Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 20, 2024 5 0 Karen Eberts, USA
Makatawag ng Pansin

Ang Handog ng Tagapaghandog 

Ang Pasko ay sinasamahan ng pagkakaroon ng mga handog para sa bawa’t isa, ngunit ang handog ba ang talagang may kinalaman? 

Palakdaw-lakdaw na nag-uusisa noong mga taóng lumipas sa isang tindahan ng  Kristiyanang mga aklat kasama ng aking kasintahan ng panahong yaon, ang mga mata namin ay lumapag sa iisang larawan nang sabayan sa yaong tagpo.  Ito’y isang malaki’t makulay na paglalarawan ni Hesus na pinamagatang The Laughing Christ; na may ulo Niyang di-gaanong nakatapong pabalik, nakalugaygay nang kaunti ang madilim na kayumangging buhok na kumukulot, mga matang nangingislap sa tuwa!  Ito’y ganap na kabigha-bighani!  Nakita namin ang aming sarili na nakatitig sa di-gaanong tuwid na ngiti sa ilalim ng paksa ng kaakit-akit na tanaw ng larawan.  O, sadyang nakaaanyaya!  Sadyang nakatatanggap!  Pagkaakit-akit!

Sa pagsulyap mula sa pagkakawig na ito tungo sa isa’t isa, napamahagi namin ang pananabik na nadama ng isa’t isa sa pagtuklas nitong kakaibang pagpapakita ng tao na kapwa naming nakilala at napagkakatiwalaan sa huling mga ilang taon.  Kaming dalawa’y napalaki nang may mga estatwa at mga larawan ni Hesus sa aming kinaukulang mga tahanan, ngunit Siya ay palaging naisasalarawan na bilang taimtim, tila nakahiwalay sa buhay na karaniwan alam namin.  Bagama’t pinaniwalaan namin na ang taong ipinapakita sa mga larawang ito ay tunay na nanahan sa lupang ito at mandi’y nagdasal sa Kanya kapag mayroon kaming pangangailangan, ang panarili naming mga pananampalataya ay kamakailan lamang ay naging napakatunay… napakabuháy, pati.

Itong sapantaha ng pintor ay napaaninag na paano ang Panginoon sa kapwa naming pagtuklas ay magiging sino Siya sa aming mga buhay—isang taong kasama naming mapagbabahaginan ng aming buhay, isang taong nagmahal sa amin sa paraang hindi pa namin nalalaman noong dati, isang taong nagpahayag ng Kanyang sarili nang kami’y nagdasal.  Bilang kinahinatnan, ang aming pag-unawa ng Diyos ay nagbago mula sa pawang pangkatalinuhang pagsang-ayon ng Kanyang pag-iral tungo sa isang karanasan ng isang buháy, tumutugon at kahanga-hangang kaibigan; aming pinakamabuting kaibigan.

Kahit sa paglisan namin ng tindahan pagkalipas ng ilang sandali, ang aming masiglang pag-uusap ng paglalarawang ito ay nagpatuloy.  Ginapi nito ang aming mga puso, kahit wala sa aming dalawa ang nag-akmang bilhin ito.  Matapos akong makauwi, nalaman kong dapat na balikan at bilhin ko itong larawan.  Lumipas ang ilang mga araw, yao’y alinsunod na ginawa ko, maingat na ibinalot ito, at sabikang naghintay para  sa pagsapit ng Pasko.

Handog ng Karangalan

Ang mga araw ay lumipas hanggang sa wakas, Bisperas na ng Pasko.  Kasama ng mga pamaskong awit sa paligid, umupo kami sa sahig katabi ng masukal na huwarang pamaskong puno na inialay sa akin ng ina ko.  Nang ibinigay ko ang aking handog sa aking sinisinta, naghintay ako nang may pag-aasam na marinig ang pagkalugod niya habang kanyang tinitiktikan ang bagong relo, ito’y inilagay ko sa paa ng pinalamanang maliit na munting laruang aso na listong magdadala ng orasan.  Isang paungot na ‘salamat’ ang narinig kong sagot lamang.  Hindi bale, hindi yaon ang handog na alam kong magiging ganap.  Ngunit dapat munang buksan ko ang kanyang handog sa akin.

Habang inaabot ko upang tanggapin ito, ako’y bahagyang natuliro.  Ito’y napakalaki, parihaba, at patag.  Nang sinimulan kong buksan ito, hinihila ang pambalot na papel paalis mula sa regalo, nakita kong biglaan ang… aking larawan?!  Kagaya ng binili ko nang palihim para sa kanya?  Oo,yaon nga ito! The Laughing Christ.  Ang larawang naibigan ko nang labis ngunit sa halip na maging galak, ako’y nabigo.  Ito ang dapat na regalo niya.  Ang tanging alam kong ganap na ninais niya.  Sinubukan kong itago ang aking pagkabigo, lumalapit upang bigyan siya ng halik habang pinahahayag ko ang aking paghahalaga.  Pagkaraa’y inilalabas ko ang aking regalong  naibalot ko nang maingat na ikinubli ko sa puno, ibinigay ko ito sa layon ng aking pag-ibig.  Binuksan niya ito, pinipilas nang mabilis ang papel, ipinakikita ang laman ng pakete.  Ang mukha niya ay  may-pagkamasaya… o hindi ba?  O kaya ito’y bahagyang yukayok tulad ng hitsura ng aking mukha  kung hindi ko ito pinaghirapang ikubli sa pagkabigo ko mula sa kanya noong pagkakataon ko nang buksan ang isang handog?

Ay naku, kusa naming winika ang tamang mga salita, mangyari pa, ngunit kahit papaano ay natanto namin na ang mga handog na tinanggap mula sa isa’t-isa’y hindi makahulugang napalapit sa aming inaasahan.  Ang paghahandog ng yaong regalo ang kapwa naming   pinaghandaan nang lubusang pag-aabang.  Ipinaaninag nito ang Kristo na kapwa naming naranasan at ang aming hangad na ipamahagi kung sino ang bawa’t isa sa amin na narating upang makilala.  Yaon ang kung saan natagpuan ang ligaya, hindi sa pagkakaroon ng pagtatagpo ng mga nais, ngunit ang pagtutupad ng mga nais ng iba.

Sa takdang panahon, ang ugnayan ko sa binatang yaon ay nagwakas.  Habang ito’y masakit, ang maligayang larawan ni Hesus ay patuloy na sumakop sa isang bahagi ng karangalan sa aking pader.  Ngayon, ito’y higit pa bilang isang paglalarawan, at lalong higit pa sa isang lalaki lamang.  Ito’y nananatili bilang isang tagapaalala ng Isa na kailanma’y hindi ako lilisanin, ang Isa na may pakikipag-ugnayan sa akin,  ang Isa na magpapawi ng mga luha ko nang maraming ulit sa mga taóng dumaraan.  At higit sa yaon, ang Isa na gayong pagmumulan lagi ng tuwa sa aking buhay.

Matapos ang lahat, Siya ang buhay ko.  Yaong mga matang lukot ay nakilala ang mga akin.  Pagkaraan, yaong nakakaakit na ngiti ay inanyayahan ang mga sulok ng aking bibig na humilang pataas.  At sa ganoon lamang, ako’y tumatawa katabi ng aking Pinakamabuting Kaibigan.

Share:

Karen Eberts

Karen Eberts is a retired Physical Therapist. She is the mother to two young adults and lives with her husband Dan in Largo, Florida

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles