Home/Makatawag ng Pansin/Article
Ang pangunahing dahilan kung bakit ang mga kilusang pang karapatang pambayan noong dekada ng 1950’s at 1960’s ay naging matagumpay kapwa sa moral at praktikal dahil sa ito ay pinamunuan ng mga taong may matibay na kaalaman sa pangrelihiyon. Ang pinaka- kilala sa mga pinuno na ito ay, siyempre, si Martin Luther King. Upang mapahalagahan ang banayad na ginagampanan sa pagitan ng pangrelihiyon at ng kanyang mga praktikal na gawain, ibabaling ko ang inyong pansin sa dalawang paksa- Ito ay ang, kanyang Sulat mula sa Birmingham Bilangguan ng Lungsod at ang kanyang “Ako ay may Pangarap” na pagsasalita, kapwa mula sa 1963.
Habang nakabilanggo sa Birmingham dahil sa pamumuno ng isang hindi marahas na protesta, tumugon si King para tiyakin sa ilang mga kapwa kristiyanong ministro na pinuna sa kanya sa kanyang pagmamadali na inaasahang pagbabago sa lipunan na hindi ito mangyayari sa magdamag. Sinagot ng ministro ng Baptist ang kanyang mga puna marahil sa isang nakakagulat na paraan, na humihingi ng tulong sa isang teologo ng Katolikong medyebal. Ibinaling ni King ang kanilang pansin sa mga pagmumuni-muni ni San Thomas Aquinas tungkol sa batas, partikular ang teorya ni Thomas na ang positibong batas ay makikita ang katwiran na may kaugnayan sa likas na batas, na makikita ang katwiran nito na may kaugnayan sa walang hanggang batas. Ang ibig sabihin ni Aquinas ay kung paano ito nagiging praktikal, ang pang araw-araw na batas na matuwid kahit papaano ay nagbibigay pahayag sa mga alituntunin ng batas ng moral, na siya namang sumasalamin sa sariling isip ng Diyos. Samakatuwid, pinagtibay ni King, ang hindi makatarungang mga positibong batas, tulad ng mga regulasyon ni Jim Crow na sinasalungat niya, at ang mga ito ay hindi lamang mga masasamang batas; kung hindi sila ay mga imoral at sa huli ay taliwas sa Diyos.
Narito ang sariling wika ni King: “Maaaring may magtanong ‘Paano mong itataguyod ang paglabag sa ilang mga batas at pagsunod sa iba? Ang sagot ay nakasalalay sa katotohanan na mayroong dalawang uri ng batas: makatarungan at hindi makatarungan. Ako ang unang magtataguyod sa pagsunod sa makatarungang batas. Bawat isa ay may pananagutan na sundin hindi lamang ang ligal kung hindi pati ang moral na batas. Ngunit pagkatapos ipinaalam ni King ang kaibahan ng pagsunod sa hindi makatarungang batas: “Sa kabaligtaran, bawat isa ay may moral na pananagutan sa pagsuway sa mga hindi makatarungang batas, Sumasang-ayon ako kay San Augustine na “ang hindi makatarungang batas ay walang batas sa kabuuan, bumaling siya kay Aquinas: Ano ngayon ang pagkakaiba ng dalawa? Paano matutukoy ng bawat isa kung ang batas ay makatarungan o hindi makatarungan? Ang makatarungang batas ay binabalangkas ng tao na may alituntunin na pumapanig sa batas ng moral o sa batas ng Diyos. Ang hindi makatarungang batas ay isang alituntunin na hindi naaayon sa batas ng moral. Upang malagay ito sa tuntunin ni San Thomas Aquinas: Ang hindi makatarungang batas ay isang batas ng tao na hindi nakaugat sa walang hanggan at likas na batas. Hindi ito banal na kinatawan; sa halip, inihayag nito kung ano ang dahilan at layunin ng kilusan ni King.
Parehong pamamaraan ang nakalahad makalipas ang anim na buwan, nang harapin ni King ang makapal na tao na nagtitipon-tipon sa Lincoln Memorial para mag martsa sa Washington. Hindi siya nagbigay ng pangaral. Siya ay nagtalumpati ng pang pulitikang nagsusulong sa pampublikong lugar para sa lipunang pagbabago. Ngunit alalahanin ang ilan sa wika na ginamit niya:”May panaginip ako na isang araw ang bawat lambak ay itataas, at ang bawat burol at bundok ay ibababa, ang magulong lugar ay magiging payak, at ang mga baluktot na lugar ay magiging tuwid; ‘At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag kasama ang kanyang buong pagkatao.”’ Direkta niyang iniuugnay ang rebolusyong panlipunan na itinataguyod niya sa mahiwagang pangitain ng propetang ISAIAS. At pakinggan ang kahanga-hangang pagtatapos ng kanyang talumpati na kung saan masining niyang pinagsama ang mga titik ng isang awit na makabayan ng Amerikano sa mga titik ng isang awit na kinakanta niya kasama ang kanyang pamilya sa kanilang simbahan: “At kapag nangyari ito, at pinayagan natin ang sirkulo ng kalayaan, kung hayaan natin ang sirkulo mula sa bawat bayan at bawat nayon, mula sa bawat estado at bawat Hudyo at mga Hintil, Protestante, at mga Katoliko, ay magagawang magkakahawak kamay na kumanta ng mga lumang salita ng espiritwal na Negro: Malaya na sa wakas! Malaya na sa wakas! Salamat Panginoon na Makapangyarihan, kami ay malaya na sa wakas!”Minsan pa, sa salita ni King, ang mga pampulitikang pugad sa loob ng moral, kung saan namumugad sa loob ng sagrado.
Si Martin Luther King ay nagmula sa kanyang relihiyosong pamana hindi lamang sa mga metapisiko na nagpapaalam sa kanyang pagiging aktibo sa lipunan, kungdi pati na rin ang hindi marahas na pamamaraan na kanyang ipinatupad. Ang isiniwalat ni Jesus sa retorika ng Sermon sa Bundok (“Mahalin mo ang iyong mga kaaway;”Pagpalain mo ang mga sumumpa sa iyo, Ipanalangin mo ang mga taong nagpapahamak sa iyo;” pag sinampal ka sa kaliwang pisngi, ibigay mo pati ang kabilang pisngi;”iba pa;” atbp.) at higit na kapansin-pansin sa kanyang salitang kapatawaran mula sa krus ay ang paraan ng Diyos patungo sa kapayapaan, walang karahasan, at mahabagin. Bilang isang Kristiyano, alam ni King na nasa kanyang mga buto ang pagtugon sa pang-aapi na may karahasan ay magpapalala lamang sa mga tensyon sa loob ng lipunan. Binuo niya ang alituntuning ito sa kanyang isang kilalang pangaral:”Ang pagbabalik ng poot sa poot, ay nagpapadami ng poot, pagdaragdag ng mas malalim na kadiliman sa isang gabi na wala ng bituin. Hindi maitataboy ng kadiliman ang kadiliman; tanging ilaw lang ang makagagawa nito. Ang poot ay hindi maaaring magtaboy ng poot; tanging pag-ibig lamang ang makagagawa nito.”
Sa loob ng mga limitasyon ng maikling artikulong ito, Hindi ko masimulan ng maayos ang pagtugon sa kaguluhan sa lipunan na nagaganap sa ating kultura ngayon. Ngunit sasabihin ko lang ito: Maliwanag at walang alinlangan na may malubhang kakulangan sa moral sa ating lipunan na dapat talakayin, ngunit ang pinakamahusay na paraan upang gawin ito ay sa loob ng moral at sa huli ay ang relihiyosong balangkas. Sana ang pamumuno ni Martin Luther King sa bagay na ito ay maging modelo at gabay.
Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.
Bilang isang batang babae, ginawa ko kung ano ang lahat ng mga tinedyer ay subukan upang gawin – May pakiramdam ako na ako ay naiiba sa aking mga kasamahan. Sa isan lugar sa isang daan, napagisipan ko na ang aking pananampalataya ang aking pagkakaiba. Minasama ko ang aking mga magulang sa pagbibigay sa akin ng bagay na tio na naging pagkakaiba ko. Ako ay naging rebelde at nagsimulang pumunta sa mga kasayahan, disko at panggabihan grupohan. Hindi ako nais na manalangin pa. Gusto ko lamang ang buong kagalakan ng paglalagay sa paganda sa mukha, pag dadamit ng magara, nana naginiginip sa araw tungkol sa kung sino ay magkakaroon sa mga kasayahan, sayawansa buong gabi, at higit sa lahat, lamang 'makiayon doon. ' Ngunit, sa paguwi ko ng isang gabi, habang nakaupo sa kama na nagiisa , nakaramdam ako ako ng pangungulila sa aking kalooban. Namumuhi ako sa naging ako; ito ay isan kabalintuanan na hindi ko nagustuhan kung sino ako , at ganon paman hindi ko alam kung paamo magbago at maging sarili ko. Sa isa sa mga gabing ganoon, habang umiiyak na nagiisa, naalala ko ang simpleng kaligayahan na mayroon ako ng ako ay bata ng alam ko na ang Diyos at ang aking pamilya ay mahal ako. Noon, yun ang mahalaga. Kaya, sa unang pagkakataon sa tagal ng panahon ako ay nagdasal Umiyak ako sa Kanya and hiningi ko sa Kanya na ibalik ako sa dating kaligayahan. Parang binigyan ko Siya ng ultimatum na kapag hindi Niya ipinakita and sarili Niya sa susunod na taon, hindi na ako babalik sa Kanya. Ito ay nakakatakot na dasal, ngunit ito rin ay isang mabisa. Ito ay aking dinasal at nakalimutan ko na ng husto. Ako ay ipinakilala sa Nanal na Misyon ng Pamilya, isang pamayanan na tiraha, kunng saan ppumupunta para matuto ng iyong pananampalataya at mak ilala ang Panginoon. Mayroon araw away na dasal, buhay Sakramento , madalas na kumpisal, araw araw na pagro rosaryo at pagmamasid ng Banal na Oras. Naalalako na naisisp” Ito ay sobrang pagdarsal sa isang araw!” Sa puntong iyon, hindi man lang akong makapagbigay ng limang minute sa aking araw sa Panginoon Kahit paano, ako ay nagtapos na aplayan para sa Misyon. Bawat isang araw, ako ay nauupo sa pagdarasal sa harap ng Eukaristiya Panginoon at tinatanong Siya kung sino ako at kung ano ang layunin ng aking buhay. Dahan dahan ngunit sigurado, ipinkato sa akin ng Paninoon ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Mga Banal na Kasulatan at sap ag gugol ng oras sa katahimikan sa Kanya .Unti unti akong nakatanggap ng pag hilom ng sugat sa aking kalooban at lumago sa pagdarasal at relasyon sa Panginoon. Simula sa pagiging rebelde babaeng tinedger na nawala sa masayahing anak ng Panginoon, ako ay nagtungo sa isang ganap na pagbabago. Oo, gusto ng Panginoon na makilala natin Siya. Ipinakikita Niya ang Kanyang sarili sa atin dahil sinasagot Niya ng tapat kada isang dasal na itaas sa Kanya.
By: Patricia Moitie
MoreT: Sinasabi ng aking mga kaibigan sa Protestante na ang mga Katoliko ay naniniwala na kailangan nating makuha ang ating kaligtasan. Sinasabi nila na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at hindi namin maaaring magdagdag sa anumang bagay na ginawa ni Jesus para sa atin sa Krus. Ngunit hindi ba kinakailangan nating gawin ang mabuting gawa upang makakuha ng langit? S: Ito ay isang lubhang malaking maling kahulugan para sa parehong mga Protestante at Katoliko. Maaari itong magiging teolohiya, ngunit sa katunayan ito ay may malaking impluwensiya sa ating espirituwal na buhay. Ang katotohanan ay ito: Tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya—ang ating paniniwala kay HesuKristo na nabubuhay sa ating mga salita at mga gawa. Kailangan nating maging malinaw—hindi natin kinakailangan na makuha ang ating kaligtasan, gaya ng pagkaligtasan ay isang premyo kung ating dumating ang isang tiyak na antas ng mabuting gawa. Alamin ang mga ito: sino ang una na maliligtas? Ayon kay Jesus, ito ang mabuting magnanakaw. Habang siya'y karapat-dapat ay inilabas sa krus dahil sa kanyang masamang gawa, siya ay sumigaw kay Jesus para sa kapayapaan, at ipinangako sa kaniya ng Panginoon: “Sa katotohanan sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito ikaw ay kasama ko sa Paraiso.” (Lukas 23:43) Kaya, ang kaligtasan ay binubuo sa radikal na pananampalataya, pag-iisip, at pagbibigay sa kung ano ang ginawa ni Hesus sa Krus upang bumili ng kagandahang-loob. Bakit ito mahalaga? Dahil marami sa mga Katoliko ay naniniwala na ang lahat ng kailangan nating gawin upang maligtas ay maging isang mabuting tao – kahit na ang taong ito ay hindi talagang may buhay na relasyon sa Panginoon. Hindi ko maaaring magsimulang sabihin sa iyo kung gaano karaming mga tao ang nagsasabi sa akin ng isang bagay tulad ng: “Oh, ang aking ama ay hindi kailanman pumunta sa Mass o nagtanong, ngunit siya ay isang magandang tao na ginawa ng maraming mabuting mga bagay sa kanyang buhay, kaya alam ko na siya ay sa langit.” Habang tiyak na inaasahan natin na ang ama ay maliligtas sa pamamagitan ng kapayapaan ng Diyos, hindi ang ating kagandahang-loob o mabuting gawa ang nagliligtas, kundi ang buhay na kamatayan ni Hesus sa Krus. Ano ang mangyayari kung ang isang kriminal ay itinuturo para sa isang krimen, ngunit siya ay sinabi sa hukom, “Ang iyong karangalan, ako ay gumawa ng krim, ngunit tingnan ang lahat ng iba pang mga mabuting mga bagay na ginawa ko sa aking buhay!” Magpapahintulot ba siya ng hukom? Hindi — siya pa rin ay dapat magbayad para sa krimen na ginawa niya. Gayon din naman, ang ating mga kasalanan ay nagkaroon ng halaga—at si Jesucristo ay dapat magbayad para sa mga ito. Ang pagbabayad ng utang ng kasalanan ay inilapat sa ating mga kaluluwa sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit, ang pananampalataya ay hindi lamang isang intelektwal na ehersisyo. Kailangang mabuhay ito. Tulad ng sinulat ni Santiago: “Ang pananampalataya na walang mga gawa ay patay” (2:24). Hindi sapat na sabihin lamang, “Ngunit, ako'y naniniwala kay Jesus, kaya maaari kong magkasala ngayon kung gaano ako nais.” Sa makatuwid baga'y sapagka't kami ay pinatawad at naging mga tagapagmana ng Kaharian, dapat tayong magsigawa bilang mga taga-Harian, tulad ng mga anak na lalake at anak na babae ng Hari. Ito ay napaka-iba mula sa pagsisikap na makakuha ng ating kaligtasan. Kami ay hindi gumagawa ng mabuting gawa dahil nananampalataya namin ang kapatawaran; kami ay gumagana ng mabuti dahil kami ay napatawad na. Ang aming mga mabuting gawa ay tanda na ang Kanyang kapatawaran ay buhay at aktibo sa ating buhay. Sa katunayan, sinasabi sa atin ni Hesus: “Kung kayo'y mapagmahal sa akin, ay inyong iingatan ang aking mga utos.” (Juan 14:15) Kung minamahal ng isang lalake ang kanyang asawa, siya ay maghanap ng mga tiyak na paraan upang ipagpala sa kanya—pagbigay ng bunga sa kanya, paggawa ng mga piraso, pagsulat sa kanya ng isang memorya ng pag-ibig. Siya ay hindi kailanman sabihin, “Well, kami ay may-asawa, at siya alam ko ibigin siya, kaya ako ngayon ay maaaring gawin ang anumang gusto ko.” Gayon din naman, ang isang kaluluwa na nakikilala ng mapagmahal na pagibig ni Hesus ay natural na nais na makakapagpasaya sa Kanya. Kaya, upang tumugon sa iyong tanong, Katoliko at Protestante ay talagang mas malapit sa isyu na ito kaysa sa kanilang alam! Kami pareho ay naniniwala na kami ay maliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya—sa pamamagitan ng buhay na pananalangin, na ipinaliwanag sa buhay ng mabuting gawa bilang tanda ng pagpapasalamat para sa mahalagang, libreng kaloob ng kaligtasan na kinuha ni Kristo para sa atin sa Krus.
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreAko’y nagtatahak ng aking lumang panaligang talaarawan na kung saan ay naisulat ko ang mga ilang mga isinasamong dalangin. Sa aking pagkagulat, ang bawa’t isa sa mga yaon ay nabigyang-tugon! Sino man ang gumagawa ng madaliang pagsulyap ng mga balita nitong mga araw ay maaaring makita ang kanilang mga sarili na nagigipit, nagtataka kung saan ang Diyos, nangangailangan ng pag-asa. Alam kong natagpuan ko na ang aking sarili sa ganitong tayô sa tiyak na mga araw. Nadarama natin na hindi tayo makapagpigil, at nais nating malaman kung anong dapat gawin tungkol sa lahat ng kakila-kilabot na mga bagay na ating nakikita. Nais kong magbahagi sa inyo ng isang salaysay. May iilang mga taon nang lumipas, ako’y nagsimulang magsulat ng talaarawan ng mga dalanginang kahilingan ng mga tao at mga bagay na aking ipinagdarasal. Ako’y madalas na nagdarasal ng Rosaryo para sa mga ito, na ginagawa ko pa rin para sa mga pinapanalangin. Isang araw, ako’y nakatagpo ng isang lumang talaarawan ng aking mga naisulat na mga dasaling hinihiling. Sinimulan kong basahin nang mabuti ang mga pahina ng aking naisulat noong nakaraan. Ako ay namangha. Ang bawa’t dalangin ay sinagot—maaring hindi lagi sa mga paraang inakala kong ang mga ito’y masasagot—ngunit sila’y nasagot. Ang mga ito ay hindi mga mumunting dalangin. “Mahal na Panginoon, nawa’y tulungan Mo ang aking tiyahin na tigilan ang pag-inom ng alak. Mahal na Panginoon, nawa’y tulungan Mo ang aking baog na kaibigan na magkaroon ng mga anak. Mahal na Panginoon, nawa’y malunasan Mo ang aking kaibigan sa kanser.” Hanggang natumbok ko nang pababa ang pahina, natanto ko na ang bawa’t dasal ay nasagot. Karamihan ay sa higit na malaki at higit na paraan kaysa sa aking hinaraya. Mayroong dalawa, na sa unang sulyap, ay inakala kong hindi nasagot. Isang babaeng kaibigan na nangangailangan ng lunas sa kanser ay pumanaw na, ngunit nagunita ko nang siya ay namatay, siya’y nakapagkumpisal at nabasbasan ng pagpahid para sa malubha bago siya nabawian. Siya’y namatay nang matiwasay sa piling ng Diyos, na napalibutan ng Kanyang nakalulunas na biyaya. Ngunit maliban sa yaon, ang karamihan sa mga dasalin ay nasagot dito sa mundo. Maraming mga dasal na hinihiling ay tila mga bundok na napakalaki, ngunit sila’y napaurong na. Ang biyaya ng Diyos ay idinadala ang ating mga dalangin at ang sigasig natin sa pagdasal, at pinagagalaw Niya ang lahat ng bagay patungo sa kabutihan. Sa tahimik ng aking dasal, narinig ko ang bulong, “Palagi Ko nang ginagawa ang lahat ng mga bagay na ito sa buong panahon. Palagi na Akong nagsusulat ng mga salaysay na ito. Magtiwala ka sa Akin.” Naniniwala akong tayo'y nasa mapanganib na mga panahon. Ngunit ako rin ay naniniwala na tayo ay nilikha para sa mga panahong ito. Maaari mong sabihin sa akin, “Ang iyong mga panariling hiling sa dasal na nasagot ay tilang dakila, ngunit maraming mga bansa ay nakikipagdigmaan.” At ang tugon ko sa yaon ay, muli, walang hindi maaari sa ngalan ng Diyos, ni kahit ang pagtigil ng digmaan sa pamamagitan ng ating mga dalangin. Nagugunita ko itong nangyayari sa nakaraan. Dapat tayong manalig na ang Diyos ay makakikilos nang ganyang kadakila ngayon din. Alang-alang sa mga hindi pa gaanong matanda na makagugunita, mayroong isang malagim na panahon na tila magkakaroon ng pagligo ng dugo. Ngunit dahil sa kapangyarihan ng Rosaryo, mga pangyayari ay nagbago. Ako’y nasa ikawalong baytang, at aking natatandaan noong naririnig ko ang tungkol sa lahat ng kaguluhan sa Pilipinas. Si Ferdinand Marcos ang diktador ng yaong bansa sa yaong panahon. Ito’y nagsasahugis na maging isang madugong digmaan na may iilang mga taong patay na. Isang matatag na manunuri ni Marcos, si Benigno Aquino, ay pinaslang. Ngunit ito ay hindi naging isang madugong digmaan. Ang Pangunahing Obispo Jaime Sin ng Maynila ay nanawagan sa mga tao na magdasal. Sila ay nagsilabasan sa harap ng panghukbong mga kawal, nagdarasal ng Rosaryo nang malakas. Sila ay tumindig sa harap ng mga tangke habang nagdarasal. At pagkaraan, isang kahima-himalang bagay ang nangyari. Ang militar ay ibinaba ang kanilang mga sandata. Kahit ang pangkalahatang medya, ang Chicago Tribune, ay inilathala kung paano ang “Mga baril ay sumuko sa mga Rosaryo.” Ang pag-aalsa ay lumipas, at ang luwalhati ng Diyos ay naipakita. Huwag hintuang magtiwala sa mga himala. Asamin natin ang mga ito. Idasal ang Rosaryo sa bawa’t pagkakataon na magkakaroon tayo. Alam ng Panginoon na ang mundo ay kinakailangan ito.
By: Susan Skinner
MoreMaaari kang maging isang mahusay na mananayaw o hindi, ngunit tinatawag ka pa rin upang umindayog sa sayaw na ito ng buhay. Ito ay isang magandang umaga; ang araw ay sumisikat nang maliwanag, at ramdam ko ang init nito na tumatagos sa aking pagod na mga buto. Sa kabaligtaran, sa isip, ako ay nasa mahusay na espiritu, nalilibang sa mga magagandang tanawin ng Perth habang naglalakad ako sa baybayin ng Matilda Bay. Huminto ako sa tabing ilog para hayaang mapuno ng natural na kagandahan ang aking mga pandama. Ang himig ng mga alon na humahampas sa baybayin, ang malamig na simoy ng hangin na marahang humahaplos sa aking buhok habang ito ay sumasayaw paglampas sa mga puno, ang banayad na amoy ng asin at kagubatan, ang pinong mosaik ng maliliit na mga puting kabibi na pinalamutian ang buhangin...Nakaramdam ako ng labis na pagkalula sa karanasan. Isang imahe ng bulwagan ng sayawan ang bumungad sa aking isipan. Sa aking isip, nalarawan ko ang Diyos na nakikipagsayaw sa akin... Pagsabay Kapag sinimulan mo ang pagsasayaw sa bulwagan, mayroong isang yugto kung saan ang iyong buong atensyon ay nakatuon sa pagsisikap na manatiling makasabay sa iyong kapareha at maiwasan ang mga pagkakamali. Ikaw ay nilamon ng takot na matisod sa mga paa ng ibang tao o igalaw ang maling paa sa maling direksyon. Dahil dito, ang pagsisikap na pigilin ang iyong mga galaw ay naninigas at nagiging matigas ang iyong katawan, na nagpapahirap sa iyong kapareha na akayin ka sa mga hakbang ng sayaw. Ngunit kung magluluwag ka, umimbay sa musika, at hayaan ang iyong kapareha na maging gabay, aakayin ka niya sa isang maganda, kaakit-akit, maindayog na sayaw. Kung hahayaan mong mangyari ito, mabilis kang matututong sumayaw nang kasing ganda ng iyong kapareha, pakiramdam mo ang iyong mga paa ay gumagalaw nang maganda sa buong bulwagan habang tinatamasa mo ang ritmo ng sayaw. Humawak ka sa Aking Mga Kamay Sa pagninilay-nilay sa larawang iyon, naramdaman kong parang sinasabi ng Diyos: “Ikaw at Ako ay magkatuwang sa sayaw na ito ng buhay, ngunit hindi tayo makakasayaw nang mabuti nang magkasama kung hindi mo ako pahihintulutan na pangunahan ka. Ako ang dalubhasa, na gumagabay sa iyo upang maging mahusay ka kung susundin mo Ako, ngunit hindi Ko magagawa ito kung pipilitin mong panatilihin ang pagkontrol. Sa kabaligtaran, kung isusuko mo ang iyong sarili at hahayaan Akong pangunahan ka sa sayaw na ito, pananatilihin Ko ang iyong kaligtasan, at makakapagsayaw tayo nang maganda. Huwag kang matakot na matisod sa Aking mga paa dahil alam Ko kung paano ka gagabayan. Kaya, ipagkatiwala mo ang iyong sarili sa Aking yakap at samahan Ako sa sayaw na ito nang magkasama. Saan man tayo dalhin ng musika, ituturo ko sa iyo ang daan.” Habang pinag-iisipan ko ang mga kaisipang ito, nadama ko ang isang malalim na pasasalamat sa Diyos, na palaging naroroon sa aking buhay, na umaakay sa akin sa sayaw na ito. Alam niya ang bawat iniisip at hangarin ko at hinding-hindi nagkukulang na isakatuparan ang mga ito sa paraang hindi ko inaasahan (Awit 139). Sinasamahan ng Diyos ang bawat isa sa atin sa sayaw na ito ng buhay, laging handang kunin tayo sa Kanyang mga bisig upang gabayan tayo nang buong kadalubhasaan. Ang ilan sa atin ay mga baguhan, nagsasagawa pa rin ng mga maliliit na hakbang, habang ang iba ay sapat na ang kaalaman upang tulungan ang iba, ngunit wala ni isa sa atin ang napakahusay na para kayaning lumayo sa nangungunang mananayaw. Mas Masaya, Mas Hindi Nababalisa Kahit na ang Ating Ina, ang perpektong kapareha ng Diyos sa pagsasayaw, ay alam na ang kanyang kadalubhasaan sa sayaw ay nagmumula sa pagsunod sa Kanyang bawat kilos nang may perpektong biyaya. Mula sa murang edad, tinanggap ni Maria ang Kanyang mapagmahal na yakap, ganap na sinusunod ang Kanyang pamumuno kahit sa pinakamaliliit na mga bagay. Ang kanyang tainga ay nakatuon sa ritmo ng makalangit na musika upang hindi siya makagawa ng maling hakbang. Si Maria ay ganap na kaisa ng Diyos sa isip at puso. Ang kanyang kalooban ay lubos na naaayon sa Diyos kaya't nasabi niya: “Maganap nawa sa akin ang ayon sa Iyong kalooban” (Lukas 1:38). Kung ano ang gusto ng Diyos ay iyon din ang gusto ni Maria. Kung bibitawan muna natin ang ating pagnanais na paglingkuran ang ating sarili at, tulad ni Maria, mawawala ang ating sarili sa yakap ng Panginoon, ang ating buhay ay magiging mas malaya, mas masaya, mas makabuluhan, at hindi gaanong mababalisa, malulumbay, at manlulumo.
By: Father Peter Hung Tran
MoreSa edad na anim, nagpasya ang isang batang babae na hindi niya gusto ang mga salitang 'kulungan' at 'binitin'. Hindi niya alam na sa edad na 36, makakasama niya ang mga bilanggo sa death row. Noong 1981, nasa unang pahina ng mga balita sa Singapore at sa buong mundo ang nakakagulat na pagpatay sa dalawang bata. Ang pagsisiyasat ay humantong sa pag-aresto kay Adrian Lim, isang tagapamagitan na sekswal na nang-abuso, nangikil, at nakontrol ang isang hilera ng mga kliyente sa pamamagitan ng panloloko sa kanila sa paniniwalang siya ay may kahima-himalang kapangyarihan, pinahirapan sila sa pamamagitan ng paggamit ng may kuryenteng 'terapewtika.' Isa sa kanila, si Catherine, na aking naging isang estudyante na pumunta sa kanya upang gamutin ang kanyang depresyon pagkatapos ng kamatayan ng kanyang lola. Siya ay ginawang babaing bayaran at inabuso ang kanyang mga kapatid. Nang mabalitaan kong kinasuhan siya ng pakikisama sa mga pagpatay, pinadalhan ko siya ng sulat at isang magandang larawan ng Sacred Heart of Jesus. Pagkalipas ng anim na buwan, sumulat siya pabalik, na nagtatanong, "Paano mo ako kayang mahalin pagkatapos ng mga nagawa kong mga masasamang bagay?" Sa sumunod na pitong taon, binisita ko si Catherine linggu-linggo sa bilangguan. Pagkatapos ng mga buwan ng pagdarasal na magkasama, ginusto niyang humingi ng tawad sa Diyos at sa lahat ng taong nasaktan niya. Pagkatapos niyang ikumpisal ang lahat ng kanyang mga kasalanan, nagkaroon siya ng totoong kapayapaan, para siyang naging ibang tao. Nang masaksihan ko ang kaniyang pagbabalik-loob, ako ay tuwang-tuwa sa aking sarili, ngunit ang aking ministeryo sa mga bilanggo ay nagsisimula pa lamang! Pagbabalik Tanaw Lumaki ako sa isang mapagmahal na pamilyang Katoliko na may 10 anak. Tuwing umaga, lahat kami ay sama-samang pumupunta sa misa, at ginagantimpalaan kami ng aking ina ng almusal sa isang kapihan malapit sa simbahan. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, ito ay tumigil sa pagiging tungkol sa pagkain para sa katawan at naging tungkol lamang sa pagpapakain para sa kaluluwa. Nababakas ko pa ang aking pagmamahal sa Eukaristiya sa mga misa ng madaling araw kasama ang aking pamilya kung saan inihasik ang binhi ng aking bokasyon. Ipinadama ng aking ama sa bawat isa sa amin na lalo kaming minamahal, at hindi kami kailanman nakalimot na masayang tumakbo sa kanyang mga bisig sa kanyang pagbabalik mula sa trabaho. Noong panahon ng giyera, kapag kailangan naming tumakas sa Singapore, siya ay nagtuturo ng pampaaralan sa amin sa bahay. Tinuturuan niya kami ng paulinigan tuwing umaga, na hinihiling niya sa amin na ulitin ang isang sipi kung saan may nasentensiyahan ng kamatayan sa kulungan ng Sing Sing. Sa murang edad na anim, alam ko na na hindi ko gusto ang talatang iyon. Kapag ako na, imbes na basahin ko, binibigkas ko ang Hail Holy Queen. Hindi ko alam na balang araw ay mananalangin ako kasama ng mga bilanggo. Hindi pa huli Kailanman Nang simulan kong bisitahin si Catherine sa bilangguan, maraming iba pang bilanggo ang nagpakita ng interes sa aming ginagawa. Sa tuwing may hihiling na isang bilanggo na dalawin, natutuwa akong makilala sila at ibahagi ang maibiging awa ng Diyos. Ang Diyos ay isang mapagmahal na Ama na laging naghihintay sa atin na magsisi at bumalik sa Kanya. Ang isang bilanggo na lumabag sa batas ay katulad ng Alibughang Anak, na natauhan nang siya ay umabot sa pinakamababa at napagtanto, "Maaari akong bumalik sa aking Ama." Nang siya ay bumalik sa kanyang Ama, humihingi ng kapatawaran, ang Ama ay tumakbo palabas upang salubungin siya pabalik. Hindi pa huli kailanman para sa sinuman na magsisi sa kanilang mga kasalanan at magbalik sa Diyos. Pagyakap sa Pag-ibig Nalaman ni Flor, isang babaeng Pilipinong inakusahan ng pagpatay, ang tungkol sa aming ministeryo mula sa iba pang mga bilanggo, kaya binisita ko siya at sinuportahan siya habang inaapela niya ang kaniyang hatol na kamatayan. Matapos tanggihan ang kanyang apela, galit na galit siya sa Diyos at ginustong huwag ko na siyang pakialaman. Sa pagdaan ko sa kanyang pintuan, sinabi ko sa kanya na mahal pa rin siya ng Diyos kahit anong mangyari, ngunit naupo siya sa kawalan ng pag-asa habang nakatitig sa blangkong dingding. Hiniling ko sa aking grupo ng panalangin na dasalin ang Nobena ng Our Lady of Perpetual Succor at ialay ang kanilang mga paghihirap para sa kanya. Pagkalipas ng dalawang linggo, biglang nagbago ang puso ni Flor at hiniling niya akong bumalik kasama ang isang pari. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa dahil binisita ng Mahal Na Ina ang kanyang selda, sinabihan siyang huwag matakot dahil sasamahan siya hanggang sa wakas. Mula sa sandaling iyon, hanggang sa araw ng kanyang kamatayan, tanging saya ang nasa puso niya. Ang isa pang hindi malilimutang bilanggo ay isang lalaking Australyano na nakulong dahil sa pagbebenta ng droga. Nang marinig niya akong kumakanta ng isang himno sa Ating Ina sa isa pang bilanggo, labis siyang naantig anupat hiniling niya sa akin na dalawin siya nang regular. Ang kanyang ina ay nanatili sa amin nang bumisita siya mula sa Australia. Sa kalaunan, hiniling din niya na mabinyagan bilang isang Katoliko. Mula sa araw na iyon, siya ay puno ng saya, kahit na ng siya ay naglalakad papunta na sa bitayan. Ang superintendente doon ay isang binata, at habang ang dating nagbebenta ng droga na ito ay naglalakad patungo sa kanyang kamatayan, lumapit ang opisyal na ito at niyakap siya. Napaka kakaiba, at nadama namin na parang ang Panginoon Mismo ang yumakap sa binatang ito. Hindi mo lang maiwasang maramdaman ang presensya ng Diyos doon. Sa katunayan, alam ko na sa bawat pagkakataon, nariyan sina Inang Maria at Hesus para tanggapin sila sa langit. Naging isang kagalakan para sa akin na tunay na maniwala na ang Panginoon na tumawag sa akin ay naging tapat sa akin. Ang kagalakan ng pamumuhay para sa Kanya at para sa Kanyang mga tao ay higit na kapaki-pakinabang kaysa anupaman.
By: Sister M. Gerard Fernandez RGS
MoreIsang espesyal na panayam kay Dr. Thomas D. Jones na nagpunta sa apat na magkakahiwalay na misyon ng sasakyang pangalanggang kasama ang NASA. Sa isa sa mga misyon na iyon, talagang nagawa niyang dalhin ang Eukaristiya! Sabihin mo sa amin kung ano ang pakiramdam na nasa kalawakan na nakatingin sa mga bituin at pabalik sa Mundo. Paano ito nakaapekto sa iyong pananampalataya kay Hesus? Upang matupad ang aking propesyonal na pangarap na lumipad sa Kalawakan, na inaasahan ng bawat astronaut, kinailangan kong maghintay ng halos 30 taon. Kaya ang aking unang paglipad ay ang pagsasakatuparan ng isang pangarap sa pagkabata. Ang pagtingin sa napakalawak na tanawin na ito ng kosmos na nakapalibot sa ating planeta, ay nagbigay sa akin ng pagkakataong isipin kung bakit ako naroon. Napaka-emosyonal na karanasan na tunay na makita ang hindi kapani-paniwalang kagandahan ng uniberso, at ang ating planetang tahanan sa lahat ng magagandang pagkakaiba-iba nito—talagang nakamamanghang. Nadama ko lang ang labis na pasasalamat sa Diyos para sa pagkakataong naroroon nang pisikal—nalulula sa Kanyang biyaya at Presensya. Kilala ka bilang isa sa mga astronaut na nagawang dalhin ang Eukaristiya sa kalawakan. Para sa ating lahat na mananampalataya, iyan ay nakaka-inspire. Maaari mo bang ibahagi ang buong karanasan? Ito ay tiyak na kamangha-mangha sa aming lahat na lumahok. Ang isang tao ay hindi maaaring pumunta kahit saan kasing layo ng espasyo at kalimutan ang tungkol sa iyong espirituwal na buhay. Pananampalataya ang tumulong sa akin na magtagumpay sa Mundo at ito ang parehong pananampalataya na inaasahan kong tulungan akong magtagumpay sa kalawakan. Sa aking unang paglipad noong 1994, sakay ng sasakyang pangalangaang , Endeavour, may dalawa pang Katolikong astronaut. Nang kami ay nagsama-sama upang maghanda para sa 11 araw na misyon, napag-usapan namin kung gaano kasarap dalhin ang Eukaristiya sa kalawakan. Kaya, dahil si Kevin Chilton, ang aming piloto sa paglipad, ay isang pambihirang ministro ng Banal na Komunyon, kami ay nakatanggap ng pahintulot mula sa aming pastor na dalhin ang Banal na Sakramento. Ang bawat sandali ng labing-isang araw na paglipad ay mahigpit na naka-iskedyul, ngunit ang aming Katolikong kumander, si Sid Gutierrez, ay nakahanap ng puwesto mga pitong araw, nang kami ay komportable sa takbo ng misyon, para sa isang sampung minutong serbisyo ng Komunyon. . Kaya, sa Linggo na iyon - ang aming ikalawang Linggo sa kalawakan - huminto kami sa lahat ng gawain ng misyon upang gumugol ng sampung minutong mag-isa sa sabungan kasama ang Diyos na ginawang posible ang lahat ng ito, at ibahagi ang Banal na Komunyon sa Kanya. Sa katunayan, ito ay isang pagkilala na hindi natin mararating ang puntong iyon kung wala ang Kanyang presensya sa atin. Talagang kasiya-siya na dalhin ang ating buhay-pananampalataya sa kalawakan at malaman na Siya ay naroroon, pisikal, kasama natin. Nahirapan ka na bang pagsamahin ang Agham at Pananampalatya? Maaari mo bang ipaliwanag ang kaugnayan ng agham at pananampalataya? Sa kabuuan ng aking propesyonal na karera, marami akong nakilalang mga siyentipiko na espirituwal, at mayroon silang sariling mga kasanayan sa pananampalataya. Dito mismo sa hilagang Virginia, nakilala ko ang ilang Katolikong siyentipiko at inhinyero sa sarili kong simbahan na may matibay na pananampalataya. Naniniwala sila sa Paglikha ng Diyos, at sa inspirasyon ng Bibliya kung paano natin naiintindihan ang uniberso. Sa tingin ko karamihan sa mga tao ay may ilang mga espirituwal na elemento sa kanilang buhay. May kilala akong mga astronaut na hindi pormal na relihiyoso, ngunit lahat sila ay naantig ng espirituwal na karanasan ng paglalakbay sa kalawakan. Kaya nalaman ko na karamihan sa mga tao ay bukas sa kung ano ang ibinubunyag ng uniberso at ng natural na mundo sa ating paligid kung paano natin naiintindihan ang Nilikha. Ang mga siyentipiko ay napaka-mausisa, tulad ng lahat ng tao, tungkol sa kalikasan ng uniberso at kung ano ang maaari nating malaman tungkol dito. Para sa akin, ito ay isang senyales na ang agham at espiritwalidad ay magkasabay. Ang ating pagkamausisa at interes sa kalikasan at kung paano ito gumagana, kung paano pinagsama-sama ang uniberso at kung paano ito nilikha—ang pag-uusisa na iyon ay ibinigay sa atin dahil tayo ay ginawa ayon sa pagkakahawig ng Diyos. Iyan ay bahagi ng Kanyang personalidad na ibinigay sa atin. Kaya sa tingin ko ang paghahanap na ito ng katotohanan tungkol sa natural na mundo ay bahagi ng ating likas na kalikasan bilang tao. Naniniwala ako na ang paghahanap ng kaalaman ay isang bagay na nagbibigay ng labis na kasiyahan sa Diyos—ang makita ang mga nilalang na Kanyang ginawa na naghahanap ng mga lihim kung paano Niya pinagsama-sama ang uniberso. Bale, hindi Niya sinusubukang ilihim ito. Nais niya lamang itong maipakita sa pamamagitan ng ating sariling pagsisikap, talino at pagkamausisa. Kaya, para sa akin, walang masyadong salungatan sa pagitan ng Agham at Kalikasan at Espirituwalidad. Sa tingin ko ang mga taong nagsisikap na paghiwalayin sila ay sinusubukang hatiin ang kalikasan ng tao sa isang makatwirang kalahati at kalahating espirituwal. Siyempre, hindi iyon magagawa. Ang isang tao ay isang tao na ang kalikasan ay hindi maaaring paghiwalayin. Sa iyong mga misyon sa kalawakan, nagagawa mo, sa maraming paraan, ang ehemplo ng tagumpay ng tao. Gumagawa ng isang bagay na talagang mahusay, ngunit nakatagpo pa rin ng isang bagay na higit na mas malaki sa kadakilaan—ang kaluwalhatian at ang kadakilaan ng nilikha ng Diyos...Ano kaya ang pakiramdam na marami kang nagawa, habang kinikilala pa rin ang iyong sariling kaliitan kumpara sa Diyos? Para sa akin, naging kristal ang lahat sa huling misyon ko. Tumutulong ako sa pagtatayo ng istasyon ng kalawakan, gumagawa ng tatlong paglalakad sa kalawakan upang mag-install ng science lab na tinatawag na Destiny. Malapit sa dulo ng aking huling lakad pangkalawakan , nasa labas ako sa pinakaharap na dulo ng istasyon ng pangkalawakan. Dahil nauna ako sa aming iskedyul ng trabaho, hinayaan ako ng Mission Control ng NASA na tumambay nang mga limang minuto doon. Sa pamamagitan ng paghawak sa harapan ng istasyon ng pangkalawakan gamit ang aking mga daliri, nagawa kong umikot sa paligid upang makita ko ang kalawakan ng kalawakan na nakapalibot sa akin. Tumingin ako sa Mundo, 220 milya diretso pababa sa aking bota hanggang sa malalim na asul ng Karagatang Pasipiko. Nakalutang ako doon na nakatingin sa abot-tanaw—isang libong milya ang layo--at pagkatapos ay ang walang katapusang, itim na kalangitan sa itaas ng aking ulo. Humigit-kumulang 100 talampakan sa itaas ko, ang istasyon ng kalawakan ay kumikinang na parang ginto na may sinag ng araw mula sa mga solar panel nito, habang tahimik kaming nahulog sa buong mundo nang magkasama. Ang kahanga-hangang tanawin na ito ay napakaganda na nagpaluha sa aking mga mata. Na-overwhelm ako sa pakiramdam na ito, 'Narito ako, isang lubos na sinanay na astronaut sa istasyon ng kalawakan na ito, na naglilibot sa Mundo, ngunit isa lang akong mahinang tao kumpara sa napakalawak na kosmos na ito.' Medyo hinila ng Diyos ang kurtina para sa akin, hinahayaan akong makita ang kahanga-hangang kalawakan sa personal na paraan. Naramdaman ko, "Oo, napakaespesyal mo dahil nakikita mo ang pananaw na ito", ngunit naalala ko kung gaano tayo kawalang-halaga sa malawak na uniberso na nilikha ng Diyos. Ang pakiramdam na mahalaga at pagpapakumbaba sa parehong oras ay isang regalo mula sa Diyos. Ito ay literal na nagpaluha sa aking mga mata habang ako ay nagpasalamat sa Panginoon, na nasasabik na ibahagi ang pananaw na ito sa Kanya. Napakakaunting tao ang nagkaroon ng karanasan at pribilehiyong makita ang Earth mula sa pananaw na iyon, at lahat ito ay salamat sa Kanya. Maraming kaguluhan sa mundo ngayon...maraming kadiliman at pagdurusa; ngunit kapag tiningnan mo ang mundo alinman mula sa napaka-natatanging vantage point na mayroon ka sa Pangkalawakan o ngayon sa iyong kasalukuyang estado ng buhay, ano ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa? Sa tingin ko kung ano ang nagbibigay-inspirasyon sa akin ay na tayo ay binigyan ng napaka-mausisa na isip ng Diyos. Mayroon kaming likas na pagkamausisa at ginawa kaming mga tagapag ayos ng problema at tagapag siyasatin . Kaya, sa kabila ng lahat ng hamon na dinaranas natin ngayon, ito man ay pandemya, o banta ng digmaan, o pagpapakain ng pitong bilyong tao sa buong mundo, mayroon tayong mga kakayahan na ibinigay sa atin at tinawag tayo gamitin ang mga ito upang malutas ang mga problemang ito. Mayroong isang malawak na uniberso doon, puno ng mga mapagkukunan. Hinahamon tayo nito, ngunit kung titingnan natin ang sistema ng solar at ang uniberso sa kabila ng ating tahanan, maraming bagay ang magagamit natin. Ang malalaking materyal na mapagkukunan sa Buwan at mga kalapit na asteroid ay maaaring makadagdag sa mga nakikita natin sa mundo. Mayroong napakalaking supply ng solar energy na maaaring kunin mula sa kalawakan at maipakita sa mundo upang tumulong na maibigay sa lahat ang kapangyarihan at kuryente na kailangan nila upang magtagumpay. Mayroon tayong kakayahan na itakwil ang mga masasamang asteroyd na madalas tumama sa Mundo at ang pumunta sa paraan ng mga dinosauro kung gagamitin namin ang mga kasanayan na nakuha namin at ilagay ang aming sarili sa gawain. Nabubuhay tayo sa isang mundo na naghihikayat sa atin na gamitin ang ating pagkamausisa at katalinuhan upang malutas ang mga problemang ito. Kaya't lubos akong umaasa na sa pamamagitan ng paglalapat ng ating mga kasanayan at ng teknolohiyang ating binuo, maaari tayong manatiling nangunguna sa lahat ng mga hamong ito. Tingnan ang bakuna na ginawa natin ngayong taon para labanan ang lasong galing sa inpeksyon. Iyon ay isang marka ng kung ano ang maaari nating gawin kapag inilagay natin ang ating isip sa isang bagay, kung ito ay paglalagay ng isang lalaki sa Buwan o pagpapadala sa unang babae sa Mars. Sa tingin ko, nasa mabuting kalagayan din tayo para sa hinaharap.
By: Dr. Thomas D Jones
MoreAng bago kong bayani ay si Madre Alfred Moes. Napagtanto ko na hindi siya isang pangalang pambahay, kahit na sa mga Katoliko, ngunit siya ay dapat lang. Dumating siya sa aking iskrin ng radar nuon lamang matapos na ako'y maging Obispo ng Diocese ng Winona-Rochester, kung saan ginawa ni Madre Alfred ang karamihan ng kanyang gawain at kung saan siya nakalibing. Sa kanya ay isang kuwento ng kahanga-hangang katapangan, pananampalataya, tiyaga, at lubos na kaliksihan. Maniwala ka sa akin, kapag nakuha mo ang mga detalye ng kanyang mga pakikipagsapalaran, mapapaalalahanan ka ng ilan pang ibang masinop na mga Katolikong Madre: sina Cabrini, Teresa, Drexel, at Angelica, para pangalanan ang ilan. Si Madre Alfred ay isinilang na Maria Catherine Moes sa Luxembourg noong 1828. Nang bata pa, siya ay nabighani sa posibilidad na makagawa ng gawaing misyonero sa mga katutubo ng North America. Alinsunod dito, naglakbay siya kasama ang kanyang kapatid na babae sa New World noong 1851. Una, sumali siya sa School Sisters of Notre Dame sa Milwaukee ngunit matapos nito ay lumipat sa Holy Cross Sisters sa La Porte, Indiana, isang grupo na nauugnay kay Padre Sorin, CSC, ang may tatag ng Unibersidad ng Notre Dame. Matapos makipagbanggaan sa kanyang mga superyor—manapa'y pinagkaugaliang pangyayari para sa walang takot at mapanalig na babaeng ito—nagtungo siya sa Joliet, Illinois, kung saan siya ay naging superyor ng isang bagong kongregasyon ng mga kapatid na Franciscan, at inako ang pangalang 'Madre Alfred.' Nang si Obispo Foley ng Chicago ay nagdtangkang makialam sa pananalapi at mga proyekto sa pagtatayo ng kanyang komunidad, siya ay lumisan para sa mas mainam na pastulan patungo sa Minnesota kung saan siya ay tinanggap ng dakilang Arsobispo Ireland at pinahintulutang magtatag ng isang paaralan sa Rochester. Sa maliit na bayan na iyon sa katimugang Minnesota nagsimula ang Diyos na mabisang magsagawa sa pamamagitan niya. Noong 1883, isang kakila-kilabot na buhawi ang dumaluhong sa Rochester, na ikinamatay ng madami at nag-iwan ng madami pang nawalan ng tirahan at nagdarahop. Isang lokal na doktor, si William Worrall Mayo, ang umako ng tungkuling pangalagaan ang mga biktima ng sakuna. Dahil sa dami ng nasugatan, nanawagan siya sa mga kapatid ni Madre Alfred na tulungan siya. Bagamat sila ay mga guro at hindi mga nars at walang maayos na pagsasanay sa medisina, tinanggap nila ang misyon. Sa kaganapan ng malaking kapinsalaan, mahinahong ipinaalam ni Madre kay Doktor Mayo na nagkaroon siya ng pangitain na ang isang ay dapat itayo sa Rochester, hindi lamang para pagsilbihan ang lokal na komunidad na iyon, kundi ang buong mundo. Gitla sa hindi makatotohanang panukalang ito, sinabi ni Doktor Mayo kay Madre na kakailanganin niyang makalikom ng $40,000 (isang napakalaking halaga nang panahong iyon) upang makapagtayo ng gayong pasilidad. Sinabi naman niya sa doktor na kung makalikom siya ng pondo at makapagpatayo ng ospital, inaasahan niyang siya at ang kanyang dalawang anak na manggagamot ang magpapatakbo sa lugar. Sa loob ng maikling panahon, nakuha niya ang pera, at naitatag ang Saint Mary's Hospital. Tiyak kong naisip mo na, ito ang binhi kung saan tutubo ang makapangyarihang Mayo Clinic, isang sistema ng ospital na sa katunayan, tulad ng inakala ni Madre Alfred noong unang panahon, na nagsisilbi sa buong mundo. Ang matapang na madre na ito ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang tagabuo, tagapag-ayos, at tagapangasiwa, hindi lamang ng ospital na kanyang itinatag, kundi ng ilang iba pang mga institusyon sa timog Minnesota hanggang sa kanyang kamatayan noong 1899 sa edad na pitumpu't isa. Ilang linggo lamang ang nakalipas, nagsulat ako tungkol sa matinding pangangailangan ng mga pari sa aming diyosesis, at hinikayat ko ang lahat na maging bahagi ng isang misyon upang madagdagan ang mga bokasyon sa pagkapari. Laman si Madre Alfred sa isipan maaari ko kayang gamitin ang pagkakataon ngayon upang magtawag ng higit pang bokasyon sa relihiyosong buhay ng kababaihan? Sa anumang dahilan ang huling tatlong henerasyon ng kababaihan ay tila nakagawian nang pagmasdan ang buhay-relihiyoso na hindi karapatdapat pag-ukulan ng kanilang pansin. Bumaba ang bilang ng mga madre mula noong Ikalawang Konseho ng Vaticano, at karamihan sa mga Katoliko, kapag tinanong tungkol dito, ay malamang magsasabi na ang pagiging isang relihiyosong babae ay hindi mangyayari sa ating pemenista na panahon. Kalokohan! Iniwan ni Madre Alfred ang kanyang tahanan nang siya ay napakabata pa, tumawid ng karagatan patungo sa ibang lupain, naging relihiyosa, sinunod ang kanyang mga udyok at sense of mission, kahit na ito ay nagdala sa kanya sa pakikipagtunggali sa mga makapangyarihang nakatataas, kabilang ang ilang mga obispo, ay nagbigay inspirasyon kay Doctor Mayo na magtatag ng kahanga-hangang medikal center sa planeta, at pinangunahan ang pagbuo ng isang orden ng mga madre na nagpatuloy sa pagtatayo at mga kawani ng madaming institusyon ng pagpapagaling at pagtuturo. Siya ay isang babaeng may pambihirang katalinuhan, kasigasigan, simbuyo ng damdamin, katapangan, at pagiging malikhain. Kung may nagmungkahi sa kanya na siya ay namumuhay nang hindi naaayon sa kanyang mga talino o sa ilalim ng kanyang dignidad, nakikinita ko ay magkakatanggap siya ng ilang mga piling salita bilang tugon. Naghahanap ka ba ng feminist hero? Sa iyo na si Gloria Steinem; sa akin na si Madre Alfred anumang araw ng linggo. Kaya, kung may kilala kang kabataang babae na magiging mahusay na relihiyoso, na puno ng katalinuhan, lakas, pagkamalikhain, at kasigasigan, ibahagi sa kanya ang kuwento ni Madre Alfred Moes. At sabihin sa kanya na maaari niyang hangarin ang mismong uri ng kabayanihan.
By: Bishop Robert Barron
MoreAno ang gagawin mo kapag may kumatok sa iyong pintuan? Paano kung ang estranghero ay hindi naging madaling tao? Binibigkas niya ang kanyang pangalan nang may diin, sa Espanyol, na may tiyak na pagmamalaki at dignidad, kaya maaalala mo kung sino siya—Jose Luis Sandoval Castro. Napunta siya sa aming pintuan sa Saint Edward Simbahang Katoliko sa Stockton, California, noong Linggo ng gabi nang ipinagdiriwang namin ang araw ng aming patron. May nagbaba sa kanya sa aming medyo mahirap, may mabuting trabaho na kapitbahayan. Ang musika at ang karamihan ng mga tao ay tila umakit sa kanya na parang magneto papunta sa aming parokya. Paglalahad ng Katotohanan Siya ay isang taong may misteryosong pinagmulan—hindi namin alam kung paano siya nakarating sa simbahan, lalo na kung sino at nasaan ang kanyang pamilya. Ang alam lang namin siya ay 76 taong gulang, may salamin sa mata, nakasuot ng mapusyaw na kulay, na tsaleko, at hinihila ang kanyang bagahe gamit ang kamay. May dala siyang dokumento mula sa Serbisyo sa Imigrasyon at Naturalisasyon na nagbibigay sa kanya ng pahintulot na makapasok sa bansa mula sa Mexico. Nanakawan siya ng kanyang mga personal na dokumento at wala siyang dalang ibang pagkakakilanlan. Nagsimula kaming alamin at tuklasin kung sino si Jose Luis, ang kanyang pinagmulan, ang kanyang mga kamag-anak, at kung mayroon silang anumang pakikipag-ugnayan sa kanya. Siya ay nagmula sa bayan ng Los Mochis sa estado ng Sinaloa, Mexico. Galit, kataksilan, at makalason ang lumabas sa kanyang bibig. Sinabi niya na inalisan siya ng kanyang mga kamag-anak at ninakawan ng kanyang pensiyon sa Estados Unidos, kung saan siya ay nagtrabaho nang maraming taon, habang siya ay pabalik-balik sa Mexico. Sinabi ng mga kamag-anak na aming nakausap na sinubukan nilang tulungan siya sa iba't ibang pagkakataon, ngunit tinawag niya silang mga magnanakaw. Sino ba ang aming paniniwalaan? Ang alam lang namin ay mayroon kaming isang pagala-galang, regular na palaboy mula sa Mexico sa aming mga kamay, at hindi namin siya maaaring talikuran o ilagay ang matandang, mahinang lalaki sa kalye. Walang pakialam, walang kabuluhan, isang kamag-anak ang nagsabi: “Hayaan nyo siyang mag-isang buhayin ang sarili sa mga lansangan.” Siya ay isang taong madaldal, matapang, at masungit, ngunit paulit-ulit siyang nagpapakita ng mga palatandaan ng kahinaan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, at halos mapaiyak siya habang ikinukwento niya kung paano siya ginawan ng masama at pinagtaksilan ng mga tao. Parang tanging nag-iisa na lang siya, iniwanan ng iba. Ang totoo—hindi siya madaling tulungan. Siya ay makulit, matigas ang ulo, at mapagmataas. Ang oatmeal ay masyadong makunat o hindi sapat na makinis, ang kape ay masyadong mapait at kulang sa tamis. Nakakahanap siya ng mali sa lahat. Siya ay isang tao na may napakalaking pitsa sa kanyang mga balikat, galit at bigo sa buhay. "Ang mga tao ay masama at salbahe, sasaktan ka nila," hinaing niya. Sa ganyan ang ganti ko meron ding “Mababait na tao” (mabubuting tao) din. Siya ay nasa arena ng mundo kung saan ang mabuti at masama ay nagsasalubong, kung saan ang mga taong may kabutihan at kabaitan ay naghahalo, tulad ng trigo at ipa ng Ebanghelyo. Higit pa sa isang Malugod na Pagtanggap Anuman ang kanyang mga depekto, anuman ang kanyang saloobin o ang kanyang nakaraan, alam naming dapat namin siyang tanggapin at tulungan bilang isa sa pinakamababa sa mga kapatid ni Jesus. "Nang tinanggap mo ang estranghero, tinanggap mo ako." Kami ay nagmiministeryo kay Hesus mismo, binubuksan ang mga pintuan ng mabuting pakikitungo sa kanya. Si Lalo Lopez, isa sa aming mga parokyano na nagsama sa kanya para sa isang gabi, ay ipinakilala siya sa kanyang pamilya, at dinala siya sa laro ng besbol ng kanyang anak, ay nagsabi: “Sinusubukan tayo ng Diyos upang makita kung gaano tayo kabuti at sa pagiging masunurin, bilang Kanyang mga anak.” Sa loob ng ilang araw, inilagay namin siya sa tirahan ng kura. Nanghihina siya, dumudura ng plema tuwing umaga. Halatang hindi na siya makagala at malayang magpalaboy gaya ng nakasanayan niyang gawin noong kabataan niya. Siya ay may mataas na presyon ng dugo, higit sa 200. Sa isang pagbisita sa Stockton, sinabi niya na siya ay nahampas sa likod ng leeg malapit sa isang simbahan sa bayan. Sinabi ng isang anak na lalaki sa Culiacan, Mexico, na "binuo niya ako" at hindi niya talaga siya kilala bilang kanyang ama, dahil hindi siya kailanman nakasama, palaging naglalakbay, patungo sa El Norte. Ang kwento ng kanyang buhay ay nagsimulang sumiwalat. Nagtrabaho siya sa bukid, nag-aani ng mga cherry, maraming taon na ang nakalilipas. Nagbenta rin siya ng ice cream sa harap ng isang lokal na simbahan ilang taon na ang nakararaan. Siya ay, parang upang banggitin ang klasikong kanta ni Bob Dylan, "tulad ng isang walang direksyon sa sariling bayan, tulad ng isang ganap na hindi kilala, tulad ng isang gumugulong na bato." Nang iwan ni Hesus ang 99 na tupa upang iligtas ang isang naliligaw na tupa, ibinaling natin ang ating pansin sa isang lalaking ito, na maliwanag na iniiwasan ng kaniyang kasamahan. Tinanggap namin siya, pinatira, pinakain, at naging kaibigan. Nalaman namin ang kanyang pinagmulan at kasaysayan, ang dignidad at kasagraduhan niya bilang tao, at hindi bilang isa pang itinapon sa mga lansangan ng lungsod. Ang kanyang kalagayan ay inihayag sa Facebook ng isang babae na nagpapadala ng mga video message ng mga nawawalang tao sa Mexico. Nagtanong ang mga tao: "Paano kami makakatulong?" Isang lalaki ang nagsabi: "Babayaran ko ang kanyang tiket pauwi." Si Jose Luis, isang lalaking hindi marunong magbasa, magaspang at hindi dalisay, ay dumating sa aming pista ng parokya, at sa biyaya ng Diyos, sinubukan namin, sa maliit na paraan, na tularan ang halimbawa ni Santa Mother Teresa, na malugod na tinanggap ang mga dukha, ang pilay, ang may sakit, at ang mga itinapon ng mundo sa kanyang sirkulo ng pag-ibig, ang piging ng buhay. Sa mga salita ni San Juan Pablo II, ang pakikiisa sa iba ay hindi isang pakiramdam ng hindi tiyak na pakikiramay o mababaw na pagkabalisa sa mga kasawian ng iba. Ito ay isang paalala na tayo ay nangangako sa ikabubuti ng lahat dahil lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa.
By: Father Alvaro Delgado
MoreNoong unang bahagi ng 1900s, hiniling ni Pope Leo XIII sa kongregasyon ng Misyonaryong Kababihan ng Sagradong Puso na pumunta sa Estados Unidos upang maglingkod sa malaking bilang ng mga imigrante na Italyano doon. Ang tagapagtatag ng kongregasyon, si Inang Kabrini, ay nagnanais na magmisyon sa Tsina, ngunit masunuring sumunod sa panawagan ng Simbahan at nagsimula sa mahabang paglalakbay sa dagat. Dahil muntik na siyang malunod noong bata pa siya, nagkaroon siya ng matinding takot sa tubig. Gayunpaman, bilang pagsunod, siya...sa kabila ng dagat. Sa pagdating, nalaman niya at ng kanyang mga kapatid na babae na ang kanilang tulong pinansyal ay hindi pinahintulutan, at wala silang matitirhan. Ang matatapat na mga anak na babae ng Sagradong Puso ay nagtiyaga at nagsimulang maglingkod sa mga taong walang kinasa sakupan Sa loob ng ilang taon, ang kanyang misyon sa mga imigrante ay napakabunga kaya hanggang sa kanyang pagpanaw, ang may takot sa tubig na madre na ito ay gumawa ng 23 pagtawid sa Atlantic na paglalakbay sa buong mundo, na nagtatag ng mga pasilidad sa edukasyon at pangangalagang pangkalusugan sa France, Spain, Great Britain, at South America. Ang kanyang pagsunod at pagkaasikaso sa tawag na missionaryo ng Simbahan ay walang hanggang gantimpala. Ngayon, iginagalang siya ng Simbahan bilang patron ng mga imigrante at mga administrador ng ospital.
By: Shalom Tidings
MoreT – Natatakot ako sa kamatayan. Bagama't naniniwala ako kay Hesus at umaasa sa Langit, napupuno pa din ako ng pagkabalisa sa hindi batid. Paano ko mapaglalabanan ang takot sa kamatayan? S – Isipin na ikaw ay isinilang sa isang piitan at hindi nakikita ang mundo sa labas. Isang pinto ang nagbubukod sa iyo sa mundo sa labas—ang sikat ng araw, ang sariwang hangin, ang kasayahan...ngunit wala kang kuru-kuro sa mga mas maliwanag, magagandang bagay na ito, dahil ang mundo mo ay ang madilim, maamag na agwat na puno ng pagkabulok. Maya't maya, ang isang tao ay dumadaan palabas sa pintuan, upang hindi na babalik kailanman. Naaala mo ang pagkukulang nila, dahil kaibigan mo sila at nakilala mo sila sa buong buhay mo! Ngayon, isipin sandali na may napasok mula sa labas. Sinasabi Niya sa iyo ang lahat ng magagandang bagay na madadanasan mo sa labas ng piitan na ito. Alam Niya ang mga bagay na ito, dahil Siya Mismo ay galing na doon. At dahil mahal ka Niya, mapagkakatiwalaan mo Siya. Ipinapangako Niya sa iyo na sasamahan ka Niya palabas sa pintuan. Hahawakan mo ba ang Kanyang kamay? Tatayo ka ba at lalakad kasama Siya palabas ng pintuan? Ito ay nakakatakot, dahil hindi mo alam kung ano ang nasa labas, ngunit maaari kang magkaroon ng lakas ng loob na gaya ng meron Siya. Kung kilala mo Siya at mahal mo Siya, hahawakan mo ang Kanyang kamay at lalakad palabas ng pintuan patungo sa sikat ng araw, tungo sa magandang mundo sa labas. Nakakatakot, ngunit may pagtitiwala at pag-asa. Ang bawat kultura ng tao ay kinailangang makipagbuno sa takot sa hindi nababatid kapag tayo ay mnagllakad sa madilim na pintuan ng kamatayan. Pag mag-iisa natin, hindi natin batid kung ano ang nasa kabila ng tabing, ngunit kilala natin ang Isang tao na nagmula sa kabilang panig upang sabihin sa atin kung ano ang katulad ng kawalang-hanggan. At ano ang Kanyang inihayag? Sinabi niya na ang mga nailigtas ay “nasa harap ng trono ng Diyos, at naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa Kanyang templo, at Siya na nakaupo sa trono ay kakanlungan sila ng Kanyang presensya. Hindi na sila magugutom, ni mauuhaw pa man; hindi sila tatamaan ng araw, ni anumang nakakapasong init. Sapagkat ang Kordero na nasa gitna ng trono ay magiging kanilang pastol, at papatnubayan Niya sila sa mga bukal ng buhay na tubig, at papahidin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata." (Apokalipsis 7:15-17 ) Nagtitiwala tayo na ang buhay na walang hanggan ay sakdal na pag-ibig, masaganang buhay, sakdal na kagalakan. Sa katunayan, napakabuti nito na “Hindi pa nakikita ng mata, o nadidinig ng tainga, ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao.ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya.” (1 Korinto 2:9) Ngunit mayroon ba tayong anumang katiyakan na tayo ay maliligtas? Wala bang pagkakataon na hindi tayo makakarating sa makalangit na paraisong iyon? Oo, totoo na hindi ito garantisado. Gayunman, tayo ay napupuno ng pag-asa dahil “nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas at madating ang kaalaman ng katotohanan.” (1 Timoteo 2:3-4) Mas nais niya ang iyong kaligtasan kaysa sa naisin mo ito! Kaya, gagawin Niya ang lahat sa Kanyang kapangyarihan para dalhin tayo sa Langit. Ipinaabot na Niya sa iyo ang paanyaya, na isinulat at nilagdaan sa Dugo ng Kanyang Anak. Ang ating pananampalataya, na isinabuhay sa ating buhay, ang tumatanggap ng gayong paanyaya. Totoong wala tayong katiyakan, ngunit mayroon tayong pag-asa, at “hindi tayo binibigo ng pag-asang ito” (Mga Taga Roma 5:5). Tayo ay tinawag na lumakad nang may pagpapakumbaba at pagtitiwala, batid ang kapangyarihan ng Tagapagligtas, na “naparito upang iligtas ang mga makasalanan” (1 Timoteo 1:15). Sa praktikal na pagsasalita, mapaglalabanan natin ang takot sa kamatayan sa ilang paraan. - Una, tumuon sa mga pangako ng Diyos ng Langit. Madami pa siyang sinabi sa Banal na Kasulatan na pumupuno sa atin ng sabik na pag-asa na matanggap ang magandang kawalang-hanggan na inihanda Niya. Dapat tayong mag-alab nang may pagnanais para sa Langit, na magpapababa sa takot na iwan itong lugmok, wasak na mundo. - Pangalawa, tumuon sa kabutihan ng Diyos at sa Kanyang pagmamahal sa iyo. Hindi ka niya pababayaan, kahit na kapag dumaan sa hindi batid. - Panghuli, isaalang-alang ang mga paraan na Siya ay naroroon sa iyo noong kailangan mong pumasok sa bago at hindi kilalang mga lupain–pagpunta sa kolehiyo, pag-aasawa, pagbili ng bahay. Maaaring nakakatakot na gumawa ng isang bagay sa unang pagkakataon dahil may takot sa hindi batid. Ngunit kung ang Diyos ay naroroon sa mga bagong karanasang ito, lalo pang hahawakan Niya ang iyong kamay habang naglalakad ka sa pintuan ng kamatayan patungo sa buhay na matagal mo nang ninanais!
By: PADRE JOSEPH GILL
More