Home/Makatagpo/Article

Jul 07, 2024 96 0 Deacon Jim McFadden
Makatagpo

Humayo at Ihayag sa Mundo

Maging saan ka man, maging anuman ang ginagawa mo, ikaw ay ganap na tinawag dito sa isang dakilang misyon sa buhay. 

Sa bandang gitna ng labinsiyam na walumpung dekada, si Peter Weir na katutubo ng Australia ay lumikha ng kanyang unang pelikulang Amerikano, isang matagumpay na kapanapanabikang palabas, Witness, na itinampok si Harrison Ford.  Ito ay isang sine tungkol sa isang batang sumasaksi sa pagpatay ng isang sikretang alagad na isinagawa ng mga kurakot na kasamahan sa pulisya, at siya’y itinagong palayo sa isang anibang komunidad ng mga Amish upang makupkop.  Sa pamumukadkad ng salaysay, ginugunita niya kung ano ang nangyari sa paraan ng pagkukumpuni ng mga piraso at pagkatapos, ihinahayag niya sa katauhang ginagampanan ni Ford na nagngangalang John Book (bigyang-pansin ang pananagisag ng Ebanghelyo).  Ang sine ay naglalaman ng mga tanda ng isang saksi: isang nakakakita, nakagugunita, at naghahayag.

Pag-ikot nang Pabalik 

Si Hesus ay nagpakita Kanyang sarili sa pinakaloob-loobang sirkulo Niya upang ang katotohanan ng Kanyang Muling Pagkabangon ay maabot nito ang bawa’t tao sa pamamagitan nila.  Iminulat Niya ang mga isip ng Kanyang mga alagad sa hiwaga ng Kanyang Pagkamatay at Pagkabuhay sa mga salitang: “Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito” (Lukas 24:48). Nang Siya’y nakita na ng kanilang sariling mga mata, ang mga Apostol ay hindi makapanatiling tahimik tungkol sa di-kapanipaniwalang karanasang ito.

Kung ano ang totoo para sa mga Apostol ay totoo rin para sa atin dahil tayo’y mga kaanib ng Simbahan, ang niluwalhating Katawan ni Kristo.  Binigyan ni Hesus ng karapatan ang Kanyang mga alagad sa utos na ito, “Gayundin, humayo kayo at mag-alap ng mga alagad sa lahat ng mga bansa, sila’y bibinyagan ninyo sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Ispirito Santo.” (Mateo 28:19) Bilang mga misyonerong alagad, tayo’y sumasaksi na si Hesus ay buháy.  Ang tanging paraan lamang na maaaring matupad itong misyon nang buong sigasig at pagkataimtim ay ang pagtanaw sa pamamagitan ng mga mata ng pananampalataya na si Hesus ay bumangon, na Siya’y buháy, at naririto  ngayon na sumasaatin at kapiling natin.  Yaon ang nagagawa ng isang saksi.

Sa pag-ikot nang pabalik, paano ‘matatanaw’ ng isa ang Bumangon na si Kristo?  Si Hesus ay nagbilin sa atin: “Maliban lamang kung ang isang butil ng trigo ay mahuhulog sa lupa at mamamatay, ito’y nananatiling nag-iisa; ngunit kung ito’y mamamatay, magbubunga ito ng maraming prutas.” (Juan 12:23-24) Sa madaling sabi, kung totoong nais nating ‘makita’ si Hesus, kung nais nating malaman Siya nang malabis at katangi-tangi, at kung nais nating maintindihan Siya, kailangan nating tumanaw sa butil ng trigo na namamanaw sa lupa: sa ibang salita, kailangan nating tumanaw sa Krus.

Ang Tanda ng Krus ay nagpapahiwatig ng puspusang pagpalit mula sa pansariling-sanggunian (Ego-drama) hanggang sa pagiging nakatutok kay Kristo (Theo-drama).  Sa sarili nito, ang Krus ay makapagpapakita lamang ng pag-ibig, paglingkod, at walang pinaglalaanang pag-aalay ng sarili.  Ito’y sa pamamagitan lamang ng lubos na paghahandog ng sarili para sa pagpapapuri at luwalhati ng Diyos at kapakanan ng iba upang makita natin si Kristo at makagawi sa Santatluhang Pag-ibig.  Sa ganitong paraan lamang na tayo’y maaaring maipaghugpong sa ‘Puno ng Buhay’ at totoong ‘matatanaw’ si Hesus.

Si Hesus ay Buhay na kusa.  At tayo’y matatag na nakakiling upang matagpuan ang Buhay pagka’t tayo ay nilikha sa wangis ng Diyos.  Yaon ang dahilan kung bakit tayo’y nakahalinang pumatungo kay Hesus—upang ‘matanaw’ si Hesus, makilala Siya, malaman Siya, at ibigin Siya.  Yaon lamang ang paraan upang tayo’y magiging mabisang mga saksi sa Nabuhay na si Kristo.

Ang Nakatagong Binhi 

Tayo rin ay dapat tumugon nang pagsaksi sa isang buhay na inialay sa paglingkod, isang buhay na naiwangis sa Landas ni Hesus, isang buhay na lubos na paghahandog ng sarili, para sa kabutihan ng iba, ginugunita na ang Panginoon ay sumapit sa atin bilang mga tagapaglingkod.  Bilang pangkaraniwang tanong, paano natin ito maisasabuhay nang puspusan?  Sinabihan ni Hesus ang Kanyang mga alagad: “Kayo ay magkakamit ng kapangyarihan kapag ang Banal na Ispirito ay sasapit sa inyo; at kayo’y magiging mga saksi Ko.’ (Mga Gawa 1:8) Ang Banal na Ispirito, tulad ng Kanyang ginawa noong ikaunang Pentekostes, ay ipinapalaya ang ating mga puso na nagapos ng kadena ng pagkatakot.  Ginagapi Niya ang ating pagtututol upang magawa ang kalooban ng Ama, at Siya’y nagdudulot ng kapangyarihan upang tayo’y makapagbigay ng saksi na si Hesus ay Bumangon, Siya ay buháy at naririto ngayon at magpakailanman!

Paano ito nagagawa ng Banal na Ispirito?  Sa pagpapanibago ng ating mga puso, pagpapatawad ng ating mga sala, at pagpapalaganap sa atin ng pitong mga biyaya na nakapagbibigay-sigla sa atin upang sundin ang Landas ni Hesus.

Sa paraan lamang ng Krus ng nakatagong binhi, nakahandang mamatay, na tunay na ‘makikita’ natin si Hesus at dahil dito’y makapagbibigay ng saksi kay Hesus.  Sa paraan lamang ng pag-uugnay ng kamatayan at buhay na tayo’y makararanas ng ligaya at kahitikan ng isang pag-ibig na dumadaloy sa puso ni Kristong Nabuhay.  Sa paraan lamang ng kapangyarihan ng Ispirito na matutuntunan natin ang kapunuan ng Buhay na isinaalang-alang sa atin na hinandog ng Diyos.  Kaya, sa pagdiriwang natin ng Pentekostes, ating pagtibayan sa tulong ng biyaya ng Pananampalataya na maging mga saksi ng Nabuhay na Panginoon, at madala ang Banyuhayang mga handog ng ligaya at kapayapaan sa mga taong nakasasalamuha natin.  Aleluya!

Share:

Deacon Jim McFadden

Deacon Jim McFadden mga ministro sa Saint John the Baptist Catholic Church sa Folsom, California. Siya ay isang guro ng Teolohiya at naglilingkod sa pagbuo ng pananampalataya at espirituwal na direksyon at sa ministeryo ng bilangguan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles