Makatagpo
Pananalig sa Oras ng Paghihirap
Ang mga paghihirap ay nag-iiwan ng bakas sa buhay natin sa lupa, ngunit bakit ito pinahihintulutan ng Diyos?
Mga dalawang taon na ang nakalipas, ako ay sumailalim sa taunang kong pagsusuri sa dugo at nang bumalik ang mga kinalabasan, sinabi sa akin na mayroon akong ‘Myasthenia Gravis.’ Magarbong pangalan! Ngunit ako o ang sinoman sa aking mga kaibigan o kamag-anak ay hindi pa nakadinig tungkol dito.
Nahiraya ko ang lahat ng kilabot na maaaring harapin ko. Nabuhay nang may kabuuang 86 na taon, sa panahon ng pagsusuri, nadanasan ko ang madaming sindak. Ang pagpapalaki ng anim na lalaki ay puno ng mga hamon, at nagpatuloy ang mga ito habang minamasdan ko silang bumuo ng kanilang mga pamilya. Hindi ako nawalan ng pag-asa; ang biyaya at kapangyarihan ng Espirito Santo ay palaging nagbigay sa akin ng lakas at pagtitiwala na kinailangan ko.
Sa kalaunan ako ay umasa kay G. Google upang matuto nang higit pa tungkol sa ‘Myasthenia Gravis’ at matapos basahin ang mga pahina ng kung ano ang maaaring mangyari, natanto ko na kailangan ko lang na magtiwala sa aking manggagamot na tulungan akong makayanan ito. At inilagay naman nya ako sa mga kamay ng isang dalubhasa. Dumaan ako sa isang mahirap na pagsubok kasama ang mga mas bagong dalubhasa, pagbabago ng mga gamot, madami pang paglalakbay sa pagamutan, at sa kalaunan ay kinakailangang pagsuko ng aking lisensya. Paano ako makakatagal? Ako ang syang nagmamaneho ng mga kaibigan patungo sa iba’t ibang mga kaganapan.
Matapos ang madaming talakayan sa aking doktor at pamilya, sa wakas ay napagtanto ko na panahon na upang itala ang aking pangalan para sa matanggap sa isang pansariling pagamutan. Pinili ko ang Loreto Pansariing Pagamutan sa Townsville dahil magkakaroon ako ng mga pagkakataon na mapaunlad ang aking pananampalataya.b Napaharap ako sa madaming kuro-kuro at payo—lahat ay matuwid, ngunit nanalangin ako para sa patnubay mula sa Banal na Espiritu. Tinanggap ako sa Loreto Home at nagpasya akon na tanggapin kung ano ang inaalok. Doon ko nakilala si Felicity.
Isang Malapit sa Kamatayan Na Karanasan
Ilang taon na ang nakalipas, nagkaroon ng 100-taong-baha sa Townsville at isang maayang bagong labas ng bayan ang nalubog sa tubig na karamihan sa mga bahay ay binaha. Ang bahay ni Felicity, tulad ng lahat ng iba sa labas ng bayan, ay mababa, kaya mayroon syang mga 4 na talampakan ng tubig sa buong kabahayan. Habang ginagawa ng mga sundalo mula sa Army Base sa Townsville ang malawakang paglilinis, ang lahat ng mga residente ay kailangang maghanap ng alternatibong tirahan na mauupahan. Nanahan siya sa tatlong magkakaibang paupahan sa loob ng sumunod na anim na buwan, alinsabay sa pagtulong sa mga sundalo at nagsisikap na gawing muling matirhan ang kanyang tahanan.
Isang araw, nagsimula siyang makaramdam nang hindi mabuti at ang kanyang anak, si Brad, ay tumawag sa doktor, na nagpayo na dalhin siya sa pagamutan kung hindi umigi ang kanyang pakiramdam. Kinaumagahan, nakita siya ni Brad sa sahig na namamaga ang mukha at agad na tumawag ng ambulansya. Pagkatapos ng madaming pagsusuri, napag-alamang siya ay may ‘Encephalitis,’ ‘Melioidosis’ at ‘Ischemic attack,’ at nanatiling walang malay sa loob ng ilang linggo.
Ang kontaminadong tubig-baha na tinawid niya anim na buwan na ang nakalipas, ay lumalabas na nag-ambag sa impeksyon sa kanyang utak ng galugo at utak. Habang palubog-palutang ng ulirat, si Felicity ay nagkaroon ng malapit-kamatayang karanasan:
“Habang ako ay nakaratay na walang malay, naramdaman ko ang aking kaluluwa na nililisan ang aking katawan. Ito ay lumutang at lumipad nang napakataas patungo sa isang magandang espirituwal na lugar. May nakita akong dalawang tao na nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanila. Iyon ay ang nanay at tatay ko —napakabata nilang pagmasdan at tuwang-tuwa silang ako ay makita. Habang sila ay nakatayo sa isang tabi, nakakita ako ng isang bagay na kamangha-mangha, isang nakamamanghang mukha ng Liwanag. Ito ay ang Diyos Ama. Nakakita ako ng mga tao mula sa bawat lahi, bawat bansa, naglalakad nang magkapares, ang ilan ay magkahawak-kamay…Nakita ko kung gaano sila kasaya na makasama ang Diyos, damang nasa tahanan sa Langit.
Nang magising ako, labis akong nadismaya na iniwan ko ang magandang lugar ng kapayapaan at pag-ibig na pinaniniwalaan kong Langit. Ang pari na umaasikaso sa akin sa buong mgdamag ko sa pagamutan ay nagsabi na hindi pa siya kàilanman nakakita ng sinumang tumauli tulad ng ginawa ko noong ako ay nagising.”
Kasawiangpalad Na Naging Pagpapala
Sinabi ni Felicity na palagi siyang may pananalig, ngunit ang karanasang ito ng kawalan ng timbang at kawalan ng katiyakan ay sapat na upang tanungin ang Diyos: “Nasaan Ka?” Ang trauma ng 100-taong pagbaha, ang malawakang paglilinis pagkatapos, ang mga buwan ng pagsasaayos ng kanyang tahanan habang naninirahan sa mga paupahan, kahit na ang siyam na buwan sa pagamutan kung saan wala siyang gaanong alaala ay maaaring naging kamatayan ng kanyang pananampalataya. Ngunit sinabi niya sa akin nang may pananalig: “Ang aking pananalig ay mas matibay kaysa dati.” Naaalala niya na ang kanyang pananampalataya ang tumulong sa kanya na harapin ang kanyang pinagdaanan: “Naniniwala ako na nakaligtas ako at nakabalik, upang makita ang aking magandang apo na mag-aral sa isang Mataas na Paaralang Katoliko at tapusin ang Panlabindalawang Taon. Siya ay tutuloy sa Pamantasan!”
Ang pananalig ay naniniwala sa lahat ng bagay, nagpapagaling sa lahat ng bagay, at ang pananalig ay hindi nagwawakas.
Kay Felicity ko natagpuan ang sagot sa karaniwang tanong na maaaring makaharap nating lahat sa isang dako ng buhay: “Bakit pinahihintulutan ng Diyos na mangyari ang masasamang bagay?” Sasabihin ko na binibigyan tayo ng Diyos ng kalayaan. Ang mga tao ay maaaring magpasimula ng masasamang pangyayari, gumawa ng masasamang bagay, ngunit maaari din tayong tumawag sa Diyos na baguhin ang pangyayari, baguhin ang puso ng mga tao.
Sa katotohanan, sa kapuspusan ng biyaya, Siya ay makapagbibigay ng kabutihan kahit na sa kahirapan. Kung paanong dinala Niya ako sa nursing home upang makilala si Felicity at madinig ang kanyang magandang salaysay, at kung paanong si Felicity ay nagkaroon ng lakas ng pananalig habang siya ay gumugol ng walang katapusang mga buwan sa ospital, magagawa ng Diyos na ang iyong mga paghihirap ay maging kabutihan.
Ellen Lund ay isang ina ng anim na kaibig-ibig na mga anak na lalaki, isa sa kanila ay nagmamatyag sa kanyang pamilya mula sa langit. Siya ay naging bahagi ng Catholic Women's League sa loob ng 60 taon at kasalukuyang nananahan sa pangangalaga sa matatanda sa Townsville, Australia.
Related Articles
Dec 04, 2021
Makatawag ng Pansin
Dec 04, 2021
Bilang isang mahinahon at mabait na babae, si Mary Zhu Wu ay pinahalagahan para sa kanyang huwarang pananampalataya. Siya ay ina ng apat na anak at nanirahan kasama ang kanyang asawang si Zhu Dianxuan, isang pinuno ng nayon sa nayon ng Zhujiahe sa Lalawigan ng Hebei ng Tsina sa dako ng kalagitnaan ng mga taong 1800s.
Nang sumiklab ang Rebelyon sa Boxer at ng mga Kristiyano at mga dayuhang misyonero sila ay pinagpapaslang, ang maliit na nayon ay tumangkilik ng humigit-kumulang na 3000 na mga Katolikong lumikas mula sa mga kalapit na nayon. Ang kura paroko na si Padre Léon Ignace Mangin, at kapwa Heswita na si Padre Paul Denn, ay nag-alay ng pang-araw-araw na Misa at nakinig ng mga pangungumpisal sa buong araw sa oras ng kaguluhan na iyon. Noong Hulyo 17, humigit-kumulang sa 4,500 na mga miyembro ng Boxers at ang imperyo ng militar ang sumalakay sa nayon. Nagtipon si Zhu Dianxuan ng halos 1000 kalalakihan upang ipagtanggol ang nayon at pinangunahan niya ang labanan. Matapang silang nakipaglaban sa loob ng dalawang araw ngunit namatay si Zhu nang mag-backfire ang kanyon na kanilang nakuha. Lahat ng mga kayang lumikas, ay tumakas sa baryo na puno ng takot.
Sa ikatlong araw, ang mga sundalo ay nakakuha ng lagusan na papasok sa nayon at pinagpapatay ang daan-daang mga kababaihan at bata. Humigit kumulang na 1000 na mga Katoliko ang nagkanlong sa simbahan kung saan binigyan sila ng mga pari ng pangkalahatang pagpapawalang-sala at naghanda para sa isang huling Misa. Bagama't nagdadalamhati para sa kanyang asawa, nanatiling kalmado si Mary Zhu Wu at pinayuhan ang mga nagtitipon na magtiwala sa Diyos at manalangin sa Mahal na Birheng Maria. Sa bandang huli ay winasak ng mga sundalo ang pintuan ng simbahan at nagsimulang magpaputok nang sapalaran, tumindig si Mary Zhu-Wu na may kamangha-manghang lakas ng loob: Ipinuwesto niya ang kanyang sarili ng nakaunat ang mga braso sa harap ni Padre Mangin upang gawing kalasag ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, siya ay tinamaan ng bala at nahulog sa dambana. Pinalibutan ng Boxers ang simbahan at sinunog ito upang patayin ang mga nakaligtas, kasama sina Father Mangin at Denn sa nasusunog hanggang sa mamatay habang ang bubong ng simbahan ay tuluyan ng gumuho.
Hanggang sa kanyang huling hininga, si Mary Zhu Wu ay nagpatuloy na palakasin ang pananampalataya ng mga kapwa mananampalataya at pinaigting ang kanilang tapang. Pinasigla sila ng kanyang mga salita upang madaig ang takot at yakapin ang pagkamartir. Dahil sa kanyang makapangyarihang pamumuno, dalawa lamang sa mga Kristiyano ng Zhujiahe ang tumalikod. Noong 1955, idineklara ni Papa Pius XII na siya ay, Pinagpala kasama ang dalawang Heswita at maraming iba pang mga martir; lahat sila ay na-kanonisahan ni Papa Juan Paul II noong 2000.
Sep 17, 2021
Makatagpo
Sep 17, 2021
Mararamdaman mong ikaw ay naliligaw at nag-iisa. Lakasan mo ang iyong loob, sapagkat alam ng Diyos kung nasaan ka!
Sa paliguan, mag-isa, maaari akong sumigaw nang walang nakakadinig. Malakas na pumatak ang tubig sa aking tuktok habang winawasak ng kalungkutan ang aking puso. Ang pinakapangit na pangitain ang naglaro sa aking isipan, isang maliit na ataol at isang pagpanaw na napakabigat pasanin. Parang pinisil ng isang kasamaan, kumirot ang aking puso, kirot na mas higit pa sa isang pisikal na sakit, at pinahirapan ng isang mapang-api at nakakaupos na pakiramdam. Binalot nito ang buo kong katauhan. Hindi mapapagaan ang sakit ng kahit ano man at walang sinumang makapagbibigay sa akin ng ginhawa.
Ang pagdurusa ay bahagi ng pagkatao, talagang di maiiwasan. Isang natatanging krus ang nakahugis para pasanin ng bawat isa sa atin na; ngunit hindi ko ginusto ang isang ito. Napahagod ako sa ilalim ng bigat nito. "Panginoon, pakibigyan mo ako ng ibang krus, hwag ito; hindi ko madadala ang isang ito. Tatanggapin ko ang anumang sakit, karamdaman, anupaman, hwag lang ito, hwag ang aking anak. Napakalaki nito; hindi ko kaya, maawa Ka,” ang pagsusumamo ko. Nakaramdam ako ng pagduduwal, nasuka at napasadlak sa sahig ng paliguan, humihikbi.
Walang saysay ang aking 'Hindi' /'Hwag'. Ang tanging landas pasulong ay ang pagsuko. Pagal at pagod na pagod, nagdasal ako, "Kung hindi Mo papalitan ang krus na ito, Panginoon, mangyaring bigyan Mo ako ng lakas para pasanin ito. . . (ang imahe ng isang maliit na ataol ay muling sumulpot sa aking isipan). . . saan man ako dalhin nito. Tulungan Mo po ako. Hindi ko ito makakaya nang wala Ka.”
Ang aking maliit at kagiliw-giliw na anak ay na-ospital dahil sa malubhang kalagayan. Sa loob ng walong araw tinabihan ko siya sa kanyang katreng pang-ospital. Hindi nabahala ng kanyang karamdaman ang kanyang diwa ngunit hindi na siya gaya ng dati. Mga pasang matingkad na kulay rosas at lila ay nagkalat sa kanyang mga pisngi, na tumawid sa kabila ng tulay ng kanyang ilong at sa mga braso at binti. Ang gamot na nagbigay kaginhawahan sa kanya ay nagpamaga sa kanyang mukha at katawan. Pag siya ay tulog, na halos hindi naman nangyayari, pahagulgol akong nakakatulog. Ang pagdarasal, pagkalinga at pag-uga sa kanyang maselang katawan ay ang tanging maiialay kong tulong sa kanyang pakikipaglaban para mabuhay. Binasahan ko siya at ginuhitan ng mga karikatura sa isang laruang pagmanetikong pagguhit na ibinigay sa kanya bago siya naospital. ito para sa aming dalawa. Bagaman hindi ako gumuhit kailanman, sa aking pagsisikap na bigyan siya ng kaunting kagalakan, bigla kong napagtanto na madali para sa akin ang gumuhit.
Sa wakas, siya ay nakalabas nang ospitall na may isang plano sa pagpapagaling, pag-asa, at isang panalangin para makaramdam ng ginhawa sa sakit . Ang aming bagong pangkaraniwan na pamumuhay ay nagsimula. Iminungkahi ng aking ina na siyasatin ko ang aking bagong-tuklas na kakayahang gumuhit. Magkasama kaming kumuha ng klase sa isang lokal na talyer ng sining sa pagguhit. Pinapagdala kami ng guro ng larawan na nakapagpapatinag sa amin. Isang Christmas card na nakalarawan ang Mahal na Ina hawak ang Sanggol na Hesus ang pinili ko ng. Inisip ng guro na dahil kulang ako sa karanasan at pagsasanay, dapat akong gumuhit ng mas pangkaraniwan , tulad ng isang bulaklak. Humarap ako sa kanya at nagsabing, "Ang aking anak ay patay na sana ngunit siya ay buhay. Si Hesus at ang Mahal na Ina ang mahalaga sa akin. Sila ang nagpapatinag ng damdamin ko." Nanlaki ang mga mata niya. "Oh, wala akong ideya tungkol sa anak mo. Patawad. Siguraduhin mong mamanmanan ang iyong 'prinsipyo.'" Nalito ako. Tanong ko, "Ano ang kaugnayan ng aking moralidad sa larawan ko?" "Magaan at madilim na 'prinsipyo'," malumanay niyang sagot. "Oh, okay," sabi ko, medyo napahiya.
Hinarap ko ang aking pinagpipinturahan , pumikit at nagdasal, "Banal na Espirito, tulungan Mo akong gumuhit ng larawan na makakatulong sa iba na mahalin at kailanganin nila sina JHesus at Maria gaya nang pangangailangan ko sa Kanila ngayon." Sa aking pagguhit, umasa ako sa lakas, pagmamahal, at talino ng langit na tulungan ako. Naipahayag ko ang aking hangarin sa aking sa pamamagitan ng sining. Bawat bagong gawa ay isang panalangin at kaloob mula sa Diyos.
Isang umaga, paglabas ko ng simbahan matapos ang Misa, isang pari na dumadalaw ang lumapit sa akin, nagsabing, "Nang nasa bahay ako ng iyong kapatid, nakita ko ang iginuhit mong larawan ng anghel at ni Kristo sa Hardin ng Gethsemane habang Siya ay naghihirap. Lubha akong natinag dahil dito. Sinabi sa akin ng iyong kapatid ang tungkol sa iyong anak at kung paano mo natuklasan ang iyong kakayahang gumuhit sa gitna ng iyong paghihirap. Ang iyong sining ay tunay na isang pagpapala na nagmula sa pagdurusa, isang handog.”
"Salamat." Sagot ko, "Sya nga. Sa balik-tanaw, ang masining na handog na ito ay isang babala, sa pakiramdam ko.”
"Bakit? Ano ang ibig mong sabihin?” tanong niya.
"Ang pagpinta ay nagbigay sa akin ng ibang pananaw sa bawat bagay. Natuklasan ko na ang kaibahan ng dilim at ng liwanag sa isang larawan ay lumilikha ng lalim, yaman at ganda. Pag walang liwanag, ang kadiliman ng pinta ay isang walang saysay na kailaliman. Ang kadiliman ng pagdurusa ay tulad ng kadiliman sa isang larawan. Nang wala ang ilaw ni Kristo, nagbanta ang pagdurusa na lamunin ako sa kalaliman ng kawalan ng pag-asa. Nang isuko ko ang aking pasakit at katayuan kay Hesus, nasadlak ako sa Kanyang mapagmahal na bisig at sumuko sa Kanyang panukala para sa aking buhay. At si Kristo, ang Dalubhasang Pintor, ay ginamit ang kadiliman ng aking pagdurusa upang mapalambot ang aking puso na syang nagbigay ng puwang sa sampalataya, habag, pag-asa, at pagmamahal na lumago sa kalooban ko. Ang ilaw ni Kristo ay nagbigay liwanag sa kadiliman at nagdala ng madaming pagpapala mula sa mga pagsubok sa aking anak, sa aking buhay may asawa at sa aming pamilya."
"Nauunawaan ko na. Totoo talaga. Tinutularan ng sining ang buhay, at ang pagdurusa na nakikiisa kay Kristo ay nagdudulot ng dakilang pagpapala. Purihin ang Diyos,” bulalas niya.
"Amen," Sang-ayon ko.