Home / Interview

Dec 26, 2024 23 0 Kiro Lindemann

Ang Bomba na Nagwasak sa mga Buhay Namin  

Ang pagsalakay ng mga terorista sa Simbahan Kristiyano sa Alexandria noong taóng 2011 ay nag-iwan ng isang malalim na butas sa buhay ni Kiro, ngunit siya’y hindi handang sumuko; hindi pa! 

Ito ay Araw ng Bagong Taon ng 2011, dalawampung minuto pagkaraan ng hatinggabi.  Ako’y nagpapaalam sa aking mga kaibigan sa loob ng Simbahan ng Al-Qiddissine sa Alexandria ng Ehipto.  Ang mag-anak ko’y naghihintay sa akin sa labas ng simbahan nang ako’y nagulantang dahil sa isang pagsabog sa labas.  Dalawampu’t-tatlong buhay ang nawala sa araw na yaon, at siyamnapu’t- pito ang napinsala, mga iba sa kanila’y malubha.  Ang ina kong si Theresa, ang kapatid kong babae na si Mary, at ang tiya kong si Zahi ay kasama sa mga namatay, at ikalawa kong kapatid na babaeng si Marina, ay lubhang napinsala.  Ang kasal ni Mary ay nakatakda para sa sumunod na linggo.

Kaming apat ay nakasimba at maligayang tinanggap ang taóng 2011 na may pagpupuri, ngunit ngayo’y pabalik akong pauwi na mag-isa.  Sa isang kisap-mata, winasak ng bomba ang buong buhay ko.  Ang aking ama, na hindi na nakadadalo ng pagsimba gawa ng panghapbuhay na mga kadahilanan, ang kaisa-isang naligtas.

Sa gulang na labinsiyam, hindi ko ninais na matanggap na ang aking ina ay hindi na buhay, at sa mahabang panahon, hindi ko maunawaan na ang kapatid ko ay namatay.  Si Marina, na natirang buhay, ay napagbadyaang mapuputulan ng dalawang mga paa.  Kinailangan niyang magdanas ng paulit-ulit na mga pagtitistis.  Sa pangkatawang pangangailangan, siya’y nakapagbuting lubos, ngunit hindi pa rin siya makaahon mula sa makabagbaging sanhi sa kaisipan.  Kung bagá’y ang isang bahagi niya’y  ganap nang pumanaw sa yaong nakasasawing Bisperas ng Bagong Taon.

Pang-araw-araw na Pag-uusig

Bilang isang minoridad sa Ehipto, ang pag-uusig ay talagang karaniwan para sa amin.  Lumaki ako na iniisip na kami’y hindi kaaya-aya’t nakapandidiri.  Sa mga mata ng nakadaraig na anib, ang mga Kristiyano ay tinuring na isang pagkakamali ng Diyos.  Kami ay inaapi sa paaralan at malimit na sinasaktan ng mga guro nang walang dahilan maliban sa dahil kami ay mga Kristiyano.  Kahit ang inaaniban naming pananampalataya ay nakasulat sa kard ng pagkakakilanlan, at kami’y madaling makilala sa mga pangalang tawag sa amin.  Bilang isang bata, ako’y mayroon pang tatô sa aking bisig–isang Krus–kaya kapag ako’y nakidnap, madali akong malalaman na isang Kristiyano.

Palagi kong tinatanong ang ina ko kung bakit dapat naming magdusa nang labis, kahit na wala kaming nagagawang  anuman na mali.  Bakit kami kinasusuklaman para sa pagmahal kay Kristo at paniniwala na dapat naming ibigin ang kapwa namin tulad ng aming sarili?  Tumugon ang aking ina: “Ang iyong pananampalataya ay ang pinakamahalagang bagay na mayroon ka sa buhay.   Isang karangalan ang magdusa para sa ngalan ni Hesus.”  Ang kanyang mga salita’y laging nagbigay-sigla sa pananampalataya ko.  Malimit niya akong sabihan: “Ang panahon natin sa lupa ay maikli.  Sa isang tagpo, kailangan nating umalis, ngunit ang tanong ay:  Makakarating nga ba tayo sa Langit?  Sapagka’t yaon ay ang ating tahanan.”  Ngayon nalalaman ko na siya’y  nakapunta na sa kanyang tahanangbayan bilang isang matapat na saksi.

Ang Pagdurusa ba’y isang Karangalan? 

“Kapag ikaw ay may brilyante na nais agawin ng isang tao mula sa iyo, hihigpitan mo ang paghawak nito nang mabuti.  Ito’y kagaya ng pananampalataya.”  Itong mga diwa mula sa ina ko’y laging nag-iwan ng malalim na sapantaha sa aking puso, at nararanasan ko ang katotohanan sa mga ito ngayon.  Sa kabila ng pagkawala ng aking pinakamakapit na mga mag-anak, hindi ako naging mapait dahil alam kong kasama ko ang Diyos at Siya lamang ang aking pag-asa.  Sa dalamhating ito, tinanganan ko Siya nang mahigpit higit pa sa dati.

Sa napakahabang panahon, pinag-isipan ko kung bakit ako, sa dinirami ng mga tao, ang nakaligtas ng pagsalakay.   Ako’y hindi napalalayo nang sampung metro mula sa pagsabog; kung hindi sa tulong ng matigas na pintuan ng simbahan, ako’y hindi maaaring narito upang ipamahagi itong salaysay.  Ako pa nga ay nakadama ng sala dahil ang aking mga kamag-anakan ay naghihintay sa akin noong ang bomba ay kumitil sa kanilang mga buhay.  Kung nilisan ko ang simbahan nang  may-kabilisan, nasa daan na sana kami pauwi sa bahay bago nangyari ang pagsabog, at maaring buhay pa rin sila.  Ngunit nang matapos ang paghahalimhim ng may kahabaan at kabigatan, sa huli ay ipinaubaya ko ito kay Hesus.  Ang pinakamaliit na ninais ko ay lumusong sa kawalaan ng pag-asa at pagkaawa sa sarili.  Sa pagdarasal, ako’y tumahak upang matagpuan ang sagot.

Habang nasa lupa, si Hesus ay isang anluwagi na nagpuputol at naghuhugis ng kahoy hanggang ito’y naging likha ng sining.  Siya’y naglilikha sa atin sa ganitong paraan din.  Kinikinis at hinuhugis Niya tayo hanggang tayo’y maging kung anong nais Niya tayo na maging.  Kaya ako’y nagtitiwalang may panukala ang Diyos sa buhay ko.  Sa kabila ng lahat, alam ko mula sa mga Kasulatan na ang Diyos ay ginagawa ang lahat para sa mga nagmamahal sa Kanya (Mga Romano 8:28).

Pagtuklas Muli ng Saya

Sa mga taóng sumunod sa pagkawala, sinikap kong maging masigla sa politiko sa aking inang-bayan ngunit ako’y napagbantaan kaagad nang pag-aalala.  Noong 2014, gumawa ako ng napakaraming hakbang na lisanin ang bansa, ngunit bilang isang Ehipsiyo, hindi ako makakuha ng bisa para sa Yuropa.  Kaya tinahak ko ang isang masalimuot na daan at wakasang nakarating sa Yuropa pagkalipas ng mga buwanang paglalakbay.

Ang araw na nakaapak ako nang ganap sa lupa ng Yuropa ay ang pinakamasayang araw ng buhay ko.  Ngunit kahit sa kaunaunahang bansa na aking nilapagan, ako’y ninais na paalisin dahil ang pagmamalupit ng mga Kristiyano sa Ehipto ay  hindi sapat na usapin para sa pagkukubli doon.  Kaya ako’y ganap na tumakas patungong Alemanya kung saan ako napagkalooban ng asilo at kaagad na natutunan ang wika.  Sa dami ng mga nakakapagod na lipad at pagkaraa’y sa aking kublihan, wala akong mapagkatiwalaan kundi ang aking Diyos!  Inakay Niya akong palagi.

Nang nalaman ko sa huli, ang bomba sa simbahan ay pinaputok ng isang nag-alay-ng-buhay na tagabomba, at sa mahabang panahon, hindi ko mapatawad ang mananalakay.  Ngunit ngayon, sa daan nitong paglalakbay ng pagtitiwala kay Hesus at sa Kanyang walang-mintis na pag-ibig, nakarating ako sa patlang na ako rin ay makapdarasal para sa kanya.  Sa pagbaling ko ng tingin, nakikita ko kung paano ako nabantayang lagi ng Diyos sa lahat ng nakalipas na mga taóng ito at pinagkakalooban lagi ng mga bagong handog.

Sa Enero ng 2020, pagkaraan ng mga taón ng pagtataguyod ng kapayapaan, binigyan Niya ako ng natatanging handog—natagpuan ko ang aking kabiyak, Theresa Maria, napangalanan ng tulad ng sa aking yumaong ina’t kapatid na babae.  Siya’y isang guro sa bayan ng Münster.  Ang mag-anak na nagawa kong simulan na kasama siya ngayon ay puno ng ligaya at pag-asa, ang puwang na winaglit ng pagsalakay mula sa aking buhay.

Kiro Lindemann

Kiro Lindemann lives in Münsterland with his wife, Theresa, and their two young children. The couple is actively involved in the Catholic community start-up Emmanuel House Ministry.

Share: