Trending Articles
Ang buhay ay maaaring maging puno ng mga hindi inaasahang pagbabago at paglikoliko, ngunit makakaasa ka pa din sa pinakamabuti kapag sinimulan mong gawin ito.
Mga ganitong bahagi ng taon, mahigit limampu’t limang taon na ang nakalipas, may kumatok sa pintuan ng aming bahay. Wala kaming inaasahang sinuman. Sinagot ng aking ina ang pinto upang makaharap ang mga kaibigan at katrabaho na may daladalang mga kahon ng pagkain at mga laruan para Pamasko. Ang taóng iyon ay naging mapanghamong taon para sa aming mag-anak. Ang aking ama ay naparalisado nang tagsibol na iyon, kinailangan ng aking ina na itaguyod ang mag-anak, at ang salapi ay hindi sapat. Ang mga may di-kilalang-mukha na mga estangherong ito ay nagpamalas ng kagalakan at kaligayahan sa nakikinitang magawang maging mas masayasaya ang aming Pasko at mapagaan ang pasanin ng aking mga magulang. Ang alaala ay malalim na nakaukit sa aking isipan. Ang karanasang iyon ng di-inaasahang pangangailangan, nakak toatarantang kalungkutan,
sawing-palad na kawalan, at mahimalang pagtataguyod ay nakatulong na ako ay mahubog.
Mahirap unawain ang layunin kung bakit may nangyayari sa ating buhay. Ang mga Kristiyano ay inaasahang maniwala at tanggapin na sa pamamagitan ng kagalakan at kalungkutan sa buhay, ang Diyos ay tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa atin. Ang matandang kasabihan, ‘Ihandog mo ito,’ ay bihirang banggitin sa panahon ngayon, ngunit ito ay napakalinaw at madaling maunawaan sa aking paglaki. Namuhay ang aking mag-anak sa katotohanang ito bawat-araw sa aming tahanan.
“Gayun pa man, O Panginoon, Ikaw ang Ama namin; kami ang putik, at ikaw ang aming magpapalyok: kaming lahat ay gawa ng Iyong mga kamay.” (Isaias 64:8)
Isipin sandali ang umbok ng putik na ako. Nakikita ng Pinunong Magpapalyok ang kakayahan sa bunton ng putik na ito, isang anak na babae at kasangkapan para sa Kanyang mga layunin. Sa hindi hasang mata, malamang na maisip ng isang tao na isang tasa ng kape o lalagyanan ng sipilyo lamang, ngunit sa Poong Maykapal, ang umbok na ito ay may di-mailarawang sadya sa Kanyang balak, kapwa sa kasaysayan ng nakalipas at panahong walang hanggan. Ang mahigpit na kalagayan ay, ang umbok ay nagsisimula na isang pangkaraniwan, na nangngailangan ng natatanging paghubog para sa gawaing ipagagawa sa kanya.
Ang Magpapalayok ay di masupil at walang puknat. Siya ay may matibay na pasya, masinsinan, at mapanuklas. Alam Niya ang takbo ng kuwento, ang mga tauhan, at ang mga pangyayari kung saan ipapasok Niya ang Kanyang obra maestra, upang gawin ang Kanyang Kalooban. Alam niya ang mga pangyayari na maayos na bubuo at maghahanda sa kanya para sa gawaing ito. Walang bagay na maliit o di- makabuluhan sa paghubog sa kanya.
Maaaring magtaka siya kung bakit kailangang labis na magdusa ang kanyang ama, kung bakit kinailangan niyang mabilis na lumaki, at kung bakit ang kanyang hinaharap ay magbibigay sa kanya ng mga hamon kapwa mahusay at napakasakit. Siya ay lumuha habang naghihintay sa mga anak na naantala sa pagdating, nang sa gayon ay natutong higit na umasa sa Diyos at isuko ang kanyang mga inaasam sa Kanyang makapangyarihang pangangalaga.
Ang mga pagsubok ay nakatulong na mapakinang ang kanyang magaspang na mga batik at nagturo sa kanya na sumuko sa dampi ng Guro. Ang bawat detalye ay mahalaga, ang bawat pakikipagtagpo para sa Kanyang mga layunin at kalooban. Ang bawat pag-ikot ng gulong ng magpapalayok. at ang banayad na paggabay na haplos ng mga kamay ng Guro ay nagbigay ng kailangan para maging perpekto ang kanyang mga bahagi. Inihanda ang mga pagkakataon sa paglago, gayundin ang mga taong tutulong sa kanya habang nasa daan. Umaagos ang grasya habang ginagawa Niya ang lahat.
Tumingala ako at sinisilip ang realidad nito sa buhay ko. Pinaglaanan, binigay, at sinamahan ako ng Diyos sa bawat sitwasyon at pangyayari. Ito ay isip-nakakaloka upang mapagtanto kung gaano Siya naging matulungin sa lahat ng paraan. Ang ilan sa mga pinakamasakit na karanasan sa buhay ko ay naging pinaka-kapaki-pakinabang. Ang apoy ng tapahan ay parehong tumigas at pinipino, na nagpapalakas sa bagay para sa layunin nito.
Ang palayok ay maaari ring mas madaling mabasag kapag nahulog. Hindi ito ang wakas kundi isang bagong simula at layunin sa ekonomiya ng Diyos. Katulad ng ‘kintsugi,’ ang sining ng Hapon sa pagkukumpuni ng sirang palayok gamit ang mga pinong metal na hinaluan ng barnis, maaari tayong gawing muli ng Diyos sa pamamagitan ng pagkasira ng buhay. Patuloy akong lumalaki at paulit-ulit na ginawang muli. Wala sa mahirap na mga aralin ang walang kabuluhan o malas. Sa halip, tinulungan nila akong maging anak na umaasa sa Diyos—nagtitiwala at sumuko nang walang reserba. Oo, Panginoon, patuloy Mo akong hinuhubog at hinuhubog, dinadalisay ang aking puso at sinasariwa ang aking kaluluwa.
Salamat, Ama, sa hindi pagsuko sa bukol ng putik na ito sa tuwing sumisigaw ako: “Tumigil ka na, hindi ko na kaya.” Binuo at nakilala mo ako, sinubukan at sinubok mo ako, at natagpuan mo akong karapat-dapat, dalangin ko.
Maglaan ng oras ngayon upang pag-isipan kung paano ka nabuo, inihanda at binigay ng magpapalyok sa iyo upang gawin ang Kanyang mabuting gawa sa iyo at para sa Kanyang Kaluwalhatian. Ito ay tunay na isang magandang bagay na pagmasdan.
Barbara Lishko has served the Catholic Church for over twenty years. Married to Deacon Mark for over forty-two years, she is a mother of five, a grandmother of nine, and counting. They live in Arizona, USA, and she frequently blogs at pouredmyselfoutingift.com
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!