Recent Interviews
Namumukod na Pagpapanayam kasama si Sean Nelson, Pambatas na Tagapayo ng Global Religious Freedom, ADF International
Bilang katutubo ng Florida, ako’y napalaking isang Kristiyano. Naisawala ko ang aking pananampalataya nang saglit na matapos akong lumipat sa Los Angeles para sa kolehiyo, mula sa paglalahok ng hindi pagkakatagpo ng isang naaayon na simbahan at paghihirati sa lahat ng mga bago at halos lahat ng radikal na mga palagay sa mga klase at mula sa mga kaklase. Kaya ako’y patas na madaling naging isang ateista at sadyang isang aktibista, lumalahok pati sa aktibismo at mga gawain sa pangangalap ng pondo para sa Kaliwa at Mapag-unawa na mga layon hanggang sa wakas ng kolehiyo at para sa maikling panahon pagkaraan nito.
Habang nasa paaralan ng mga gradwado sa Irvine, California, nagawa kong mapahinahon ang pamumulitika ko dahil sa mga ilang pagbabasa, tanging napahanga ako ng akda ni Edmund Burk na pinamagatang Reflections on the Revolution sa bansang Pransiya, ngunit hindi ko pa rin matagpuang muli ang aking pananampalataya hanggang sa ikalawang taon ko ng pag-aaral ng abogasya na, kung saang lupalop pa ay sa paaralan ng Harvard, at tila para sa akin, ito’y sukdulang biglaan. Ito’y lumalabas na mangulang-ngulang na siyam na mga taon simula nang nawala ko ang aking pananalig.
Sa lahat nitong panahon bilang ateista, wala akong inaalalahanang pangingilabot sa pananampalataya bilang kuru-kuro. Nagkaroon ako ng ilang kaibigang mga Kristiyano, at lagi ko silang ginalang at patuloy kong iniisip na si Hesus ay isang dakilang lalaki, ngunit iniisip ko lamang na sila’y ganap na mali, na ang Diyos, habang isang kuru-kuro na nakapaglahad na ng dakilang pagpapahalaga at mga gawa ng sining, ay hindi dapat maipaliwanag ang mundo o mapanatili ang mahalagang buhay. Tinanggihan ko ang maging mapaghinala at hindi ko nais na hindi makapagpasya.
Sa dami ng pansariling mga dahilan, sa ikalawang semestro ng aking pag-aaral ng abogasya, ako’y nagpasyang tunay na magnais na pag-ukulan ng panahon na muling pahalagahan ang mga bagay sa buhay ko, at ‘pagbutihan ang aking sarili.’ Ako’y datirating nagkaroon ng madalas at mahahabang pilisopikong mga pakikipag-usap sa aking mga kasambahay, at isang usapin ay nagbigay ng malakas na talab sa akin. Madalas na akong may matayog na pagkiling sa paksa ng kagandahan at mga karilagan. Nakapag-aral na ako ng Ingles at Kasaysayan ng Sining, sa baytang ng malapit na magtapos at nakapagtapos, at nagsilbi sa galerya ng sining, mga pelikula, mga sentro sa pagtatanghal upang makapagbayad lamang ng upa, bago makapamuhat sa pag-aaral ng batas.
Ang bagay na naging alalahanín para sa akin sa yaong mga pakikipag-usap ay ang pagdama ko na pinahahalagahan ko ang kagandahan nang lubos, ngunit sa napakahabang panahong yaon, ang kagandahan ay nabawasan ng halaga sa daigdig ng sining at panitikan, at mandi’y nasangkot sa paghihinala. Para sa akin ang mga nakaraang kapanahunan ay nakayang lumikha ng mga dakilang gawa ng sining dahil naniwala sila na ang kagandahan ay may ilang mga kahalagahan at angking tiyak na kapangyarihan.
At kaya, inisip ko, hindi ba taliwas na ang kagandahan ay tilang binibigyang-diin, sa gayunmang mahamog na paraan, sa nalalabing kabuluhan ng higit na dakilang katotohanan, at hindi ba ito tilang malinaw sa dakilang mga gawa ng sining at panitikan sa tanang dako ng kasaysayan? Tila wala namang tumpak na pangkalikasang paliwanag para sa yaon—kahit ako man lamang ay hindi makapamahagi ng isa—at kaya inisip ko na yao’y nagpapahiwatig ng isang uri ng walang-kinalaman-sa pangkalikasan o kahima-himalang paliwanag, isang uri ng telyolohiya, o pag-aangkop ng kagandahan tungo sa katotohanan. Na makapagtataas ng tanong kung sino o ano ang makapagpapatnugot ng yaong dama sa loob natin. Ang magiging malinaw na sagot ay ang Diyos. Kaya ako’y may lalo pang nakababahalang sapantaha na hindi ako makapagpapatuloy na maniwala sa kahalagahan ng kagandahan sa mundo na walang pagpapalagay sa isang Diyos na lumikha ng kahalagahan ng kagandahan.
Upang matagpuan ang pinakamabuting pangangatwiran sa Diyos, ako’y naghanap ng mga naipagtagubiling aklat sa internet at binasa ang Orthodox ni G. K. Chesterton. Ito’y nauwi sa aking pagkabagsak sa sahig. Ang aklat ay kahanga-hangang ipinaliwanag ang mga hangganan ng isang walang-halong paraan ng pangangatwiran ng pag-iisip, ito’y ipinasang-ayon ako na ang Kristiyanismo ang may pinakamabuting paliwanag ng tila-bagang mga kabaliktaran sa buhay. Mga bagay na lubusan kong pinahahalagahan—kusang pag-aalay ng pag-ibig, dahilan, matimtimang pag-iisip, kalayaan—ay walang saysay, tulad ng kagandahan, kung wala ang Diyos na nakapaglikha ng mga yaon para sa tao na napamatnugot ang mga ito para sa kanyang pangwakasang kabutihan.
Kaya ngayon ako’y nakatagpo ng marami pang mga saligan upang hamunin ang aking hindi-makadiyos na mga paniniwala. Isa sa mga biyayang para sa akin ay nagmula sa Diyos ay ang aking malimit na pagiging labis na pagtutumiyak sa katunayan ng mga bagay na pinagkakakilingan ko at isinabubuhay ang yaong katotohanan. At kaya, ako’y may napakalinaw na pagpapasya. Nakikilala ko na ako’y naging mali sa nakalipas na siyam na taon, at namumuhay ayon sa Kristiyanong pananalig, na nangangahulugang maraming ipagbabago sa aking buhay. O maaari kong isawalang-bahala ang tilang napakalinaw sa akin sa tagpong yaon, at ipagpatuloy ang aking buhay tulad ng dati, nalalaman na ako’y kusang namumuhay sa kasinungalingan at sa sala. At kaya dalawang linggo pagkaraan ng pagbasa ng aklat, ako’y nagdasal noong isang gabi sa unang pagkakataon sa loob ng siyam na taon. Hiniling ko sa Diyos na patawarin ako sa aking kawalang-paniwala at tulungan akong mamuhay nang nararapat.
Sa sumunod na Linggo, ako’y sumimba. Hindi ko masyadong alam ang tungkol sa detalye ng ekumenismo, kaya pumunta ako sa kaisa-isang simbahan sa Boston na napagdalasan ko na, ito’y ang Simbahang Emmanuel Episcopal, gawa ng mga napagdaluhan kong mga pagganap doon ng tugtutuging klasiko. Sila ay may komunyon para sa lahat. Kaya ako’y tumanggap ng komunyon yaong Linggo, at nagkaroon ng napakalakas na dama, na halos katulad ng isang pananaw, sa tagpong ito na ang pinakamahalaga ay ang katawan at dugo ni Hesus sa Yukaristiya.
Sinimulan kong isaalang-alang ang iba’t ibang denominasyon sa mga sumunod na buwan. Nais kong maging bahagi ng isang simbahan na mayroong Tunay na Presensya sa Eukaristiya at mga orthodox na aral-panlipunang kaya sinimulan kong taimtim na isaalang-alang ang Katolisismo. Ang higit na nagpahanga sa akin ay ang pagkakapare-pareho ng mga turo ng Katolisismo sa mga panahong lumipas, mula sa mga turo nito sa Eukaristiya hanggang sa maka-buhay nitong saksi at mga turo sa pamilya.
Ang aking pangunahing walang linaw ay ang panukala tungkol sa kapapahan, ngunit sinimulan kong makita ang aking mga isyu dito higit sa lahat ay nakuha mula sa mga dati nang umiiral na hindi matwid na opiniyon. Nang tingnan ko ito upang tingnan ito tulad ng gawi ni Saint John Henry Newman, bilang isang nakikitang tagagarantiya at tanda ng pagkakapare-pareho at pagkakaisa ng Simbahang Katoliko mula sa mga Ama ng Simbahan hanggang sa madami pang henerasyon ng panahon, nalampasan ko ang mga paghihirap na iyon. Napagpasyahan kong hindi makatuwirang subukan na maghanap ng Katolikong simbahan maliban para sa Papa, kaya gumawa ako ng matatag na kapasyahan na maging Katoliko sa pagtatapos ng tag-init na iyon noong 2015.
Pumasok ako sa programa ng RCIA sa St. Paul sa Harvard Square nang taglagas na iyon. Sa panahong ito, nabuo ang interes ko sa kalayaan sa relihiyon at namasukan bilang isang research assistant sa mga isyu ng kalayaan sa relihiyon sa isa sa aking mga guro. Nuong Sabado de Gloria ng 2016, ako ay nakumpirmahan at pumasok sa Simbahang Katoliko. Dahil ang mga isinulat ni Santo Tomas Aquinas ay nagbigay sa akin ng pinaka kapani-paniwalang mga sagot sa lahat ng aking mga katanungan, kinuha ko si Thomas bilang aking kumpirmasyon na pangalan.
Nagbalik ako sa Los Angeles matapos ang pagtatapos para magsimulang mamasukan sa isang malaking paglilitis na kumpanya. Kami ng asawa ko ay ikinasal nang sumunod na taon noong 2017. Di-nagtagal, nagsimula akong magkaroon ng malakas na pakiramdam na, habang nag-e-enjoy ako sa trabaho ko sa bahay-kalakal, nais kong gamitin ang aking buhay at bokasyon para sa mas malaking misyon. Ganyan ako nagsimulang magtrabaho para sa pandaigdigan na kalayaan sa relihiyon noong 2018 at lumipat sa bahagi ng Washington, D.C.
Isa sa mga bagay na pinakagusto ko sa aking kasalukuyang gawain ay ang makita ang hindi kapani-paniwalang pananampalataya ng mga tao na nahaharap sa ilan sa pinakamatinding pag-uusig na maiisip, sa Sub-Saharan Africa, Middle East at North Africa, at Asia. Isang pagpapala na makilala at matulungan ang mga taong ito, na mga tunay na bayani at mga santo, at nagpapatotoo sa Ebanghelyo sa ilalim ng pinakamahihirap na kalagayan. Dalangin ko na lagi sana akong
may pananampalataya kay Kristo na mayroon sila.
Sean Nelson currently works as a Legal Counsel for Global Religious Freedom with ADF International. He lives with his wife and four children in Washington, D.C.
Want to be in the loop?
Get the latest updates from Tidings!