Trending Articles
Ang magarang kalakasan ni Sarah ay ang kanyang kakayahan na makatanaw ng himala sa bawa’t saan siya tumingin; pangarap mo bang mayroon ka rin nito?
Kapag nag-iisip tayo ng mga himala, ang isip natin ay lumulukso sa makukulay na mga balangkas ng tubig na nagbabago sa alak, ang bulag na biglaang nakakakita, at ang patay na muling nakababangon. Ang bagay na madalas nating hindi mapagtuunan ng pag-unawa ay ang mga himala ay nangyayari bawa’t-araw. Ang mga ito ay hindi napagtatakdaan sa para bagang sinaunang mga salaysay ng Banal na Kasulatan, o napagtatakdaan sa bihirang makababalaghang mga pangyayari sa mga buhay ng mga Santo—isang bagay na iniisip natin ng may-katiyakang hindi magyayari kailanman sa atin. Si Albert Einstein ay ang nagwika nang minsan: “Mayroong dalawang mga paraan upang mabuhay—maaari kang umiral na animo’y walang anumang himala, o nabubuhay ka na tila ang bawa’t bagay ay himala.” Ang susi na nakahanda sa pagbubukas nitong paraan ng buhay ay nasa kaloob-looban natin. Kapag pumapayag ang ating mga sarili na makita ang Diyos sa bawa’t munting bagay na umiiral sa ating araw, binubuksan natin ang ating mga sarili upang makakamit ng mga himala.
Isa sa mga tanging homilya na nagugunita ko nang malinaw mula sa aking kamusmusan ay binuksan ang takdang-isip sa kaloob-looban ko. Tanda ko pa ang salaysay na sinabi ng pari sa altar. Isang babae ang nagsasalaysay noong siya’y naghahabol na makarating sa isang pagpupulong at gipit na umaasang makahanap ng mapaparadahan sa isang napakasukal na dakong paradahan. Sa kawalan ng pag-asa, siya’y nagdasal sa Diyos at humiling na hanapan siya ng bukas na patlang. Bilang kapalit, nangako siyang magbigay ng masaganang mga kakanin sa panlunsod na pangkawanggawa. Nang matapos siyang magdasal, isang sasakyan ang daliang umalis ng pinaradahan sa kanyang harapan. Iniisip na siya ang kusang nakahanap ng patlang, siya’y dagsaang tumugon sa Diyos: “Kalimutan mo na lamang.” Napakabilis nating isawalang-halaga ang pakikialam ng Diyos at mga himala na lumaladlad sa atin bawa’t-araw!
Ang aking arawing buhay ay puno ng mga himala, ngunit ako’y hindi na higit na pinagpala o natatangi kaysa sa sino pa man. Kalimitan kong nakikita ang lahat ng ito bawa’t-araw. Kung ano ang hinahanap mo, matatagpuan mo. Kung ano ang tinatanggihan mong makita, kailanma’y hindi mo matutuklasan. Sa aking sariling buhay, mayroon nang sangkatutak na ulit na nakasalubong ko ang biyaya at pamamagitan ng Diyos sa di-inaasahang mga paraan, mga paraang halos lahat ng mga tao’y tinatanggal sa listahan o nalampasang mapuna.
Noong ako’y nagsisimula pa lamang na linangin ang higit na taimtimang pananalig, ako ay pumunta sa isang pang-eskuwelang paglalakbay sa Quebec sa Canada. Yaon ang naging unang taon kong nagsisimulang dumalo ng Misa na walang mintis tuwing Linggo ngunit dahil bilang isang baguhan sa higit na tapat na pagsasabuhay ng aking pananampalataya, hindi nasaling sa isip ko na hindi ako makadadalo sa Misa ng yaong katapusan ng linggo. Ang lakbayan ay lubos na pinatnubayan ng mahigpit na itineraryo at ang mga tagapamuno ay namamatnubayan sa bawa’t gagawin namin. Nilibot namin ang bayan, dinalaw ang mga tindahan, at pumunta sa mahabang lakaran patungo sa isang talon, lahat ng karaniwang mga ginagawa sa pagliliwaliw ng seglar na paglalakbay ng isang Pranses na klase.
Bagama’t sa yaong Linggo, di-inaasahang huminto kami sa isang pambayang Katedral. Nang kami’y pumasok, habang maraming mag-aarál ang dumako sa museyo ng Simbahan o nahangaan ang likhang sining, ngunit natanto ko na ang Misa ay nagsimula na nang bahagya bago kami nakarating. Hindi lamang ako nakadalo ng Misa, ngunit ang pagsasa-ayos ng tagpo ay lubusang ganap na nagawa ko pang makatanggap ng Komunyon bago pa dapat kaming lumulan sa bus nang muli at umalis. Sa totoo, ang Diyos ay nakagagawa ng paraan kapag tila wala nang iba.
Isa sa kinagigiliwan kong mga Nobena ay yaong kay Santa Teresa ng Lisieux, ang munting Bulaklak. Bago pa sa kanyang pagpanaw, si Santa Teresa ay nangakong magpadala ng sambulat ng mga rosas sa yaong mga naghahangad ng kanyang madasaling pagtulong. Ang mga diwa ng Nobena ay nagsisimula: “Santa Teresa, ang munting Bulaklak, ipahintulot mong makapitas ka ng isang rosas mula sa Halamanan ng Kalangitan at ipadala mo ito sa akin na may pahatid na pag-ibig, hingin mo sa Diyos na ipagkaloob sa akin ang pabuyang isinasamo ko sa iyo at sabihin sa Kanya na iibigin ko Siya bawa’t araw nang parami at parami.”
Sa katapusan ng Nobena, ang mga matapat ay nasabing nakatatanggap ng rosas bilang isang katibayan mula kay Santa Teresa. Walang mintis, bawa’t tanging isang panahon, mayroon akong rosas na di-inaasahang nakahantad sa aking dinaraanan, kahit nasa gitna ng taglamig. Sa isang pagkakataon, idinasal ko ang Nobena sa kanya, at sa huling araw, ako’y walang sadyang kabalakang nakatanggap ng isang handog na rosaryo–ang salitang “rosaryo” ay nangangahulugang “isang tanikala ng mga rosas.”
Sa hanay ng dalawang linggo, idinasal ko ang Nobena para sa mahalagang layon na walang sinumang sinasabihan; dalawang sunod na linggo, sa ikahuling araw, nagkaroon ako ng dalawang taong tumuturo sa isang magandang rosas na nakita nila sa isang halamanan. Sa isa pang pagkakataon, idinarasal ko ang Nobena para mapagpasyahan kung ang kapatid kong lalaki ay dapan lumipat sa isang bagong paaralan o hindi; kami’y naligaw habang nagmamaneho, at ang GPS namin ay idinala kami sa isang masalimuot, wala-sa-landas na rota na ipinadpad kami sa harap ng isang gusaling may pagkalaki-laking makahoy na rosas sa tabi nito!
Noong napinsala ko ang aking likod at nagsimulang mawala ang aking karera sa pagsasayaw ng baley, nadama kong ako’y hindi napagpapatnugutan. Ang seglar na daigdig ay nagawa akong madama na napaglilingatan ko ang layon ng Diyos para sa kabuuhan ng aking buhay. Nagugunita ko na ako’y lumuluha at nananalangin sa Diyos isang araw, tinatanong ko kung ano ang dapat kong ginagawa.
Nakapagsimula na akong makunan ng mga larawan ang pangkat na putbol ng kapatid ko; ilan sa mga kaibigan niya ay humingi at bagkus ay nakagiliwan ang mga retrato nang lubos. Nang tumigil ako at binuksan ang aking telepono, nakita ang isang puná sa paskil ng instagram na itinatampok ang mga retrato ng kapatid ko at kanyang mga kaibigan: “Itong mga retrato ay kahangahanga; ipagpatuloy mo lamang ang ginagawa mo sa iyong potograpya.”
Yaon ang mga salitang ninais kong marinig—isang ganap na ganap na binigkas na sagot na ang Diyos lamang ang nakaalam na aking tinatanong. Palagi akong kumuha ng mga larawan na humantong sa pagiging napaka-makahulugan sa mga batang lalaking tumanggap ng mga ito.
Ang Diyos ay iniibig tayo nang lubos. Nais Niyang ipakita sa atin ang Kanyang pag-ibig sa pangkaraniwang payak na mga paraan araw-araw. Maging bukas sa pagtanggap sa pag-ibig na ito, at kapag tayo’y ganito, ipinahahayag Niya ito sa mga pook na kailanma’y hindi natin naisip na mahanap noong nakaraan. Tanawín ang mga mapaghimala sa karaniwang mga tagpo. Asahan mong makatagpo ng magandang mga bagay sa iyong pagdaraanan. Ipagdiwang ang mga bulaklak na itinatanim ng Diyos upang sa gayo’y makikita mo ang mga ito sa pagtungo mo sa iyong trabaho. Pahalagahan ang hindi kakilalang isinusugo ng Diyos upang matulungan ka sa pangangailangan mo sa tuwina. Isipin na ikaw ay kailanma’y hindi naiwang mag-isa bagkus ang Diyos ay kasama mo sa iyong paglalakad bawa’t-araw. Tulutan lamang Siya na sumaiyo.
Sarah Barry is a student at the University of St Andrew’s in Scotland pursuing a degree in Biblical Studies. Her love of writing has allowed her to touch souls through her Instagram blog @theartisticlifeofsarahbarry.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!