Trending Articles
Abalang-abala akong tinuturuan ang aking mga anak ng lahat tungkol sa pananampalataya, na tuluyang nalimutan ko itong isang mahalagang aral…
“Teka! Huwag mong kaligtaan ang Agwa Bendita!” Ang anim-na-taong-gulang kong lalaki ay nagpasyang siya’y handang magpasimuno ng mga dasal bago matulog. Inaalog ang botelya ng Agwa Bendita—baka sakali lamang na ang ‘bendita’ ay nalunod sa kailaliman—binasbasan niya kami at nagsimula: “Diyos, iniibig Ka namin. Ikaw ay mabuti. Iniibig Mo kami. Iniibig Mo kahit ang mga masama. Pinasasalamatan Ka namin, o Diyos. Amen.” Ang nagulantang na pananahimik ko ay sumanib sa buong silid. Itong payak na dasal ay sukdulang sumaling sa puso ko. Kapapakita lamang ng anak ko sa akin kung paanong manalangin na may pagkukumbaba ng isang anak ng Diyos.
Bilang isang magulang, minsan ay mahirap para sa akin ang humakbang palabas sa ‘pinaglakihan’ kong gawing-isip. Iginugugol ko nang labis ang aking sigla sinisikap na matulungan ang mga anak ko na mahubog sa mabuting mga gawi at mapalaki sa pananalig, ngunit kadalasan ay napagwawalang-tanaw ko ang mga itinuturo ng aking mga anak sa pagmahal kay Hesus. Noong itinipon ng anak ko ang kagitingan at nagdasal nang malakas, ipinaalala niya sa akin na ang payak at kusang-loob na dasalin ay mahalaga sa aking arawing pakikipag-ugnayan kay Kristo. Naipakita niya sa akin na, bagama’t may nadadamang di-tiyak o malamya, ang aking dalangin ay ikinalulugod pa rin ng Panginoon.
Bilang mga matatanda, ang paikot-ikot na pananalimuot ng buhay ng mag-anak, mga takdaan, at mga tungkulin sa paghahanap-buhay ay kadalasang nakasasaid sa atin at ginagawang mahirap na makipag-usap sa Panginoon nang may kapayakan. Si Santa Teresa ng Calcutta ay naintindihan itong tunay na hamon at nag-alay ng ilang payo sa kanyang mga Misyonera ng Kawang-gawa na mga madre: “Paano kayo magdasal? Kayo ay dapat sumamo sa Diyos tulad ng isang musmos na bata. Ang bata ay walang kahirapang ipahayag ang kanyang munting isip sa mga salita, ngunit ang mga ito’y naipahahayag nang lubusan… Maging katulad ng isang batang munti.” Kusang ipinakita ni Hesus sa atin ang kahalagahan na matututunan mula sa mga bata: “Tinawag Niya ang isang bata, at ihinarap sa kanila ang bata. At Siya’y nangusap: ‘Tunay na sinasabi Ko sa inyo, hangga’t hindi kayo nagbabago at nagiging musmos na mga bata, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit. Kaya, sinuman ang makapaggagampan ng mapagkumbabang lagay ng batang ito, ay ang pinadakila sa kaharian ng Langit.” (Mateo 18:2-4)
Paano ako at ikaw matututong magdasal tulad ng isang bata? Una, hilingin sa Diyos ang giting at kababaang-loob, at anyayahan ang Banal na Ispirito upang alalayan ka. Sunod, humanap ng tahimik na pook na malayo sa ingay at teknolohiya. Simulan ang iyong dasal ng tanda ng Krus at ang iyong tinatanging pandasalang ngalan para sa Diyos. Nalaman ko sa pakikipag-usap na ang paggamit ng ngalan ng isang tao ay nakapagtataimtim ng ugnayan. (Ang ngalan para kay Hesus sa wikang Hebreo–Yeshua—ay nangangahulugang ‘ang Panginoon ay kaligtasan’ kaya kapag ikaw ay hindi tiyak sa ngalan na gagamitin, maging payak lamang. “Hesus” ay sapat na!)
Ngayon, panahon na upang makipag-usap sa Panginoon. Magdasal nang malakas, bukal sa loob, sabihin sa Diyos anuman ang dumating sa isip mo, sabihin sa Kanya bagama’t ito’y saliwa o nababalot ng pagkalito. Hindi pa rin tiyak kung saan magsisimula? Pasalamatan ang Diyos para sa isang bagay, hingin sa Kanya na baguhin ang iyong puso, ipagdasal ang isang tao sa pangalan nito. Gawin ang iyong makakaya at dulutan ng tiyaga ang iyong sarili. Ang iyong umaayon na kalooban na matuklasan ang kapayakan ng dasal tulad ng isang bata ay lubusang ikalulugod ng Panginoon. Ang Diyos ay kinagigiliwan ang Kanyang mga anak!
Samakatuwid, tanggapin ang anyaya na matuto mula sa iyong mga anak. Magkakasama kayong makakapag-aral na pumunta patungo sa isang higit na mataimtim na kaugnayan kay Kristo. Manalangin para sa giting at pagpapakumbaba habang natututong makipag-usap sa Panginoon. Gawing kusa ang layunin, at matutuklasan ang ligaya at kapayakan ng pananalangin bilang isang anak ng Diyos!
Jody Weis is a wife, mother and teacher. She has been a spiritual director for more than 10 years. She and her family live in the Midwest, USA.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!