang ito, ang una sa tatlo na bumubuo ng 'Padalhan moa ko ng Rosas ' Novena kay Saint Therese, ay kumuha ng aking atensyon. Nag-iisa ako. Malungkot sa isang bagong lungsod, nananabik para sa mga bagong kaibigan. Nag-iisa sa isang bagong buhay ng pananampalataya, pananabik para sa isang kaibigan at huwaran. Nagbabasa ako tungkol kay Santa Therese, ang pangalan ko sa binyag, nang walang pagsubaybay sa kanya. Namuhay siya sa marubdob na debosyon kay Hesus mula noong siya ay 12 taong gulang at nagpetisyon sa Papa na pumasok sa monasteryo ng Carmelite sa edad na 15. Ang aking sariling buhay ay ibang-iba. Nasaan ang Aking Rosas? Si Therese ay puno ng sigasig para sa mga kaluluwa; nanalangin siya para sa pagbabagong loob ng isang kilalang kriminal. Mula sa nakatagong mundo ng kumbento ng Carmel, inilaan niya ang kanyang panalangin para sa pamamagitan ukol sa mga misyonerong nagpalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa malalayong lugar. Habang nakahiga sa kanyang higaan ng kamatayan, ang banal na madre na ito mula sa Normandy ay nagsabi sa kanyang mga kapatid na babae: “Pagkatapos ng aking kamatayan, magpapaulan ako ng mga rosas. Gugugulin ko ang aking Langit sa paggawa ng mabuti sa lupa.” Ang aklat na binabasa ko ay nagsabi na mula noong siya ay namatay noong 1897, pinaulanan niya ang mundo ng maraming grasya, himala, at maging ng mga rosas. "Baka padadalhan niya rin ako ng rosas," naisip ko. Ito ang pinakaunang Nobena na dinasal ko. Hindi ko masyadong inisip ang dalawa pang kahilingan ng panalangin—ang pabor na mamagitan sa Diyos para sa aking intensyon at marubdob na maniwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin upang magaya ko ang Munting Daan ni Therese. Hindi ko matandaan kung ano ang aking intensyon dahil sa wala kong pagkaunawa sa Munting Paraan ni Therese. Nakatuon lang ako sa rosas. Sa umaga ng ika siyam na araw, nagdasal ako ng Nobena sa huling pagkakataon. At naghintay. Baka mag dadala ng rosas ang isang magbubulaklak ngayon. O baka uuwi ang asawa ko galing sa trabaho na may dalang mga rosas para sa akin. Sa pagtatapos ng araw, ang tanging rosas na tumawid sa aking pintuan ay naka-print sa isang kard na kasama ng isang pakete ng mga pagbating kard mula sa isang orden ng misyonaryo. Ito ay isang matingkad na pula, namagandang rosas. Ito ba ang aking rosas mula kay Therese? Aking Hindi Nakikitang Kaibigan Minsan, nagdasal ulit ako ng Padalhan mo ako ng Rosas Nobna. Laging pareho ang mga resulta. Ang mga rosas ay makikita ko sa maliit, na nakatagong mga lugar; Makaka-kilala ako ng isang taong nagngangalang Rose, makakakita ng rosas sa pabalat ng libro, sa likuran ng isang larawan, o sa mesa ng isang kaibigan. Sa kalaunan, naiisip ko si St. Therese sa tuwing may masisilip akong isang rosas. Siya ay naging isang kasama sa aking pang-araw-araw na buhay. Tinigilan ang Nobena, natagpuan ko ang aking sarili na humihiling sa kanyang pamamagitan sa mga pakikibaka sa buhay. Si Therese ay ang hindi ko nakikitang kaibigan. Nabasa ko ang tungkol sa mas marami pang mga Santo, at namamangha ako sa kanilang mga iba't ibang mga paraan na ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata ay namuhay ng may marubdob na pagmamahal sa Diyos. Ang pagkaalam sa konstelasyon na ito ng mga tao, na ipinahayag ng Simbahan nang may katiyakan na sila ay nasa Langit, ay nagbigay sa akin ng pag-asa. Sa bawat lugar at sa bawat buhay, kailangang mamuhay nang may kabayanihang kabutihan. Ang kabanalan ay posible kahit para sa akin. At may mga huwaran. Marami sila! Sinubukan kong gayahin ang pasensya ni Saint Francis de Sales, ang atensyon at banayad na paggabay ni Saint John Bosco para sa bawat bata sa kanyang pangangalaga, at ang kawanggawa ni Saint Elizabeth ng Hungary. Nagpapasalamat ako sa kanilang mga halimbawa na nakatulong sa akin. Mahalaga silang mga kakilala, ngunit mas higit si Thérèse. Dahil naging kaibigan ko siya. Isang Panimula Sa kalaunan, binasa ko ang The Story of a Soul, ang sariling talambuhay ni Saint Therese. Sa personal na patotoo na ito ako unang nagsimulang maunawaan ang kanyang Little Way. Iniisip ni Therese ang kanyang sarili espiritwal bilang isang napakaliit na bata na may kakayahan lamang sa maliliit na mga gawain. Ngunit sinasamba niya ang kanyang Ama at ginawa ang bawat maliliit na bagay nang may malaking pagmamahal, at bilang isang regalo para sa Ama na nagmamahal sa kanya. Ang bigkis ng pag-ibig ay mas malaki kaysa sa laki o tagumpay ng kanyang mga gawain. Ito ay isang bagong diskarte sa buhay para sa akin. Ang aking espirituwal na buhay ay nakahinto sa oras na iyon. Baka masimulan ito ng The Little Way ni Therese. Bilang ina ng isang malaki at aktibong pamilya, ang aking kalagayan ay ibang-iba kay Therese. Siguro maaari kong subukang umpisahan ang aking mga pang-araw-araw na gawain na may parehong mapagmahal na saloobin. Sa kaliitan at tagong aking tahanan, gaya ng dating kumbento para kay Therese, maaari kong subukang gawin ang bawat gawain ng may pagmamahal. Bawat isa ay maaaring maging kaloob ng pagmamahal sa Diyos; at sa kalaunan ay pagmamahal para sa aking asawa, sa aking anak, sa kapitbahay. Sa ilang pagsasanay, bawat pagpapalit ng lampin, bawat pagkain na nilagay ko sa mesa, at bawat kargada ng labahan ay naging munting handog ng pagmamahal. Ang aking mga araw ay naging mas madali, at ang aking pagmamahal sa Diyos ay lalong lumakas. Hindi na ako nag-iisa. Sa bandang huli, ito ay tumagal ng higit sa siyam na araw, ngunit ang pabigla-bigla kong paghiling ng isang rosas ay naglagay sa akin sa landas tungo sa isang bagong espirituwal na buhay. Sa pamamagitan nito, nakipag-ugnayan sa akin si Saint Therese. Hinila niya ako sa pag-ibig, sa pag-ibig na siyang pakikipag-isa ng mga Banal sa Langit, sa pagsasagawa ng kanyang "Munting Paraan" at, higit sa lahat, sa higit na pagmamahal sa Diyos. Sa bandang huli ay nakatanggap ako ng higit pa sa isang rosas! Alam mo ba na ang kapistahan ni Saint Therese ay sa Oktubre 1? Maligayang kapistahan sa mga kapangalan ni Therese.
By: Erin Rybicki
MoreNaglalakad kami ng kaibigan ko sa kalye nang may narinig kaming sumisigaw sa likod namin. Isang galit na toro ang mabilis na umaakay sa kalsada sa di kalayuan, habang ang mga natakot na tao ay nagsisigawan at nagsitakbuhan palayo. “Tumakbo tayo!” Sumigaw ako, ngunit mahinahong sumagot ang aking kaibigan: "Kung magsisimula tayong tumakbo, tiyak na hahabulin tayo nito." Pagkaraan ng ilang sandali, walang natitira sa pagitan namin at ng toro. "Ayan na. Kailangan na tayong tumakbo “Sigaw ko sa kaibigan ko, at sabay kaming umalis. Tumakbo kami nang buong lakas, ngunit hindi kami gaanong nagtagumpay. Sinubukan ng ilang mabubuting tao na hulihin ang toro. Hingal na hingal akong naghintay saglit, umaasang ligtas na kami sa wakas. Sa kasamaang palad, nagpatuloy ang paghabol. Sa isang punto, naalala kong magdasal Tapos, tumigil na lang ako sa pagtakbo. Tumayo ako roon, nakatingin sa toro na patungo sa akin. Nang ilang pulgada na lang ang layo ay huminto ito. Nagkatinginan kami sa mata ng isa't isa. Nakatayo kami doon, magkaharap, ng ilang segundo. Halos hindi ako naglakas-loob na huminga. Pagkatapos, bigla itong nagtungo sa ibang direksyon, iniwan kaming nanginginig. Palagi kong iniisip kung ano ang nangyari sa sandaling iyon. Sino ang maaaring tumayo sa pagitan ko at ng toro? Talagang naramdaman ko ang isang malakas na presensya na nagpoprotekta sa akin mula sa pinsala. Marami sa atin ang patuloy na tumatakas sa takot sa isang bagay. Bihira nating harapin ang ating takot at harapin ito sa makapangyarihang presensya ng Diyos. Madali tayong maging alipin ng mga taga kalmante tulad ng alak, droga, pamimili, pornograpiya, o kahit na labis na pangako sa mga layunin sa karera. Ang paglublob sa madaliang pagnanais na kasiyahan o labis na trabaho upang sugpuin ang ating mga pagkabalisa ay maaaring pansamantalang makagambala sa atin mula sa sakit ng malungkot na pagkabata, hindi nababayarang mga pautang, hindi kanais-nais na mga amo o kasamahan sa trabaho, mga lasing na asawa, hindi kasiya-siyang tahanan, o mga personal na pagkabigo. Ngunit sinisira nito ang ating kakayahang bumuo ng malusog na relasyon. Takot na lumiko sa kanan o sa kaliwa, hinayaan namin ang aming sarili na mag-dulot sa gulat. Paano natin mapapagaling ang ating mga sugat nang hindi nagdudulot ng karagdagang pinsala at makakahanap ng lunas? "Itiningin ko ang aking mga mata sa mga burol - saan manggagaling ang aking tulong? Ang tulong ko ay mula sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa." (Awit 121:1-2). Kapag ikaw ay nababagabag sa anumang uri ng pagdurusa, huminto sa pagtakbo nang walang patutunguhan at humingi ng tulong ng Diyos. Huwag tumingin sa kanan o kaliwa, ngunit tumingin sa Panginoon sa itaas upang mahanap ang pinakamahusay na mga sagot sa iyong mga problema.
By: Dr. Anjali Joy
MoreBilang isang duyan na Katoliko, itinuro sa akin na ang pagpapatawad ay isa sa mga pinahahalagahan ng Kristiyanismo, gayunpaman nahihirapan akong isagawa ito. Hindi nagtagal ay naging pabigat ang pakikibaka nang magsimula akong tumuon sa aking kawalan ng kakayahang magpatawad. Sa panahon ng Kumpisal, itinuro ng pari ang kapatawaran ni Kristo: "Hindi lamang niya sila pinatawad, ngunit nanalangin siya para sa kanilang pagtubos." Sinabi ni Hesus: “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Ang panalanging ito ni Jesus ay naghahayag ng isang kapirasong madalas na napapabayaan. Malinaw na inilalantad nito na ang tingin ni Hesus ay hindi sa sakit o kalupitan ng mga sundalo kundi sa kanilang kawalan ng kaalaman sa katotohanan. Pinili ni Hesus ang pira pirasong sirang bahaging ito upang mamagitan para sa kanila. Ang mensahe ay bumungad sa akin na ang aking pagpapatawad ay kailangang umusbong mula sa pagbibigay ng espasyo sa hindi kilalang mga pira-piraso ng ibang tao at maging sa aking sarili. Mas magaan at mas masaya ang pakiramdam ko dahil dati, eksklusibong nakikitungo ako sa mga alam kong salik—ang pananakit na dulot ng iba, ang mga salitang binigkas nila, at ang pagkawasak ng mga puso at relasyon. Iniwan na ni Hesus na bukas ang pintuan ng pagpapatawad para sa akin, kailangan ko na lang tahakin ang landas na ito ng mapagpakumbabang pagkilala sa hindi kilalang mga pira-piraso sirang bahagi sa loob ko at ng iba. Ang kamalayan ng hindi kilalang mga pira pirasong sirang bahagi ay nagdaragdag din ng mga patong ng kahulugan sa kung ano ang ibig sabihin ni Hesus kapag inanyayahan Niya tayong maglakad nang higit pa. Naisip ko na ang pagpapatawad ay isang paglalakbay na nagsisimula mula sa pagkilos ng pagpapatawad hanggang sa isang tapat na pamamagitan. Ang sandaling ito ng dagdag na milya, sa pamamagitan ng pagdarasal para sa ikabubuti ng mga nakasakit sa akin, ay ang paglalakad ko sa Getsemani. At ito ang aking buong pagsuko sa Kanyang kalooban. Mapagmahal niyang tinawag ang lahat sa kawalang-hanggan at sino ako para maging hadlang sa aking kaakuhan at sama ng loob? Ang pagbubukas ng ating mga puso sa hindi kilalang mga pira-piraso sirang bahagi ay nag-aayos ng ating relasyon sa isa't isa at naghahatid sa atin sa mas malalim na relasyon sa Diyos, na nagbibigay sa atin at sa iba ng daan sa Kanyang masaganang kapayapaan at kalayaan.
By: Emily Sangeetha
MoreKailan mo huling ipinatong ang iyong mga kamay sa ulo ng iyong anak, ipinikit ang iyong mga mata, at buong pusong nanalangin para sa kanila? Ang pagpapala sa ating mga anak ay isang makapangyarihang aksyon na maaaring humubog sa kanilang buhay sa malalim na paraan. Mga Halimbawa sa Bibliya: "Umuwi si David upang basbasan ang kanyang sambahayan." (1 Kronika 16:43) Itinatampok ng simpleng gawaing ito ang kahalagahan ng pagsasalita ng positibong mga salita sa ating mga mahal sa buhay. Sinabi ng Panginoon kay Moises: “Ganito mo pagpalain ang mga Israelita: ‘Pagpalain ka at ingatan ka ng Panginoon; paliwanagin ng Panginoon ang Kanyang mukha sa iyo at maging mapagbiyaya sa iyo; iharap sa iyo ng Panginoon ang Kanyang mukha at bibigyan ka ng kapayapaan.’” (Bilang 6:22–26) Ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng proteksiyon, pagsang-ayon, at kapayapaan ng Diyos. Paghihikayat at Pagdakila: Kapag pinagpapala natin ang isang tao, hinihikayat natin sila, pinalalakas sila ng positibong pagpapatibay. Kasabay nito, dinadakila natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang kabutihan at biyaya. Ang mga pagpapala ay lumikha ng isang positibong kapaligiran kung saan ang mga bata ay nakadarama ng pagmamahal, pagpapahalaga, at seguridad. Pagbibigay ng Pagkakakilanlan: Ang mga pagpapala ay nakakatulong sa paghubog ng pagkakakilanlan ng isang bata. Kapag ang mga magulang ay nagsasalita ng mga pagpapala sa kanilang mga anak, pinagtitibay nila ang kanilang pagiging karapat-dapat at layunin. Isinasaloob ng mga bata ang mga mensaheng ito, dinadala ang mga ito hanggang sa pagtanda. Ang Kapangyarihan ng mga Salita: Sa isang pag-aaral ng pagganap ng koponan, natuklasan ng Harvard Business School na ang mga koponan na may mataas na pagganap ay nakatanggap ng halos anim na positibong komento para sa bawat negatibong komento. Ang mga pagpapala ay higit pa kaysa sa mga positibong komento. Kapag pinagpapala natin ang isang tao, ipinapahayag natin ang katotohanan sa kanila—ang katotohanan ng Diyos! Ang mga bata ay parang mga espongha, sumisipsip ng mga mensahe mula sa kanilang kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagpapala sa kanila, nagbibigay tayo ng panimbang sa mga negatibong impluwensyang nararanasan nila. Bilang mga magulang o tagapag-alaga, may pananagutan tayong pagpalain ang ating mga anak—magsalita ng nagbibigay-buhay na mga salita na nagpapatibay sa kanila sa emosyonal, espirituwal, at kaisipan. Maging maingat na huwag sumpain sila nang hindi sinasadya sa pamamagitan ng mga negatibong komento o nakakapinsalang saloobin. Sa halip, sadyang pagpalain sila ng pagmamahal, pampatibay-loob, at katotohanan ng Diyos.
By: George Thomas
More