Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 22, 2024 16 0 Nadia Masucci
Makatawag ng Pansin

Ang Una kong Pagtitipan

Hindi mo mahuhulaan kung saan ako niyaya ng kasintahan ko sa unang pagtitipan namin!

Nakilala ko siya nang ako’y nasa bandang huli ng akig idad bente .  Sa una naming pagtitipan, tinanong niya kung gusto kong magpunta sa Pagsamba ng Banal na Sakramento.  Mula nang sandaling iyon, naging tagasamba na kami.  Makalipas ang isang taon, nag-alok na pakasal siya sa akin doon at ang ugnayan namin mula noon ay batay na kay Hesus na nasa Eukaristiya.

Sa tuwing mauupo ako sa harap ng Banal na Sakramento, ramdam ko’y parang ang bata na nagbigay sa Panginoon ng kanyang limang tinapay at dalawang isda. Kapag mag-alay ako ng isang oras ng aking panahon, pinadadami Niya iyon ng maka-ilang ulit na biyaya sa aking buhay.  Isa sa mga pinakamagandang bagay na nadanasan ko kapag inaalay ko sa altar ang aking mga pagkukulang, suliranin, kalungkutan, pangarap, at hangarin, ay ang matanggap ko ang kapayapaan, saya, at pagmamahal bilang kapalit.

Nang una kong simulan ang Pagsamba, nagtungo akong naglalayon na hilingin sa Diyos na baguhin ang mga tao o ang kanilang buhay.  Subalit kapag naupo ka sa Sambahan, sa harap ng Kanyang biyaya, isinasaboy Niya ang mga biyaya at bunga ng Banal na Espirito, tinutulungan tayong dahan-dahang matuto kung paano magpatawad at maging mas matiisin, mapagmahal, at mapagbigay-loob.  Ang kalagayan ko ay hindi nagbabago; sa halip, ako ang nagbabago.  Kapag ika’y naupo kapiling ng Panginoon, binabago Niya ang iyong puso, isip, at kaluluwa sa paraang masimulan mong pagmasdan ang mga bagay mula sa naiibang pananaw—sa pamamagitan ng mga mata ni Kristo.

Dati, nag-aasam ako ng yaman, katanyagan, at mga pakikipag-ugnayan, ngunit nang makilala ko Siya sa Banal na Sakramento, nadama ko ang hindi kapani-paniwalang pagmamahal na ito na bumuhos sa aking puso, na nagpabago sa aking buhay at pinupuno ang kawalan sa aking puso.

Nangungusap Siya sa aking puso at iyon ang nagbibigay sa akin ng pagmamahal at pampalubag-loob. Ito ay tulad ng isang pag-iibigan…  Noon pa man ay ninais ko ang hindi kapani-paniwalang pakiramdam ng pag-ibig na ito sa aking puso.  Siya ang Tagapagligtas na hinahanap ko at natagpuan ko Siya sa Pagsamba.  Hahanapin ka Niya, at matatagpuan mo ang kapayapaan sa iyong puso sa pananahan sa Kanya habang sinasamba mo Siya.

Share:

Nadia Masucci

Nadia Masucci Article is based on the interview given by Nadia Masucci on the Shalom World program “Adore.” To watch the episode, visit: shalomworld.org/episode/nadia-masucci

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles